Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixteen

[sixteen]

Dalawang linggo ng nagmu-music recording ang grupong Ace. Kada isang araw ay katumbas noon ang isang kanta. Sa isang araw kasi ay nakakailang trial sila para ma-perfect ang kanta.

Kaya napag-usapan na lang namin na sa isang araw, kailangan nilang ma-record ang official song at kailangan na ma-perfect. Bali sa dalawang linggo na 'yun, araw-araw kaming nagkikita.

Araw-araw kaming nag-uusap, iyon nga lang ay tungkol lang sa mga practices nila ang napag-uusapan. Sobrang hectic at busy kasi ng schedule nila dahil sumasabay ang ilang artists ng A's.

Kahit ang linggo na dapat ay pahinga namin ay nagpa-practice kami dahil two weeks lang ang palugit ng Ace bago i-release ang kauna-unahang album nila under A's Music Recording.

At base naman sa nakikita ko, mukha namang walang problema dahil binibigay naman ng Ace ang best nila. Hindi ko na rin sila masyadong tinuturuan dahil mukhang alam na nila kung ano ang gagawin.

Kaya ngayon ay hinihintay ko na lang ang results thru internet, na-release na ang first album nila at bumenta iyon sa masa, gaya ng inaasahan ko.

Isang buwan na ang nakalipas simula ng ma-release iyon at wala pang dalawang linggo ng maubusan kami ng stock ng album dahil hindi namin expected na ganoon kaagad ang mangyayari.

Pumatok sa masa ang album nilang may fifteen random songs. May ilang nag-solo doon si Ramille habang ang iba ay tumutugtog gamit ang kani-kanilang instruments.

Sa isang buwan na lumipas, masasabi kong sikat na ang mga kanta nila. Kailangan na lang nila ang magpakita o lumabas sa public para mas makilala sila ng mga tao.

Gaya nga ng sabi ko kanina, hinihintay ko na lang ang results. Sa top one hundred na artist together with their album ay naglalaban-laban sila para maging top one.

Iba't-ibang agency ang mga pinanggalingan ng ilang artists, pero ang A's, pinanlalaban namin ang Ace group. Pumapangalawa kasi ang Ace, kaunti lang ang pagitan ng votes sa top one at two.

Sold out lahat ng album ng Ace kahit saang store, kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang agency namin sa paglalabas ng napakaraming albums.

Once na mag-top one ang Ace, paniguradong magge-guest sila sa isang pinaka-sikat na Radio Station dito sa Pilipinas, kaya narito kami ngayon at nananalangin.

Saktong alas-dose ng tanghali ay nilabas na ang results, mula sa one hundred songs na naroon sa chart... isa lang ang mangunguna at masasabing top one.

Pinagdikit ko ang dalawa kong palad habang titig na titig sa monitor ng computer. Oh, God. Please, sana ang Ace ang maging people choice which is number artist na tinatangkilik ng masa.

"Yes!!" Sigaw ko at halos mapatalon ako sa tuwa. "Nag-top one ang Ace!!"

Dinumog ako ng ilan kong mga kasamahan na naroon sa loob ng cocoon lab. Sinilip nila ang PC ko at ganoon din ang naging reaksyon nila nang makita ang resulta.

Sinasabi ko na nga ba, hindi ako nagkamaling pinagkatiwalaan ko ang fighting spirit ng Ace. Nagawa nila, hindi nasayang ang two weeks naming stressed.

"Whoa, congrats, Adelle! You did it very well!"

Kanya-kanya silang sigawan at komento tungkol sa pagkapanalo ng Ace bilang people choice award. Sa one month kasi na 'yon, hindi nawala sa chart ang pangalan ng Ace.

Nariyan ang isa sa pinaka-maraming votes, isa sa mga nangungunang dina-download ng netizens, at puro sold out ang albums sa kahit na saang store.

Hindi pa man sila natatapos sa kasiyahan nila ng lumabas ako sa office. Kailangan kong makita ang Ace, kailangan nilang malaman ang resulta.

Ngiting-ngiti ako habang tumatakbo sa hallway kaya lahat ng madadaanan kong tao ay napapatingin sa akin at hinahagod ako ng titig.

Like oh, my goodness! We just nailed it.

Dere-deretso akong pumasok sa rehearsal studio kung saan alam kong naroon ang grupong Ace at hindi nga ako nagkamali, naroon sila at tahimik na nagpa-practice.

"Ace!!" Sigaw ko sa kanila dahilan para wala sa sariling mapatayo ang mga ito.

Tumatalon-talon ako habang lumalapit sa kanila, at nang makalapit ay isa-isa ko silang binigyan ng super power hug. Mula kay Patrick, Jayson, Jack at Topher.

Nasa huli si Ramille kaya siya ang huling nayakap ko. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na namalayang medyo napatagal ang pagyakap ko sa kanya.

"Te- teka, Manager. Bakit, anong mayroon?" Naguguluhang tanong ni Patrick.

"Oo nga. Bakit ang saya mo yata?" Segunda ni Jayson.

Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. Geez, ang saya-saya ko talaga. Akalain mo 'yon, nag-work out ang pinagpaguran namin.

"Kasi..." Hinihingal na sabi ko.

"Kasi?" Sabay-sabay nilang pagtatanong, isama mo pa 'tong si Ramille na lumapit pa talaga.

"Kasi... nagtop one kayo sa billboard chart! Kayo ang nangunguna ngayon! Ahh!"

Dahil sa narinig nila ay kanya-kanya rin silang talon at sigaw na parang mga takas sa mental. Sinabayan ko ang bawat pagtalon at pagsigaw nila.

Pinatugtog pa ni Patrick ang drums niya dahilan para magkaroon ng beat ang pagtalon namin. Sigaw sila nang sigaw na parang walang bukas.

"Group hug!"

Nag-group hug kaming lahat saka nagpaikot-ikot habang nananatiling nakayakap sa isa't-isa. Puro tawanan ang maririnig sa apat na sulok ng rehearsal studio na 'yon.

Mabuti na lang at kami lang ang narito dahil baka kanina pa kami nasita sa sobrang ingay namin. Mabuti na rin at soundproof itong studio.

"Wah! Umiiyak si Jack!" Sigaw ko nang mapansing lumuluha si Jack matapos ang group hug namin.

"Tears of joy 'to, Manager." Sagot niya saka nagpunas ng mukha.

"Oo nga! Ako rin naman, oh? Naiiyak na." Sambit ko at itinuro pa ang naluluha kong mata.

Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ni Ramille. Iyong kaninang ingay namin ay biglang naglaho dahil sa ginawa niya.

Unexpected. Shit.

Hindi umiimik sina Patrick marahil gulat din kagaya ko. Hindi ako gumalaw bagkus ay niyakap ko rin siya dahilan para maghiyawan ang grupong Ace.

Hindi ko masasabing okay na kami ni Ramille, pero masasabi kong hindi na kami katulad ng dati. Nagpapansinan na kami pero hindi ko talaga 'to in-expect.

"Congrats! Kung wala ka siguro, hindi namin 'to magagawa ng maayos." Aniya saka ako pinakawalan.

"Ano ka ba! Syempre, manager niyo ako kaya kailangan talagang nandito ako para sa inyo." Nahihiya kong sambit saka tipid na ngumiti.

"Oo nga, Master! Parang 'yung dati lang, noong college tayo?" Sabat ni Topher.

Natawa na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Siguro, parang ganoon na nga. Parang nakikita ko ang dating ako na full support sa Ace.

Oh well, wala namang masama doon dahil under ko na sila ngayon. Kailangan talagang suportahan ko ang mga talents ko para sabay-sabay naming makamit ang tuktok.

"Congrats sa inyo. Sana kapag sikat na kayo, huwag niyo akong kakalimutan, ah?" Pagbibiro ko dahilan para dambahin nila ako ng yakap.

"Wew. Grabe ka naman, Manager! Bakit ka naman namin kakalimutan? Tatlong taon kaya tayong magkakasama."

"At saka kapag nag-renew siguro kami ng contract, ikaw pa rin ang pipiliin naming manager."

Halos maiyak na ako sa tuwa dahil sa pinagsasabi nila. Masaya ako kasi isa ako sa mga dahilan kung bakit sila masaya ngayon. Sobrang saya ko.

Nasabi ko dati na ako lang ang pwedeng makasagot sa mga pangarap nila, walang ni sino man kung hindi ako lang. At ito nga, nangyayari na.

Isa-isa at sabay-sabay naming tinatahak ang daan patungo sa finish line. Binabawi ko na ang dating sinabi ko na nagsisisi ako dahil sila ang naging talents ko.

Matapos naming magsaya sa loob ay iniwan ko na sila roon na masayang-masaya pa rin. Hindi ko namalayan na hindi pa pala ako nakapag-lunch.

Sa sobrang kabado at excited ko kanina ay hindi na ako nag-abalang kumain para lang matunghayan kung paano nakamit ng Ace ang top one.

Gaya ng kanina ay ngiting-ngiti akong naglalakad sa hallway, ni hindi mawala-wala sa labi ko ang napakalaking mischievous smile ko, para akong timang pero 'di bale, maganda naman ako.

"Aray!" Pareho kaming napasigaw sa sakit dahil nagkauntugan ang ulo namin.

"Aray, ah? Mag-ingat ka nga." Mayabang na sabi nito.

Tiningala ko siya nang wala sa oras dahil sa familiar na boses nito at sa kalakasan ng hangin na dala niya. Sinasabi ko na nga ba, hindi iyon ang huli naming pagkikita.

Dahil sa ngayon, kitang-kita ng dalawang mata ko ang isang mukha ng mala-hambog na lalaking nakatayo sa harapan ko. Nang matitigan ako ay dinuro niya ako.

"Ikaw?!" Nanlalaking tanong niya.

Napaismid ako dahil sa pagsigaw niya. Kahit kailan yata ay parating nakasigaw itong lalaking 'to. Baka hindi ako nagkakamaling pinaglihi ito sa sama ng loob.

"Ako nga. May problema ka?" Taas kilay kong pagtatanong saka ba nag-cross arms.

"Akalain mo 'yon, magkikita pa tayo? Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako, ha?" Maangas na sambit niya.

Ako naman ngayon ang halos lumuwa ang mata dahil sa gulat. Walangyang lalaking 'to! Ako raw, sinusundan siya? Dahil sa sinabi nito ay walang humpay akong napatawa.

Iyong tawa ko ay umabot na sa kabilang building kaya hindi na ako magtataka kung maraming makakarinig sa akin. The hell! Nangunot naman ang noo niya dahil sa pagtawa ko.

"Anong tinatawa-tawa mo? Masaya ka ba dahil sa wakas ay nakita mo na ako?"

Sa sobrang kayabangan niya ay sinampal ko ito para kahit papaano ay lumipad palayo ang kahanginan sa katawan niya. Napahawak ito sa pisngi niyang sinampal ko at masamang tinignan ako.

"Bakit mo ako sinampal?" Galit na galit na sigaw niya sa akin.

"For your information, mister-who-I-don't-know-the-name, huwag mo akong masigaw-sigawan lalo na sa mga lugar na pagmamay-ari ko."

Sa sinabi ko ay natahimik ito, na para bang nagsisink-in pa sa utak niya ang lahat ng sinabi ko. Maya-maya lang din ay unti-unting nalaglag ang panga niya.

Halos matawa ako sa itsura niyang mukhang natatae na ewan, pero nanatili akong tahimik at seryoso na nakatingin sa kanya. Masindak ka ngayon! Akala mo, ha?

"Iyang tiles na inaapakan mo at itong building na pinasukan mo ay amin. Kung hindi mo pa ako kilala, ako lang naman si Adelle Miranda ang General Manager ng A's Music Recording, ang nag-iisang anak ni Amelia Miranda at ang soon to be owner nitong A's Agency." Dere-deretso kong pahayag habang taas noo siyang pinagmamasdan.

"Wh- what?!" Halos hindi makahingang bulong nito sa hangin.

"Ngayon, Mister. Kilalanin mo kung sino ang binabangga mo dahil mahirap akong kalaban. Ngayon, kung patuloy kang papasok dito sa A's, kailangan mong maging mabait... lalong-lalo na sa akin."

"I... I'm sorry. Sorry." Mahinang sambit niya at yumuko.

See?

Ang yabang kasi, akala mo naman may ipagmamalaki. Gwapo nga, bawing-bawi naman sa ugali na puno ng kahanginan at kahambugan at kayabangan at kung anu-ano pa.

Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi ako magsalita. Ano ka ngayon? Yabang pa more! Napangisi ako ng mag-iwas ito ng tingin sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro