Ikaapat na Kabanata
You have two lives left. Try again?
❥Yes
No
Hawak-hawak pa rin ni Clea ang leeg niya at hindi mawala sa isip ang nangyari.
Wala na ngang dugo pero ang mga ginintuang hibla ay nakalugay pa rin sa kanyang balikat.
Nang madako ang tingin sa baba ay napatalon siya. Bigla siyang napatakip ng bibig at pilit pinigilan ang pagsusuka nang mapagtanto kung ano ito.
Pulang likido ang dumadaloy sa katawang nasa paanan niya. Eksaktong-eksato ang mga dilaw nitong buhok sa kanya — ang tanging katangiang mawawari niya sapagkat halos hindi na makilala ang itsura nito. Ngunit, bakas pa rin ang marka sa leeg nito kung saan siya inatake kanina.
Idagdag pa na pamilyar ang ganap na 'to sa kanya. Iyon lang, bagkus na nakatingin sa cellphone niya, ngayon, nakahandusay na ito sa harap niya.
Dali-dali siyang lumingon sa pulang panel at pinindot ang 'No' pero bagong babala ang sumunod.
Grimm Warning
Action denied. Try again. The game will resume on Day 1.
'Edi wow! Para sa ano pa ang choices na 'to?' reklamo niya sa loob-loob habang kinakalma ang sarili.
Ayaw na ayaw niya na maulit ang nangyari pero kailangang niyang tanggapin ang lahat ng ito. Lalo na ng makita ang babaeng duguan sa tabi niya.
Ang A Fairytale Wish ay base sa kwentong ng heroine na napunta sa loob ng libro. Malaki ang pagkakataon na siya rin ay napunta sa mundo ng larong 'to at gaganap bilang heroine.
Iyong masaklap lang, ay napunta siya sa kaharian ni Cinderella — ang character route na hindi niya malampasan. Pero anong pinagsasabi nitong dalawang buhay na lang ang natitira?
Biglang may sumagi sa isip niya.
"Gusto kong kausapin si Grimm Guardian," sabi niya, tukoy sa boses na parang robot na lumlitaw sa laro. Kumbaga, ito ang narrator at tumutulong sa pagbigay ng mga tips at turiorial.
Grimm Warning
Language cannot be identified. Default settings applied.
Napakunot-noo siya pero napagtanto rin kaagad ang problema. Ang buong laro ay nakasulat sa English kaya 'di talaga siya nito maintindihan.
"I want to talk to Guardian of Grimm," saad niya uli.
Grimm Warning
Request denied. Guardian of Grimm can only be accessed in-game.
"Then tell me why I am here."
Grimm warning.
Request denied. Answers are given after the completion of Quest #1.
Kung nasa harap niya lang siguro ito ay baka masakal niya na ang system sa pagkayamot.
Ni wala nga siyang ideya kung bakit siya napadpad rito. Lima lang naman sila ang naglalaro pero bakit parang siya iyong nakajackpot?
Grimm Warning
The princess must make a choice now.
Malaking buntong-hininga ang kumawala sa kanya bago pinindot ang 'Yes'.
Sa sandali ring iyon, unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata habang saksi sa pagbago ng kanyang kapaligiran. Tila'y isang ilusyon lang ang lahat at ang mga bakas ng pagdanak ng dugo ay tuluyang lumaho.
Bumalik siyang naka-upo sa kama tulad ng una niyang paggising. Hindi pa nga niya naprosesa lahat ay kumalampag na naman ang pintuan at lumitaw uli ang asul na panel.
Pinili niya pa rin ang pagbuksan ito ng pinto dahil ayon sa laro, kailangan niyang makita ang madrasta upang matrigger ang unang quest.
"What are you gawking at, idiot? Mother is calling you," sabi nitong katulad na katulad sa script pagkabukas ng pinto.
Imbes na sumagot ay tumango lamang siya tulad ng naalala niyang ginawa ni Cinderella sa umpisa.
'Di nagtagal ay lumabas na ang blue screen.
With an annoyed huff, Ingrid turns her head.
❥You call her.
You follow her.
You go back to your room.
Ngayon, pinili niyang sundan ito. 'Di tulad nang nakasanayang mga ilaw, mga nakasinding kandila ang nagsisilbing gabay nila patungo sa paroroonan.
Mga naka-ilang minuto rin bago sila makarating sa salas. Tulad ni Ingrid, ay may dalawang gumagalaw na bangkay ang nakaupo sa mahabang sofa. Dali-dali namang lumapit si Ingrid sa kanila.
Ngunit hindi pa nakaupo ay matinis na boses kaagad ang umulyaw sa paligid.
"What are you here for? Get out!" sigaw ng naka-berdeng damit na nasisigurado niyang si Giselle, ang panganay sa kanila. "Mother, I hate her idiocy. Why does she have to be here?"
"That's right, Mother, why did you order me to get this servant? She doesn't deserve to set foot in this place."
"Simmer down, darlings." Salungat sa mga anak niya, sobrang malumanay ng tono nito na tila isa siyang napaka-ulirang ina.
Dala nang madilim na paligid ay halos magkaprehas lang silang tatlo. Sino ba naman ang kayang tukuyin and bawat isa kung parehas lang silang kalansay na nagdadamit tao?
Ngunit, alam kaagad ni Clea kung sino sa kanila ang inain ni Cinderella. Si Lady Ainsworth ay kilala sa laro bilang kolektor ng mga alahas. Kahit puro buto na ito ay ay balot pa rin siya ng mga kumukinang na bato.
Kahit malayo pa siya ay kapansin-panisn agad ang asul na kwintas na tila kumkislap na parang bituin.
Quest #1 Unlocked
You set your eyes on the sapphire heirloom by your mother that was stolen by Lady Ainsworth. You must retrieve it before proceeding to the next chapter.
Prize: ???
Napatulala siya sa mga question marks sa harap. Alam niya ang premyo nito ay gold coins upang makabili ng mga special items o itaas ang intimacy rates ng mga hero pero anong ibig sabihin nito?
Habang nakatunganga ay hindi niya namalayang ang mga orasang mata na nanakmasid sa kanya.
"Get me the parchment, Giselle," wika ni Lady Ainsworth.
Gumalaw naman kaagad ang nakaberdeng damit na bangkay. Hindi bakas sa mukha niya ang ekpresyon pero ramdam ni Clea ang inis nito.
Pero pinawalang bahala niya lamang ito. 'Grimm Guardian, I need to talk to you.'
Ngunit walang sumagot sa kanya. Sinubukan niya uli pero wala pa rin. Sa pagkakatanda niya, matatawag ng heroine ang Grimm Reaper kung may questions or kailangan ng tulong pero bakit walang nangyayari.
"Sit down, Cindirella," sabi niya. Kung hindi niya lang talaga alam ang buong kwento, aakalain niyang napakabuti nito dahil sa tono ng pagsasalita.
Pero tumalima naman siya at nagsalubong ang kanilang tingin. Kumpara sa higanteng daga ay maiging kaharap sila kung sa pisikal na anyo ang pagbabasihan pero sa ugali? Mas matalas pa ang mga kuko nito sa isang halimaw.
"You're already at of age, Cinderella. I'm terrified of what will happen in the future since your father is gone and so is your late mother. You have to sign this so you may continue to live in this mansion. I don't want you roaming in the street. You're already like a daughter to me," mahabang lintanya nito.
Kung siguro ay siya pa rin ang Cindirella sa loob ng laro ay mapapaniwala na siya. Base kasi sa kwento, mabait na ina si Lady Ainsworth sa mga mata ni Cinderella at ang mga kapatid niya lamang ang umaalispusta sa kanya. Kaya hindi nakapagtataka na kahit iyong orginal heroine na napunta sa mundo ng libro ay napaniwala nito.
Hindi niya batid na isa lamang itong palabas ni Lady Tremaine para makuha ang mana niya.
"Mother, isn't that—"
"Ingrid." Biglang tawag ni Lady Ainsworth.
"Go back to your room, and you as well, Giselle. I'll see you in the morning, darlings."
Napatango lang ang dalawa. Hindi talaga alam ni Clea bakit hindi mapagtanto ni Cinderella o ng heroine na si Lady Ainsworth ang batas sa mansyong ito. Kung tinuturing nga siyang anak nito ay hindi niya hahayaang gaganyanin siya nina Giselle at Ingrid.
"Pardon my children, Cinderella. I hope you understand them. They're not just used to having another sister. Those two has always been together, more or less," ani nito naparang nakangiti ngunit hindi makita dahil bungo lamang ang ulo nito.
Napaarko ang kilay niya. Hindi siya manhid para hindi maintindihan ang ibig ipahiwatig nito. Unang-una pa lang ay hindi tlaga tanggap ng mag-ina si Cinderella.
"What is it, Stepmother," awtomatikong bumigkas ng mga salita ang bibig niya.
"Nothing to worry of. It's simply a letter from your father. You need to sign it so he'll be relieved in the afterlife that you have received his message."
"Truly?" Wala sa kagustuhang pa ring gumagalaw ang mga labi niya. At ngayon pati iyong kamay niya ay kusa na ring inabot and liham at umupo sa tabi nito.
Lady Ainsworth hands the letter. Your eyes water as you remember your deceased father.
❥You keep the letter and ask to leave.
You tear it to pieces and storm off
You don't want to open the letter and hand it back.
Tulad nang nakasulat sa panel ay ramdam ni Clea and pag-iinit ng kanyang mata. Sa lahat ng mga eksenang nasubaysbayan niya sa laro ay para siyang robot na walang control sa sariling katawan.
Subalit ngayong alam niyang nasa loob siya ng laro ay mabilis na lang siyang pumili sa mga choices.
Pinindot niya ang ikatlong sagot. Kung titignan ay para siyang baliw na sinsundot ang hangin pero hindi naman iyon ininda ni Lady Ainsworth. Pagktapos ay kusa na namang gumalaw ang kamay niya upnag ibalik ang liham sa madrasta.
"Why? Don't you miss your father?" Hindi pa rin mabasa ang ekspresyon nito pero tiyak na umiikot na ang utak nito kung paano siya uutuin para buksan ang papel.
"I do, Stepmother. But..."
"But what?"
Ang mga kalansay nitong kamay ay hinipo ang buhok niya. Ang mga galaw nito ay parang napakaordinaryo na tila walang mali sa sitwasyon nila, na hindi ito bangkay at siya'y tao pa rin.
Iba-iba naman kasi ang mga sumpa sa bawat kaharian. Iyon lang, kay Cinderella ang pinakanakakapangilabot para kay Clea. Ayon sa backstory, isang haraya ang lumaganap sa kaharian nila at si Cinderella lamang ang natatangi dahil ibang kaluluwa ang nasa katawan nito.
"Nothing, Step-mother. I think you're right," bigkas niya subalit tumataas na ang balahibo sa kakaibang pakiramdam na hindi niya kontroldo ang pagsasalita.
"Of course, Cinderella. I always am."
You read the letter and realize it is the property deed. Lady Ainsworth hands you a quill, asking for your signature. Feeling betrayed, you...
❥Tear the letter.
Still sign the deed.
Ask for an explanation.
"Come now, Cinderella," pagsuyo nito. Ang mga orasan nitong mata ay mag-iisang minuto na lamang natitira.
Dali dali niyang pinirmahan ang papel at kumaripas ng takbo. Ilang segundo na lang at kailangan niya ng tumungo sa ilalim ng hagdan — ang natatanging lugar kung saang pwede siya magtago tuwing hating gabi.
Kinandado niya kaagad ang pinto. Ni iyong sarili niya ay hindi niya makita sa sobrang dilim.
Kalaunan ay tumunog ang kampana, pinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na hindi inalintana ang mga kalaskas sa labas. Dahil parehas sa heroine ng laro na napunta din sa mundong ito, wala siyang ibang gusto kung hindi sumikat na ang araw.
Note: What you think? ><
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro