/49/ Huling Sayaw
"Are you ready people of White Knights?!"
Hiyawan ang maririnig na sagot mula sa mga tao. Kakasimula pa lang halos ng Night Out, pasado ala sais at madilim na ang buong kalangitan. Sa tantiya ko puno na at marami ng tao ang nandoon, minsanan lang naman kasi yung ganitong pagkakataon sa White Knights lalo pa't bukas ang event kahit taga-labas. Mas lumakas ang hiyawan nang tumugtog yung banda.
They told him don't you ever come around here
Don't wanna see your face, you better disappear
The fire's in their eyes and their words are really clear
So beat it, just beat it
Rinig na rinig sa buong school yung ingay na nagmumula sa central ground, lalo na ang ugong ng mikropono at tunog ng banda na nasa entablado samahan pa ng matinding hiyawan ng mga estudyante na animo'y nakawala sa selda, well, dahil bakasyon na kinabukasan at wala ng iintindihing exams. Huling araw din ng pagpasok sa school, yeah, hello Christmas vacation. Iisipin ko na naman ngayon kung anong gagawin ko sa bakasyon, mabuburyo na naman ako mag-isa nito sa apartment panigurado, habang si manang Fe—ah wala na nga pala si manang Fe, ang ibig kong sabihin, hindi na siya nagpakita sa'kin matapos ko siyang komprontahin tungkol sa mga gamot ko.
...No one wants to be defeated
Showin' how funky and strong is your fight
It doesn't matter who's wrong or right
Just beat it, beat it...
"Kyaaaaah!"
"Hoy Mariah, ano ba namang kyaah na yan, nakakairita! Akala mo cute ka na nyan!"
"Tse, Baldo!" humarap siya sa'kin pagkatapos, "Oh my gosh, Jill! Kakanta ka na talaga mamaya?! Oh my gosh as in O-M-G talaga! Akala ko ba tinanggihan mo si Miss M? Shems! Kailangan kitang mapanuod at mavideohan mamaya! OMG. OMG." As usual na mataas ang energy ni Aya, lalo na nang nalaman niya na magpaparticipate ako. Hawak-hawak niya pa yung videocam na hiniram niya kanina sa kaklase ko kahit na naglalakad kami, kasama sila Tadeo at Baldo, papunta sa homeroom, galing kami ng theatre room, nag-aayos kasi kami kanina ng pinagkalatan namin noong play.
"Ano namang nakain mo at nagbago yung isip mo, Jill? Diba hindi ka naman mahilig sa exposure?" pangungulit ni Aya sa'kin at tinapat pa yung video cam sa mukha ko. "Dali, kunwari interview, hahaha tapos ako yung press."
"Adik mo babaeng manok." Akma pang babatukan ni Tadeo si Aya.
"Wala naman." Sabi ko. Kung alam lang nila na napapayag talaga ko dahil sa kundisyon ni Enriquez, pero kung tutuusin, parang nalugi ako dahil wala naman kaming napala noong pinuntahan namin yung lumang mansion. Speaking of Enriquez, pinapupunta niya na ko ngayon sa backstage para mag-ayos, kanina pa niya ko tinatadtad ng tawag at text messages.
"Ahh." Tatangu-tangong sabi ni Aya, halatang hindi kumbinsido.
"Talaga bang manunuod kayo mamaya?" ang lame lang ng tanong ko.. Na sa akin pa rin yung note ng Begonia flower: 'Keep your eyes open. Smell a rat 12-16' It clearly stated a warning dahil may mangyayari o—hindi magandang mangyayari. At ngayon yung araw na 'yon, December Sixteen.
"Oo naman, Jill men, bakit hindi?"
"Haler! Jill! Siyempre ever supportive friends kami kaya pupunta ang buong klase, gagawan ka namin ng banner na 'WE HEART YOU JILL'."
"Pahiram nga saglit, gagawa ako ng music video, bwahaha." Inagaw ni Tadeo mula sa kamay ni Aya yung video cam.
"Akin na yan! Ako naunang nanghiram nyan eh!" tumakbo si Tadeo, hinabol naman siya ni Aya hanggang sa mawala silang dalawa sa paningin ko. Naiwan kaming dalawa ni Baldo. Tahimik lang kami pareho kaya nangingibabaw na yung ingay na nagmumula sa central ground.
... beat it, beat it
No one wants to be defeated
Showin' how funky and strong is your fight
It doesn't matter who's wrong or right...
"Baldo."
"Jill."
Nakakatawa dahil halos sabay naming tinawag yung isa't isa.
"Sige, ikaw muna." Sabi niya sa'kin.
"Tungkol sa scholarship." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami, "Pinatawag din ako noong isang araw, katulad nung iyo, binigyan din ako ng imbitasyon na mag-aral sa Mnemosyne Institute. Tinanggap mo?"
"Bakit naman hindi?"
"Baldo, hindi mo—"
"Hindi ganon kayaman ang pamilya namin, Jill. Medyo maswerte lang ako dahil nakapag-aral ako rito sa White Knights. Bakit tatanggi pa ko sa biyaya na binibigay na sa'kin?"
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit binigyan ka nila ng scholarship?" hindi siya kaagad nakasagot, hinihintay ko kung anong sasabihin niya pero ngumiti at umiling lang si Baldo.
"Dapat pala kong magpasalamat dahil ganito ako, kung hindi siguro, hindi ako bibigyan ng pagkakataon na makapag-aral doon."
... beat it, beat it, beat it
No one wants to be defeated
Showin' how funky and strong is your fight
It doesn't matter who's wrong or right...
Sasagot pa sana ko nang tumunog bigla yung cellphone na nasa bulsa ko, nagdadalawang isip pa 'ko na sagutin yon dahil unregistered number, naalala ko lang bigla yung unknown caller na tumatawag sa'kin noon, sa huli napindot ko pa rin yung answer button.
"Si Jing 'to, nandito kami sa tapat ng main building kasama ko sila Otis at Finnix. Magkasama sila Pascal Cecilia at Seraphina. Wala pa kaming napapansing kakaiba, pinapasabi ni Seraphina." Iyon lang at bigla niyang binaba yung tawag. What the heck.
"Magandang gabi White Knights! Thank you!" The first song ended and it quickly followed by another introduction. "Guys, kung alam niyo yung kakantahin namin please makisabay kayo, thank you!"
Haharapin ko ulit si Baldo kaso bigla siyang nawala. Iniwan na lang niya ko rito basta? Naglakad na lang ako mag-isa papunta sa homeroom namin. Malinaw mula sa sinabi ni Baldo, aware siya na hindi siya pangkarinawan katulad ng ibang tao, may alam siya tungkol sa mga Peculiar, at alam niya na... isa ko roon.
"...hindi maganda yung aura na nakikita ko sa kanya....Hindi lahat ng tao kayang makakita ng kulay na bumabalot sa kapwa niya tao...Sa kaso ko, hindi ko na maalala kung kailan pa ko nagsimulang makakita ng aura pero parang normal na lang sa'kin yon ngayon"
Napahinto ako bigla sa paglalakad nang maalala ko yung insidente sa perya, noong hininto ni Seraphina ang oras, "Tanging mga Peculiar lang ang nakakagalaw sa ganitong pagkakataon."
That time, nakakagalaw din si Baldo at may dalawang posibilidad na nangyari; narinig niya yung pinag-usapan namin sa tent, at maaari rin na nagkita sila ni Magnus na nagpanggap na Stephen. Alin man sa dalawang yan ang nangyari nga, bakit hindi nagsalita si Baldo? Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Bakit?
Nagmadali na 'ko sa paglalakad hanggang sa marating ko yung homeroom. Pagbukas ko ng pinto wala ng tumambad sa'kin doon maliban sa kanya, maliban kay Morris.
Nagtatanong
Bakit mahirap
Sumabay sa agos
Ng iyong mundo...
"Nasaan sila?" tanong ko.
"Nauna na sila kanina pa sa grounds." Sagot niya habang nakaupo lang sa pwesto niya.
"Ah. Sige." Tumango ako at akmang aalis.
Nagtataka
Simple lang naman sana
Ang buhay
"Jill." Nang tawagin niya ang pangalan ko, lumingon ako sa kanya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at dahan-dahang lumapit sa'kin. Hindi ko alam pero bigla akong napaatras nang mamalayan ko na nasa harapan ko na siya. Ipinakita niya sa'kin yung hawak niya, yung imbitasyon mula sa Mnemosyne Institute, sinasabi ko na nga ba at isa rin siya sa apat na napili. "Alam ko nakatanggap ka rin ng ganito."
Kung ika'y matino
"Oo."
Sabihin sa akin lahat ng lihim mo, Iingatan ko
"I can feel them, they're here already."
"Ikaw ba yung nagpadala nung note?"
"No matter what happen—"
"Hindi ako sasama sa kanila, Morris."
"Alam ko."
Hindi ko alam kung saan papunta yung usapan naming dalawa, bakit ba siya nandito anyway? Sinadya ba niyang magpaiwan dahil alam niyang darating ako o—hindi?
"Gusto kitang protektahan, Jill."
Ibaling sa akin ang problema mo
"Salamat."
Kakayanin ko
"Pero hindi ko alam kung paano ka mapoprotektahan."
"Tell me everything."
"What?"
"Kung gusto mo kong protektahan, then tell me, tell me everything you know, ngayon na."
"Jill—"
Pikit mata
Kong iaalay
Ang buwan at araw
Pati pa sapatos kong suot
"Marami akong hindi alam, Morris, minsan hindi ko na alam kung sinong kakampi sa hindi. Minsan hindi ko alam kung ano ang totoo."
"Pinagdududahan mo na ba 'ko ngayon?"
"Oo. Matagal na."
"Mahal kita Jill."
Nagtatanong
Simple lang naman sana
Ang buhay
Kung ika'y lumayo
Gusto kong tumawa sa sinabi niya pero nakakunot lang yung noo ko, "Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" what's the point of telling that?
Sabihin sa akin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
"Mahal pa rin kita hanggang ngayon, Jill. Natatawa ka dahil dalawang taon na yung lumilipas, pero seryoso ako. Ngayon ko lang nasabi sa'yo dahil—"
"Dahil? Morris, ano man ang dahilan, sa tingin mo magiging maayos ang lahat ngayon dahil sa pagmamahal mo? Hindi."
Ibaling sa akin ang problema mo
Kakayanin ko
"Gusto mo bang malaman?" binitawan niya na 'ko, "Gusto mo ba talagang malaman yung totoo?"
"Oo, matagal ko ng gustong malaman kung ano man yang katotohanan na yan."
"Lucille said!" bigla naman niya kong hinawakan ng mahigpit sa magkabilang balikat, "Lucille said we can't be together—"
"George!" bigla siyang dumating mula sa kung saan at pilit kaming pinaghiwalay, tumingin sa'kin si Lily, "Jill!"
Inaasahan ko na magiging histerikal si Lily sa nakita't narinig niya kanina lang, pilit niyang hinihila palayo si Morris, inaasahan ko na rin yung mga salitang ibabato niya sa'kin, pero wala. Ang tanging sinasabi niya lang na paulit-ulit.
Sabihin sa akin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
"Umalis ka na Jill." Sabi ni Lily, "umalis ka na!" Kahit na sagabal ang lakas ng musika sa paligid, malinaw sa pandinig ko na may bahid ng pangamba at pag-aalala ang utos niya.
Ibaling sa akin ang problema mo
Kakayanin ko
Sinunod ko na lang yung sinabi niya, lumabas ako ng homeroom at naglakad palayo roon, wala na kong ibang narinig mula roon, nangibabaw na naman ang ingay na nililikha ng musika. Bigla na namang tumunog yung cellphone ko at kaagad ko 'yong sinagot.
"Hello? Jill? Umalis ka na dyan." si Enriquez.
"Sorry, papunta na nga ko dyan."
"Nasaan ka na? Kanina pa kita tinatawagan, pumunta ka na rito ngayon na. Malapit na tayo."
"Oo. Eto na." naputol na yung tawag. Gusto kong isipin na walang nangyari kanina. Pababa pa lang ako ng hagdan nang tumunog na naman yung cellphone ko.
"Jill Morie, si Jing 'to, nasaan ka?!" halos mabingi ako sa lakas ng boses niya na nakikipagsabayan sa lakas ng ingay.
"Pababa pa lang ako."
"Nasa building ka pa rin? Umalis ka na dyan!" What the hell? Bakit lahat sila pinapaalis kaagad ako rito?
"Bakit ba lahat kayo pinapaalis ako kagad dito?" iritadong tanong ko.
"Just shut up and follow me, umalis ka na kagad diyan and meet us in the garden." She hung up and I have no choice kundi sumunod sa kanya, tumakbo na ko para mas mabilis. Wala na palang ibang tao sa building dahil lahat nagsasaya na sa central ground.
Nagring na naman yung phone ko, sinagot ko kagad, "Jill, ano ba, tayo na yung susunod, na saan ka na?" di mo mawari kung nag-aalala o naiiritang sabi ni Enriquez sa kabilang linya, naririnig ko pa na nag-uusap usap yung iba pang miyembro ng banda niya sa background at yung coordinator na natataranta dahil wala pa 'ko. "Baka kung ano ng nangyari sa'yo, pupuntahan kita diyan."
"No, I'm fine, on the way na ko."
"Are you sure?"
"Yes." Pinutol ko na yung tawag. Kung pupunta pa 'ko sa garden hindi na ko makakaabot kila Enriquez. Nagring na naman yung cellphone ko for heaven's sake naiirita na ko sa kakatawag nila,
"Jill Morie nasaa—"
"I'll meet you guys later, wag kayong mag-alala okay pa 'ko, I need to finish some business first."
"What?! You need to—"
Binabaan ko na kagad siya. Dumiretso ako sa backstage at sumalubong sa'kin si Enriquez.
"Ok ka lang ba?" tanong niya.
"Oo." Na lang ang sagot ko para hindi na siya magtanong pa.
"Good." Parang nakahinga siya ng maluwag.
"Okay next na yung Blue Rose, tapos kayo na Cloud, pagkatapos ng isang kanta tsaka ka na eentra Miss Morie." Narinig kong sinabi nung coordinator, napakunot akong tumingin kay Enriquez.
"What?"
"Don't 'what' me, akala ko ba tayo na yung susunod na isasalang sa stage?"
"Sorry." Nagpeace sign siya, pero hindi ako natutuwa. "Gusto lang kasi kita makita, Jill."
"Pinagmadali mo ako Enriquez tapos hindi naman pala—"
"Okay sorry na, sorry na, alam kong nainis ka dahil ang kulit ko. It's just that... I... I want to make sure na okay ka lang talaga."
"What? Hindi kita maintindihan."
Hindi na siya makatingin sa'kin ng diretso pagkatapos, magsasalita pa sana ko pero tumatawag na naman si Jing Rosca.
"Jill Morie, kailangan mong pumunta rito. Ngayon. Na."
"Sorry, papunta na talaga ko." hinarap ko si Enriquez, "Babalik din kaagad ako." Paalam ko sa kanya.
*****
"PEOPLE of White Knights! We're gonna rock tonight, so keep your spirits high!" banda na nila Enriquez yung nasa stage. Mas malakas na hiyawan ang sumunod kung ikukumpara sa mga naunang tumugtog. "We all have that special someone that we cherished, even though na hindi nila 'yon naaapreciate o nararamdaman, nandito pa rin tayo sa tabi nila. This song is dedicated for all those who we value, Pasan ng Callalily."
Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan
Minamasdan ang alon
Na humahampas sa nakaraan
"Sawakas, dumating ka na rin." Hindi ko pinansin yung pambungad ni Jing Rosca at lumapit ako kay Seraphina na nakaupo sa swing dito sa may garden.
"Bakit niyo 'ko pinatawag?" tanong ko.
"Mukhang tama na isang babala ang note na binigay sa'yo, Jillianne." Sagot ni Seraphina, "At mukhang tama rin ang kutob mo na may hindi pangkaraniwang mangyayari ngayong gabi. Sa madaling salita, ang babala na 'yon ay para lamang sa'yo."
"Mukha nga."
"Jillianne, narito na sila."
"Ang Memoire." Sumingit bigla si Jing Rosca, "Nandito lang sila at nagkalat lang kung saan. At walang duda na ikaw ang pakay nila ngayong gabi."
Hindi ako nakapagsalita kaagad, marami kaagad sumulpot na ideya sa isip ko na posibleng mangyari, na pwedeng madamay ang ibang tao sa kung ano mang mangyayari, at kung anu-ano pa.
Umihip ang hangin
Sa langit ako'y napatingin
Ulap ay sadyang kaydilim
Tila yata may bagyong parating
"Jillianne." Tumayo si Seraphina sa kinauupuan niya at nilabas mula sa bulsa ang kalawanging pocket watch, "May naiisip kaming plano. Cecilia, ipaliwanag mo sa kanya."
Lumapit si Cecilia na may hawak-hawak na bolang kristal, "Ihihinto ni madam Seraphina yung oras para tukuyin kung sino yung iba pang gumagalaw na Peculiar—"
"Ibig sabihin ba mga Peculiar din ang Memoire?"
"Hindi lahat, pero misyon nila ngayong gabi na kuhanin ka kung kaya't paniguradong magpapadala sila ng mga taong may kapasidad para makasiguro," sabi ni Finnix.
"At malakas ang pakiramdam namin na alam nila na tinutulungan ka namin." Si Cecilia.
"Tama si Cecilia, sa ilang beses na pakikipaglaban namin kay Magnus alam na nila na may dumedepensa sa'yo." Sabi ni Jing Rosca, inangat mula sa lupa ang maliit na bato at pinaikut-ikot sa ere. "Pero sa pagkakataong ito, hindi lang si Magnus ang makakaharap namin ngayong gabi."
"Jillianne, wala kang dapat ibang gawin kundi magtiwala sa'min."
Bakit ka lumuluha?
Bakit nagtataka?
Akala mo ba, ika'y iniwan na?
"Wala akong ibang dapat gawin?" ulit ko sa sinabi niya, with disbelief. I just can't accept the fact that she told me na wala akong dapat ibang gawin kundi magtiwala o mas pagkakaintindi ko na wala akong dapat ibang gawin kundi umasa, maging pasanin, at maghintay na magiging maayos din ang lahat. "I can't do that."
"Ano?"
"Ano bang ibang magagawa mo, Jill Morie?" tanong ni Jing Rosca, "Kung kaya mong protektahan yung sarili mo hindi na pala kami dapat nandito," tumalikod siya at akmang aalis.
Hindi, pasan kita
Hindi mo ba nakikita
Hindi ka na, sa akin ay luluha pa...
"Jing!" saway sa kanya ni Seraphina, humarap ulit sa'kin si Seraphina, "Naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo, ipagpapaumanhin mo Jillianne, pero sa tingin ko iyon nga lang ang maaari mong gawin sa ngayon, ipaubaya mo sa'min ang pakikipagharap sa kanila."
"Anong pwede kong gawin?"
"Magtago."
"Saan?"
May lumutang na pitong bato sa harapan ko mula sa kung saan, lumapit si Jing Rosca sa gilid ko habang kinukuntrol ang mga bato, pumorma ng pabilog ang anim na bato at nasa loob nito ang isa pa, "Iyan ang plano mamaya, sa oras na binigay ni Seraphina yung senyas kailangan mong makapunta sa loob ng bilog na formation namin Jill Morie."
"Pero... ang ipinagtataka ko lang..." sawakas nagsalita na rin si Pascal, "...bakit ngayon nila naisipan—sabihin na natin na dudukutin nila si Jill Morie ngayon, kung kailan maraming tao? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit? Na kung tutuusin pwedeng pwede nilang kuhanin si Jillianne sa mas tahimik at mas masikretong pagkakataon."
Nasaan na ang tapang
At lakas ng 'yong loob
Ngayo'y karuwagan na lang ba
Ang iyong sagot
"May punto ka, Pascal. Pero...Hindi naman siguro dahil lang alam nila na kaya kong ihinto ang oras."
"Hindi." Napatingin sila sa'kin, "Uulitin nila yung ginawa nila noon."
"Ha?" si Jing Rosca, nakakunot at pumanewang.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Pascal.
'Act normally don't smell a paper' 'Keep your eyes open. Smell a rat 12-16'
"They'll drug everyone...again." Tumingin ako sa kanila, "Hindi lang ako ang pakay nila ngayon, they'll also control everyone, as in lahat ng tao na nasa central grounds, lahat ng nandito ngayon. They did it before, only me, Miss Karen, and that anonymous person ang hindi nakontrol."
"Paanong kukuntrolin? Droga?"
Umihip ang hangin
Sa langit ako'y napatingin
Ulap ay sadyang kaydilim
Tila yata may bagyong parating
"I don't exactly know about the drugs. May isang taga Memoire na nagpunta rito sa White Knights, he can control minds, and siya rin yung may pakana that's why everyone was drugged and controlled, that Caleb Perez—"
"Wait," pinutol ako ni Jing Rosca sa pagsasalita nang marinig ang pangalang binanggit ko, "Caleb Perez?"
"Bakit Jing?"
"I know him."
"What? You know him?" di ako makapaniwala.
Bakit ka lumuluha?
Bakit nagtataka?
Akala mo ba, ika'y iniwan na?
"Hindi niya totoong pangalan ang Caleb Perez, his real name is Cairo." We're waiting for her to explain more, "But it doesn't matter right now, sa madaling salita nandito rin ngayon si Cairo sa White Knights, and I'm telling you, he's powerful, so leave him to me."
Hindi, pasan kita
Hindi mo ba nakikita
Hindi ka na, sa akin ay luluha pa...
"Bumalik tayo sa usapan, paano nagawa ng taong 'yon na maipasailalim ng droga ang mga tao?"
"Hindi ko rin talaga alam Seraphina, pero base sa note na ibinigay sa'kin ni Miss Karen, may kinalaman sa pag-langhap kung paano napapasailalim sa droga."
"Kailangan maihinto ko yung oras bago nila magawa 'yon at doon din kailangan makapasok ka sa loob ng formation, Jillianne."
Hindi ko naman hangad
Ang anumang bagay sa mundo
Ang tanging hinihiling ko lamang
Ay yakapin mo
Walang nagsalita pagkatapos. Tumingin lang ako sa kanila, at gayon din sila sa'kin. Wala rin naman akong ibang magagawa, tumango na lang ako at nagpaalam. Bago ako umalis pinaalalahanan nila na tatawagan nila 'ko kapag kailangan ko ng pumunta sa formation. Sinuot ko yung wireless earphone ko.
At ngayon, pasan kita
Ngayon mo na makikita
Hindi ka na, sa akin ay luluha pa
Tumutugtog pa rin yung banda nila Enriquez, hindi magkamayaw ang mga tao, pilit akong nakikisiksik kahit na nabubunggo ako para lang mahanap sila Aya, nabigo akong mahanap sila kaya pumunta na ako sa backstage.
At ngayon, pasan kita
Ngayon mo na makikita
Hindi ka na, sa akin ay luluha pa
Natapos na yung kanta at sumisigaw pa yung mga tao ng isa pa dahil sa tinataglay na kasikatan nitong banda ni Enriquez. Pinapunta na 'ko nung coordinator sa stage, nag-dim yung lights, tumingin sa'kin si Enriquez,ngumiti siya at sumenyas sa mga kasama, nasa gitna na 'ko ng stage at nang magsimula ang tugtog, unti-unting lumiwanag yung stage lights.
Halatang nagulat yung mga tao nang maaninag nila yung mukha ko. Anong ginagawa ni Jill Morie sa harapan, totoo nga na ang participation ni Jill Morie sa Night Out, yan ang mga reaksyon na mababasa sa mga mukha nila.
"One..Two...One.Two.Three."
Kasabay ng paghataw ng musika nagsiliwanagan yung mga stage lights.
"Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali"
Hindi pa rin nakakabawi sa gulat yung reaksyon nila, nanatili lang silang nakatayo habang nanunuod, pero maya-maya unti-unti ulit sumigla yung paligid at maririnig na nakikisabay sila sa kinakanta namin
"Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi"
"Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat"
"WE HEART YOU JILL!" rinig na rinig sa gitna ng crowd yung cheer ni Aya, natanaw ko na sila kahit medyo natatabunan sila ng iba pang tao, kasama niya yung iba pa naming mga kaklase.
"Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw"
Hinahanap ng mga mata ko sila Jing Rosca pero hindi ko sila makita. Tinitingnan ko sa madla kung may kakaiba bang mga tao o bagay-bagay, wala akong nakita.
"Di namalayan na malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag madali"
Naramdaman ko yung pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa, pinindot ko yung answer button sa earphone ko. "Jill, si Jing to, nasa central grounds kami. Makinig ka Jill Morie..."
"Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi"
"Nandito ako sa Hilaga banda sa stage, basta, pumunta ka lang sa gitna ng grounds kapag huminto yung oras."
"Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat"
"Nakita na ni Cecilia yung isa, nasa grounds na rin sila. Kaya kita pinapaalis sa building kanina, papunta sila roon."
"Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw"
Parang biglang bumagal yung ikot ng oras nang mahagip ng paningin ko... si Magnus na nasa gitna ng maraming tao. Mas naririnig ko yung lakas ng pintig ng puso ko kaysa sa ingay ng nasa paligid ko. Hindi ko namalayan na tapos na yung kanta namin at hiyawan ng mga tao ang maririnig.
"Thank you White Knights!"
Tumingin ako kay Enriquez. Parang slowmotion ang nangyari, sa di maipaliwanag na dahilan naglabas ng maraming usok ang fog machine sapat na para matakpan ang buong stage, walang makikita, naramdaman ko ang mabilis na paghigit ni Enriquez sa braso ko, tinakpan nya yung bibig at ilong ko, hindi ko siya makita.
"Jill Morie! Nakahinto na yung oras! Pumunta ka na sa gitna ng formation!" bumalik yung tamang ikot ng oras ko nang marinig ko yung sigaw ni Jing Rosca sa kabilang linya, mausok pa rin, hawak-hawak pa rin ako ni Enriquez.
"Hold your breath!" sabi niya, habang tumatakbo kami papunta sa kung saan, punum puno ng usok yung paligid, wala akong halos makita
Tsaka ko nakuha ang mga pangyayari. Naihinto na ni Seraphina yung oras nang lumabas yung mga usok mula sa fog machine, iyon ang unang atake, unang atake ng Memoire, ang usok na naglalaman ng droga para makontrol ang lahat ng tao.
"Jill Morie?! Nasaan ka na?!" biglang naputol yung linya ni Jing Rosca.
Nakahinto na ang oras.
"Tanging mga Peculiar lang ang nakakagalaw sa ganitong pagkakataon."
Pero tumatakbo ako kasama siya. Kasama si Cloud Enriquez. Sa madaling salita. Ang taong 'to ay—
"Good job, Cloud." Napahinto kaming dalawa sa pagtakbo nang humarang ang isang matangkad na babae na nakasuot ng itim na bestida, "Hindi ko inaasahan na magiging mabilis 'to, they're waiting."
"Umalis ka sa dadaanan, Gidget." Matigas na sabi niya, seryoso. Mahigpit pa rin niyang hawak ang braso ko.
"What are you thinking, Cloud? Wag mong kalilimutan na may misyo—" hindi niya natuloy yung sasabihin niya nang napayukod sa lupa ang babae habang sapo ang ulo, nahihirapan siya, nasasaktan. Anong ginawa ni Enriquez sa kanya?
Halos makaladkad ako sa hawak niya, nilagpasan namin yung babae pero nagsalita pa rin ito kahit na nasasaktan, "H-hindi mo alam ang g-ginagawa mo, Cloud! Arghh!"
Sa may parking lot, buong lakas akong kumawala sa pagkakahawak sa kanya, "Sabihin mo sa'kin. Sabihin mo sa'kin, Peculiar ka rin ba, Enriquez?"
Hindi siya makatingin ng diretso, hindi siya sumagot, "Memoire. Isa ka rin sa kanila, hindi ba?"
Hindi pa rin siya sumasagot.
"Sumagot ka!"
"Oo." Nag-angat siya ng tingin, "Tama lahat ng sinabi mo. I'm one of them."
Panaginip lang ba ang lahat ng 'to?
"Hindi 'to panaginip, Jill Morie."
Anong sabi niya? Paano...
"I'm Peculiar. Katulad mo." Hinawakan niya 'ko sa braso, "Listen. Kailangan nating umalis dito. I don't have much time to explain. Wala kang dapat ibang pagkatiwalaan kundi ako, Jill, you need to trust me. Runaway with me."
Hinigit ko yung braso ko para makakawala sa kanya, "Trust you? Runaway with you? Enriquez sa tingin mo maloloko mo 'ko? You're one of them, taga Memoire ka! Isa ka rin sa mga taong gustong dumukot sa'kin noon at ngayon."
"Jill—"
"Jill!" napalingon kami pareho ni Enriquez at nakita namin na paparating si Cecilia at Otis. Nakakuha ako ng pagkakataon para makatakbo palayo, nang makasalubong ko sila, "Nasaan sila Jing Rosca?"
"Nasa central grounds pa rin sila, pumunta ka kay Jing, bago ulit magpatuloy yung oras!"
"Ha?"
"May balaghang kumukontra sa paghinto ng oras ni madam Seraphina! Kaya muling babalik ang takbo ng oras, kami muna ang bahala sa lalaking yon" tinutukoy niya si Enriquez.
I'm so tired of being here, suppressed by all my childish fears
And if you have to leave, I wish that you would just leave
Your presence still lingers here and it won't leave me alone
Tumango ako at mabilis na tumakbo pabalik sa central ground, tama nga si Cecilia dahil bigla ulit umingay at may tumutugtog ulit na banda, dahil nagpatuloy ang oras. Wala na yung usok kaya ligtas na yung mga tao mula sa droga. Bigla 'kong may nabunggo habang tumatakbo, pagtingin ko sa taong 'yon
These wounds won't seem to heal, this pain is just too real
There's just too much that time cannot erase
"Baldo."
"Jill!" nag-aalala at hingal na hingal siya.
"Bakit Baldo?"
When you cried, I'd wipe away all of your tears
When you'd scream, I'd fight away all of your fears
"Sa rooftop... Sa rooftop."
"Anong meron sa rooftop?"
"Sila Aya..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ito na nga ba yung sinasabi ko, na baka may nangyaring hindi maganda sa kanila.
And I held your hand through all of these years
But you still have all of me..
Sabay naming tinahak yung building papuntang rooftop, para kaming nag-uunahan ni Baldo sa hagdanan. Pagdating namin doon, narinig ko yung boses ni Aya sa storage room, dali-dali akong pumasok sa loob. Pero walang ibang tao. Hingal na hingal kong hinarap si Baldo na nakatayo lang sa may pintuan.
You used to captivate me by your resonating light
Now, I'm bound by the life you left behind
"Nasaan... Nasaan sila Aya?" Hindi sumagot si Baldo. Narinig ko yung boses ni Aya rito.
Your face it haunts my once pleasant dreams
Your voice it chased away all the sanity in me
"Jill."
Hindi.
These wounds won't seem to heal, this pain is just too real
There's just too much that time cannot erase
Tinuro niya yung lumang mesa, napatingin ako roon at nakita ang isang voice recorder.
"Baldo." Parang hindi ako makahinga. "Bakit?" Naramdaman ko na umiinit na yung magkabilang sulok ng mga mata ko.
"Alam ko kung ano ka talaga. Kung hindi rin naman dahil sa'yo, hindi mawawala si Stephen, hindi maaaksidente si Penelope. Sa tingin ko mas magiging maayos ang lahat. Mas mabuti na lang... Na ibigay ka sa kanila. Paalam. Jill."
"Baldo!"
Lumabas siya at sinara yung pinto. Binubuksan ko yon pero hindi ko mabuksan. Kahit anong kalampag at pagtawag ko sa kanya, hindi siya sumasagot.
"Nandito po siya sa storage room sa roof top... Opo... Opo... Pabalik na po ako."
When you cried, I'd wipe away all of your tears
When you'd scream, I'd fight away all of your fears
Sinubukan kong tumawag kay Jing Rosca pero nabigo ako dahil walang signal. Napaupo na lang ako sa isang sulok at niyakap ang sarili ko. Even though I hated this. I hate this kind of feeling... helpless. At... tinraydor ng mga taong malalapit sa'kin. Baldo betrayed me because he thought this is the best thing to do. Dapat ngang isisi sa'kin lahat, ang pagkawala ni Stephen, ang aksidente ni Penelope.
Bakit? Bakit nangyayari 'to?
"Ano bang ibang magagawa mo, Jill Morie?" tama si Jing Rosca, wala akong ibang magagawa. Ito na ata talaga ang kapalaran ko.
And I held your hand through all of these years
But you still half all of me
Narinig kong may sumisira ng lock sa kabilang pinto, napasiksik ako lalo rito sa sulok, andyan na sila, ang Memoire. Pinipigil ko yung luha ko na kanina pa gustong bumagsak, hindi ako pwedeng magpakita ng takot sa kanila kahit na talo na ako kung matatawag bang laro 'to, laro ng kapalaran.
Dahan-dahang bumukas yung pinto, tumayo ako para ihanda ang sarili ko sa pagkatalo.
"Jillianne." Nag-aalala, natatakot.
"Miss Karen."
I've tried so hard to tell myself that you're gone
But though you're still with me, I've been alone all along
Kahit nanginginig, kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa kanya. Papunta sa naghihintay niyang bisig. This time I didn't hold back.
When you cried, I'd wipe away all of your tears
When you'd scream, I'd fight away all of your fears
Naramdaman ko agos ng luha, luha na nagmumula sa aking pisngi.
And I held your hand through all of these years
But you still half all of me, me, me
"I'm glad... I'm glad... You're safe." Paulit-ulit niyang sinasabi. Naramdaman ko rin yung pagpatak ng luha galing sa mga mata niyang wala akong makitang hinaharap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro