One Shot Challenger #5
Title: USAPANG LASING
(Contest Version)
Intro:
Valentine's Day.
Wala lang. Di ako excited. Di dahil sa walang ka-date.
Pucha, di naman ako ganun kababaw na porque Valentine's, boyfriend lang ang dapat kong kasama.
Excuse me, hindi ako bitter! I love Rhian, and that's me! Mahal ko ang sarili ko, I learned it the hard way, and still learning now! Kaya eto nga, nasa mall ako at namamasyal mag-isa. Ka-date ang sarili.
May mukhang sumagi sa isip ko.
Napangiwi ako sa naisip. Malabo rin.
Napabuntung-hininga ako at itinuloy ang pagkain habang ginagala ang tingin sa paligid. Ang daming tao. Magjojowa. Magkakabarkada. Mga pamilya.
Kasi nga, Valentine's Day.
Napabuntunghininga ako sa naalala.
Sa ganitong araw ko rin napatotohanan ang ilang kasabihang panglasing...sa magkaibang taon.
Napailing ako.
Kasi naman, letse lang talaga, lalo na doon sa una! Ang sakit sa dibdib. Dahilan kung bakit ako naging bitter noon sa pakikipag-jowa.
It all started during my college days...
PAG MAY ALAK, MAY BALAK.
KAPAG LASING, NAPAPAAMIN.
"P're, salubungin nyo!"
"Hoy, Mack! Tumulong kayo!"
Sigaw yun nang dalawang humahabol sa akin. Hinahabol para hulihing maging kandidata sa mga lintek na booth dito sa campus.
Foundation Day namin. Wala naman akong balak dumaan sa baseball field kaya lang yun ang shortcut papunta sa campus main gate.
Imi-meet ko si Pau. Tropa ko na nangakong papahiramin ako ng libro sa Humanities na hiniram lang din nya sa syota niya. May output kami bukas at wala akong pambiling libro. Kulang ang pinapadalang pera ni Mama.
Kailangan kong magmadali dahil sumaglit lang si Pau. Sa kabilang university siya nag-aaral.
Hingal na ako. Nakita ko'ng anim na ang humahabol sa akin. Paano, kinarir ko talaga na hindi mahuli.
Hello naman! Walang tutubos sa akin! Magkakaiba ang sched naming magkakabarkada.
Hindi naawa ang langit sa effort ko. Nahuli nila ako malapit sa Med Building.
Hiyawan ang mga iba pang humabol at mga estudyanteng nanonood sa record breaking Tom and Jerry chase namin. Aakalaing may kriminal na inaresto!
"Sa wakas!" ang sabi habang nilalagyan ako ng posas.
"Pass na 'ko. Pamasahe lang meron ako."
Konti na lang umiyak ako. Kaya nag-desisyon sila. Sa blind date booth ako ipinasa at hindi sa jail booth. Dalawang org pala ang humabol sa akin.
"Ang baduy naman!" reklamo ko uli.
"Mabait na nga kami. Yung ka-blind date mo ang magbabayad. Yun ang dehado."
Buti na lang, di na ako umepal.
Papabol ang ka-blind date ko!
First time in my existence na magka-crush na non-celebrity.
At pak na pak! May kiss pagkatapos. Lalong umangat ang paghanga ko sa kanya. Sa kamay lang ako hinalikan tapos binigyan ako ng Fruitella.
Nanghinayang ako na di nalaman ang pangalan niya.
At hiyang-hiya naman kay Pau dahil nakailang text na ang di ko na-reply-an. Una, wala na akong load. Tsaka, na-starstruck nga ako kay Fruitella Guy.
"Pambihira ka naman, Rhi. Absent na 'ko sa sunod kong klase," sumbat nya kahit nag-sorry at nagpaliwanag na ako.
Biglang kumulo ang tyan ko.
"Tsk! Tara, meryenda tayo!" masungit na sabi.
"Libre mo 'ko?"
"Bakit, may pera ka ba?" sikmat sa akin.
Ngiti lang ako kasi inakbayan na ako ni Pau papunta sa malapit na convenience store.
Bati na kami!
Kaya lab na lab ko ang hinayupak na ito. Lagi akong nililibre!
Magkatabi lang ang boarding house namin. Nagkakilala kami nung naiwala nito ang phone. Ako ang nakapulot. Kaya alam kong marami siyang chikas.
Siyempre, inurirat ko'ng phone nya para malaman kung sino'ng may-ari. Nung una nga, napogian ako. Kaso turn off, kasi nga chickboy.
Naikwento ko sa tropa ang nangyaring pagkahuli sa akin.
Nalaman ko, kilala pala nila si Fruitella Guy. Jay ang pangalan.
Ewan ko kung matatawag ko yung biyaya o sumpa.
Siya pala ang bagong lead guitarist sa binubuo nilang banda.
In short, ka-tropa na rin.
Sinamantala ng mga barkada kong babae na tuksu-tuksuhin kami. Pati ang mga lalaki, nakikiloko rin.
Hiyang-hiya ako. Sobrang obvious naman talaga na gusto ko siya. Nagagalit ako sa tropa kapag inaasar nila si Jay nung maglasing dahil sa ex nya. Umiyak ako nung malaman kong umiyak siya dahil sa hinayupak niyang ex na paasa.
Nakakainis na ewan lang si Jay kasi masyadong gentleman. Siya pa ang sumasaway sa mga kaibigan namin na huwag akong aasarin. At ipinaririnig niya talaga sa akin na mahal niya pa rin yung ex nya. Kahit kailan, hindi niya ako pinaasa.
Na-appreciate ko naman yun. At least alam ko kung saan ako lulugar.
Kaya lang, dahil sa attitude niyang yun, lumalim nang husto yung feelings ko sa paglipas pa ng mga taon namin sa university.
Feelings na kinimkim ko sa kabila nang pamimilit ng mga tropa kong babae na magpakita ako ng motibo.
Ano'ng magagawa ko, eh hindi ko kayang mag-isip ng kabulastugan pagdating kay Jay? Mahirap ipaliwanag. Holding hands lang ang pinakamalupit na napa-fantasize ko kay Jay. Kahit kinakalyo ang tenga ko sa kaberdehan ng tropa, never ko s'yang pinag-isipan ng kahalayan. Ganun kabusilak ang pagsintang pururot ko sa kanya! Grabe!
"Hindi kaya ng powers ko," hinaing ko.
"Gaga ka kasi! Kami na nga ang gumagawa ng paraan. Halos ikamatay mo naman ang pag-deny. Tapos, bigla mong ikukuwento si Pau pag andyan si Jay. Paano ka n'yan magkaka-chance?"
Kilala nila si Pau. Minsan sumasama siya sa inuman session namin. Isa pa, nakalaban ng tropa ang banda nina Pau sa isang Battle of the Bands kung saan bahista siya.
Di ko nga malaman kung kanino ako magchi-cheer nang husto nang gabing yun. Nagtampo sa akin si Pau dahil mas sinuportahan ko ang barkada ko.
"Hayaan niyo na lang ako."
"Hindi puwede, Rhi. Ilang taon na yan. Lagi kang napapatulala kapag naglalakad palayo si Jay. Ikaw ang lutang kapag may problema siya. Bumababa na ang grades mo. Graduating na tayo."
"Kami'ng bahala!" deklara pa nila.
'Bahala' na nagdulot sa pagkawasak ng puso kong unang beses makaramdam nang ganito katinding pagmamahal. Yung tahimik at hindi humihingi ng kapalit. Tinawagan nila si Jay at sinabi ang totoong nararamdaman ko. Kasabay nang deretsahang pagtatanong, "May pag-asa ba si Rhi, Jay?"
Wala.
Ang sagot na ayokong marinig kaya nga di ako nagtangkang alamin yun mula sa kanya.
Ilang araw kong iniyakan yun.
Ang reaksyon ni Pau nung malaman,"Tangnang...! Lalaki lang 'yan! Dapat noon mo pa tinigilan 'yang kaanuhan mo! Tanga-tanga ka rin eh!"
Lalo siguro itong mag-aalburuto kapag nalaman nya ang plano naming magkakabarkada para maka-move on ako kay Jay. Ang ultimatum ko sa sarili.
Next week na yun, Valentine's Day. May gig ang tropa. Ang usapan, after ng set nila, pupunta sa bahay nina Olan, ang bokalista sa banda ng tropa. May van kasi ito na gamit namin as service. Doon kami mag-o-overnight para magwalwal.
"Oh, ba't andito ka?"
Nagulat ako nung pagpunta sa tambayan namin, andun si Pau.
"Nakita ko si Willy kagabi pagpasok ko sa isang subject ko," turo nya sa bahista ng tropa. "May gig daw sila ngayon. Niyaya akong sumama."
Syet na malagket!
Sarap ipalo sa ulo ni Willy ang bass guitar niya. Kaya lang, di ko ito masisisi. Kaming mga babae lang ang nakakaalam ng 'masamang balak' ngayong gabi.
Kaming limang babae, kumpleto pa sa campus. Sa anim na barkada naming lalaki, tatlo na ang graduate.
Kahit ganun, intact pa rin kami kapag may gig.
"Wala ka bang pasok sa trabaho?" tanong ko uli.
Graduate na rin si Pau two years ago. Kumukuha siya nang ilang masteral units dito sa university namin. Solong umuupa ng apartment malapit sa trabaho.
Nahuli ni Pau ang tinginan naming mga babae.
"Bakit, Rhi? Ayaw mo ba?" may tampo agad sa tono niya.
"Ano, I mean, wala ka bang date? Dami mong syota," palusot ko.
"Tss! Valentine's-Valentine's! Ang baduy niyo!"nakangiwi nyang sagot.
Natawa sina Willy. Nakipag-high five pa nga sa kanya. Maliban kay Jay na hindi natawa.
Parang gusto na namang dumugo ng puso ko. Alam kong iniisip ni Jay yung ex niya.
Hindi ako maka-full blast ng cheer sa tropa nung gig na. Naiilang ako kay Pau. Feeling ko, binabantayan ang kilos ko.
Todo tilian ng tropa. Tapos ako, ito. Palakpak pakiyeme lang.
'Kakainis!
Paano na mamaya? Gusto ko nang matapos na lang kasi. Tama naman ang mga barkada ko. Masyado kong inaapi ang sarili ko.
Nasagot ang tanong kong yun nung inuman na kina Olan.
Walang nakakahalata sa mga kasama namin. Pandalas ang tagay sa akin at kay Jay ni Chel, ang pinakaka-close ko sa mga babae.
At pati si Pau, "Teka lang. Bakit ang taas ng tagay sa akin?"
"Sus, wag ka na umeps," pambabara ni Jane, yung chubby naming tropa. "Minsan ka lang sumama sa amin dahil may iba ka talagang barkada."
Di na nakaangal si Pau.
Pasimple kaming nag-uusap sa mata nina Chel. Pucha! Kinakabahan ako kahit nahihilo na ako sa dami nang nainom ko.
Ito kasing si Pau, bakit pa sumama?!
Lalo tuloy akong pinanghihinaan ng loob. Baka mag-beastmode ito mamaya.
Rhian, kaya mo yan! Tagay pa kung kulang! Pampalakas ng loob.
Mantra ko mula pa kanina.
Mabuti nag-excuse si Pau na lalabas para sagutin ang phone nya. Chick nya siguro.
Saka sumenyas sina Chel. Nakakasuya lang na masyado silang obvious.
Pa'no ba naman, sabay-sabay silang naglipatan ng puwesto palayo kay Jay. Nakahalata yung mga boys.
"Ano'ng meron?"
Pakers! Nadyahe na naman tuloy ako. Gusto ko nang masuka sa nerbiyos!
Nahalata ni Jane kaya, "Sige na, Rhi!"
Sabay tulak sa 'kin!
Ampotah! Napaluhod ako sa harap ni Jay dahil may amats na ako!
Ang awkward! Para ko siyang bibigyan ng blowjob!
My ghad!
Pagka-virgin-virgin ko eh!Wala pa nga akong first kiss!
Letse itong si Jane! Makukurot ko talaga sa bilbil!
Hindi agad ako nakatayo kaya si Jay na rin ang umalalay sa akin.
"Ayos ka lang, Rhi?"
Eto na ang pagkakataon mo, Rhian! sigaw ng utak ko.
Imbis sumagot, kumandong ako sa kanya sabay sabi, "Pa-kiss nga! Sa lips!"
Syete talaga! Feeling ko, kamatis na ako na may kamay at paa sa sobrang hiya.
At halos maloka ako sa sagot nya na, "Okay."
Saka ko lang na-realize: Hindi ako marunong humalik! Mahabaging langiiit!
Ang first kiss ko, smack na tumagal lang nang kaunti ang pagkakadikit ng lips namin! Naglaho yung malupit na kissing scene sa maharot kong imahinasyon na dala nang pangpo-pollute nina Chel sa virgin mind ko!
Yung once in a lifetime kong kiss kay Jay... epic fail! Lintik!
"Whoaaa! Ayun oh!" hiyawan ng mga boys.
Letse! Madaling-araw na pero ang ingay namin! Aakalaing may championship match ang Ginebra!
Yung mga babae, napatili sa sobrang kilig.
'Tragis, buti pa sila kinilig. Ako hindi. Ito ang gabi nang pag-give up ko kay Jay.
Tapos umalis na 'ko sa pagkakakandong sa kanya, at sinabi nang may buong kumbiksyon:
"I'm done with you! Di na 'ko iiyak uli dahil sa 'yo!"
TANGNAMEZ! ANG DRAMA KO!
Pahamak na alak talaga! Napa-English pa ako nang wala sa oras!
Tumangu-tango lang si Jay, nakakagat-labi. Tapos panira sina Olan,
"Halik tawag nyo dun?!"
"Rhi, pwede na naming gulpihin si Jay?! Di ka na magagalit?!"
Tapos tawanan sila kahit sinabi ni Jay huwag nang palakihin ang issue.
Di ko magawang matawa. Kasi nakatayo si Pau sa may bukana ng pinto. Nakatingin lang sa akin, poker face. Natakot ako bigla sa kagagahan ko.
Umentra pa si Willy nung makita s'ya, "Puta, p're! Sayang, di mo nakita yung malaking joke ngayun-ngayon lang."
Tumawa lang si Pau nang hilaw paupo sa tabi ko.
Tapos pasimpleng bumulong, "Tama na yan, Rhi. Nagkakalat ka na. Ihahatid na kita pauwi."
Confirmed!
Nakita at narinig n'ya ang drama ko. Dyahe!
"Ano'ng oras pa lang?" mahina kong angal. "Wala pa tayong masasakyan. Marami nang nainom si Olan para ihati--"
"Sabihin mo, matutulog ka na."
"Ayoko nga matulog mag-isa sa itaas. 'Kakatakot."
"Andun naman lola at parents ni Olan."
"Bakit? Sa kanila ba 'ko tatabi?" pamimilosopo ko.
"Oy, ano'ng bulungan yan? Kanina pa kayo," pabirong sita ni Jane.
Mahadera talaga ang tsabitang ito.
"May pasok pa 'ko bukas. Wala namang masasakyan pauwi nang ganitong oras," si Pau. "Eh itong si Rhi, antok na."
Wala na akong nasabi. Siya na ang gumawa ng paraan.
"Nakow, porque nakahalik na, move on na agad-agad, Rhian?" tukso ni Chel.
"Gagi!" sikmat ko. "Olan, pwede bang paidlip sa itaas?"
"Iisa lang ang guestroom namin."
"Ayoko matulog mag-isa," reklamo ko.
Nagkatuksuhan agad.
"Iba na yan!"
"Ways-ways n'yo!"
"Oy, pakers kayo ha!" angal ko. "Tropa ko si Pau. Walang talu-talo."
"Asus! Tinalo mo nga kanina si Jay!"
Na-shut up ako kasabay sa tawanan nila. Kamot-ulo si Jay.
"Ano, p're? Okay lang ba?" putol agad ni Pau. "Aalis din kami pagkatapos n'yo."
Ayun nga. Magkatabi kaming natulog. Sinigurado kong may unan kami sa gitna.
"Ayos boundary mo ah. Parang may magagawa 'yan kung--"
"Paulo, tigilan mo 'ko ha?" asar kong sabi.
"Tss!"
Natapos silang mag- inuman mag-aalas singko ng umaga.
Wala kaming imikan ni Pau sa taxi pauwi.
Hindi ko s'ya nakita sa loob nang dalawang linggo after. Gaya nang hindi ko pagpapakita sa mga tropa sa tambayan.
Alam naman nila na iiwas muna ako. Part of moving on sa isang love story na walang ganap! Hanep!
Malapit na ang finals nung pumunta uli ako sa tambayan. Walang nanunukso sa mga tropa. Kami niJay, kaswal lang. Dedma sa kabalbalang ginawa ko weeks ago.
Si Pau, paminsan-minsan ko lang nakikita. Feeling ko sinasadya s'ya. Siguro, sobrang disappointed sa ginawa ko last Valentine's Day.
Although, nag-reply naman nung minsang i-pm ko. Medyo matipid nga lang. Busy raw s'ya sa trabaho at masteral. Kunsabagay, ganun din naman kami since graduating.
Isang linggo bago ang graduation ko, inimbita ko s'ya. Dalawa ang puwedeng guest nang isang ga-graduate. Since biyuda si Mama, si Pau ang naisip kong gumamit nung tirang ticket. Sayang naman kasi. Tsaka s'ya ang maituturing kong bestfriend.
Nalungkot ako sa reply n'ya, "Di ako sure, Rhi. Madaming gawa sa office."
Pero, sa mismong graduation, laking gulat ko pagbaba ng stage,
"Rhian!"
Lumingon ako sa puwesto ni Mama.
Parang maiiyak ako sa tuwa nang makita ko si Pau katabi ang nanay ko, kumakaway. Tapos may nakasukbit sa leeg n'ya na DLSR.
Nang iangat n'ya yun para kuhaan ako ng pic, otomatikong huminto ako at ngumiti sabay peace sign.
Saktong nakita ko ang pag-flash nun, natumba ako.
Letse!
Nakalimutan ko na pila nga pala kaming mga graduates. Nabangga ako nung nasa likod ko. At nabangga s'ya nung nasa likod pa.
Sorry naman!
Tawa nang tawa sina Pau at Mama. Kumain kaming tatlo sa isang fine dining restaurant. Treat ni Pau.
Lagi kaming nag-aasaran. Natatawa lang sa amin si Mama. Kilala n'ya si Pau. Maliban sa kuwento ko, nagkita na sila isang beses na dumalaw si Mama sa akin sa Maynila.
"Alam n'yo, ganyan kami nagsimula ng Papa mo, Yhan," tukso ni Mama.
"Yaaaak!" angal ko kaagad.
"Kung maka-yuck ah!" reklamo ni Pau.
"Eh nuknukang babaero ka eh. Tsaka pag tropa, walang talu-talo!" balik ko sa kanya.
Parang nag-iba ang timpla ni Pau hanggang sa ihatid n'ya kami sa boarding house.
Yun ang huli na makita s'ya hanggang pagbalik ko sa probinsya.
ANG SOBRANG ALAK, NAKAPAPAHAMAK.
ALAK: NAKAKATANGGAL NG SAKIT, HINANAKIT, AT HIGIT SA LAHAT NG DAMIT.
Dumalang ang contact ko sa tropa. Isa pa, busy ang bawat isa sa panibagong yugto ng buhay namin sa labas ng akademya.
Kasama na dun si Pau.
Tatlong beses ko s'yang t-in-ext pero walang reply. Kaya tinawagan ko, out of coverage. May mabigat na pakiramdam yun sa dibdib ko.
Kaya kahit di ako mahilig mag-FB, ginawa ko. Para lang madismaya.
Last activity ni Pau, isang thumbs up sa kissing scene pic namin ni Jay, which was before graduation pa.
'Tado kasi sina Olan, kinuhanan pala nila kami. P-in-ost sa FB group naming magto-tropa. Ngayon ko lang nakita.
Ano'ng petsa na? Isang taon na ako sa probinsya!
Inalam ko na lang kina Chel kung may balita sila kay Pau. Lalo lang akong nalungkot sa sinabi nila. Wala raw.
"Si Jay, di mo tatanungin? Kinamusta ka nung nakaraan."
Di ako na-excite sa narinig.
Pinatay ni Jay ang pangarap ko sa pag-ibig.
Hanep! Pag-ibig talaga, Rhian?! kantyaw ng utak ko.
Napa-eyeroll ako.
Totoo yun. Ilan ang binasted kong manliligaw dito sa amin. Alam n'yo na, ligawin. Hindi dahil sa physical attributes, kundi dahil graduate ako sa Maynila!
Mga tao talaga! Kaya lalo akong nadis-ilusyon sa pakikipag-jowa.
Wala talagang ideal relationship. Kita n'yo si Jay. Si Pau at ilan kong tropang lalaki, mga babaero. Sina Chel, masuwerteng umabot sa anim na buwan ang mga naging boyfriend noon.
Sad life!
Dala ko ang mentalidad na yun pagbalik sa Maynila. Sobrang baba ng pasuweldo sa probinsya.
Sinabi ko lang kina Chel na nasa Maynila na ako nung nakahanap na ako ng trabaho. Kaso sa bandang Alabang. Nasa north area silang lahat. May kalayuan. Kaya nabawasan ang pagsama ko kapag may gig ang tropa.
Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Yung dalawa sa kanila, sina Mia at Donna, kasama kong umuupa sa isang three-bedroom apartment.
Nahawa ako sa way of living nina Mia. Party-party kami pag weekend. At napapasabak ng inom kung sino na lang ang makilala.
Truth be told, naging wild ako. Pero medyo lang. Kapag humihirit nang seryoso, bigla akong nanlalamig. Aminado ako, dun ako natuto humalik. Umabot pa nga minsan sa MOMOL. Kaso pag nagiging agresibo na, ako rin ang natakot.
Naalala ko tuloy si Mike. Yung nakilala namin sa isang bar. Si Mia at Donna, sumama 'somewhere' sa barkada ni Mike. Ako, umuwi, pati ang lalaki. Dun ko nalaman na taga-kabilang street lang namin s'ya. Kaya nag-carpool kaming dalawa sa Uber that night, matapos ang 'harutan' namin.
Kamukat-mukat ko, imbis na ibaba ako sa tapat ng apartment, pinadiretso n'ya sa harap ng bahay nila. Tapos, ayun na. Nangungulit.
"Sige na. Try lang!"
"'Tado ka ba?Tingin mo sa 'ken, bisikleta? Pa-try sumakay!" asar kong sabi. "Ayoko. Kailangan ko na matulog. May lakad pa 'ko bukas."
"E di sa 'min ka na lang matulog. Kami lang naman ni Kuya ang nakatira dyan," sabay hila na naman.
Pakers! Para na kaming tanga dun sa street nila. Alas tres na yata nun ng madaling-araw.
"Maaga namang aalis si Kuya mamaya."
My ghad! Kating-kati na siguro'ng singit nito!
Pucha, mahirap na! Baka may sakit ang lintik, mahawa pa ako. At higit sa lahat, baka mabuntis ako.
Hello! 'Scholar' ko ang kapatid ko.
Ano ba itong napasukan ko? That evening, kahit di pa talaga ako eksperyensado, feeling ko, napakapariwara ko na! Nakakababa sa pagkatao!
Kailangan kong malusutan ito. Kaya bigla kong nasabi,
"Maingay ako makipag-sex!"
Pakingsyet! Bakit yun ang nasabi ko?!
'Tragis talagang alak ito! Pahamak!
"E di tatakpan na lang kita ng unan," ang nakangising sagot.
"Putang'na mo pala eh! Papatayin mo ba ako?!"
Nababastusan man, di ko s'ya masisisi. Ako na rin ang nagbigay ng impresyon na kaladkarin ako.
Last na ito, pramis! Iinom na lang talaga ako pag tropa ang kasama!
Ang ending, nakapagbitaw ako ng salita sa kanya na 'next time' na lang. Ang kaso, umasa ang hinayupak! Minsan, inabutan ko na naghihintay sa tapat ng apartment. Nalusutan ko lang uli ng 'next time.'
Kaya simula noon, lagi akong nagpapagabi ng uwi para makaiwas.
Gaya ngayong weekend. Well, OT naman ang dahilan.
Inaasahan kong may mga bisita sa apartment. Si Donna kasi, may seryosong karelasyon na.
Good for her!
Medyo bitter ako sa naisip, sa totoo lang.
Anyways, tama ako. May kasamang mga kaibigan ang jowa n'ya. May paparating pa raw.
"Rhi, tagay!" alok ni Mia.
"Geh, magpapalit lang ako."
Mabilis akong nagpalit at bumalik sa sala, para magulat.
"Pau?!"
"Rhi?!"
"Magkakilala kayo?"
Di na ako nakasagot. Para akong tanga na tumatakbo kay Pau sabay talon payakap sa kanya.
Natatawa n'ya akong sinalo payakap.
"Wow, ha?! Mag-jowa ba kayo?" si Mia.
"Hindi. Best buddy ko si Pau nung college," sagot ko habang nakaangkla sa braso n'ya. Tsaka ko naalala at bumaling kay Pau.
"Ikaw, hinayupak ka! Bakit di ka nagre-reply sa text at FB?"
Ang dami n'yang palusot.
Inirapan ko.
Tumikhim yung isang bisitang babae.
Saka ko na-realize... napabitaw ako kay Pau, "Ay, sorry!"
Pinakilala nila sa akin ang mga bisita. Yung chick na laging nakaangkla kay Pau, naunang umalis. Nairita yata na nasa akin na'ng atensyon ni Pau. At ang walang manners na lalaking ito, pinasakay lang ng taxi ang pobreng babae pauwi. So, side chick lang pala.
Ano pa bang aasahan ko?
"Magtropa nga kayo," sabi ni Donna kay Pau. "Itong si Rhi, daming boys. Ilang beses na pumunta dito si Mike. Pinagtataguan lang nitong kaibigan mo."
Napahukot ako sa pagkakaupo kasi tiningnan ako ni Pau nang masama.
Syete! Ang daldal ni Donna!
Kaya eto na nga. Matapos ang inuman at magpaalam ang iba, nagpaiwan ang jowa ni Donna at si Pau.
"Rhian..." tawag n'ya nung mailatag ko ang hihigaan n'ya sa sahig ng kuwarto ko.
Yari! Binuo ang pangalan ko. "...ano yung sinasabi ni Donna?"
Kapipilit, napaamin n'ya ako.
"ANO?!" hindik n'yang sabi. "Dahil lang kay Jay, nagkaganyan ka na?!"
Di ako nakaimik.
Badtrip na si Pau. Badtrip na dala nya hanggang kinaumagahan na umuwi sila.
"Humanda ka!" banta pa bago umalis.
Nalaman ko'ng ibig n'yang sabihin. Paglabas ko sa trabaho kina-Lunes-an, andun si Pau.
"Ihahahatid kita pauwi. Naliligaw ka na ng landas!" pambabara sa akin nung tanungin ko.
So, ganun na nga ang nangyari tuwing labas ko sa trabaho, maliban kung kailangan n'yang mag-OT. At pag-weekends, sa apartment na lang kami nag-iinuman kasama ang mga barkada n'ya.
"Pau, baka sugurin ako ng mga chicks mo sa ginagawa mo eh!" reklamo ko na.
"Sabihin mo, di ka lang makalusot sa panlalalaki," panonopla n'ya.
Tadong 'to!
"Wala ng oras manchicks yan si Pau. Nauubos kakabantay sa 'yo," sabi ng barkada n'ya.
Nagkatuksuhan tuloy.
Nailang ako.
Kahit nung tatlong beses na makipagkita kami kina Chel, tinutukso na rin kami.
Panay ang salag ko. "Pakers kayo! Walang poreber!"
Si Pau, di lang magkokomento.
Nauumpisahan ko nang magduda sa kanya talaga. In fact, natatakot ako.
Napansin ko nga na wala syang kalandian sa phone. Wala na ring nakukuwento ang mga tropa n'ya.
Ayoko nang ganito!
"Hoy, Rhi," si Pau, kausap ko sa phone "Baka kung ano'ng kabulastugan na naman ang gawin mo ngayon ha?"
"Ano na naman?"
"Huwag mong salubungin nang kabaduyan ang Valentine's mamaya. Sa apartment na lang tayo. Pupunta ang tropa. Dun na lang uli ang inuman."
"Nami-miss ko na'ng mag-bar hopping eh!"
"HINDI!"
Asar na asar ako!
Kasi ayun, sinundo na naman ako.
Kaso, papasok kami sa apartment,
"Rhi."
Syete! Si Mike.
"Bakit, p're?" singit ni Pau.
"Kakausapin ko lang si Rhi."
"Ano'ng sasabihin mo sa girlfriend ko?" nagulat ako sa sinabi ni Pau tapos inakbayan pa 'ko.
Hinayaan ko na. Para tigilan na 'ko ni Mike.
"Uhm, ganun ba?" ngumisi ang lalaki.
"Sige, pinagsawaan ko na naman yan eh!"
Napatili ako nung bigla syang suntukin ni Pau. Rambol na!
Naawat lang sila nung lumabas sina Donna.
"Kayo ngang dalawa umamin," sina Mia, nung makapasok kami sa apartment at ilang oras nang nag-iinuman. "Ano'ng score se'nyo?"
"W-wala," sabi ko.
Biglang tumayo si Pau at binato ang hawak na phone. Basag.
Lasing na ito, sigurado.
Tapos naiiyak na bumanat, "Tangna, Rhian! Ang manhid mo naman!"
"Ha?!"
"Ayun na. Magkakaaminan na," sabi ni Donna.
"Puta! Di ko maubos maisip na ganyan ang epekto sa 'yo ni Jay, Rhi. Sobrang pagka-bitter naman!" tuloy ni Pau. "Andito naman ako. Bakit di na lang ako? Ang tagal na eh! Ang tagal ko nang naghihintay! Umalis ka na't bumalik, si Jay pa rin?!"
Shookt ako. Mas shookt kesa sa pagbato n'ya sa cp!
Bago pa kami makahuma, tumakbo si Pau sa banyo. Nagsuka.
Sobra na talaga sa nainom. At basag na basag pa rin pagkatapos.
"R-rhi... tangnah lhang... di pa ko nagkah...gan'to sa bahbae... pah-paasa ka..."
Ang bubulung-bulong n'yang sabi habang pabalandrang nakahiga sa sofa.
Ang pinakababaerong lalaking nakilala ko, tinawag akong paasa!
Tumayo na 'ko, "Uhm, matutulog na 'ko."
Di agad ako nakapagbihis pagpasok sa kuwarto. Suot ko pa rin yung blouse at long mermaid skirt na gamit ko sa office kanina.
Naiyak na kasi ako.
Naghalo ang guilt para kay Pau, pati ang takot para sa nararamdaman ko sa kanya na pilit kong itinatabi noon pa man.Di ko kasi kayang bigyan ng pangalan eh. Basta ang alam ko, sobrang nalungkot ako nung mawalan kami ng communication at tuwang-tuwa naman nang magkita kami uli. Na kahit nakakairita na para ko na s'yang anino at di ako 'makapagwala', bet ko pa rin s'yang kasama.
Nang mahamig ko ang sarili, hinubad ko na ang knee-high heeled-boots ko.
May kumatok.
"Rhi..."
Si Pau. Nakatukod pa sa hamba para pansuporta sa pagkakatayo.
"B-bakit?"
"Anong bakit? Patulog!" deklara n'ya.
"T-teka--"
Basta na lang pumasok.
Di ko napigilang mapamura, "Ampotah naman!"
"Problema mo?" saglit lang ako tiningnan, tuloy lang sa walang pakundangang pagbuburles n'ya.
Pucha! Ilang beses ko na s'yang nakitang naka-swimming trunks pero iba namin kasi kung...
Lintik na...nagkakasala ang mata at imahinasyon ko eh!
"Pau, tigilan mo nga yan. Para kang nagla-live show eh!"
"Gusto mo ng live show, Rhi? Gagawin ko. Basta tigilan --" napabuga sya ng hangin at naupo na sa gilid ng kama ko sapo ang ulo. "...pansinin mo naman ako, Rhi. Kahit kalahati lang nung kay Jay."
Di ako nakaimik kasi halata na pinipigil n'ya lang ang pagkinig ng boses.
Nang walang marinig sa akin, nahiga na sa kama. Niyakap agad ang unan ko.
"Pau, sa sahig ka."
"Ayoko. Matigas d'yan. Masakit ulo ko. Nahihilo pa 'ko."
"Di ka pwede sa kama ko."
"Natulog na tayong magkatabi kina Olan dati. Wag ka maarte, Rhi," tinatamad n'yang sagot.
"Iba naman yun eh. "
"Ano'ng pagkakaiba? Dahil sa sinabi ko sa 'yo?"
Na-shut up na naman ako.
"Matulog ka na. Marami ka ring nainom," ang sabi pa, sabay tapik sa tabi nya.
Parang kanya yung kuwarto.
Sumampa na ako sa kama.
Feeling ko talaga, ako ang nakikitulog. Naka-boxers lang s'ya, ta's ako, suot pa rin ang pinang-opisina ko.
Walang pwedeng sulingan sa kuwarto ko para patagong magbihis. Baka mamboso ang hinayupak kapag nalingat ako.
Naglagay ako ng unan sa pagitan namin.
"Ano 'yan? Boundaries by boundaries?" reklamador din eh.
"Gagi ka pala eh! Kita mong ... nakita mo ba'ng itsura mo, Pau? Kulang na lang maghubad ka?!"
"Hubarin ko pa talaga yan!"
"Tado! Akina yan!"
Inalis n'ya kasi yung unan sa pagitan namin.
"Ang liit ng kama mo, Rhi. Kalahati lang ng katawan ko'ng nakahiga. Lalagyan mo pa nito?!"
Nag-aagawan na kami sa unan.
"E di sa sahig ka! Teka, hoy!"
Paano, hinablot na talaga n'ya yung malaki kong unan at tumayo. Walang abug-abog na ibinalibag yun sa labas ng kuwarto.
"Ayan! Wala na tayong pag-aawayan," sabay higa uli sa tabi ko, takip ang braso sa mata.
Napatanga ako sa ginawa n'ya. Di ko malaman kung matatawa o maasar sa solusyon n'ya.
"Alam ko, macho at gwapo ako," bigla nyang sabi na di nagpapalit ng puwesto. "Pero huwag mo 'kong titigan, Rhi. Naa-arouse ako."
"Gago!"
Padabog akong nahiga patalikod sa kanya.
Mahina s'yang humagikhik.
'Tragis! Nakakaduda tuloy kung seryoso s'ya sa drama n'ya kanina.
Pakers kasi! Naantig ang damdamin ko. Yung pag-iyak ko kanina, alam ko, nalusaw na n'ya yung yelong ibinalot ko sa bitter kong puso.
Lintik! Nagiging makata na naman ako. Ganito ako dati kay Jay.
Natigilan ako sa naisip.
Biglang kumabog ang dibdib ko.
Lord, wag naman!
Nung ma-inlababo nga ako sa gentleman, durug na durog ako. Paano pa kung sa isang babaerong katulad nitong katabi ko?
Syeeet!
Hindi!
Erase-erase!
Papaidlip na ako nang iyakap ni Pau ang braso sa bewang ko.
"Pau, ano ba?" tinabig ko nga.
"Tsk!" binalik n'ya lang uli.
"Urong ka nga dun. Yung 'ano' mo, kumikiskis sa wetpaks ko."
"Sinasadya ko."
Ampotaaah!
"Pau, naman eh!"
Wala na. Nangmamanyak na! Himas dito at pisil d'yan na.
"Pau, puta! Sisigaw na 'ko!" banta ko na nakatalikod pa rin nang higa sa kanya.
"Gawin mo!"
Di ko rin magawa. Di ko kayang ilagay si Pau at sarili ko sa ganung kahihiyan!
Tsaka... letseng alak kasi!
Nauumpisahn ko na mag-enjoy!
Nagpipigil lang talaga ako! 'Kakakinis!
Naramdama ko yung kamay n'ya sa 'behind' ko.
"Rhi, wala kang panty?"
"Paker ka! Feeling mo!"
"Eh parang reading-ready ka na eh!Naka-t-back ka?"
Manyakis ampotah! Grabeee!
"Gago ka! Naka-boyleg ako! Ayan kapain mo!"
Wrong move ako dun! Binigyan ko ng go signal na mangapa!
Pahamak talaga ang alak eh. Sa dami nang nalaklak ko, wala na akong preno sa sasabihin.
Di lang tuloy kapaan ang nangyari!
"Rhi..."
Di ako kumibo. Pasimple akong nagpupunas ng luha gamit ang kumot kong nakabalot sa aming dalawa.
"Wag ka na umiyak."
"Gusto mo, humalakhak ako?"
"Basta, wag ka na umiyak. Kapag may nabuo, kakausapin natin Mama mo."
Ewan ko, bigla akong naasar.
"Ano'ng sasabihin natin kay Mama? Nag-kemer tayo?!"
Nainis na rin si Pau, "Kelan ka ba makakausap nang maayos, Rhi?!"
"Ano nga'ng gusto mong sabihin ko sa nanay ko?!"
"Buntis ka! Akin yung bata!"
"Aba , natural anak mo. Tingin mo sa 'ken, si Godzilla? Nagbubuntis mag-isa! Tarantado!"
Bigla s'yang natawa. Hinapit nya ako, at isiniksik ang mukha sa batok ko.
"Siraulo ka talaga kausap. Basta, kapag ready ka na, magbuntis ka o hindi, magpapakasal tayo."
Nabigla man, may hindi maipaliwanag na saya akong naramdaman sa sinabi n'ya. Nakalma nun ang umaapaw na takot at pangamba ko.
Takot at pangamba na ma-zero na naman ako sa lovelife.
Akala ko kasi, hindi ako kaibig-ibig na tao.
May isa pala na matagal nang nag-aabang.
"Pau... ang sakit pa rin."
Naramdaman ko ang pagngiti n'ya.
"Ano'ng nakakatawa?!" pagsusungit ko.
"Wala. Rhi?"
"Oh?"
"Salamat."
"Saan?"
"Di ko akalain... sa akin mo ibibigay. Sorry din. Mali ako nang iniisip sa iyo."
Di ako nagsalita.
Hinalikan n'ya 'ko sa balikat at pinaharap sa kanya.
Di na ako umilag nang halikan n'ya 'ko nang malalim sa lips.
Tapos ang sabi, "Basta. Akin ka na."
Napangiti ako sa naalala. Ngiti na dagling nawala. Kumabog agad ang dibdib ko. Kabog na halos di ako makahinga.
Si Pau, nakatayo sa labas ng fastfood na kinakainan ko. Glasswall lang ang harang namin.
Nagkatitigan kami.
Gaya ko, puno nang lungkot at panghihinayang ang mata n'ya. Para nga s'yang maiiyak.
Tapos may kumapit sa kamay n'ya. Batang lalaking nasa tatlong taong gulang.
Base sa buka ng bibig, tinawag s'ya nito, "Daddy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro