Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31


Hindi lingid sa kaalaman ni Belo noong naging kami ni Rashid. Si Rashid pa mismo ang kumatok sa apartment nito para sabihin sa kanya na huwag nang magpapansin sa akin dahil siya na ang opisyal kong 'baby' ko at pangalawa na daw si Anastacio.

Muntik pa silang mag away at magkasuntukan kung hindi sila inawat ng mga tambay. Napahagulhol na naman ako ng iyak nang maalala ko ang eksenang ito. Bakit niya kinuha ang loob ko? Bakit niya pa siya nagpakasweet sa akin kung iiwan niya ako dito na wala man lang kahit anong dahilan ng kanyang pagkawala?

He's so unfair.


Tumigil na ang ulan, sinabi ko kay Belo na iwanan niya na lamang ako at gusto kong mapag isa pero nagmatigas siya. Nanatili siya sa tabi ko, tahimik at hindi nagsasalita habang iyak ako nang iyak.

We're in children's park and we're both sitting on the swing. May nakabalot sa akin puting towel na binili pa ni Belo sa nadaanan namin convenience store. Bakit hindi na lang niya ako iwan? Masyado ko na siyang naabala.


"Belo, you can go.." ilang beses na ulit ko.


"I'll stay Aurelia, hindi ba at magkapitbahay tayo? Sabay na tayong umuwi, hindi kita iiwan mag isa dito. It's getting dark.." matigas na sagot niya sa akin.

Wala pa akong balak umuwi, tuwing uuwi na lang ako sa bahay ay umiiyak ako. Nahihiya na ako sa litrato ni tatay at nanay na lagi kong kinakausap.


"Nakakainis, naiinis ako.." mahinang sabi ko.


"It's been what? Ilang buwan na ba nawawala ang boyfriend mong hilaw?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya.


"You shouldn't have trusted him.." muli kong hindi nakasagot kay Belo. May parte sa puso gusto nang sumang ayon sa kanya. Hindi ako magkakaganito kung may natatanggap akong mensahe sa kanya pero kahit isa wala.


"Baka nakahanap na siya ng iba Belo, baka marami na siyang nakilalang mas magandang nurse, matangkad, makinis, sexy at mayaman na hindi katulad ko.." napakagat labi na lang ako sa mga sinasabi ko.


"Aurelia.." hindi ko nililingon si Belo pero alam kong nakatitig na siya sa akin.


"Bakit hindi man lang siya mag iwan ng kahit isang message? Talaga ba na mahirap gawin ito sa inyong mga lalaki? Nakakalimot ba kayo kapag nalalayo kayo sa mga babae? O nagkakaamnesia na lang kayo kapag nakakita kayo ng mas maganda?" kung ano ano na ang nasasabi ko.


"Gago siya kapag ipinagpalit ka niya Aurelia. No, binabawi ko. Gago na talaga siya! He can't just leave you like this.." napansin ko na napasipa na siya sa buhangin bago siya tumayo at lumapit sa akin.

Bahagya akong nakatungo, ayoko nang makita niya akong umiiyak. Ayokong isipin niya na ginagamit ko siya sa mga oras na ito.

Naramdaman ko na lamang na bahagya siyang umupo sa harap ko para magtama ang mga mata namin.


"Tahan na Aurelia. Ayokong makita umiiyak ang pinakamagandang nurse na nakilala ko. Tahan na.." siya mismo ang nagpunas ng mga luha sa pisngi ko.


"Do you think he'll come back? Ano kaya ang nangyari sa kanya?" nahihirapang tanong ko sa kanya.


"You won't cry like this if you did choose me Aurelia. Hindi kita paiiyakin nang ganito, hinding hindi kita iiwan. Hindi kita hahayaang mabasa ng ulan, hindi kita hahayaang madapa at hinding hindi ko sasayangin ang mga luha mo.." marahang hinaplos ng likuran ng mga kamay niya ang pisngi ko.


"Belo.." napatitig na lang ako sa kanya. Tama ba ang naging desisyon ko? Tama nga ba na isang Rashid Amadeus Villegas ang pinili ko? O masyado lamang akong nag ilusyon na may totoong buhay na prinsepe na magmamahal sa akin?


"Akin ka na lang Aurelia. Akin ka na lang. Aalagaan kita at hindi paluluhain..." mahinang sabi niya sa akin. Tipid siyang ngumiti sa akin na hindi ko kayang sagutin ng pagngiti.


"But I can wait, hindi kita pinagmamadali. While waiting, I'll stay by your side Aurelia, you won't feel alone again. My love for you is genuine, hindi kita pababayaan at babalewain katulad nang ginagawa niya sa'yo ngayon.." sa pagkakataong ito ay siya ang naghawi ng takas na hibla ng aking buhok at marahan niya itong isinumping.


"Let's go home Aurelia, baka malamigan ka pa.." tatayo na sana ako sa duyan nang maagaw ang atensyon namin dalawa nang isang malakas na pito. Pito? May pulis?

Kapwa kami napatingin ni Belo sa pulis na papunta sa direksyon namin. Bakit siya papunta dito?

Mabilis tumayo si Belo para kausapin ang pulis. Pero halos mapatulala na lang ako nang tuluyan na kaming nalapitan ng pulis. What the? Pulis ba talaga siya o isang modelo na nakasuot ng uniporme ng pulis? O baka naman may shooting at hindi ko lang nalalaman.

Who the hell is this gorgeous policeman?


Pansin ko na pati si Belo ay bahagyang natigilan, sanay kami sa matatanda, malalaki ang tiyan at kalbong mga pulis na umiikot sa bayang ito pero bakit hindi ako pamilyar sa pulis na ito? Is he new?

Akala ko ay tanging mga mestizo lang ang may kakayahang magkaroon ng ganitong mga mata. But this policeman got damn brown eyes! Napakaganda ng mga mata.

Napansin ko na lamang na nakakunot ang noo ko, have I seen him before? Bakit biglang naging pamilyar ang mukha niya sa akin? Pero sigurado akong ngayon ko lang nakita ang pulis na ito. And he looked so young!


"Yes, boss?" pormal na tanong ni Belo. Nakapamaywang na sa amin ang pulis na may hawak na batuta pansin ko na bahagya niya akong sinulyapan.


"It's already dark, are not aware of the newly implemented policy? Teens are not allowed to stay outside late at night. You should try watching news or reading some newspapers. Try knowing the current events and be aware of your surroundings, you wouldn't know what will happen next morning if you'll stay dumb about the happenings around you.." kapwa kami napanganga ni Belo.

English speaking ang pulis na rumuronda sa bayan ngayon! Hindi agad kami nakapagsalita ni Belo, bakit ang haba yata ng sinabi ng pulis? Nang mapansin niya na parang natigilan kami ni Belo sa mahabang sinabi niya, bahagya siyang tumikhim para mawala ang pagkabigla namin.


"Ang ibig kong sabihin, hindi na maaaring abutin ng dilim ang mga kabataan ngayon.." kabataan? Papaano niya nasasabi ito sa amin? Sigurado akong ilang taon lang ang tanda niya sa amin ni Belo. He could be twenty one?


"Uuwi na rin kami, let's go Aurelia.." tatayo na sana ulit ako nang marinig kong nagsalita ang pulis.


"Ihahatid ko na kayo.."


"No, hindi na kailangan. May dala akong sasakyan.." medyo iritadong sabi ni Belo.


"Tristan!" kapwa na naman kami napalingon ni Belo sa paparating na babae. Babaeng pulis.


"What the – why are you here?" tanong niya sa magandang pulis na may maiksing buhok at magandang hubog ng katawan. Para siyang artista na dinamitan ng damit ng pulis.

Sa halip na sumagot ito sa lalaking pulis na dumating ay agad niya akong pinasadahan ng tingin simula ulo hanggang paa. Agad nangunot ang noo ko sa ginawa niyang ito. I don't like it.


"Innocent.." kitang kita ko ang pagbuntong hininga ng lalaking pulis. Ako ba ang sinasabihan niya?


"Mauuna na kami.." agad kinuha ni Belo ang kamay ko para lampasan namin ang dalawang weirdong pulis.

Nagmadali na kami maglakad ni Belo pero hindi ko maiwasang lingunin pabalik ang dalawang pulis. Why are they looking at me like that?

Nang makapasok na kami sa sasakyan ni Belo ay agad niya nang binuksan ang makina pero hindi pa man nagsisimulang tumakbo ang sasakyan ay namatay ito. Ilang beses pa sinubukan ni Belo i start ito pero saglit lamang itong nabubuhay at agad din na namamatay.


"Fvck! Malas!" iritadong sabi ni Belo.


"I'll fix this Aurelia.." lalabas na sana si Bello nang may kumatok na sa bintana nito. Ang babaeng pulis. Napamura na lang si Bello habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan.


"Ihahatid na namin kayo.." bungad sa amin ng babaeng pulis.


"No, kaya naming umuwi na hindi inihahatid. Hindi ko maaaring iwan ang sasakyan ko dito.." pag giit ni Belo.


"I'll send my men and they'll fix this.." tamad na sabi ng lalaking pulis na nasa likuran na ng babae. Hindi ko alam kung bakit pero bakit nararamdaman ko na hindi sila mga tunay na pulis?

He'll send what? Ang simpleng pulis na rumorunda sa gabi ay mga mga tauhan?


"Bakit ba ang kukulit nyo?!" angil na ni Belo. Nakita kong tumaas ang kilay ng babae.


"We are just doing our job. Ayokong mawalan ng trabaho at sa sandaling matanggalan kami ng trabaho dahil inabot kayo ng hatinggabi dito. Sisiguraduhin kong babalikan kita.." nagbabantang sabi niya kay Belo. Ilang beses akong napalunok nang makita ko ang titig ng babae kay Belo. There is something powerful with her black coal eyes.


"Lina.." pakinig kong sita ng lalaking pulis.


"What the hell is wrong with you people?" alam kong ubos na ang pasensya ni Belo.


"Belo, sumabay na tayo sa kanila. Gusto ko na rin umuwi.." mahinang sabi ko. Malakas ang pakiramdam ko na hindi kami tatantanan ng dalawang pulis na ito.

Sumakay na kami sa kotse ng dalawang pulis. And it is not a damn police car.


"Where's the police car?" tanong ni Belo. At ang malaking nakakapagtaka pa, nakapwesto ang babae sa pagitan namin ni Belo na parang ayaw kaming pagtabihin. Walang nakaupo sa shotgun seat.


"Flat"


"Coding"

Magkaiba ang sagot nilang dalawa. Tinawanan lang ito ng babaeng pulis habang naiiling naman ang lalaki.


"I am having this kind of feeling na hindi kayo mga totoong pulis. You won't get any ransoms from my family, naglayas ako..." matabang na sabi ni Belo na pumangalumbaba sa may bintana gamit ang kanang braso niya.


"Wala kayong makukuhang ransom sa akin.." tipid din na sabi ko. Narinig kong tumawa na naman ang babae.


"My boyfriend is a millionaire, I don't need money anymore.." bakit pa siya pinagtatrabaho bilang pulis kung milyonaryo ang boyfriend niya?


"You're just imagining things kids.." tamad na sabi ng pulis na nagdadrive. Tumaas na lang ang kilay ko. Kids! Halos magkakasing edad lang kami, nasisigurado ko.

Narinig ko na lang na umismid si Belo.


Nakarating kami sa tapat ng lugar namin. Nagmamadali na kami ni Belo para makalabas na ng sasakyan dahil hindi na maganda ang pakiramdam namin sa dalawang english speaking na pulis. Naunang nakalabas si Belo at nang palabas na ako naramdaman ko na lang na hinawakan ng babaeng pulis ang kamay ko.

Hindi na ako nakapagsalita nang ilagay niya sa mga labi niya ang isang daliri niya para bigyan ako ng babala na huwag akong magsalita at manahimik na lamang. Isang kindat lang ang ginawa niya sa akin bago niya binitawan ang kamay ko.


"Be a good girl Aurelia.." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kilala niya ako!


"Let's go Cap Theo.." dito na ako tuluyang natigilan hanggang sa humarurot na ang sasakyan.

At nang tingnan ko ang palad ko, ilang segundo akong napatulala dito. I got a note.


"Aurelia!" tawag sa akin ni Belo. Nagmadali na akong maglakad at sumunod sa kanya na wala sa sarili.


Who are they? What's with this note?



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro