Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"So totoo nga palang nililigawan ka ni Brenz? Shit, ang swerte mo! Akala ko prank lang!" Reign commented as she playfully hit my arms.

Akmang ibubuka ko pa lamang ang bibig upang magsalita ngunit agad na akong naunahan ng isa naming kaklase. "Prayer reveal naman d'yan, Hadassah! Hindi mo naman siguro ginayuma si Brenz ano?" wika niya. Hindi ko mahinuha kung pagbibiro ba iyon o isa lamang sarkastikong tanong.

"Anong gayuma? Hadassah is pretty kaya, mabait pa! Hindi na niya kailangan pa niyang gumamit ng gayuma!" depensa ni Reign at inirapan pa ang babae.

"Stop it. Bumalik na kayo sa mga upuan n'yo," I uncomfortably muttered and shooed all of them to go back to their respected seats.

Mabuti na lamang ay hindi na sila nangulit pa dahil dumating na ang teacher namin sa unang subject. Bumuga ako ng hangin at pasimpleng pinunasan ang butil-butil na pawis na namumuo sa aking noo. I felt so tense with their presence around me. It's been one week since ikalat ni Brenz ang balitang may gusto siya sa akin at liligawan niya ako para mapatunayan ang nararamdaman sa akin. And ever since that day ay hindi na ako tinantanan ng mga kaklase ko at palagi na silang nakapalibot sa akin lalo na sa tuwing maaabutan nila ang piraso ng rosas at tsokolate sa ibabaw ng armrest ko.

Oh Brenz, look what you've done! He could just have shut his mouth up pero ewan ko ba kung anong sumapi sa lalaking iyon at kulang na lang ay ipagsigawan niya sa buong campus na nililigawan niya 'ko. It was fluttering in my heart, alright. I really really appreciate his sincerity pero sadyang hindi lamang talaga ako komportable sa mga matang naiiwan sa akin sa tuwing magkasama kaming dalawa. Siyempre kung may ilang masaya, natutuwa at kinikilig. Sa tingin ko'y mas marami pa rin talaga ang pinagtatawanan at kinukutya kaming dalawa.

At nangunguna na nga ro'n sina Sav at Mela na kunwari ay nananahimik sa isang tabi at walang pakialam pero iba ang sinasabi ng kanilang mga mata. . .

"Just. . . don't mind them. Their words don't matter, Hads," kibit-balikat na palaging sagot sa akin ni Brenz.

"Pero kasi–" I was about to protest when he cut me off.

"Seriously, they truly didn't matter. You already cut them off, right? At saka isa pa, kahit anong sabihin nila, walang makakapagpabago sa desisyon ko. Liligawan at liligawan pa rin kita." Ngumiti siya sa akin nang napakatamis bago sumimsim sa kapeng iniinom niya. "Besides, pinayagan na rin ako ng magulang mo na pormal na umakyat ng ligaw. Why bother?"

Natutop ko ang aking bibig at sunud-sunod na umiling bilang pagsuko. "Bahala ka nga! Basta h'wag na h'wag mong isusumbat sa akin kapag nagising ka't nagsisi ka sa desisyon mo, huh?"

He scoffed and it was followed by lifting the side of his lips into a playful smirk. "Sweetheart, I've never been this so sure in my whole life."

Labis na kumalabog ang aking dibdib na sinabayan pa ng unti-unting pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. Bumagsak ang mga mata ko sa pagkaing nakahayang sa aking harapan upang itago ang epektong dulot niya sa 'kin.

Nakakainis! Simula kasi noong mag-confess siya sa akin ay mas lalong luminaw at tumindi ang nararamdaman ko para sa kaniya. Everything he does to me, it always has a violent effect on my system and my heart begins to thump wildly.

Saved by the bell, Griven went in our direction to share a table with us. Kagaya ng nakagawian ay nanatili lamang akong tahimik na nakikinig at pa-minsa'y nakikitawa sa pinag-uusapan ng dalawang lalaki. Sayang lang at wala rito si Melissa, eh 'di sana ay mayroon din akong kausap!

"Oo nga pala, Babs. Mom's inviting you for dinner tonight. Nabanggit kasi kita sa kaniya at ang sabi niya sa akin ay gusto ka niyang makilala bago siya umalis patungong U.S sa isang araw,"

"Ano? As in mamayang gabi na? Bakit ngayon mo lang sinabi?! Brenz naman!" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila ni Griven ngunit ang loko ay ngumuso at nagkibit-balikat lang sa akin.

Nang muli kong sipatin ng tingin si Brenz ay nakita ko itong nakayuko, namumula ang buong mukha at hindi makatingin nang maayos sa akin. "Pasensiya ka na, Babs. Kanina lang din niya sinabi sa akin. . ." he wet his lips and trailed off. "Pero kung hindi ka naman puwede, I totally understand. I respect your decision."

His profound eyes met mine and gave me a reassuring smile. Umawang ang aking labi at bahagyang nilamon ng konsensya sa naging reaksyon ko sa alok niya. Bumuntonghininga ako at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Sorry, nagulat lang ako," tugon ko sa kaniya at natatawa niyang pinisil ang aking pisngi.

"Silly, that's fine!"

Sabay kaming lumingon kay Griven nang tumikhim siya at nag-angat ng kilay sa kaibigan. "Nando'n din kami ni Mel. Your mom invited us too. Akala nyo kayo lang?" mayabang na anito at saka ako tiningnan. "If you're worrying about Tita Constartiada, you don't have to. Because I swear, she's the kindest, bubbliest and wonderful person you will ever meet."

I swallowed hard before speaking. "How about my clothes? Hindi ba nakakahiya na tanging shirt at denim pants lang ang suot ko?"

"Mahalaga'y may damit!"

I groaned with Griven's side comment again. Akala ko'y magagalit at pagsasabihan siya ni Brenz ngunit laking gulat ko nang tumango-tango ang lalaki bilang pagsang-ayon. "At kahit ano namang suot o itsura mo, maganda ka, Babs," pagbanat pa nito, dahilan para mamula nang husto ang aking pisngi.

"Ayun, oh!" Griven roared with laughter.

I shook my head to hide the fast beating of something inside my chest. "Para kang tanga, Brenz. Ang jejemon mo!"

At dahil na rin nga sa pambobola nilang magkaibigan ay napapayag na nila ako. I texted my parents to informed them na gagabihin ako sa pag-uwi dahil naimbitahan ako sa bahay nina Brenz. And to my surprise, agad silang pumayag dahil anila'y nakapagpaalam na raw sa kanila kanina si Brenz.

Ang bilis din ng isang iyon, ah! Hindi naman halatang excited?

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay bumalik na kami sa kaniya-kaniyang classroom. Hindi na ako nagpahatid pa kina Brenz dahil kaya ko naman na ang mag-isa at saka narinig ko rin kaninang mangongopya pa sila ng assignment sa ibang kaklase kaya hinayaan ko na.

Ang nang-uuyam na mga tingin nina Sav at Mela ang bumungad sa akin nang makabalik ako sa classroom. Nang suklian ko ang titig na iyon ay sabay silang ngumisi na para bang nakakita ng bagay na katawa-tawa.

Moumin and his friends were there too. Hindi ko alam kung anong ginagawa niyan dito eh gayong hindi naman namin sila kaklase at sa first floor pa ang silid nila. But anyway, I should not give them a damn. Hindi ko naman sila ka-close.

Imbis na pagtuunang pansin ang mapanuring tingin nila sa akin ay dire-diretso akong umupo sa upuan ako. Medyo may kalayuan sa direksyon nila ngunit dahil sa ingay nila ay dinig na dinig ko iyon hanggang dito.

I glanced at my wristwatch and found out that there were still fifteen minutes left before the afternoon class starts. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagtingin ng mga photo sa aking cellphone. Halos mapangiwi nga ako't mapakamot sa ulo nang mapagtantong puro mukha ni Brenz ang laman ng aking gallery. Mayroon din naman ako kaso karamihan ay puro stolen at epic shots. Langyang lalaking 'yon!

Nasa kalagitnaan ako ng pagkalibang nang marinig ang malakas na tawanan mula sa grupo nina Sav. Hindi ko na dapat iyon papansinin kung hindi lang naagaw ng atensyon ko ang sinabi ni Moumin.

"Ang pangit ng taste ni Brenz sa babae. . ." His beaming laugh echoed to the four corners of the room.

"So cheap 'no? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa ganoong babae lang pala siya babagsak. Ang pangit na nga, ang taba pa!" Mela grimaced, "Iniisip ko pa lang na sa gano'ng babae pala siya papatol, kinikilabutan na 'ko!"

Hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano niya pispisin ang sariling balat sa braso na para bang isang nakakadiring ideya ang salitang binitawan niya.

Umalingawngaw ang malakas na tawanan nila at lantarang tumingin sa aking direksyon. Kumurap-kurap ako kasabay ng marahas ng paglunok ng tila matigas na bagay na nakabara sa aking lalamunan.

"Matatauhan din 'yang si Brenz. Malay mo, nagayuma lang talaga siya, 'di ba? Or may ginawang ritwal sa kaniya si Hadassah para lang magustuhan siya?" Sav glanced at me and raised her brows.

"Ang pathetic talaga niya. Feel na feel masiyado na may nagkakagusto sa kaniya. Sana nagpapayat muna siya bago lumandi, 'di ba?"

Pagak akong natawa at dismayadong umiling. Hindi naman ako tanga para hindi mahalatang ako ang pinaparinggan nila. At kahit kating-kati na nga akong patulan sila ay mas pinili ko na lamang ang manahimik. So what if I'm fat? Didn't I deserve to be loved? What's their point? Because seriously, I don't really get where their grudges came from.

Hindi na naman bago sa akin ang mga ganoong salita kaya imbis na damdamin ay mas pinili ko na lamang lunukin ang lahat.

"C'mon, Hads! You're used to it! You need to get used to it! Huwag mong ipakita sa kanila na naaapektuhan ka. Don't give them the satisfaction. Sabi nga ni Brenz, they're opinion doesn't matter," I reminded myself mentally.

Laking pasasalamat ko na lamang sa kalangitan nang mabilis na lumipas ang oras. Natapos ang panghapon na klase at pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng silid ay namataan ko na si Brenz na nakaabang sa labas. Sav and Mela greeted them in a friendly way but Brenz gave them a small yet fake smile in return.

I heaved a tired sigh as I walked towards him. Panay ang pangungulit sa akin ng lalaki habang naglalakad kami patungong terminal ng jeep na hindi lang naman kalayuan sa campus na pinapasukan namin.

"Bakit ba kasi hindi mo dinadala na ang kotse mo?" kuryoso kong tanong pagkasakay namin.

He just then shrugged his shoulders and poured out a soft chuckle. "Hassle sa gas at saka mas mabuti na rin 'to, Babs, para matagal tayong magkasama."

"Gutom lang 'yan, Brenz."

Umirap ako at kumuha sa wallet ng pera. Ako na ang nagbayad para sa aming dalawa at hindi naman na siya nagkomento pa roon. If I know, pumapalakpak na iyan sa kaloob-looban niya dahil nilibre ko siya.

Pigil ang aking hininga nang ilang saglit pa'y bumaba na kami sa jeep at sumakay ng tricycle patungo sa exclusive subdivision kung saan sila nakatira. Ayaw pa ngang pumayag ng guard na papasukin ang tricycle na sinasakyan namin dahil bawal daw, kung hindi lang niya namukhaan ang kasama ko ay baka naglakad na kami papasok. Medyo malayo pa naman daw iyong bahay nila.

"We're near," Brenz announced happily.

Pigil ang aking hininga at halos nanginig ang aking tuhod habang papalapit kami nang papalapit. Inilabas ko ang aking pouch mula sa bag. Nagmamadaling kinuha ko ang suklay at lip tint upang ayusin ang sarili. Hindi ko pinansin ang malulutong na tawa ng lalaki sa gilid ko.

"Kumalma ka, Babs. Mabait si Mommy, okay? Huwag kang kabahan," giliw na giliw na aniya sa akin, "Mom's not gonna offer you a million just to stay away from me."

My eyes squinted at him. "Paano ka naman nakakasigurado?"

A dauntless grin formed into his lips as he ruffled my hair in a gentle manner. "We don't have millions of pesos, Hads. Stop overthinking 'coz it only happens on teleserye."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro