CHAPTER 22.8: Haunted
Lester’s POV
Ilang araw narin simula ng lumabas ako mula sa hospital. Magulo yung isip ko. Tinanong ko narin kina Mommy kung nagka-amnesia ba ako. Isa lang agad ang tinanong nila… Kung nakakaalala na ba ako.
So, tama ngang nagka-amnesia ako. SInabi kong hindi. Tinanong ko rin sa kanila kung ano si Geenee sa buhay ko.
Hindi sinabi ni Mommy pero isa lang sinabi niya… Their family and our family are close to each other… At ako na daw ang bahalang tumuklas kung sino si Geenee sa buhay ko.
And now, my plan to remember Geenee is be close to her… pero… paano?
May pasok na naman. Para akong wala sa sarili ko. Kinakausap ako nila Kats pero tango lang ako ng tango.
“What happened to you?” Tanong sakin ni Boss Vens.
“Love sick.” Biglang sabat ni Drache kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Naiinlove din pala ang tulad mo? Haha… Akalain mo yon?” Venisse
“AHAHAHHAHA” Atsaka na sila lahat nagtawanan.
“Why you are laughing? Nung sinabi ko yon, lahat kayo ang pinatatamaan ko. Hindi lang si Lester. HAHA” Natawa nalang kami nila Craise at Venisse kasi ang eepic ng mga mukha nila.
“Class, keep quiet! Sit Properly!” Sigaw ni Ma’am Herrera samin. Umayos naman lahat ng upo at tumingin sa kanya. Walang pumapalag pag siya yung nag-utos. Katakot kasi yung mukha--- I mean, siya mismo. HAHA
“Pumasok ka na hija and kindly introduce yourself.” Sabi ni Ma’am habang nakatingin sa labas. Napatingin tuloy kaming lahat. May bago ba kaming kaklase?
Pumasok naman ang isang babaeng Nakahood at tight pants. May dala siyang gitara at board.
Wait… don’t say…
Tinanggal niya yung hood niya at tumingin sa aming lahat.
“I’m Geenee Perez, 15. A transferee from Javson Academy.” She’s here?! Seriously?! Totoo ba to?!
“Les, that’s true… you’re not dreaming…”Bulong sakin ni Kats. Aba! Mind Reader ba tong si Kats?
“Ms. Perez, Javson Academy is one of the best College schools here in the Philippines, why did you transfer here?” Tanong sa kanya ni Ma’am
“Family matters Ma’am.”
“Oh… do you know that my subject is Music and Arts? I’m expecting you’re good in Music. You can play guitar? Pwede mo ba kaming sampolan?” Tanong sa kanya ni Ma’am.
Tumingin lang siya saming lahat at parang nabigla pa siya ng Makita niya kami. Hindi niya ba alam na dito kami nag-aaral? Pano niya nga pala malalaman eh hindi naman namin sinabi?
“Ano to? Talent search? O subject?”Boss Vens.
“Haha… You’re right Vens. Nagustuhan yata siya ni Ma’am Herrera.”Craise
“I like her too… Her way of fashion… her aura… I really like her.”Boss Vens. Oh, I like her too—I mean… as a friend?
Bigla namang nagbago yung expression niya at naging cold. Binaba niya yung board niya at sinimulang tugtugin yung gitara niya.
"I'm so glad you made time to see me.
How's life? Tell me how's your family?
I haven't seen them in a while.
You've been good, busier than ever,
We small talk, work and the weather,
Your guard is up and I know why.
Because the last time you saw me
Is still burned in the back of your mind.
You gave me roses and I left them there to die.”
Aaminin ko... ang ganda talaga ng boses niya. She's soft and Angelic voice can catch everyones heart. At tuwing kumakanta siya, ramdam niya yung kanta. Ramdam ko rin na malungkot siya.
Pinakinggan lang namin siyang lahat. Tutuok na tutok lang ako sa mukha niya at hindi ko alam kung nag-iilusyon ba ako na nakatingin din siya sakin. Pero everytime na magtama ang mga mata namin, lagi niyang iniiwas ang tingin niya.
"I go back to December all the time.
All the time."
*Clap clap clap…
Nagpalakpakan naman lahat including Ma’am Herrera.
Talaga bang malungkot lahat ng kanta niya? Ganon din ba ang buhay niya?
“You’re very good Ms. Perez. Ipagpatuloy mo yan… I’ll be expecting na isa ka sa mageexcel sa klase ko.” Ma’am Herrera
“Thank you Ma’am.” Hindi ba siya marunong ngumiti?
“Sige na, maupo ka na don.” Sabay turo ni Ma’am sa vacant seat sa tabi ko?!
Pano naging vacant to eh may katabi ako? Nasan na yon? Nakita ko nalang yung katabi kong nakaupo sa dulo.
Pano napunta yon don?
Kinuha na ni Geenee yung board niya at umupo sa tabi ko.
“Hi.”Mahina kong sabi sa kanya. Nilingon niya ako at nagkatinginan kami. Nginitian ko nalang siya pero binalewala niya lang ako.
May problema ba siya?
“Ahm… Buti dito ka pumasok? Dito rin ba nag-aaral ang kuya mo? Anong year na pala siya?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya. TIningnan niya lang ako kaya natahimik ako.
“I’m not an information desk para pagtanungan mo.” Sabi niya sakin atsaka na ibinalik ang tingin sa harap. Yakap-yakap niya lang yung board niya na as if mawawala.
“Ba’t hindi mo ibaba yang board mo? Hindi naman mawawala yan.” Suggest ko sa kanya.
“Pwede ba? Wag mo akong pakealaman? MYOB.” Ang sungit niya yata ngayon? Parang ang bait niya lang sakin nung nasa hospital ah?
*chuckles*
Rinig na rinig kong tumatawa sina Boss Vens at Craise. Pati sina Drache tumatawa rin.
“Hindi ba kaya ng powers mo?” Tanong ni Craise
Nanahimik nalang ako at hindi na kumibo. Paano ako mapapalapit sa kanya kung mukhang galit siya sakin? PMS ba siya ngayon?
Aishh… Kailangan ko siyang kulitin ng kulitin para mapalapit ako sa kanya. Even if it takes risk.
Geenee’s POV
Kaasar lang. Bakit hindi ko naitanong sa mga to kung saan sila nag-aaral? Tuloy, kaklase ko sila. At katabi ko pa si Lester!
Nananadya ba talaga ang tadhana? Nakakaasar eh!
Ang dami niyang tinatanong. Pati yung pagyakap ko sa board pinapakealaman niya pa.
Naiilang ako alam niyo ba yun?!!! Naiilang ako dahil naalala ko yung nung niyakap niya ako sa hospital… Oo na inaamin ko… na-aawkwardan ako sa sitwasyon.
Bakit ba kinakausap niya ako na parang walang nangyari? Nakakabwisit. Parang gusto ko ulit magpatransfer ng ibang school!
Pagkatapos ng mahabang oras na pagdidiscuss ng mga guro… agad kong kinuha yung gitara ko at agad agad na lumabas.
Narinig kong may tumawag sakin pero hindi ko nalang pinansin. Wala akong pakealam kung sino man yon.
Naglalakad lang ako ng biglang may umakbay sakin. Napangiti tuloy ako dahil isa lang ang gumagawa niyan.
“KU---LESTER?!” Gulat na gulat kong tanong.
What the?! Akala ko si Kuya Gerard! Bakit ba kasi nang-aakbay bigla bigla tong taong to? Close ba kami?
Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya at dirediretsong naglakad. Pero pilit akong sinusundan ng lalaking to kaya huminto ako at hinarap siya.
“Kung ano man yung problema mo, wag mo akong idamay. Kaya pwede ba? Stop following me!” Sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya sakin. May tama na yata ulo nito eh.
“Nope, I’ll follow you kahit sa dulo pa yan ng mundo.” What?!
“Lester!!! Tigilan mo ako pwede ba?!!! We’re not close kaya tigilan mo ako!!!” iritang irita kong sabi sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng iba pero wala parin akong pakeaalam.
“I will not. Sasamahan kita. Baka maligaw ka o mapano, bago ka pa naman sa school.” AHHH!!!! Pwedeng manghampas?!!!
“Can’t you understand?!! I’m not a kid anymore!!! At alam ko kung saan ako pupunta!!” Bwisit naman eh… Pagkasabi ko niyan, umalis na agad ako. Pero sinusundan niya lang ako.
Makulit talaga siya ha?
Inayos ko yung gitara sa likod ko at ibinaba yung board ko. Nilingon ko siya.
Palapit parin siya sakin kaya naman, lumayo ako sa kanya gamit yung board ko. Maraming estudyante dahil lunch break na. Wala na akong choice kung hindi iligaw siya.
Buti nalang at tumatabi lahat ng nadadaanan ko. Aba, wala naman akong balak iwasan sila no. SIla ang umiwas, hindi ako.
Nagboard lang ako hanggang sa marating ko yung isang liblib na lugar ng school. Nilingon ko siya at buti naman wala na siya.
Ano kayang lugar to? Parang abandonado na… Tapos, may nakalagay na… Keep Out sign…
Aalis na sana ako dahil masyadong creepy yung lugar pero…
Wait… san nga pala ako dumaan kanina?
Tiningnan ko lahat ng daan at bakit puro abandonadong building yung Nakikita ko? Ano to? Bakit ba may ganito ang school na to?
May limang way… tinry ko isa isa pero… laging dito rin sa dulong building ang bagsak ko. Naliligaw ba ako? Ineengkanto ba ako?
Kinilabutan ako bigla… baka tulad to ng mga napapanuod ko sa mga horror movies. Yung pabalik-balik lang.
Dapat ko bang baliktarin ang suot ko? NO!!!! Baka may namboboso dito!!! WAAAAHHH!!!! Naiiyak na ako!!!
Bakit ba nahilig akong manuod ng horror? Yan tuloy kung ano-anong naiisip ko!
Aalis na sana ako doon sa harap ng lumang building which is the abandoned one ng may biglang mabilis na bagay na dumaan sa harap ko.
My whole body shivers at biglang umihip ang malakas na hangin.
Shet!!! MOMMMYYY!!!! KUYAAAA!!!! DADDDYYYYY!!!! HELLLLPPPPPP!!!!!!
Kasalanan to ng Lester na yun eh!!! Wala ako dito ngayon kung hindi niya ako sinundan sundan!!!!!
Hahakbang na sana ako ulit ng may biglang gumalaw sa halaman… Kaya napaharap ako dun at patuloy lang na gumalaw… Kinakabahan na ako. Baka mamaya moomoo yan at kakainin ako.
Patalikod lang akong humakbang ng may biglang humawak sa balikat ko.
Nanginig bigla yung katawan ko at nagsitaasan lahat ng balahibo ko. Napahinto ako at napako sa kinatatayuan ko…
“KU--- KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!! AHHHHHHHHHHH!!!!!! WAAAHHHH!!!!” sigaw ko habang bumuhos na yung luha ko.
Hindi parin ako umalis sa kinatatayuan ko at ipinikit ko lang yung mga mata ko habang yakap yung board ko ng mahigpit…
*sobs sobs*
“I don’t wanna die… *sobs* I still didn’t accomplish my goals in life… I don’t want to leave my kuya… I don’t want to leave my family… Hindi pa ako naaalala ni ter-ter…*sobs* hindi ko pa nasasapak yung lalaking yon… *sobs*” Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi yang mga yan.
Nararamdaman ko parin yung kamay sa balikat ko.
“Geenee? Hey, it’s me*pant*” Napamulat naman ako ng mata at hinarap yung nagsalita.
Halos mamatay ako sa sobrang takot dahil akala ko kukunin na ako ng multo tapos….
Agad kong nabitawan yung board ko at nayakap ko nalang bigla si Lester. Shet!!! Oo… Si Lester!!!
“*sobs sobs* Akala ko kukunin na ako ng moomoo… akala ko dito na ako mamamatay *sobs sobs*” Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik kaya mas napahigpit ang yakap ko sa kanya.
“Tahan na… wag ka ng umiyak… sabi ko naman kasi sayo, sasamahan na kita dahil hindi mo kabisado tong school… Dito ka pa talaga napunta sa haunted building…” Sabi ni Lester habang hinihimas yung buhok ko.
Kumalas naman ako sa yakap at pinunasan yung luha ko. Kinuha ko yung board ko at tiningnan ko siya.
“DAMN YOU FOR SCARING ME!!!!!! AHHHH!!!! I HATE YOU!!!!!” Sigaw ko habang hinahampas siya. Sinangga niya naman yung mga hampas ko.
“A-aray!!! Hoy!!! Sandali nga!!! Masakit ha---Ouch!” Reklamo niya habang patuloy na sinasangga yung hampas ko. Hanggang sa mahuli niya yung kamay ko.
“Okay, I’m sorry… Hindi ko sinasadyang matakot ka. Malay ko bang natatakot ka na pala?? Makasigaw ka pa naman ng kuya akala mo kinakatay ka na? HAHAHAHAH” Tumawa lang siya ng tumawa.
Naaasar naman akong nakatingin sa kanya at di ko na naman napigilang hindi maiyak.
Napahinto naman siya ng Makita niyang naiyak na ako.
“Wag ka na ngang umiyak. Pinapatawa lang naman kita eh.” Sabi niya sakin.
“*sobs* Hindi ako natatawa! G*go ka talaga!” Sigaw ko sa kanya pero niyakap niya lang ulit ako.
“Sorry na okay? Hindi na kita tatakutin. Hindi naman talaga kita tinakot eh… Napahawak lang talaga ako sa balikat mo dahil pagod na pagod ako sa kakahabol sayo.” Pagpapaliwanag niya.
“Tanga ka talaga kahit kailan! Bakit mo naman ako hinabol? Edi napagod ka pa?”
“Kung hindi kita hinabol, baka namatay kana kakaiyak dito.” Natahimik naman ako sa sinabi niya.
“Ayos ka na ba?” Tanong sakin ni Lester.
“Oo… pwede mo na akong bitawan. Chansing ka na.” Sabi ko sa kanya. Natawa naman siya…
“Tara na nga, time na niyan at hindi pa tayo kumakain.” Pagkasabi niya nyan ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming umalis sa lugar na yon.
Nakakahiya man na nalaman ni Lester yung weakness ko pero… parang ang saya ko dahil napunta ako sa haunted building na yon.
Kahit hindi niya ako naaalala, parang Nakikita ko parin sa kanya yung dating ter-ter na laging yumayakap sa akin kapag natatakot ako.
Seth’s POV
“HAHAHAHAHA” Pag-alis nila Lester at Geenee, ay agad kaming nagtawanan.
“Ang galing natin!” Atsaka kami lahat nag-appear.
Haha, we planned that ng hindi nalalaman nila Lester at Geenee. Sinundan lang namin sila hanggang sa marating ni Geenee yung haunted building.
Sa totoo lang, wala kaming balak pumunta dito… At hindi rin namin planong takutin si Geenee pero, yun nalang ang naisip namin dahil dito rin siya napunta.
Kami yung may kagagawan nung paggalaw ng mga halaman.
Grabe, natatawa nga kami dahil PRICELESS yung mukha ni Geenee. Makikita mo talaga sa kanyang takot na takot na siya.
Buti nalang dumating si Lester. Nakapanuod tuloy kami ng instant movie… haha.
Nakapuntos rin si Pareng Lester don ha? Nakangiti pa yung loko habang niyayakap si Geenee eh. Kung hindi lang nagkaamnesia yon, iisipin ko talagang chinachansingan niya lang si Geen. Haha.
“Haha, nagtagumpay tayo sa first plan.” Kats.
“Yeah, pero may napansin ako… Kanina pa inikot ni Geenee ‘tong buong lugar, bakit hindi agad siya nakaalis?” Tanong ni Dix
Nagkatinginan naman kaming lahat at napaisip. Ayokong mag-isip ng negative. Pero Taena!!! Kinakabahan ako!!!
“Ahh… ewan, tara na nga, kumain na tayo at nagugutom na ako!” Yaya ko sa kanila at naglakad paalis sa building na yon.
Naglalakad lang kami ng biglang may mabilis na dumaan sa harap namin. At kung ano man yon, hindi ko alam.
Mas lalo tuloy akong kinabahan.
“Ako lang ba, o nakita niyo rin yung nakita ko?” Drache
Nagkatinginan naman kaming lahat at sabay sabay…
“AHHHHH!!!!!” Sigaw at takbo palayo.
Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makalayo kami sa building na yon. Hingal na hingal kaming lahat.
Grabe, first time manginig ng tuhod ko. Haunted talaga yung building na yon.
Hinding hindi na ako babalik don… kahit kailan
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro