Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

56 - Fifty Six

Pagkatapos naming mag-usap ni Baro ay sabay na kaming naglakad pabalik sa practice room nila. Nasalubong pa namin ang mga back-up dancers at ilang staff na kasama nila kanina at sinabing may one hour break daw silang lahat.

Papasok na rin sana ako nang pigilan ako ni Baro. Isinara nya ulit ang pinto at humarap sa akin. Nagtatakang tiningnan ko lang sya.

"Ano nanamang problema mo?" Tanong ko dito dahil sa seryosong mukha nito. Kung minsan talaga nakakainis ang ugali nya, kanina lang ay ayos pa kami tapos ngayon iirapan ako.

Hindi pa rin ito nagsasalita at bigla na lang dumukwang sa akin para halikan ako sa pisngi. Sa gulat ko ay hindi na ako nakapagsalita.

"I miss you." Maiksing sabi nito habang nakangiti tapos binuksan na ang pinto pero hindi pa rin ako hinayaang makapasok ng tuluyan. Nakaharang lang ito sa pintuan habang ako naman ay nakatayo sa likod nya.

"Sandeul-ah." Tawag nya sa malakas na tinig. "Do you miss me?"

"Bakit naman kita mami-miss?" Sagot ng pamilyar na boses. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Si Sandeul na nga talaga iyon.

"Meron akong dala na alam kong gusto mong makita."

Iyon na ang signal ko, pagkatapos magsalita ni Baro ay sumilip ako at kumaway kay Sandeul nang makita ko na sya. Umalis naman si Baro sa pagkakaharang sa pinto para tuluyan na akong makapasok sa loob.

"Chinee-ya!" Bulalas nito at mabilis na tumakbo palapit sa akin. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at tinitigan, pagkatapos ay walang babala na niyakap ng mahigpit.

"Wow, ang tagal nating hindi nagkita." Sabi nito nang maghiwalay na kami.

"Dongsaeng..." Tawag ni Kuya Shinwoo mula sa likuran ni Sandeul.

"Gumawa ako ng cupcakes para sa inyo. Sana magustuhan nyo yung lasa." Sabi ko at sinubukang tanawin ang dala ko sa buong silid. Bigla kasi akong hinila palabas ni Baro kanina kaya hindi ko na alam kung nasaan na yung bitbit ko.

"Sayo ba yung paper bag na iniligpit ni Jinyoung hyung kanina?" Singit ni Gongchan sa amin, tapos tinuro nya sa bandang sulok ng practice room si Jinyoung na tahimik na nakasalampak sa sahig habang nakatutok ang atensyon sa hawak na cellphone. Nasa tabi nga nito ang paper bag ko.

"I'm hungry. C'mon Chin." Aya sa akin ni Sandeul sabay akbay at inakay na ako palapit kay Jinyoung.

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit kami. Hindi ba sya masaya na andito ako? Bakit hindi nya ako tinitingnan? Sya lang ang hindi lumapit nang sabihin ni Baro na andito ako. Nakakaiyak ang ginagawa nya, nakakasama sya ng loob.

Hinila na ako paupo ni Sandeul at sinimulang ilabas ang lahat ng pagkain na naka packed pa. Naramdaman ko naman ang pagtabi sa akin ni Kuya Shinwoo kaya nilingon ko sya.

"I won't be home tonight, are you going to be okay with mom and dad?" Tanong nito sa akin.

"Aside from having no clothes at all to change because you literally dragged me back here, I'm doing well." Nginitian ko lang sya. Wala naman kasi talaga akong damit na maisusuot eh. Yung suot ko nga ngayon na cardigan, kinuha ko lang sa kwarto ni Kuya Shinwoo kanina.

"Sorry about that. Gusto mong samahan na kita ngayon na bumili ng gamit mo?"

Umiling ako para tanggihan sya. Alam kong busy sila at pagod sa mga ginagawang rehearsal, ayoko nang makaabala pa sa kanya.

Ngumiti sa akin si Kuya Shinwoo, pagkatapos ay hinawakan ang mukha ko at hinaplos ang pasa sa pisngi ko.

"Sumasakit pa rin ba ito?" Tanong nya. Nagawa kong takpan ng concealer ang pasa at mga galos ko sa mukha kaya hindi iyon madaling makikita.

"Hey, what are you two doing?"

Sabay naming nilingon si Sandeul na may mginunguya pang pagkain ang bibig kaya hindi masyadong naintindihan ang sinasabi. Lahat sila ay matamang nakatingin sa aming dalawa ni Kuya Shinwoo.

Hindi ko na iyon namalayan dahil masyado akong na-focus sa kausap ko.

"Bakit Sandeul? Ano'ng problema mo kung nag-uusap kami?" Tanong ni Kuya Shinwoo sa naghahamong tinig.

"Are you stealing my wife?" Umani sya ng isang malakas na hampas sa likod galing kay Baro dahil sa tanong nito. "What?" Nakaangil naman na baling nya dito.

Tumatawa lang si Channie habang tinitingnan ang dalawang kaibigan nya. Napapangiti na rin ako sa paghaharutan nilang dalawa pero nawala ang ngiting iyon nang tumayo si Jinyoung at tumapat sa harap ko.

"Can we talk?" Tanong nito at inilahad pa ang isang kamay.

Inilibot ko muna ang tingin ko sa kanilang lahat na biglang natahimik habang nakamasid sa amin. Tiningnan ko si Kuya Shinwoo para humingi ng permiso, bahagya naman itong tumango kaya inabot ko na kay Jinyoung ang kamay ko at tinulungan nya akong tumayo.

"We won't be long." Walang lingon-likod na sabi nito at tuluyan nang lumabas ng practice room. Tahimik akong nakasunod sa kanya hanggang sa pumasok kami sa loob ng working station nya.

Pagpasok sa loob ay sinabihan nya akong umupo sa sofa na naroon, na sinunod ko naman. Nanatili syang nakatayo habang nakahalukipkip sa tapat ko.

"I've been trying to call you for days but I can't connect. Masyado na akong nag-aalala kung ano'ng nangyari sayo." Panimula nito, halata sa boses ang iritasyon.

Nagulat ako nang basta na lamang nitong ibagsak sa center table na nasa tapat ko ang cellphone nya.

"Alam mo bang nakapag-book na ako ng flight kagabi para mapuntahan ka? Tapos bigla kitang makikita dito ngayon? What do you think you are doing, Chinee? Are you just messing with my feelings? Tapos bigla kang magpapahila kay Baro? Saan kayo nagpunta? Ano'ng ginawa nyo? And what's with you and Shinwoo now? Are you cheating on me?"

Wala akong nasabi, hindi ko alam kung paano sasagutin ang sunud-sunod na tanong nya. Given na galit sya dahil hindi nya ako matawagan, maiintindihan ko iyon. Pero ang pagbintangan ako na nagloloko sa kanya?

Sobra naman ata iyon. Ako pa nga ang dapat na magselos sa nakita kong eksena nya kanina kasama yung babae, e. Bakit kailangan nyang halikan yung babae? Kasama ba talaga yun sa steps ng sayaw nila?

"Answer me, Chinee. Are you cheating on me?" I was snapped back to reality upon hearing his voice.

What? Cheating?

Hindi makapaniwalang tiningnan ko sya. Wala pa ring lumalabas na ni isang salita sa bibig ko.

"I'm not doing anything that might ruin our relationship, Jinyoung. You should know that." Sa wakas ay nasabi ko sa kabila ng panginginig ng boses.

"Really, huh? Judging your actions with Baro and CNU?" He said looking down at me. Wala na ang mahinahon at malambing na boses nito. This man standing infront of me is a total stranger.

"I'm not cheating on you." Mahinang ulit ko, nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kinakayang makita ang galit sa mga mata nya.

"You are just like her." Sagot nito.

Marahas akong napabaling sa kanya. I gave him a questioning look but he avoided my eyes.

Ako pa ba ang tinutukoy nya? Wala naman akong ginagawang masama. Kinamusta ko lang ang mga kasama nya. Ganun pa rin naman ang pakikitungo ko sa kanila, walang nagbago. Pero bakit ganun sya mag-react?

Then I remembered something.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

"I'm not like your ex-girlfriend Ericka. We're far different from each other. If you can't tell us apart, maybe you don't deserve my love." Marahang salaysay ko sa kanya, sinisiguradong may diin ang bawat salita.

Hindi ito umimik kaya umalis na ako sa harap nya. Sinadya ko pang bungguin sya at tuluyan na akong lumabas.

Sa elevator ang diretso ko. I'll just send Shinwoo a message of explanation. Sa ngayon ay ayoko munang makita si Jinyoung kaya mas mabuting umalis na lang ako.

Habang nasa loob ng elevator pababa sa first floor, pilit kong pinipigil ang mapaluha. Hindi pwede ngayon, hindi dito.

Nakatawid na ako sa kalsada nang marinig ko ang isang boses na tumatawag sa akin. Nilingon ko iyon at nakita yung babaeng nasa convenience store kanina. Tumatakbo ito palapit sa akin.

Napakabilis ng buong pangyayari, lumingon ako sa kalsada dahil sa malakas na busina ng sasakyan na mabilis na paparating.

Nag-aalalang tiningnan ko yung babae na diretso pa rin sa pagtakbo.

"Miss!" Pigil hininga na sigaw ko dito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro