Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

31: Better Than Nothing

Melanie gulped and couldn't speak in front of Harika. Simple lang niyang tinanong ito, bakit ay tila ganoon na lang ang pagkabigla nito nang magpang-abot sila sa loob ng kuwarto ni Waki.

Alam ni Melanie na hindi ito nakikita ni Harika dahil ang mga mata niya ay nasa malayong banda at nagagawa pa rin nitong magbaba ng tingin upang iwasan siya. "I... I didn't come here by myself, Harika." She tried to gather herself and said, "Maya took me upstairs and I had a call before I got here and see you." Maya was the name of her favorite helper "Kanina ka pa ba nandito?"

Harika pursed her lips and then turned her head across at Melanie. "Y-yes Tita, I am waiting for Waki. He's in the bathroom... almost through."

Tumango-tango ito sa kanya. Gustong tanungin ni Melanie kung may narinig ba si Harika sa kausap nito sa telepono kanina, subalit iniurong nito ang dila at huwag na lamang banggitin ang tungkol doon.

"Kausap mo si Aunt Lymareva? Kumusta na siya?" Sinubukan ni Harika na huminga nang normal dahil tila ba lumalalim iyon dulot ng mga narinig kani-kanina lang.

"Yeah, I was just chatting to her a minute ago; what do you want to know about her?"

Tumikhim si Harika at umiling. She seemed to have lost interest in the details of the claimed deepfake video of her and the invitations that Venus allegedly received. After carefully considering all of it, she changed her mind. Gusto na lamang niyang sarilinin kung ano ang mga narinig kanina. Pinipilit niyang manahimik na lang muna kahit na kanina pa nilulukuban ng pangamba ang kanyang dibdib.

It's okay for her not to know right away.

Naglihis ng tingin si Melanie sa nagbukas na pinto ng banyo. Lumabas si Waki na naka-shorts, walang damit pang-itaas habang basa ang buhok at nakasabit ang puting tuwalya sa balikat nito.

"M-mom... what are you doing here?"

Nanatiling nakatayo lang si Harika na pinakikinggan ang boses ni Waki.

"I came here to tell you something, but because Harika is here, I'll have to do it another time. Mukhang may lakad kayong dalawa." Tipid na ngumiti ito sa anak at marahang hinimas ang likod ng kamay ni Harika.

And then Maya came. "Ma'am Melanie, inihanda ko na ho ang mga rekado sa mesa at pinakukuluan na ang karne ng baka..."

Napalingon ito sa helper na susundo rito. "Maraming salamat, Maya. Halika na, bumaba na tayo."

Nilisan ng mga ito si Waki at Harika sa loob ng kuwarto. Iniisip pa rin niya ang mga narinig kanina lalo na ang boses na nagmula sa telepono na kumakalat na ang deepfake video niya sa internet. Alam ba ito ni Waki? Why didn't he let her know about these things? Pinagpipiyestahan na siya online, tila ba kalmado pa rin ito habang magkasama sila.

"Are you ready? Mabibihis lang ako tapos aalis na ta— what happened?"

Waki heard her soft sob. Hindi na niya napigilang maluha. Ganoon ba talaga kahirap maging bulag gaya niya? Wala na nga siyang nakikita pati ba naman ang mga nangyayari sa paligid niya ay wala ni isang gustong sabihan siya?

She blinked away a tear. "I'm sorry, Waki, but I can't go with you right now. Sumama bigla ang pakiramdam ko..." she reasoned out.

"What's the matter? You seemed so ready."

Gusto niyang iwan ito pero hindi niya alam kung nasaan siya o kung pader na ba ang susunod niyang hahakbangan.

Nagsuot ng t-shirt si Waki at nagmadali itong tinabihan siya upang alalayan. "Walang problema, we can go out some other time. Ihahatid na kita sa kuwarto mo nang makapagpahinga ka na." Naririnig nito ang mahihinang hikbi niya. "May nangyari ba between you and mom?" paniniguro nito.

She simply shook her head. "I just don't feel like going anyplace right now. Pasensya ka na, Waki, I should've told you sooner."

He was terrified seeing her from the corner of his eyes. Nagtataka ito kung bakit bigla na namang nagkaganoon si Harika. There's something she was not telling him.

✦❘༻༺❘✦

Magdamag na gising si Harika kaiisip sa mga narinig niya kanina kay Melanie habang kausap ang kanyang tiyahin. Hinihintay niyang puntahan siya ni Waki at kumustahin, ngunit nang magtanong siya sa helper na pumasok sa kuwarto kung nasaan siya... itinuloy raw nito ang pagpunta ng Bellmoral. He just cannot cancel an agreement he made with his friends.

Kinabukasan ay nagpahatid siya kay Manong Liro patungo sa clinic ni Dr. Yetter dahil may appointment siya rito para sa araw na iyon. Inside the room, the nurse checks her status first, including her BMI, and screens her current lifestyle. Kabisado na niya ang mga ginagawa tuwing naroroon siya, sa amoy pa lang ng clinic at nakasanayang pakiramdam sa loob ay imposibleng malimutan niya iyon.

Kinumusta agad siya ni Dr. Yetter nang igiya siya ng nurse papasok sa loob ng kuwarto kung nasaan naroroon ang kakilalang doktor. Tulad pa rin ng dati ang sagot niya, walang naging pagbabago ang kanyang mga paningin.

"Wala bang ibang nararamdaman ang mga mata mo? Hindi ba ito nagluluha, nag-iinit o parang may hapdi sa pakiramdam?"

Harika just shook her head. "Ang mga pakiramdam na 'yan ay naranasan ko muna bago ako tuluyang mabulag, Doc." Mababaw siyang suminghap. "Kung nakakakita lang ako, I'd say my life was relatively typical now."

Pinagmamasdan siya ng doktor.

"So nothing changed within your field of vision? Like a tiny light or a blurry sight?" he inquired. "How about the sorrow and resentment associated with losing the congressman, your grandfather? Does it still affect you while you were at the Ishidas?"

"Hindi ninyo maaalis sa akin doc ang maalala at maging malungkot sa tuwing maiisip ko si Lolo Dad. It was impossible for me to simply move on that quickly because I had no one else besides him, doc... isa pa, ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang mawala siya. Of course the pain's still there," aniya.

Napapatango-tango ang doktor na sumasang-ayon sa kanya.

"Are you having a dream of him?"

Wala siyang maalala—kung mayroon man ay tila nasa sulok na iyon ng kanyang utak kung bakit hindi niya maalala—kaya siya umiling sa itinanong ni Dr. Yetter.

"Do you still have his stuff with you or around you?"

Wala rin kaya naman ay muling pumilig ang kanyang ulo.

"Minsan mo na bang narinig ang boses niya lalo na 'pag mag-isa ka?"

Isa lang ang naaalala niya nang muling marinig ang boses nito, noong binanggit nito ang pangalan niya sa isang tawag sa kanyang telepono. Subalit hindi ito pinatotohanan ni Waki noong ipa-check niya ito rito. Kaya naman ay iniling niya ang kanyang ulo at hindi binanggit ang bagay na iyon dahil tiyak hallucination lang ang dahilan na maiisip ng doktor sa kanya.

Dr. Yetter nodded in response to every question he posed to her. Naging marami ang mga tanong nito kumpara noong mga nakaraang appointment na mayroon sila. She had the impression that he was assessing her for some reason, both physical, mental and emotional. Dr. Yetter was an ophthalmologist, yet he seemed like he was counseling her for the entirety of their consultation. Hindi naman niya minamasama iyon dahil ang ilan sa mga katanungang nasagot niya ay tila nakatulong upang gumaan ang pakiramdam niya. Just to make sure she was making progress with his coping mechanisms.

The doctor also advised her to go straight home after leaving his clinic in order to avoid the public buzzing about her. She doesn't give a damn whether the doctor was referring to that deepfake video of her. She knows to herself that she was clean and that it was all a lie.

Nakakalang ang kamay ni Harika sa braso ng matandang driver palabas ng clinic. He escorted her till she was inside the car.

"Babalik na ho ba tayo sa mansyon ng mga Ishida o may iba pa kayong gustong puntahan, ma'am?" he asked, revved up the engine and drove off.

Wala pa siyang gagawin kung babalik na agad siya ng mansyon. Kahit pa may usapan sila ni Waki na magmamasa ng mga cookie na ibe-bake nila mamayang hapon. Her gut telling her to clarify things within her. She had to do it now. Better than nothing.

✦❘༻༺❘✦

Magkakasunod ang tunog ng pag-click ng camera sa loob ng House Manor ng mga Levantine. Pinaliliguan si Venus ng mga kislap ng camera habang suot ang mamahaling brand ng damit at prenteng naka-pose ito sa limited million dollar couch na pag-aari ng namayapang congressman.

Imbes na bumalik sa mansyon ng mga Ishida ay dumiretso si Harika sa manor.

"Manong, ano ang nangyayari dito? Sino ang kinukuhanan ng litrato?" bulong niya sa matandang katabi.

"Si Ma'am Venus ho."

Nagtataka ang mga helper na nagbubulungang nakabuntot sa pagdating ni Harika. Ang iba ay nangangamba, halos lahat ay naaaligaga.

She crossed her arms over her chest, hearing all these capturing sounds in the huge hall that made her feel thrown away by these companies. Tama nga ang hinala niya mula sa mga narinig, Venus got it and currently the model of an expensive fur coat brand she signed before. Pa'no niya nalaman ang tungkol doon? She has his driver's eyes. Kahit matanda na ito, through his loyalty to the Levantines, Harika can know everything happening around. Ano pa kaya ang mga kompanyang inagaw ni Venus sa kanya?

Minuto rin ang lumipas na sandali nang mapansin ni Venus na nakatayo si Harika sa likod ng mga cameraman kasama ang mga staff at nakapaligid na helper sa walang ekspresyon niyang mukhang naghihintay.

"Excuse me guys, I need a minute break..." anito saka tumayo at nagtungo sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Pinagtarayan agad siya nito.

Harika's eyes were not as bright as Venus', but her ears got her right. "Naistorbo ko ba ang photoshoot mo?" mapanuyang tanong niya rito.

Venus rolled her eyes with an exasperated low breath. "Kahit hindi ka magsalita, presensya mo pa lang ay nakakaistorbo na."

Harika scoffed. "Kailan ka pa naging model? The last time I know, you were not."

Before responding, Venus took a sip from the straw of her transparent iced coffee cup. "Matagal na akong model, mga bata pa lang tayo at alam mo 'yon. Napupunta lang sa 'yo ang lahat ng clothing brand companies, designer's clothes at maliliit na apparel stores kaya hindi mo ako nakikitang nagdadala ng damit sa mga litrato. 'Di hamak na mas may fashion sense naman ako kumpara sa 'yo. Pangalan mo lang at si Lolo Dad ang nagdadala sa 'yo..."

Umigting ang kanyang panga sa sinabi nito. Venus knows how to make her angry. Sa tono at pananalita nito, halos masira na agad ang pagdating niyang composed na composed.

"Ah, matagal na..." Napatango-tango siya at gusto ring sakyan ang patutsada ng pinsan. "Kung hindi pa ako nabulag, tatanda ka na lang pala na walang kompanyang kukuha sa 'yo para maging modelo. Say thank you to my sightless eyes, self-proclaimed model!" She emphasized the term she made for her.

Pinandilatan siya ni Venus. She didn't like the words that came out of her mouth. Nagtangis ang mga ipin nito at nalukot ang ekspresyon ng mukha. If Venus knows how to annoy her, Harika does it better than her. Kapansin-pansin na sa mukha nito ang pagkaasar.

"Self-proclaimed? Okay, fine, at least hindi makalat na katulad mo!" Tumaas ang gilid ng labi nito. "At least hindi ako ang pinagpipiyestahan ngayon online. Beautiful Harika Levantine in a teen explicit video? Congrats, cuz, you're popular again!" Venus quietly clapped, celebrating her downfall.

Imbes na maapektuhan, alam ni Harika na hindi totoo ang video na kinasangkutan niya. "Really, Venus? Ikaw na lang yata ang natitira at naniniwalang tao na ako ang nasa video na 'yon. It went viral until people learn that it was a deepfake. Nahanap na ang tunay na video na kinuha sa isang porn site at ipinalit ang mukha ko. Akala n'yo ba malilinlang ninyo ang mga tao? Magaling lang kayong manlamang... at manamantala ng bulag."

Natigilan si Venus sa inihayag ni Harika. Sa pag-uusap nina Melanie at Lymareva, she's aware her aunt let the said video slide and circulate online till everyone saw the real thing. Thanks to her computer graduate friend, Lizbeth, for making things right.

"Having a hard time believing it? Go check it online," mahinahon niyang bigkas. "Nang malaman mong ikaw ang literal na kalat sa ating dalawa." Harika spicing it up.

She knows that she has the last laugh. And that was the last line that make Venus' mouth shut. Hindi makapaniwala ito nang makita ang laman ng social media na halos kahapon pa hindi pinag-uusapan ang tungkol sa naturang video. People only hyped it because it was new that very time and when they found out that it was a deepfake, the issue dramatically subside.

Harika clung her hand on Manong Liro's arm. "Good luck sa photoshoot mo, cuz..." she was taunting her by saying the word 'cuz' and clarify it immediately, "ay oo nga pala, hindi nga pala kita tunay na pinsan. Ang bigat sa pakiramdam, 'no? Na sa panaginip ka lang nagiging Levantine," pinatungan pa niya iyon at hindi na makaimik si Venus na halos umuusok na ang ilong sa galit sa kanya.

Matalim siya nitong tinititigan. Savage Harika turned her cousin into an overripe tomato and a breathing dragon because of her.

"Manong Liro, what are you doing here— H-harika..."

Dumating si Lymareva at agad na lumikod si Venus dito. The driver bowed to her in respect.

"Hindi ka man lang nagpasabi na magpupunta ka ngayon dito? 'Di sana pinaghandaan namin ang pagdating mo," panimula nito at bumeso sa pamangking nakatayo lamang.

Kung nakikita lang ni Harika ang tiyahin, tiyak na mabubuwisit lang siya dahil sa mala-evil stepmother na suotan nito. Nakatagos lang ang tingin ni Harika sa dumating niyang tiyahin. Hindi man niya ito nakikita, sa lakas ng presensya nito ay hindi siya maaaring magkamaling kaharap niya ito ngayon.

"Nagpunta ka ba rito para pasalamatan ako dahil ginawan ko nang paraang maihinto ang kumakalat na explicit video mo all over the internet?"

"Sinungaling."

Marahang napahawak si Lymareva sa dibdib nito. "Iyan na ba ngayon ang makabagong term ng pagpapasalamat?"

"You did nothing about that goddamn video, auntie! Hinayaan mo iyong parang apoy na kumalat sa internet. 'Tapos gusto mo akong pasalamatan ka? Gagawin ko lang na pasalamatan ka kapag nagawa mo na akong pagmalasakitan."

And their rebuttal continues.

"Kapag dumating na ang takdang araw, Harika, doon mo malalamang minsan na kitang pinagmalasakitan. Hindi mo pa makikita sa ngayon, but you will realize soon..." taas-noo nitong sinabi iyon sa kanya.

Hindi niya magawang paniwalaan ang tiyahin. Lymareva has done a lot of mess when Harika was growing up. Even with this little things she said, it was hard for her to go on her side that quickly. Kung maniniwala man siya, tiyak na hindi pa iyon ang oras upang gawin ang bagay na iyon.

Pagpasok pa lamang niya kanina sa double door ng manor, ang headmaid agad ang una niyang hinanap gaya ng nakagawian niya sa tuwing nasa mansyon siya.

"Where's Nana Alice?"

"Pinagbakasyon ko."

"Pabalikin mo siya. Gusto ko na uli siyang
makasama."

"Empleyado ko na ngayon si Alice. It's up to me whether I'll bring her back or not. Hindi ikaw ang nagdedesisyon sa lugar na ito, Harika. Have a little respect." Napapailing ito sa iniasal ng pamangkin. "Kasalanan ito ni Dad dahil itinuring ka niyang literal na prinsesa kaya nahihirapan ka sa tuwing hindi mo nakukuha ang gusto mo."

"Kailan mo pa pinagkainteresang hawakan ang mga empleyado rito? Hindi ba't ikaw ang naging dahilan noon kung bakit nawalan ng trabaho ang karamihan sa kanila dahil sa kapabayaan mo? And how about the helpers working here now? Seems they're all new. Hindi sila bumabati noong dumating ako. Nasaan na ang mga matagal nang naninilbihan dito? Don't tell me you fired all of them?"

"I did not just fired them. I gave them cash and an overwhelming benefits for their service. Just so you know, Harika, I did staff cleansing after the death of the congressman. I've done it purposefully."

"You did it because of their loyalty," bulong ni Harika sa isip. "Wala ka bang balak abisuhan ako sa mga pagbabagong ito, auntie? Kailangan bang bigla-bigla ko na lang malalaman ang mga ito? You should've called me."

Gustong magalit ni Harika, but the mood became lighter. Masyadong mahinahon ang kanyang tiyahin at ayaw niyang magsimula ng gulo.

"Para ano, para pagtalunan natin?" Lymareva held her shoulder. "Look, Harika, I don't have any bad intentions with these. Hindi mo ba sasang-ayunan ang desisyon kong palitan ang mga trabahante ng buong estate na ito? Sa tagal na nilang nagtatrabaho rito, mas lumalaki ang risk dahil sa familiarity nila sa buong lugar upang gumawa ng masama. Naiintindihan mo ba 'ko? Hindi lang isang tao ang pinangangalagaan ko rito, kundi lahat ng mga pinundar ni Dad at seguridad mo, pati ni Venus. Has any of it makes sense to you?"

Naiintindihan ni Harika ang nais na iparating ng kanyang tiyahin. Ano ba naman iyong sabihan siya sa pagbabagong nais nitong pairalin sa kabuuan ng pag-aari ng mga Levantine?

"Sa susunod auntie, sabihan n'yo ako... para alam ko. May mahirap ba roon?"

"If you're doubting or suspecting me of doing these, enough hiding at the Ishidas. Live here with us, to learn what's going on and to know what you should know... even the things you don't wanna know."

Mahinahon lang ang tono ng mga salitang lumalabas sa bibig ni Lymareva, ngunit tila may mga punto iyong nagpapantig sa kanyang tainga.

"At kung wala ka nang ibang concern, itutuloy na ni Venus ang kanyang photoshoot."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro