
CHAPTER 30
Dedicated to:
Warning: Slight mature content!
OPHELIA CALLA
"Ang ganda dito, Hon!" masaya kong sambit sa kan'ya at mas lalo pa akong kumapit sa braso nito.
Tumango naman s'ya at inilibot lamang ang paningin dito sa beach. Ngayon ay nandito kami sa beach ng probinsya, buti na lang at wala kaming klase dahil Sabado ngayon.
Tumungo kami sa cottage namin. Abala si Kuya Armer sa paglalapag ng pagkain sa mahabang lamesa. Sila Kuya Alter at iba pa naming kasama ay abala sa kakakuha ng litrato.
"Kumain muna tayo," yaya ni Kuya Armer saka s'ya napaupo sa kinauupuan nito. Mahaba ang upuan kaya kasya kaming lahat.
"Kain na!" Bumalik si Eden sa kinauupuan nito at mabilis na hinila si Khoen sa tabi n'ya. Dinala rin pala n'ya ang kan'yang nobyo.
"Sayang at hindi makakapunta rito si Nelsie. Oh my, wala tuloy akong ka-partner," salita naman ni Nicka at saka umupo sa tabi ni Kuya Alter na abala sa kakasandok ng pagkain.
Bahagyang dinala ako ni Zyler sa bakanteng upuan sa dulo. Walang sabing pinaupo n'ya ako at saka s'ya umupo rin sa tabi ko. Napatingin tuloy ako sa kan'ya.
Hindi n'ya ako tinignan dahil abala ito sa pag-asikaso ng pagkain para sa 'kin. Pansin ko no'ng nakaraang linggo ay mas naging clingy at maasikaso na s'ya sa 'kin. Napangiti na lamang ako.
Bigla s'yang napatingin sa 'kin nang matapos n'ya akong pagsandukan. Gulat s'yang napatingin sa 'kin nang makitang nakatitig ako sa kan'ya.
"B-Bakit?" utal nitong sambit at napakamot pa sa noo n'ya saka umiwas ng tingin.
Umiling lamang ako at inilagay ang plato sa gitna namin. "Share tayo."
Rinig ko ang sunod-sunod na ubo mula sa mga kaibigan ko. Taka ko naman silang tinignan na ikinangisi lamang nila at hinayaan kami.
Napatingin ako kay Zyler. "Masarap ito ,oh." Kumuha ako ng carbonara gamit ang kutasara at saka itinapat sa kan'yang bibig.
Nag-aalinlangan pa s'ya kung kakainin n'ya ito pero wala s'yang nagawa nang samaan s'ya ng tingin ni Kuya Alter. Sinaway ko tuloy si Kuya.
Kinain ni Zyler ang sinubo ko sa kan'ya na carbonara.
"Masarap?" ngiting tanong ko sa kan'ya na ikinatango n'ya. Feeling ko ang galing ko na talaga magluto!
Dumikit pa lalo ako sa kan'ya at ibinagay sa ditoang kutsara. "Subuan mo ako," malambing kong utos na sinunod naman n'ya.
"Subuan mo rin ako, babe," rinig ko na sambit ni Eden kay Khoen.
Di ko na lang sila inabala pa dahil sinubuan na ako ni Zyler ng carbonara. Sa kilig ko ay napayakap ako sa beywang nito.
"Sus maryusep."
"Finish na."
Kung ano-ano pa ang mga reklamo nito sa 'min. Inikutan ko lamang sila ng mata at di na pinansin.
"Zyler!" rinig namin na tawag ng lalaki.
Napatingin ako sa labas ng cottage namin at nakitang kamukha iyon ni Zyler.
Nanlaki ang mata ko. Kahit alam kong may kakambal talaga si Zyler ay hindi ko pa rin maiwasang mabigla. Hindi kasi ako pinakilala ni Zyler sa kapatid n'ya bagay na hindi n'ya ako pinayagan. Ewan ko pa kay Zyler.
Napatingin namin sila Kuya sa kapatid ni Zyler. Basi sa mukha ni Kuya Armer ay mukhang alam n'yang may kakambal si Zyler dahil hindi naman ito nagulat.
"Oh my! Another Zyler?!" gulat na saad ni Nicka at nakangangang nakatingin sa kakambal ni Zyler na ngayon ay nakangising nakatingin kay Zyler. O sa 'kin?
"Out na tayo guys!" Hinila ni Eden si Khoen at may binulong pa ito. Tumango-tango naman si Khoen at may sinabi kila Kuya na hindi ko naintindihan.
Taka naman akong napasunod ng tingin sa kanila nang lumabas ito ng cottage at iniwan kaming tatlo dito.
Napabaling ang tingin ko kay Zyler nang hapitin n'ya ang beywang ko papalapit sa pa sa kan'ya kahit malapit na ako rito. Kulang na lang ay ikandung na n'ya ako sa hita.
"Bakit?" tanong ko kay Zyler at kumapit sa leeg nito para di ako mahulog nang pinaupo na n'ya ako ng tuluyan sa kandungan n'ya.
Di n'ya ako sinagot at pinaupo lang ako ng maayos sa lap n'ya. Walang emosyon itong nakatingin sa kapatid n'ya na ikinatingin ko.
Gulat naman akong napatingin sa kakambal n'ya nang makitang nakatitig ito sa 'kin at may naglalaro 'pang ngisi sa labi. Sumandal ito sa upuan n'ya na gawa sa kawayan.
Dinilaan n'ya ang kan'yang labi na ikinangiwi ko. May pagkakaiba nga talaga sila ni Zyler. Kung si Zyler ay mahiyain, ito namang kakambal n'ya ay mayabang. Pareho sila ni Krister.
Humigpit ang kapit ni Zyler sa 'king beywang. "Anong ginagawa mo dito?" seryoso nitong tanong sa kapatid n'ya.
Nagkibat-balikat ang kakambal n'ya. "Vacation. By the way, pakilala mo naman ako sa kaibigan mo."
Tumaas tuloy ang dalawa kong kilay sa sinabi n'ya. May magkaibigan 'bang kumakandong ang babae sa lalaki at halos magyakapan na? Gusto lang yata n'ya asarin si Zyler.
Di ko alam kung sinasadya ba n'ya talaga o nangangasar lang. Pero basi lang kasi sa tingin ni Zyler sa kan'ya ay mukhang hindi sila magkasundo.
Ramdam ko ang pagkainis ni Zyler. "Girlfriend ko s'ya," diing sambit ni Zyler sa kan'ya.
Nanlaki naman ang mata ng lalaki at kunwari ay nagulat sa sinabi ni Zyler. "G-Girlfriend? Pftt! Impossible, bro. You're not interested to be in relationship."
"Whatever you say," saad ni Zyler at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa balikat niya.
Kita ko naman ang pagtingin doon ng lalaki. Nawala tuloy ang mapangasar nitong ngisi. Iniwas ko ang tingin sa kan'ya at ibinaling lamang ang atensiyon kay Zyler.
Kukuha na sana ko ng juice sa lamesa nang pigilan ako ni Zyler. Hinayaan ko na s'ya ang kumuha nito para sa 'kin. Kukunin ko na sana sa kamay n'ya ang juice nang itinapat n'ya ito sa bibig ko.
Kahit nagtataka sa kasobrahan ng pagkaalaga nito ay hinayaan ko lang. Gusto kong inaalagaan n'ya ako ng ganito. Sana naman 'wag syang magsawa.
Inilayo ko ang baso sa bibig ko at umiling sa kan'ya. "Ayaw ko na," sambit ko na ikinatango n'ya. Binalik n'ya ang baso sa lamesa.
Napaangat ang tingin namin nang biglang tumayo ang kakambal ni Zyler. "I'll be back," saad lamang nito bago umalis sa cottage namin.
"Ano ba ang pangalan n'ya, Zyler?" tanong ko at napalingon sa kan'ya.
Nanlaki naman ang mata ko nang sumama ang ekspresiyon nito. "Gusto mo s'ya? Do you find him handsome than me?"
Napanganga ang bibig ko sa gulat. Anong pinagsasabi nito?! Seloso talaga.
"T-Tinanong ko lang naman ang pangalan n'ya, ah. Anong pinagsasabi mo d'yan?" Kahit alam kong nagseselos s'ya ay tinanong ko pa rin ito.
Umiwas s'ya ng tingin. "Ayaw kong marinig ang tungkol sa kan'ya," mapait nitong sagot na ikinatawa ko ng mahina.
"Eh? Tanong ko lang naman kong anong pangalan n'ya. Syempre kapatid mo s'ya kaya dapat malaman ko ang pangalan ng kapatid mo "
Rinig ko ang pabulong-bulong nito sa hangin na 'di ko masyado naintindihan.
Hinimas ko ang braso n'ya para tumingin s'ya sa 'kin. "Hey, you are more handsome than him, okay? Seloso talaga."
Nagtaka ako nang inilapag n'ya ako sa kinauupuan ko kanina bago ito tumayo. "M-May kukunin lang ako sa room natin. Stay here."
Di pa man ako naka pagsalita ay umalis kaagad ito sa cottage. Dali-dali naman akong sumunod sa kan'ya na hindi n'ya namalayan.
Diretso lamang ang lakad nito hanggang sa makarating kami sa room namin. Payag naman si Kuya nasa iisang room lang kami.
Hinayaan n'yang nakabukas ang pinto kaya madali lamang akong nakapasok sa loob.
"Zyler..." tawag ko sa kan'ya.
Di n'ya ako pinansin at dumiretso lamang ito sa kwarto namin. Sinundan ko ulit s'ya at nakitang nakadapa na ito sa malaking kama.
Tumungo ako sa pwesto n'ya at humiga sa tabi nito. "Zyler? Hoy, pansinin mo naman ako." Kinalabit ko ang damit n'ya.
Wala pa rin s'yang tugon at nakadapa lamang sa kama. Napasimangot tuloy ako.
Sa puntong 'yon ay kung ano-ano na ang iniisip ko. Baka hindi na n'ya ako papansin hanggang bukas. Pakiramdam ko ay iiyak na talaga ako.
Sa huling pagkakataon ay sinubukan ko pa rin s'yang suyuin. "Hon? Pansinin mo na ako. Hindi na ako magtatanong tungkol sa kan'ya."
At sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin n'ya ako pinansin. Hinampas ko s'ya sa likuran na 'di naman masakit. "H-Hindi mo ako papansinin?" di ko mapigilang mautal dahil ramdam ko na malapit na akong maiyak. "B-Bahala ka rin d'yan!"
Padabog akong umalis sa pagkakahiga sa tabi n'ya saka kinuha ang kumot sa tabi ko. Inis na tumalikod ako ng higa sa malapad na sofa at kinumutan ang sarili ng kumot.
Ramdam ko na umalis s'ya sa pagkakahiga n'ya sa kama. Gusto ko na tuloy matulog na lang kaysa sa damdamin ang 'di n'ya pagpansin sa 'kin.
"H-Hon?" tawag n'ya nang maramdamang nasa likuran ko s'ya. Di ko rin s'ya pinansin at inis na pumikit ng mata.
Niyugyog n'ya ako sa balikat. "Hon? Sorry na, oh. Bati na tayo, hmm?"
Tumulo bigla ang luha ko sa mata. Masyado ko kasing dinamdam ang pagtrato n'ya sa 'kin. Pinunasan ko ang luha ko at nagpakawala ng mahinang hikbi.
"H-Hey..." Agad s'yang humiga sa likuran ko. Malapad kasi ang sofa na kinahihigaan ko kaya medyo kasya pa s'ya sa tabi ko.
Hikbi lang ako ng hikbi at tinabunan ang mukha ko gamit ang kumot. Niyakap n'ya ako mula sa likod at kinuha ang kumot ko na hindi ko kaagad napigilan. Hinayaan ko lamang s'yang nakayakap sa likuran ko at hinahalik-halikan ako sa pisngi.
"Sorry na, Hon. D-Di ko lang mapigilan..." rinig kong bulong n'ya sa 'king taenga na ikinasinghap ko. Masyado s'yang malapit sa 'kin kasi.
Kahit gusto ko nang makipagbati sa kan'ya ay nagmaang-maangan ako. "Do'n ka matulog sa kama! Ayaw kita makatabi!" inis kong singhal sa kan'ya.
Pumasok s'ya sa kumot saka ako niyakap sa beywang hanggang sa mahawakan n'ya ang bandang tiyan ko. "W-Wag naman, Hon. Please, sorry nga, eh."
"Ayaw!" parang bata kong tugon sa kan'ya na ikinamura n'ya. "Nagmumura ka na, oh!"
Isiniksik n'ya ang kan'yang mukha sa leeg ko na ikinalayo ko. Hinabol naman n'ya ako at ibinalik ulit ang mukha sa leeg ko.
"S-Sorry na kasi... Please, 'di ko kayang ganito tayo. Tabi tayo, oh," pagsusumamo n'ya.
"Ayaw nga sabi! Bumalik ka do'n!"
Napatili ako nang pumaibabaw s'ya sa 'kin. "Hey!"
Kinuha n'ya ang kan'yang eye glasses at itinabi. "Dito ako matutulog sa tabi mo," pangungulit n'ya at humiga sa ibabaw ko. Hindi naman s'ya mabigat dahil hindi naman n'ya ako dinaganan.
"Di namamansin! Seloso!"
Napatawa s'ya ng mahina at inilapat ang mukha sa harap ko. Napatigil naman ako nang maalalang pumapaibabaw pala s'ya sa 'kin.
Napatulala lamang ako sa blue eyes n'ya na palagi n'yang tinatago sa likod ng salamin at buhok nito. Kahit hindi s'ya blue eyes ay para sa 'kin napakaganda ang kan'yang mata sa paningin ko.
"Bati na tayo, Hon. I love you," malambing n'yang sambit at saka ako masuyong hinalikan sa labi.
Hindi ako tumutol bagkus tumugon ako sa mainit nitong halik. Sa bawat pagsipsip n'ya sa labi ko ay tila dinadala ako nito sa hangin. Bakit nakaramdam ako ng init at sabik?
Nanghihinang napakapit ako sa batok n'ya na ikinadiin n'ya sa 'kin. Ipinasok n'ya kan'yang dila sa 'king bibig na ikinabuka ko ng bahagya.
Tanging ungol at tunog ng halik lang namin ang maririnig dito sa kwarto. Mas lalo 'pang uminit ang pakiramdam ko nang lumakbay ang mga kamay n'ya sa beywang at panga ko. Ramdam kong nangigigil na s'ya pero kinokontrol lamang n'ya ito.
Nang maramdaman na wala na kong hangin ay humiwalay s'ya sa pagkakahalik sa 'kin. Hinihingal akong napamulat ng mata at napatingin ulit sa mata n'yang nagbabaga. Sa oras na ito ay wala na akong naisip kundi sundin ang sinisigaw ng katawan naming nag-iinit.
"M-Mahal kita," sambit n'ya bago inangkin ulit ang labi ko. Magsasalita na sana ako nang binuhat n'ya ako dahilan para mapakamit pa lalo sa batok n'ya.
Hindi n'ya pinutol ang halik namin nang mapahiga kami sa malambot na kama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro