Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

Warning: (R-18) mature scenes. Read at your own risk.

SENKA JONES

Habang tumatagal binabagabag ako nang katungan tungkol sa buong pagkatao ni Ollivander. Kahit gusto kong tanungin s'ya ulit ay hindi ko magawa. Natatakot ako na baka mainis na s'ya sa 'kin.

“May pupuntahan tayo bago kita ihatid sa bahay mo,” aniya habang hawak-kamay kaming naglalakad papuntang parking lot.

Sinundo n'ya ako sa classroom ko. Plano ko sanang silipin s'ya a kan'yang room kanina para tignan kung anong ginagawa n'ya kapag wala ako kaso hindi ko alam kung saan s'yang building.

Bago pa man ako hinila ni Olli kanina, makahulugan akong tinignan nina Joey at Xian. Tila hindi sila sang-ayon sa pinili kong set-up namin ni Ollivander.

Sino ba namang babaeng papasok sa isang relasyon na hindi mo pa lubusang kilala ang isang lalaki? Ako lang siguro. Naintindihan ko naman ang gustong mangyari nina Xian at Joey. Walang kasiguraduhan ang relasyon namin ni Olli, iyon ang huling sinambit nila sa 'kin.

Naisip ko na rin iyon ngunit tinatatak ko sa isip na kahit anong mangyari, kahit ano man ang maging itsura n'ya ay aking tatanggapin. Pero paano kung may mga bagay na mero'n si Olli na hindi ko matanggap?

“Darling!” Bigla akong napatalon sa 'king kinatatayuan at gulat s'yang tinignan nang tumaas ang kan'yang boses para gisingin ako sa malalim na iniisip.

Puno nang pag-alala at taka sa abo ng kan'yang mga mata nang hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko upang matignan nang mabuti ang aking mukha.

“N-Nabigla ba kita?” utal n'yang tanong, naramdaman siguro n'ya ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan.

Binasa ko ang labi ko bago tumango. “Yeah,” tanging sagot ko na lang at umiwas ng tingin.

Ako na ang unang lumapit sa tabi ng kan'yang motor, nakasunod s'ya sa likuran ko.

“May problema ba?” Pinihit n'ya ang katawan ko upang magkaharap kami. “Bakit tahimik mo? Ayaw mo ba ng malaking motor?

Tumawa ako nang mahina na ikinahinga n'ya ng maluwag, mag-o-over think na naman s'ya. Sanay kasing kinukulit ko s'ya.

“Hindi iyon, h'wag mo akong alalahanin.” Ngumiti ako ng tipid sa kan'ya para makumbinsi ito. “Saan pala tayo pupunta?”

Binuhat ulit n'ya ako paupo sa kan'yang motor bago ako sinagot, “S-Sa bahay ko.” Yumuko s'ya saglit bago ako tiningala. “Ipapakilala kita sa mga magulang ko. I want them to know that you're my girlfriend.”

'Yong malalim kong pag-iisip tungkol sa aming relasyon ay bigla lamang naisantabi nang marinig ang kan'yang sinabi.

“T-Talaga?” 'di makapaniwalang tanong ko at hinawakan s'ya sa balikat. “Hindi pa ako nakabihis ng formal. Daan muna tay—”

Umiling s'ya at pinatahimik ako. “Hindi na kailangan. Gusto na nilang makita ka,” masaya n'yang sambit.

“Magugustuhan kaya ako ng magulang mo?” Hinawakan ko ang kan'yang mga palad na nasa aking hita.

Humigpit ang kan'yang paghawak sa 'king kamay. “Oo naman, matagal na nilang gusto na magkaroon ng girlfriend.”

Napabusangot ang mukha ko nang may maisip. “Ibig sabihin... Ako yong first girlfriend mo? Wala ka 'bang naging relasyon noon?” alanganin kong tanong.

Mahinang halakhak ang lumabas sa kan'yang bibig at kiniskis ang pisngi n'ya sa 'kin.

“Yes, ikaw pa lang and I'm proud of it.” Sobrang lapit ng mukha namin. “Hindi mo alam kung gaano kasaya ang buhay ko nang makilala ka. Tanaw lang kita noon pero ngayon hawak na kita.”

Masuyong hinimas n'ya ang buhok ko. “Ako na ang pinakaswerteng lalaki, darling. Hindi ko bibitawan ang relasyon natin gayong hawak na kita.”

~•~•~•~

“Malaki pala ang bahay n'yo, Olli,” mangha kong bulalas nang binaba n'ya ako sa motor saka nilapag sa lupa.

“Hindi naman,” tawa n'yang sambit. “Tara, baka naghihintay na sila sa atin.”

Sumunod ako sa kan'yang paghila sa akin. Hanggang third floor 'yong bahay n'ya. Kulay puti at maraming veranda.

Bumungad kaagad sa amin ang mga mahahaling vase na nakahilira sa dinaanan namin. Halatang alaga ang bahay at nililinis palagi.

Lumipat ang kan'yang kamay sa aking beywang at hinigit ako papalapit sa kan'ya habang naglalakad kami, tinignan ko s'ya.

“Gusto kong malaman mo na minsan sinusumpong ng sakit si Mama,” bigla n'yang sabi na ikinataka ko.

“Anong sakit n'ya? Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin?”

Tumingin s'ya sa 'kin at may kung emosyon ang naglalaro sa kan'yang mga mata. “N-Nagwawala at sumisigaw s'ya kung sinusumpong s'ya, darling. May sakit sa pag-iisip si Mama.”

Gano'n na lang ang pagkasinghap ko sa narinig.

“Sorry ngayon ko lang sinabi, baka kasi matakot ka,” nag-alalang dugtong pa n'ya.

Umiling ako at hinimas ang kan'yang braso. “You don't have to say sorry. I understand, dapat iniintindi ang sitwasyon ng Mama mo.” Ngitian ko s'ya para mawala ang pangamba n'ya.

Hinimas n'ya ang gilid ng labi ko bago ako ginaya sa kanilang mahabang sofa. Pinaupo n'ya ako at gano'n din s'ya sa aking tabi.

“Dito ka muna, ah? Tatawagin ko lang si Mama at Papa.” Paulit-ulit n'yang hinihimas ang buhok ko na nagbigay kalma sa aking pakiramdam.

Tumango ako bago s'ya umalis sa living room. Malaki 'yong living room, paano pa kaya sa ibang bahagi ng bahay?

Hindi naman nagtagal ay natanaw ko na si Olli kasama ang kan'yang mga magulang. Nanlamig ang mga kamay ko nang makita ang mukha ng Mama ni Olli. Nakangiti s'ya at tila hindi mo aakalain na may sakit ito sa pag-iisip.

Tumayo ako at sinalubong sila ng bati. “G-Good afternoon po.” Yumukod pa ako nang bahagya.

Agad akong hinawakan ni Olli sa kamay at hinila sa kan'yang tabi. Lumipat ang kan'yang kamay sa 'king balikat at sabay na hinarap ang kan'yang mga magulang.

“Good morning, hija,” ngiting bati ng Papa ni Olli, mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makitang nagustuhan nila ako.

“Hindi mo naman sinabi, anak na sobrang ganda pala ang girlfriend mo.” Lumipat ang tingin ko sa Mama ni Olli nang magsalita ito.

Humakbang s'ya papalapit sa 'kin at niyakap ako kahit nasa gilid ko lang si Olli. “Welcome to our family, hija. I'm so happy na dinala ka rito ni Ollivander.”

Ngumiti ako sa kan'ya at hindi inabalang tignan ang mali sa kan'ya. “Ikinagagalak ko rin po kayong makilala. Sobrang ganda n'yo po, Ma'am.”

Maganda siguro ang lahi ni Ollivander, gwapo yong ama at maganda ang kan'yang Ina. Sa ngayon pa lang lumilipad na ang isip ko sa magiging itsura ni Olli.

Mahinang humagikhik ang Mama ni Olli. “Naku, hija matanda na ako, eh.” Hinimas n'ya ang braso ko. “Thank you, hindi ka lang maganda, honest ka rin pala.”

Natawa na lang kami. Naging magaan ang usapan namin hanggang sa yayain nila akong mag-dinner. Pumayag naman ako, hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi. Ihahatid naman ako ni Olli.

Inalalayan ako ni Olli na umupo sa kan'yang tabing upuan. “Thank you,” bulong kong sambit sa kan'ya na ikinatango n'ya.

“Ano nga pangalan mo, hija? Senka?” tanong ni Tita Marvey.

“Senka Jones po,” sagot ko.

“Oh!” Tila naging interesado s'ya nang marinig iyon. “Farm and Barn ba 'yong business n'yo sa Antique?”

Tumango ako na mas lalong ikinagalak n'ya. Naikwento n'ya na palagi s'ya ro'n noon at doon na rin nakapag-aral kaso natigil lang. Hindi n'ya sinabi ang dahilan pero may ideya na rin ako.

Ilang minuto ang ginugol namin sa kakukuwento. Siguro sa inis at gusto nang magpalambing ni Olli sa 'kin ay nag-aya ito na ipakita sa 'kin ang kwarto n'ya.

“Okay, aalis din naman kami ng Mama mo, Ollivander.” Tumayo si Tito Herald at nakipagkamay sa akin ma agad ko namang tinugunan. “It was nice meeting you, Senka. Feel at home lang, h'wag mo na lang pansinin ang kakaiba rito.”

Natatawang napatango na lang ako at nakipagbeso kay Tita Marvey. Sabay silang umalis sa dining room, naiwan tuloy kaming dalawa ni Olli.

“Hindi mo ako pinapansin.” Kanina pa n'ya hinihimas ang buhok ko, konti na lang talaga pagkakamalan na s'yang bakla.

Inikutan ko s'ya ng mata. “Nag-uusap kami ng parents mo, Olli.” Lumapit pa ako lalo sa kan'ya at bahagyang niyakap ang kan'yang beywang. “Sinusubuan naman kita kanina, ah.”

Napayuko at bigla na lang namula ang kan'yang taenga, napahagikgik ako. Super clingy n'ya talaga, hindi nahiya sa magulang pero no'ng kami na lang dalawa biglang yuyuko.

“Gusto kong makita ang room mo,” malambing kong sambit at niyugyog ito sa balikat.

Hinapit n'ya ako sa kan'ya at walang imik na hinila ako paalis sa pagkakaupo.

Nasa second floor 'yong kwarto n'ya. Mahaba ang pasilyo pero kaagad kong nalaman ang kan'yang kwarto nang makita ang kulay green at black na pinto.

“Ako lang ba ang babaeng nakapasok dito?” tanong ko nang tuluyan na n'yang nabuksan ang kan'yang silid.

Hinila n'ya ako papasok at isinara ang pinto. Napasandig ako sa likuran ng pinto nang lumapit s'ya masyado sa 'kin.

Mariin ang kan'yang titig sa 'kin. “H'wag ka namang magselos, darling.” Binagsak n'ya ang kan'yang noo sa aking balikat. “Wala naman akong ibang babae bukod sa 'yo. Wala nga akong girlfriend noon tapos tatanungin mo pa ako kung may babaeng nakapasok dito.”

Tinaas ko ang kan'yang baba at pinaharap sa 'kin. Hinalikan ko ang kan'yang pisngi na may mask pa rin.

“Nagtatanong lang naman, eh.” Ngumiti ako sa kan'ya nang tignan ko ang kan'yang mga mata.

Ilang saglit lang ay pinatay n'ya ang nagsisilbing ilaw sa buong kwarto n'ya. Napasinghap ako.

“Bakit mo pinatay?!” Wala akong makita!

“Can I kiss you? Lips to lips, darling?” paos n'yang sambit.

Tumama ang kan'yang hininga sa aking bibig, do'n pa lang ay alam kong binaklas na n'ya ang kan'yang mask.

'Yong mga mata n'ya lang ang tanging nakikita ko sa kabila ng dilim ng pwesto namin. Hinaplos ko ang kan'yang labi gamit ang aking mga daliri, sobrang lambot.

Hindi pa man ako nakasagot ay kaagad na n'yang inangkin ang bahagyang nakaawang kong labi. Mahina akong napaungol nang malasahan ang namamasa n'yang labi.

Mas hinapit n'ya ang beywang ko papalapit sa kan'ya, masyadong mapang-angkin ang kan'yang mga brasong nakapulupot sa 'kin. Dumaing s'ya at mas pinailaliman ang nakahihilong halikan namin.

Nanghihina ang buo kong katawan at tila bibigay na ang tuhod ko kung 'di n'ya lang ako inaalalayan.

“Senka,” daing n'yang sambit nang sandaling humiwalay ang labi namin. “Binabaliw mo ako, darling.” Sinakop n'ya ulit ang labi ko.

Hindi ko na mabilang ang ilang daing n'ya, tila nawawala s'ya sa sarili. Namumungay ang mga mata kong binuklat para makita s'ya ngunit nakapikit ang kan'yang mga mata.

Nang mawalan kami nang hininga ay ro'n pa lang s'ya huminto. Isinandig n'ya ang mga noo namin saka ako pinatakan ng ilang halik sa ilong, pisngi at labi.

“O-Olli.” Humigpit ang kapit ko sa kan'yang leeg na hindi ko na namalayang nakapulupot na pala sa kan'ya, biglang uminit ang buong paligid dahil sa kan'yang mga halik.

“Hmm?” Dinala n'ya ang kan'yang mukha sa 'king leeg, ramdam ko pa ang pagsinghot n'ya ro'n.

Hindi ko napigilang halikan s'ya sa pisngi at bumaba pa ito sa kan'yang balikat. Ramdam kong nanigas s'ya at napadaing na naman nang sipsipin ko ang kan'yang balat.

“D-Darling.” Parang may pinipigilan s'ya. “B-Baka saan umabot 'to, baka m-magsisi ka,” nahihirapan n'yang sambit.

Pinatakan ko ng halik ang gilid ng kan'yang labi na nanunudyo. Napamura s'ya nang mahina na hindi ko na inabala pa.

“Dalhin mo ako, darling,” hindi ko na maintindihan ang boses ko nang banggitin iyon. “Dalhin mo ako kung saan man tayo umabot, please.”

Tila napigtas ang pagtitimpi n'ya matapos marinig ang nanunuya kong boses. Mariin at malambing ang kan'yang halik na binibigay sa 'kin.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro