39 : A glimpse of the woods
Chapter Theme: Wherever You WIll Go - The Calling
Napasilip ako sa bintana at wala akong ibang naaninag kundi anino ng mga nagtataasang puno at halaman. Bilang lang ang mga bahay at poste na nadadaanan namin, mabuti na lang at kongkreto ang daan. It was already 7 pm but we're still not in Braylee's house when in fact we should've been there for like 2 hours ago.
"Gutom na gutom na ako." Danguyngoy ni Haji na nasa likuran namin. Drama King as usual.
"Nagsabi ka sana, may pagkain dito eh." Slade laughed as he handed him a lunch box filled with fried chicken. Magre-reklamo sana ako, aagawan pa kasi ako ng manok, pero naalala kong may mga lunch box pang natitira sa paper bag na pinadala ni Daddy.
"Ba't ngayon ka lang nagsabi na may pagkain pala?!" Bulalas naman ni Haji habang hawak ang lunch box.
"Eh hindi ka nagsabi na gutom ka eh!" sabi naman ni Slade.
"Eh kasi akala ko walang pagkain!" ganti naman ni Haji. Ma-drama na nga, ayaw pang magpatalo. Si Slade naman, lumalaban din.
Sa sobrang ingay ng dalawa, napatakip ako sa tenga at sumigaw. "Isa na lang kayo at isasaksak ko yang mga manok sa bunganga ninyo!"
Biglang napabalikwas sa kinauupuan si Magno, nagising dahil sa sigaw ko. "Ha? Saan? Sinong manok?" Naalimpungatan pa.
I pushed myself forward in the gap between Magno and Sawyer's seat. "Sawyer are we lost?" I asked with a sarcastic smile while looking at him.
"Hindi ah!" Humalakhak si Sawyer at umiling-iling, still oozing with confidence.
"Sawyer, we're in the middle of nowhere! We're fcking lost" I glared and yelled kaya napasigaw rin si Sawyer at iniwas ang ulo mula sa akin.
Hinila ako ni Slade paupo. "Kalma lang. Fried Chicken?"
I sighed. Siguro nga gutom lang. "Teka sinong may alcohol?"
"Arte mo naman!" Reklamo ni Magno na nakabawi na ng wisyo. Lumingon ito at kumuha rin ng manok mula sa lunch box na hawak ni Haji. Kahit malayo sa isa't-isa, hindi nito napigilan ang gutom ni Magno.
Bago ko pa man mahanap ang alcohol, kumuha si Slade ng Drumstick at inilapit ito sa mukha ko. Kumagat naman ako rito. Sa isang iglap, nagkapalit kami at siya na itong tumutulong sa aking kumain.
"Cute n'yo naman! Ang tanong naghugas ba si Slade ng kamay pagkatapos niyang mag-CR?" Humalakhak si Haji habang kumakagat sa hawak na manok. Hindi ko na napigilan ang inis ko at inagaw ko ang manok na hawak ni Slade at ibinato ito sa mukha ni Haji.
"My eyes!" Hiyaw ni Haji at napahawak agad sa mata niyang tinamaan ng manok.
"Ang manok!" Sigaw ni Magno, mas concerned pa sa manok kaysa sa mata ni Haji.
"Pahingi!" Sigaw naman ni Sawyer.
Tahimik man ang dinadaanan namin, umingay naman ito dahil sa pagdaan namin. Sigawan dito, kantyawan doon. Natahimik lamang nang huminto kami sa gilid ng daan upang kumain nang maayos. Thank God Dad got us rice too!
Hindi kami lumabas ng sasakyan, bagkus nanatili lang kami sa loob. Pakiramdam ko nag-iingat din sila lalo't nasa gitna kami ng kawalan, walang ibang kakilala sa lugar. Mas mabuti nang sigurado lalo na sa panahong maraming mga halang ang mga kaluluwa.
"Gaano pa ba tayo ka layo sa bahay ng mga Emanuel?" tanong ko habang sinusubuan si Slade gaya ng dati. Buti na lang walang nang-aasar sa amin, palibhasa naranasan na rin nilang ma-injure.
"None of us have even been to Braylee's. Ang tanong, makakarating ba tayo?" Humalakhak si Magno sabay lingon sa amin. Kinilabutan ako bigla lalo't nasa gitna pa naman kami ng kawalan pero hindi ako nagpahalata.
"Kaya 'yan" Ngumisi si Sawyer at taas-noong itinuro ang navigation screen. "Nakakalito ang paliko-liko dito pero pagkatapos nito, pag nasa city proper na tayo, sasalubungin naman tayo ni Apollo tapos siya na ang susundan natin."
"Wow ha, ilang oras na tayong naliligaw at confident ka pa talaga?" I glared at him.
"'Wag kayong mag-alala guys, kasama ninyo ako. Matutunton ng puso ko kung nasaan si Braylee." Sabi pa ni Haji na may papikit-pikit pa sabay hawak sa kanyang dibdib. Babatuhin ko sana ng buto ng manok kaso kawawa na ang mga manok.
"Nga pala, sinong mga kasabay ni Silver ngayon?" tanong ni Slade kaya naman napangisi ako.
"Kay Jethro ko na pinasabay tutal 6pm din naman daw ang out nun. Jethro's the safest option." Paniniguro ko.
"Di ka nagseselos Rei?" Ngumisi si Magno sabay taas-baba ng kilay.
"Bakit anong meron?" Isa-isa kaming tiningnan ni Slade, may naguguluhang ngiti sa kanyang mukha.
"Reika had a crush on Jethro when we were kids." Bigla akong nilaglag ni Haji at humalakhak pa ito na parang demonyo. Dali-dali ko akong pumatong sa upuan at pilit siyang inabot para sabunutan pero mabilis na yumuko sa sahig ang bumbay para makaligtas.
"Really huh?" Napalingon ako kay Slade at nakita kong nakangisi ito habang naniningkit ang mga mata.
"Kaya pala lagi kang sumasama sa amin noong bata pa tayo!" Kahit si Sawyer gumatong na rin ng pang-aasar.
"Akala ko ba si Cohen ang crush mo noon?" Pang-aasar naman ni Magno kaya agad akong napangiwi.
Umayos ako ako ng upo at bumuntong-hininga na lamang. Kahit gustong-gusto ko na silang patayin, nanatili akong taas-noo. "Correction, I had a crush on Warren."
"Whoaaaa!" At talagang nagpalakpakan pa sina Haji, Sawyer, at Magno.
"It was just a crush. Not a big deal." I added as I shrugged. "Don't worry Slade, Elemento is in good hands. Jethro is the sanest in Filimon Heights. Baka nga hindi pa magkibuan ang dalawang iyon, parehong bato eh." Dagdag ko pa sabay arte na parang may kinukuha mula sa bag. Bigla kasi akong nailang na tumingin kay Slade.
"No way..." Biglang bulalas ni Haji kaya lahat kami napalingon sa kanya.
Haji was already seated while looking at his phone. Shock was on his face while illuminated by screen.
"Problema mo?" Pabalang kong tanong.
Nag-angat ng tingin si Haji sa amin habang may seryosong expresyon sa mukha. "You guys know the vocalist of Rockin' Rabies?"
"Si Evan? Bakit, anong nangyari?" Slade asked. They were in the same industry, of course Slade would know.
"Nasunog daw ang kotse. Nang maapula ang apoy, natagpuan daw ang sunog niyang bangkay sa loob ng kotse." Ngumiwi si Haji at halatang kinilabutan sa sinasabi. "Damn, I know the guy was an asshole but he doesn't deserve this."
"Fuck..." Mahinang napamura si Slade, gulat dahil sa nalaman.
"You guys friends?" Tanong ni Sawyer pero umiling naman si Slade.
"No, Haji's right, Evan is an asshole... pero ang sama pa rin ng nangyari sa kanya." Napailing-iling na lamang si Slade.
"Una si Slade ang naaksidente tapos ngayon si Evan naman, mukhang minamalas ang mga rakista sa Filimon Heights ah? Baka mamaya may tirador ng mga rakista ah?" Humalakhak si Haji kaya muli, napalingon kaming lahat sa kanya.
"That's not a good joke, Haji." I spoke flatly as I glared at him.
"Ano nga palang balita sa bumangga sa'yo?" Tanong naman ni Sawyer.
I sighed inwardly. The last thing I want was for Slade to remember the accident and feel sad all over again. "Can we please not talk about accidents and shit? We're still in the middle of nowhere here!"
"Takot ka?" Slade chuckled. Hindi ko alam kung pinagt-tripan ba niya ako o iniiba niya lang ang usapan.
"Matatakutin 'yang si Reika kahit nakakatakot ang mukha." Biro naman ni Magno kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Kung hindi lang talaga injured ang kupal.
"Matatakutin? Eh diba ang hilig ninyong mag ghost hunting noon? You used to sneak out in the middle of the night with your neighbors right?" Tanong naman ni Sawyer kaya napabuntong-hininga ako at tumingin kay Magno. Bigla itong umiwas ng tingin sa akin. Natakot ata na gantihan ko kasi lagi niya akong inaaway noong bata pa kami.
Ayokong ma-out of place si Slade kaya naman humarap ako sa kanya at nagpaliwanag. "Back then, there was this urban legend about a Monster that lived in the wooded area of Filimon Heights. Magno and his equally jerky friends used to sneak out and go there in the middle of the night to find proof of the monster. We tried to come with them once but--"
"Teka anong oras na? Byahe na tayo ulit! Baka mamaya, maunahan pa tayo ng mga taong bato!" Magno suddenly cut me off as if he doesn't want us to talk about our childhood antics. Hindi na lang ako nagpumilit pa.
****
It was around 8 when we finally reached Braylee's house through the help of Apollo. Mula sa loob ng sasakyan, kita na agad namin na maraming tao sa loob at labas ng bahay, nakikiramay sa pagpanaw ni Bryan Emanuel Maraming mga kaedad namin sa malawak nilang hardin, nagk-kwentuhan pero may iba sa kanilang nag-iiyakan. I was sure that just like Braylee, Bryan was loved by everyone around him. I haven't met the guy but I was sure he was great too.
Si Haji ang unang lumabas ng sasakyan. Halatang aligagang makita si Braylee kahit pa alam niyang may Denver na nakabantay. Sabay-sabay naman kaming apat na lumabas.
Inabot ko agad ang saklay ni Magno sa kanya at inalalayan siya.
"I'm good." Magno smiled just to assure me. Knowing how prideful he is, I took a step back and nodded. In a way, Magno was just like me. Stubborn with one hell of a pride, but he means well all the time.
Bigla na lang umihim ang malakas na hangin. Nakita kong napaangat si Slade sa magkabila niyang balikat dahil sa lamig. Palibhasa naka malakas din ang aircon kanina sa loob ng sasakyan.
Tutal hindi pa naman naka-lock ang sasakyan, binuksan ko ito at kinuha mula sa bag ko ang brown na jacket. Lumapit ako kay Slade at inalalayan siya sa pagsuot nito.
"You really don't have to take care of me all the time." Slade chuckled while shaking his head.
"Sorry ka, gusto ko eh." I shrugged as I stood right in front of him and fixed the collar of the jacket.
"Damn, I feel special." Humalakhak siya at nang tumingala ako, mabilis akong umiwas lalo't nakadungo pala siya at nakatingin sa akin. Sa sobrang lapit ng mga mukha namin, kinabahan na naman ako.
"Demonyo ka eh." Biro ko. Tutal ayos na naman ang jacket na suot niya, humakbang na ako patungo sa wooded fence ng bahay nila.
Napakalawak ng hardin nila pero tuyo ang mga halaman at halatang matagal nang hindi naasikaso, palibhasa matagal na walang tumira rito. Parang nagkabuhay lang ito ulit dahil maraming tao sa paligid.
"Diba si Slade 'yan?"
"Hala yung sa wave syndicate!"
"Umalis na ba talaga siya sa banda?"
Rinig ko ang bulungan ng iilang babaeng nadaanan namin kaya pasimple naman akong bumulong kay Slade. "Sikat mo ah?"
"Cute ako eh." Bulong pabalik ni Slade kaya agad ko siyang inirapan. Well, to be fair, cute naman talaga si Slade. Singkit nang kaunti ang brown na mga mata na nagiging kakulay pa ng honey kapag naliliwanagan ng araw. Pareho kay Silver.
Pagpasok namin sa bahay sinalubong agad kami ni Braylee at gaya ng inaasahan, nasa tabi nito si Denver. Mabuti na lang at legal na silang dalawa sa mata ng lahat kaya naman kayang-kaya na nilang manatili sa tabi ng isa't-isa. No more secrets. No more costumes.
"Bubbles..." My heart broke seeing her red eyes. I hugged her right away and kissed her cheek for a few seconds.
"Thanks for coming guys. Naghapunan na ba kayo?" tanong ni Braylee habang may ngiti sa mukha nang bumitiw ako mula sa kanya.
"Yeah we did. We all smell like fried chicken," biro ko na lang.
"Nasa second floor si Riley," pabiro namang sambit ni Braylee sabay taas-baba ng kilay. Her eyes was full of sadness but she was still trying to be our bubbly baby.
"Landiin ko later." I joked and winked at her. Gaya nang inaasahan, natawa si Braylee. I was over Riley alright but knowing flirting with him made Braylee laugh, I'm prepared to be Riley's hoe.
Mabilis na nagpaalam si Braylee para asikasuhin ang iba pang mga bisita. Hindi namin alam ni Slade saan pupunta lalo't hindi namin nakita sina Magno, Sawyer, at Haji kaya hinanap muna namin ito.
Sa isang iglap, bigla kong nakita ang kabaong ng Kuya ni Braylee na napapaligiran ng mga bulaklak. Nahigit ko ang hininga nang bigla na lamang nagbago ang paligid. Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili ko sa isang maliit na chapel, naglalakad ako sa gitna ng aisle, diretso ang aking tingin sa may kaliitang ataul sa gitna. Nakasara man ang ataul, katabi naman nito ang napakalaking litrato ni Vicky. Nakatayo sa gilid nito ang umiiyak niyang mga magulang.
"Reika?"
I snapped out of my trance-like-state when Slade called my name. I found myself in Braylee's house again.
"Ha?" Gulat akong napatingala sa kanya.
"You okay? Namumutla ka?" Kunot-noo niyang tanong habang nakatitig sa aking mga mata.
"No." Pabulong kong pag-amin.
Naramdaman ko ang biglang paghawak ng kanyang kamay sa akin. "I'm here. It's okay. Sa labas muna tayo?" Tanong niya at mabilis akong tumango at humawak pabalik sa kanyang kamay.
Lumabas kaming dalawa ni Slade at dahil maraming tao sa paligid, bumalik na lang kami sa kinaroroonan ng sasakyan ni Sawyer, malayo sa mga mata ng lahat. Bumitiw ako sa kamay niya at naupo sa ibabaw ng hood ng sasakyan, tumabi naman siya sa akin.
"Nga pala, diba nasa second floor si Riley? Baka andun din si Warren?" Pang-aasar niya kaya natawa na lang ako at pabirong umirap.
"Nah, i'm contented here." I shrugged.
"Good." He smirked and looked up at the stars above us.
Damn Slade and that smirk of his.
▬ end of 39// thank u ▬
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro