Chapter Twelve
Chapter Twelve
Blood
Umuwi na naman ng lasing si Jake kaya kinabukasan ko na siya nakonpronta.
"Ano 'to, Jake, huh?!" ngayon lang yata tumaas ng ganito ang boses sa kaniya.
Sinapo niya ang ulo, may hangover pa. "Don't believe that. There's nothing between me and Criselda."
"You were kissing!"
"I did not kiss her! She kissed me! I was drunk, okay?"
"Bakit kayo magkasama?"
"Hindi kami magkasama, Lou. I was with Russel and Ryder. Nandoon lang din siya."
"I don't know, Jake!"
He sighed heavily and went back to bed. Padapa siyang humiga roon at nagtakip ng unan sa ulo niya.
Umawang ang labi ko. I bit my lip to stop my cry but my tears still fell silently.
Mukhang nakatulog na siya. Pumasok nalang ako sa banyo para makaligo na at makapasok pa sa trabaho.
"Hatid na kita." bumangon siya.
"Huwag na!" binawi ko sa kaniya ang bag ko nang subukan niya itong kunin sa 'kin para siya na ang magdala.
He looked at me. I was angry and it showed on my face. "Fine!" aniya, mukhang nagalit na rin.
Bumuga ako ng marahas na hininga. "Alam mo, Jake," hindi ko na pinag-isipan ang mga sumunod na sinabi. "Para kang bata! Look at yourself! Palagi kang nasa labas at nag-iinom lang kasama ang mga kaibigan mo. Bakit? Dahil tinakwil ka ng parents mo? Ito ang pinili mo, 'di ba? Kaya sana panindigan mo naman! Instead of getting drunk and making me worry bakit hindi ka magtrabaho para matulungan mo naman ako sa mga gastusin natin!"
His lips parted as he was looking at me. Nanatili ang tingin niya sa akin. Natigilan din ako. "Sinusumbatan mo ba ako, Lou?"
Umiling ako. "Hindi, Jake..." agad din nagsisi sa mga nasabi.
He shook his head. Tinalikuran niya ako. He got his car key and went to the door.
"Saan ka pupunta, Jake?" sinundan ko siya.
Pero wala siyang sinabi at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas sa pintuan at pag-alis. Hindi na rin niya ako nilingon.
Nasapo ko ang mukha gamit ang mga palad. And I cried again.
Pumunta pa rin ako sa trabaho. I needed to. May mga gastusin kami ni Jake. Sa condo, electricity and water bills. At pagkain, pati pang-gas sa kotse niya, pinagkakasya ko ang sahod ko at halos paubos na rin ang savings ko. And I need to go to the grocery later dahil wala na rin kami halos stock sa bahay.
"Okay ka lang, Lou?" maingat na tanong sa akin ni Dina habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria. Bahagya kasi akong natutulala habang kumakain.
Nakatingin na rin sa akin si Pocholo.
Ngumiti ako sa kanila. "Okay lang ako." I assured them.
Dumating si Joel at nagpaalam na maki-upo rin doon kasama namin sa mesa. Tinanguan namin ito at tumabi siya sa akin. Alam naman sa opisina na buntis ako. Kaya siguro parang maingat din sa akin ang mga kasama ko. And I really appreciate it.
"Gusto mo pa? Sa 'yo na." tinulak palapit sa 'kin ni Joel ang isa niya pang ulam na hindi pa niya nababawasan. Tulad 'yon sa in-order ko.
Tiningnan ko ang plato ko. May kanin pa pero wala nang ulam. Medyo lumakas din ang pagkain ko simula noong nagbuntis ako. Siguro dahil hindi nalang ako ang kumakain at dalawa na kami ni baby. Pero nagtitipid kasi ako... Tumingin ako kay Joel. He gave me a gentle smile. Tumango na ako at tinanggap iyon.
Nasulyapan ko rin na napangiti sina Cholo at Dina. Alam kong gusto nilang nakikitang kumakain ako ng maayos para nga rin daw sa future inaanak nila. Halos librehin na nga rin nila ako kung hindi ko lang pinipigilan.
"Uwi ka na, Lou? Hatid na kita." Joel offered.
"Pumayag ka na, Lou. Mahal ang taxi at mahihirapan kang mag-commute." nag-aalalang sinabi ni Dina.
Napahawak ako sa tiyan ko. Napatingin din sila. Medyo halata na rin ang umbok doon.
"Basta hatid lang, Joel!" Pocholo warned.
Tumawa lang si Joel and assured Cholo.
Tumango na rin ako kay Joel. "Pero dadaan pa ako sa grocery,"
He nodded. "Okay lang. Samahan na kita."
I nodded. Sabay na kaming bumaba ng building. Humiwalay sina Dina at pinasakay naman ako ni Joel sa kotse niya. Hindi ito kasing gara ng sasakyan ni Jake pero maayos din naman.
"Wala ka bang girlfriend, Joel?" Baka kasi may manabunot nalang sa akin bigla dahil pinapasakay niya ako sa sasakyan niya. "Ayaw ko ng gulo."
Tumawa siya at parang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. "Wala, Lou. Huwag kang mag-alala."
"Where's your boyfriend? Bakit hindi ka na niya madalas nasusundo?" he asked.
Bahagya akong umiling, nasa harapan ang tingin. Hindi ako agad nagsalita.
He cleared his throat a bit. "Mukhang mayaman iyon, ha. Bakit ka pa niya hinahayaan magtrabaho? Buntis ka na, hindi ka pa ba inayang magpakasal?"
Nanatili akong tahimik. At parang naintindihan naman niya iyon.
"Kahit huwag mo na akong samahan, Joel. Huwag ka na rin maghintay. Mag-t-taxi nalang ako mamaya." sabi ko nang nakarating na kami sa grocery.
Umiling siya. "Samahan na kita. Baka mahirapan kayo ng baby mo."
Tumango nalang ako at nagpasalamat. I appreciate his help.
Sinamahan ako ni Joel sa loob ng grocery. Siya rin ang nagtutulak ng cart ko. Pagkatapos ko mabayaran ang mga pinamili sa cashier ay siya rin ang nagbuhat. Mukhang mabibigatan nga ako kung ako lang ang magdadala ng mga iyon.
"Salamat, Joel."
"Hatid na kita sa unit mo. Mabigat 'to." sabi niya.
Tumango ako at pinasama na siya. Parang pagod nga rin ako at gusto ko na sanang magpahinga. Hindi ko pa alam kung nakauwi na si Jake.
"Pasok," sabi ko matapos buksan ang pinto ng maliit kong condo at pinapasok si Joel. "Dito nalang sa mesa. Salamat talaga."
Ngumiti siya at tumango. Saglit din nilibot ang tingin sa tirahan ko. "You're living here?" he asked.
I nodded. "Yes,"
"Your boyfriend?" medyo nangunot ng konti ang noo niya.
"We live here, Joel." I told him.
Tumango siya at hindi na rin naman nagtanong pa. Nagpaalam na rin siyang aalis at hinatid ko sa pinto. "Thank you, Joel."
Saktong paalis na ito nang dumating naman si Jake. Agad na kumunot ang noo nito.
"Jake," inagapan ko na. "Hinatid lang ako ni Joel at tinulungan sa groceries natin. Sige na, Joel. Salamat ulit."
Tumango sa akin si Joel at naglakad na paalis. Hinawakan ko sa braso niya si Jake at pinapasok na sa unit.
Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya nang nasa loob na kami. "What was that?" Magsasalita na sana ako pero naunahan niya. "Hindi ka dapat basta nalang nagpapapasok ng kung sino lalo at lalaki!" bahagyang umangat ang boses niya. "And that man again?"
Nainis ako. "Puwede ba, Jake, imbes na inuuna mo 'yang pagseselos mo? Isipin mo naman muna ako? Ako na buntis sa anak natin. Galing akong trabaho at kailangan ko pang dumaan ng grocery. Mabuti nga nag-offer iyong tao na ihatid ako. Isipin mo na kung hindi iyon nagmagandang loob mahihirapan din ako lalo sa kalagayan ko!"
"You could have called or even message me para nasundo kita-"
"Paano? You just walked out on me this morning!" tumaas na rin ang boses ko.
Umawang ang labi niya at hindi agad siya nakapagsalita.
I heaved a harsh breath. "Palagi mo nalang bang gagawin sa 'kin 'yan, Jake? Tatalikuran mo nalang ako at aalis ka? Ni hindi mo sasabihin sa akin kung saan ka pupunta at iiwan mo lang a-ako!" my voice broke and tears pooled in my eyes. "Ano ba ang tingin mo sa akin?! Siguro nga hindi tayo kasal pero, Jake! Girlfriend mo naman ako, 'di ba? And I'm pregnant with your child!"
"Lou," he tried to reach me but I stepped back.
"Alam kong nahihirapan ka. Pero isipin mo rin naman ako, Jake! Tingin mo ba hindi rin ako nahihirapan? Nahihirapan na rin ako..." tumulo na ang luha ko. "Pero kinakaya ko para sa atin. Para sa 'yo at sa baby natin-"
He caught me and hugged me. I cried in his arms for a while pero tinulak ko rin siya. Tinungo ko ang kama at humiga ako paharap sa dingding, nakatalikod sa kaniya.
Umiyak lang ako at naramdaman ko nalang na tumabi na siya sa akin. Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. He wrapped an arm around my chest. Tinabig ko iyon.
"I'm sorry..." He whispered. Hindi ako kumibo. "I ordered dinner for us. Pagdating kumain ka na. Magugutom si baby." he said.
Hindi pa rin ako nagsalita. He sighed. "I borrowed money from Russel. Ibabalik ko rin kapag... may work na ako."
Muli niya akong hinagkan. "I'm really sorry, Lou... I was irresponsible... You don't deserve this. I promise you, gagawa ako ng paraan. I won't worry you anymore... I'm sorry, babe."
Naiintindihan ko rin naman siya... Alam kong hindi siya sanay na mahirapan... Pero kasi iba na ngayon... Magkaka-anak na kami. May responsibilidad na kami pareho sa anak namin.
When the food arrived pinilit ko pa rin ang sarili na bumangon at kumain. Kailangan kong kumain para sa amin ni baby.
Hindi ko pa rin kinibo si Jake hanggang nakatulog na ako.
Sa sumunod na araw bumangon pa rin ako para makapasok sa trabaho kahit parang mabigat ang pakiramdam ko. Pumasok ako sa bathroom para makaligo na. Nakaligo pa ako at nakatapis na ng towel nang may iba na akong naramdaman. Kumabog ang dibdib ko. I think I was already shaking when I looked down at my thighs...
"J-Jake..." tawag ko galing sa banyo. "Jake!" my eyes widened when I saw blood.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro