CHAPTER 2
Chapter 2
Nakabalik na kami sa dorm namin pero hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang paninindig ng mga balahibo ko.
Mortem et Salvos. Damn. May mali talaga e. Alam kong may mali pero ano nga bang mali? Ako ba ang mali? O ang school na 'to? Damn! Hindi ko alam.
"I just saw a horrible scene before my eyes. Kadiri!" Reklamo ni Veyda nang makaupo ito sa kama.
"Tama ba talaga 'tong school na pinasukan natin?" Vida asked at lahat kami ay napatingin sa gawi ni Cheska.
"Bakit kayo nakatingin sa akin? Primoon Academy naman ang name nitong school ah? Imposible namang may iba pang Primoon Academy bukod dito?" Nagkibit balikat ito, halatang nag-aalangan din bago humilata sa kama.
Napabuntong-hininga na lang ako. Paano nga kaya kung mali kami ng school na pinasukan?
"What were you thinking Millizen?" Tanong ni Veyda sa akin.
"Kakaiba kasi ang kutob ko. I feel like something's wrong with this academy. Ewan ko. I don't know." Pati ako ay naguguluhan na rin.
"Imagining things again Millizen? Naku, matulog na lang tayo." Hinila na ako ni Vida sa higaan kaya wala na akong nagawa kundi ang mahiga sa tabi nila.
[Everyone, please proceed to the Primoon Hall now. Everyone, please proceed to the Primoon Hall now. ]
Pagkarating sa school ay iyan kaagad ang narinig namin. Dumiretso na lang kami agad sa Primoon Hall gaya ng nai-announce kanina. Anong gagawin namin dito sa hall?
"Good morning students of Primoon Academy! Since we have new students here, we will be having a Students' Night next week to warmly welcome them all." Nagpalakpakan lahat ng mga estudyante. Hindi ko alam pero siguro katulad namin ay may mga bago ring estudyante rito.
Sa unang linggo ng pasukan, wala pa kaming masyadong pinag-aaralan. Katunayan nga'y puro Students' Night lang ang pinag-uusapan nila. I could appreciate their warm welcome for us but... I shook my head. I guess, Vida was right. I am just imagining things against this school.
Mga organization team ang naghahanda sa hall design. Bali ang ginawa lang namin ay libutin itong academy. Sobrang luwang kasi nito. Honestly, senior high school building pa lang itong nalilibot namin, hiwalay kasi ang building ng junior high school pero magkatabi lang naman kahit papaano.
"I heard may pa-contest yata sa Students' Night. Join tayo guys?" Alok ni Eyra sa amin.
"If you want, you can join Eyra. But us? Come on, we're not fond of that. Alukin mo si Millizen." Natatawang saad nung kambal kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Kung sumali si Millizen, dadagdagan ko pa ang prize kung sakali." Saad naman ni Cheska at nagtawanan silang apat sa harapan ko.
"Is it fun to make fun of me?" Pinukulan ko sila ng masamang tingin pero patuloy pa rin silang nagtawanan, hindi pinansin ang mga sinabi ko.
"Or kung sumali 'yan, magpapabanner ako." Muli na naman silang nagtawanan.
"Kung pag-usapan niyo ako, parang wala ako sa harapan niyo ah?" Sarkastikong tanong ko sa kanila.
"Sige, kunyaring wala ka sa harap namin Millizen." Tinuloy nga nila na pag-usapan ako. Ano pa bang aasahan ko sa kanila? Tss.
Tumambay kami sa hall na walang ibang ginawa kung hindi panoorin ang mga estudyanteng nag-aayos para sa gaganaping event next week. Nakakaboring naman. Gusto ko na nga sanang bumalik sa dorm pero paniguradong mas mabobore lang ako roon kaya kahit ayaw ko, napilitan akong sumama rito sa apat.
Sa mga sumunod na araw ay gano'n din ang nangyari. Abala pa rin sila sa preparasyon. Kung hindi nga lang talaga para sa attendance, hindi ako papasok e.
"Pinapatawag kayo ni Principal Arizona." Hindi na ako nagulat nang malamang si Ate Fritzy iyong nagsalita.
Minsan, para siyang kabute na bigla-bigla na lang lumalabas sa kung saan-saan. But since she's one of the student assistants, she has to oblige what was being told to her. Siguro, kailangan na lang na sanayin namin ang aming sarili lalo na kung bigla-bigla na lang siyang lilitaw sa aming harapan.
Sa office ng principal, naabutan namin doon ang hindi ko mabilang na estudyante and if I'm not mistaken, siguro ay bago rin sila o hindi kaya ay transferees.
"I just want to inform you that the Students' Night is for all of you dahil bago kayo. This is what Primoon Academy usually do. We just want you to feel that you are one of us, that you are part of this academy. Nakakapanibago man but I know, you'll get used to it, soon." Nakangiting paliwanag ni Principal Arizona sa amin.
"Anyway, how's your stay in the dorm?" Tanong nito sa amin.
May mga sumagot na masaya naman daw sila dahil nga sa maluwang iyong bawat kwarto sa dormitory. Though nakakapanibago nga, pero kumportable naman kami kahit papaano.
"That's good to hear. I'm happy to see and hear that you're enjoying in this academy. See you on the Students' Night." She smiled to us, we just did the same thing before bidding our goodbyes.
Nang makalabas kami ay hindi namin maiwasang pag-usapan si Ma'am Arizona Almazen.
"Ang approachable niya naman 'no? Sana lahat ng principal katulad ni Ma'am Arizona. Tingin niyo, ilang taon na kaya siya?" Vida asked.
"Siguro nasa 25 or below?" Hindi siguradong sagot ng kambal nitong si Veyda.
"Tama na nga 'yan. Sa dinami-dami ng pwede niyong pag-usapan, si Principal pa." Sabat ko sa kanila.
"Bakit ba? Idol ko na talaga si Principal Arizona. Sana lahat ng principal ay katulad niya." Dagdag pa ni Vida at wala na akong nagawa kundi ang hayaan silang kambal na mag-usap.
Huminto kami sa food court upang magmiryenda muna subalit naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Tss. Such a horrible one.
"Anong isusuot niyo sa Students' Night?" Pagbubukas ni Vida sa usapan.
"Formal daw ang theme." Nakisingit na rin sina Cheska at Eyra sa usapan ng kambal habang ako naman ay nakikinig lamang sa kanila.
Mabuti na lamang at maraming puno rito, kahit papaano, sariwang hangin ang nalalanghap ko.
Hapon na noong bumalik kami sa dorm. Hindi naman na namin problema ang pagkain dahil open ang food court hanggang gabi. Sa Primoon Plaza, may mga nagtitinda rin ng mga pagkain doon pero hindi pa kami nagagawi roon.
"Guys, punta tayong plaza mamaya?" Katatapos lang naming magshower kanina and since wala pa naman kaming ginagawa sa school, more on galaan and puyatan muna ang ginagawa namin.
"Millizen, game ka?" Lahat sila ay napatingin sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako.
"Ayokong maiwang mag-isa rito." Bagot kong sagot.
"Yes!" Pagdidiwang nilang apat dahil sa isinagot ko.
Oo na, aminado akong ako ang kill joy sa grupo kaya hindi na ako magtataka kung ganyan sila magreact.
Isinarado na lang namin ang kwarto bago kami tuluyang bumaba. Nang makarating kami sa plaza ay may mga estudyante rin katulad namin na nagkalat at bumibili ng kung anu-ano. Parang shopping center ito ng academy. Tama nga si Vida, kumpleto lahat dito.
"Dalawa pa nga po." Itinuro ni Cheska ang barbecue.
Nasa isawan kasi kami ngayon. Marami silang ibinebenta na street foods at masasarap lahat.
"Tignan natin kung anong meron do'n. Tara!" Tumakbo si Eyra papunta roon sa kaliwang bahagi nitong plaza kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
"Wow! May paganito pala rito." Namamangha naming saad. Para siyang arcade at may mga kasalukuyang naglalaro sa mga iyon.
"Bago kayo rito 'no?" May biglang sumingit na babae sa gilid namin. Nakatalukbong itong kulay kayumangging bandana.
"Opo. Bakit niyo po alam?" Masiglang tanong ni Cheska rito.
"Dahil kung hindi kayo bago rito, hindi na kayo mamamangha sa mga nakikita niyo." Sagot nito.
"Nakakamangha po kasi talaga lahat ng mayroon dito e." Sagot ni Veyda rito. Napatango naman kaming lahat.
Kung sabagay, gano'n naman talaga yata. Kapag bago ka, mamamangha ka talaga sa mga bagay na una mong makikita. Though it's not our first time to see an arcade, hindi lang kami makapaniwala na mayroon din palang ganito rito sa academy.
"Hindi lahat ng mga nakikita at naririnig niyo, 'yun ang totoo." Nagulat na lamang kami nung may sumingit ulit na babae sa gilid namin.
Teka, siya yung babaeng huminto sa table namin nung nasa food court kami. At ano raw? Hindi lahat ng mga nakikita at naririnig namin ay hindi totoo? Anong ibig niyang sabihin?
"Hi newbies!" Bati nito sa amin hanggang sa lumipat ang tingin nito sa akin. Pilit na lamang akong ngumiti sa kanya. Naiilang talaga ako sa mga titig niya.
"Halla, quarter to ten na. Balik na tayo sa dorm." Agad kaming kumilos.
Halos makalimutan na namin ang oras. Buti na lang suot-suot pa rin ni Eyra ang wristwatch niya, hindi kasi namin dala ang mga phones namin.
Sa gilid nitong plaza na kami dumaan subalit habang naglalakad kami pabalik, bigla na lamang nagpatay-sindi ang mga ilaw hanggang sa tuluyan na ngang magbrown out.
"Nasaan kayo? Oy, nasaan kayo?" Rinig ko ang nanginginig na boses ni Eyra.
Shit, bakit ngayon pa kasi nagbrown out kung kailan wala kaming dalang kahit isang cellphone man lang?
"Nandito ako." Sagot ko kahit na hindi namin nakikita ang isa't isa.
Ang hirap mangapa sa dilim. Mabuti na lamang at may mga estudyanteng nakakalat dito na may dalang mga cellphone kaya kahit paano ay nakatulong iyon sa amin para makita namin ang nasa paligid.
Naghawakan kami ng kamay nang magkasama-sama na ulit kami.
"Bakit ba kasi nagbrown out bigla? Kainis naman." Kanya-kanya kaming reklamo.
Hindi na rin namin alam kung tama ba 'tong dinadaanan namin. Aside from the fact na bago lang kami rito, ito yung unang beses na nagawi kami sa direksyong ito.
"Mama, ayoko na rito." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Eyra.
Si Eyra ang pinakabata sa amin at takot siya sa dilim kaya hinawakan ko na lang siya sa kanyang braso.
Gumilid kami sa pader. Kailan ba magkakailaw ulit?
"Doon tayo sa kaliwa. Mukhang may labasan doon patungo sa dorm." Saad ni Cheska kaya iyon ang ginawa namin subalit isang bagay ang hindi namin inaasahan dahilan para magsigawan kaming lahat.
"AHHHHHHHHH!" Sabay-sabay kaming napasigaw dahil paglingon namin sa kaliwa, ang lumulutang na liwanag na nagmumula sa lampara ang ngayon ay aming nakikita.
Napahigpit ang kapit ni Eyra sa braso ko habang si Veyda naman ay nagtatago sa likod ko.
"Shit. Mamamatay ako ng wala sa oras nito e." Dinig kong reklamo ni Vida na nasa kaliwa ko. Sa tabi naman niya ay si Cheska na halatang natatakot na rin.
Sobrang dilim at habang papalapit ng papalapit ang lumulutang na liwanag sa amin, lalo namang humihigpit ang hawak ng dalawa sa akin.
Nagsumiksik kaming lahat sa pader. Ramdam kong isa-isa rin kaming napapaatras. Shit. Bakit ba kasi lumabas pa kami ng ganitong oras?
"Magbibilang ako ng tatlo. Sabay-sabay tayong tatakbo." Bulong ko sa kanilang apat, pilit tinatago ang kaba sa aking dibdib.
"Isa," atras kami ng atras habang papalapit ng papalapit pa rin sa amin ang liwanag.
Jusko, Mama! Anong klaseng paaralan ba ito? Bakit ba may biglang lumulutang na liwanag dito?
"Dalawa," bulong kong muli at halos magsiksikan na kami sa gilid.
"Tat—"
"AHHHHHHHHH!" Napasigaw na lang ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at dahil na rin siguro sa gulat, napasigaw na lang din ang mga kasama ko. Kasabay no'n ay ang ilaw na tumama sa aming mukha.
"Mga ineng, anong oras na. Bakit nandito pa kayo sa labas?" Nakahinga kami ng maluwag nang may isang guard ang lumapit sa amin.
"Pasensya na po Sir, nawili lang kami sa kalilibot nitong Primoon Plaza pero pabalik naman na po kami sa dorm." Isa-isa kaming napabuntong-hininga nang makitang mukhang naniwala ang guard sa idinahilan ni Vida.
"Sige na. Bumalik na kayo sa mga dorm niyo." Saad nito sa amin.
"Opo Sir, pabalik na po kami." Hindi ko alam kung sinong sumagot sa mga kasama ko.
Basta ibinalik ko ulit ang tingin ko sa direksyon kung saan namin nakita ang liwanag kanina subalit wala na iyon ngayon.
Nanlaki ang dalawa kong mata. Shit! Naghahallucinate lang ba kami kanina? Or sadyang tinatakot lang namin ang aming mga sarili?
"Wala 'yung liwanag..." Bulong ko habang nakatingin pa rin sa direksyon na 'yun.
"Millizen, tara na! Sundan na lang natin yung guard para makabalik na tayo sa dorm." Pamimilit ni Cheska sa akin, hinihila na rin nila ako sa braso.
"Wala na 'yung liwanag..." Muli kong bulong.
Nakita kong tinignan din nila kung anong tinitignan ko at narinig ko ang mahihina rin nilang bulong.
"Shit. This school is creepy." Veyda whispered fearfully.
"Tara na. Umalis na tayo rito." At noong paliko na kami, bumungad ang liwanag sa aming mukha.
"AHHHHHHHHH!" Napahawak na lang ako sa aking dibdib. Shit.
"Alam niyo ba kung anong oras na?" Tanong nung matanda sa amin na siyang nakahawak ng lampara.
Takot man ay para akong nakahinga ng maluwag. Shit. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng kulay na pwede niyang isuot, kulay itim pa samantalang alam niyang nasa dilim siya? Nagmistulang lumulutang tuloy ang liwanag kanina. Shit, tinakot kami ng matandang 'to!
"Bumalik na kayo sa kwarto niyo at huwag na huwag na kayong lalabas ng ganitong oras." Pangangaral nito sa amin. "Huwag niyo ring hayaang maabutan kayo ng alas onse di si onse sa labas lalo na 'pag gabi." Dagdag nito sa madiing tono.
"11:11? Bakit naman po?"
Naguguluhang tanong ni Eyra rito subalit sa halip na sumagot ito, nalipat ang tingin nito sa akin at hindi ko mawari kung anong klaseng tingin ang ipinupukol nito sa akin. Naramdaman ko na lang na isa-isang nagsitindigan ang mga balahibo ko at halos kapusin ako ng hininga dahil sa isinagot nito.
"Gawin niyo na lang kung ayaw niyong mamatay."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro