Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14 Apparently, Losers are not Allowed


Hindi ulit siya dumating. Tamang-tama dumating na si Mang Rudy kaya wala nang problema sa akin ang pagpunta sa school. Mas magiging madali na din para sa akin na iwasan siya. Tahimik na dumaan ang buong maghapon ko. Dahil panaka-naka akong may naririnig tungkol kay Caden sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa classroom man o sa cafeteria, alam kong pumasok na siya sa araw na ito. Narinig kong niyaya siyang magtry out sa basketball hindi siya pumayag dahil may injury siya sa paa. Ngayon ang usap-usapan ay kung paano daw ni Caden nakuha ang injury na iyon. Baka daw may nakaaway siya at napuruhan siya. May iba naman na nagsasabi na naaksidente siya. Meron pa ngang speculation na gawa daw iyon ng isa sa mga chic niya. Napapakamot nalang ako ng ulo.

"Napanu nga kaya ang binti ni Caden? I heard he was not able to play the last time. That he wouldn't even show up in practice.." namumroblemang pahayag ni Aliyah. "Baka may nanakit sa kanya!"

"Wala." sagot ko. "It was an accident, natalsikan ng matalas na glass ang binti niya. Masama ang naging tama kaya matagal gumaling."

Kumunot ang noo niya sa akin. "Paano mo nalaman?"

"I was there when the doctor stitched his wound. Manipis at maiksi ang sugat pero malalim."

Tuluyang napanganga si Aliyah. There was no point hiding it from here. Baka mamaya isipin niyang pinaglilihiman ko siya, maging mitsa pa ng pagkakaibigan namin ang simpleng bagay lang na kagaya ni Caden.

"Kapitbahay ko siya. We live next to each other. Literal na nakikita ko ang bintana ng kwarto niya araw-araw sa tuwing bubuksan ko ang blinds ng bintana mula sa kwarto ko."

Nanlaki ang mga mata ni Aliyah. "What?? Tapos ngayon mo lang sinabi sa akin? Kaya pala kilalang-kilala mo siya!"

"Yup. At lahat ng sinabi ko noon about him. Totoo 'yun. Well," medyo naghesitate ako. "He has goodness in him pero...nakabaon." lahat naman ng tao may goodness. "It's just not worth digging for."

"Hindi ako makapaniwala." natulala pa ang kaibigan ko sa narinig. "I hate you."

"Really now, Aliyah." tumirik ang mga mata ko. Hindi ikaw ang klase ng kaibigang magagalit sa ganoon kababaw na rason."

"Kahit na! Naglihim ka pa rin sa akin."may pagtatampo sa boses niya.

"Inisip ko kasing pansamantala lang ang pamamansin na ginagawa sa akin ni Caden. Buong buhay ko yata magkapit bahay kami pero recently lang niya ako kinausap. Kaya hindi ko na sinabi sayo."

Huminga ng malalim si Aliyah. "Nakakainis ka pa rin. Hmp! Ilibre mo ako mamaya ng lunch ha? Utang mo sa akin 'yun!"

Inirapan ko lang siya. "Sus"

"Teka, ito magsabi ka ng totoo ah. Si Caden ba ang nagturo sayo ng math problem natin---"

"Uh-hmm!" biglang singit ni Nika. "Anong pinag-uusapan niyong dalawa? I thought I heard the name of my future boyfriend Caden Arguelles...? Teaching you math...? What the--!"

Pareho kaming napanganga ni Aliyah nang sabay-sabay na naglingunan ang mga ulo ng halos lahat ng kaklase namin.

"No! Mukha bang si Caden Arguelles ang pinag-uusapan namin? Sa tingin mo talaga? Caden Arguelles teaching us Math? It may happen...in a different world may be. In a completely different circumstance." depensa ni Aliyah.

"Yup. In a circumstance where you both are beautiful and hot. Not the nerdys---"

"Enough with your stupid comment, Nika. Bye! We're not talking to you."

"Whatever." umikot pa ang eyeballs nito bago tumalikod. Nakita kong ginaya siya ni Aliyah. Gusto ko nalang tumawa sa inasta ng kaibigan ko.

Ilang sandali pa pagkatapos ng dalawang subject namin, binigyan kami ng time na mag-ikot sa loob ng campus para mag-observe ng ecosystem at kumuha ng mga pictures nito. Sa botanical garden kami ni Aliyah napadpad.

"Kanina pa buzz nang buzz ang phone mo." pansin ni Aliyah.

"Hindi para sakin 'yun."

"Eh para kanino, bakit sayo nagmemessage. You better check it baka importante." Umiiling kong hinugot mula sa bulsa ko ang cellphone ko. Tama ang hinala ko para kay Caden ang lahat ng iyon. Namilog ang mata ko at kumunot ang noo sa mga nabasa ko. Galing kay Jonas ang mga txt messages. Nagsusumbong na si Bernard daw pinapalayas ni Julius at ni Brix sa Spot. Nagkakagulo.

Sasabihin ko ba sa kanya?

"Aliyah, sandali lang. I'll be right back, ok?"

"Uhm. Sure. Bilisan mo, magsasara na sila dito."

"Yup."

Pagkalabas ko ng garden si Caden kaagad ang namataan kong tumatakbo. Parang instinct na sumunod sa kanya ang mga paa ko. Pinilit kong sabayan ang bilis ng takbo niya hanggang makarating kami sa building na pakay niya. Papunta siya sa rooftop. Base sa floor na pinindot niya sa elevator. Sumunod ako.

Doon unang beses akong nakarating sa Spot na lagi nilang tinutukoy. Isang secured na kwarto sa rooftop kung saan nagtatambay ang mga barkada ni Caden. Nagkakagulo sila, nakikita ko dahil sa bukas na pinto, sumilip lang ako para hindi nila mapansin.

"Get the hell out of here, Bernard! You're not part of the group anymore. You don't belong here. Wala ka nang access sa Spot simula nang magpahuli 'yang tatay mong kriminal!"

"At ano ka ha? Self-proclaimed righteous and holy. Wala kang karapatang pagbawalan akong tumuntong sa lugar na ito, Julius! Akala mo ba malinis 'yang tatay mo? Magnanakaw din 'yan!"

Tumawa si Julius. "Wala akong pakialam kriminal man ang tatay mo o hindi. Ang pakialam ko, allergic ako sa mga busabos at patay gutom! Ayokong dungisan mo ng kahirapan mo ang Spot. Makakaalis ka na!" dinuro-buro ni Julius sa noo si Bernard hanggang sa matumba ito. "You're broke, man. Nobody wants you here. Get the fuck out of here! Kung kaya kang itolerate ng school pwes kami hindi!"

"Julius--"

"Ayoko sa lahat, yung mas mahirap pa sa daga tapos nag-aastang mayaman at may lakas pa ng loob na tumuntong sa lugar na ito!"

"Gago ka ah!" tuluyan nang napikon si Bernard, susuntukin na sana niya sa mukha ni Julius pero naka-ilag ito at gumanti ng suntok na hindi niya nailagan. Bumulagta sa sahig si Bernard, putok ang kaliwang labi. Pinulot siya ng dalawa pang lalaki, hinawakan sa magkabilang braso upang iharap na muli sa mayabang na si Julius. Pagkakaalam ko, anak ng senador ang isang ito kaya ganoon nalang kung umasta.

"Lalaban ka pa talaga?!" sinikmuraan niya si Bernard. Sa pagkakataong iyon parang gusto ko nang makialam. Pero napigil ako nang biglang salyahin ni Caden ang isa sa malalakas na suntok ni Julius.

"Stop the fucking show right now, Julius. I'm sick of it already!" sigaw ni Caden. Dumilim na lalo ang mukha ni Julius.

"Caden? Pinagtatanggol mo ang amoy-kanal na ito? Sa estado niya ngayon, he should be honored to be our punching bag!"

"I said fucking stop! Julius!" sigaw na muli ni Caden nang hahatawin sana ni Julius ng manipis na kahoy si Bernard. Galit na galit na binalibag ni Julius ang kahoy at umuusok sa asar nang salubungin ang tingin ni Caden.

"What, man? You're gonna punch me now? Go ahead! Try it! Fight me!" biglang bulwak ng galit ni Caden. "Kanina ka pa eh! Gusto mo ng gulo dito?! Pagbibigyan kita!"

"Pinagtatanggol mo talaga 'yan?!"

"Alam mong ayoko ng gulo dito!"

"Si Bernard ang nagdala ng gulo!"

"Sino ang nagbigay ng karapatan sayo na magpaalis ng tao dito? Hindi mo desisyon 'yun!"

Nagsalubong ang kilay ni Julius. "Ano?"

"Walang sinuman sa inyo ang pwedeng magpaalis ng miyembro. Ako lang. Ako lang ang may karapatan dahil akin ang lugar na ito. Kayong lahat, sampid kayo! Naintindihan niyo? Sa susunod na maulit ang ganitong klaseng gulo, magpasensiyahan tayo. Ako mismo ang magpapalayas sa inyo, maliwanag??"

Sumagot ang lahat ng Oo maliban kay Julius.

"Maliwanag ba, Julius? Baka gusto mong butasan ko pa ng mas malaki ang tainga mo para marinig mo."

Umirap muna ang mga mata nito bago napipilitan na umuo.

Napakurap-kurap ako sa nangyari. Akala ko magrarambulan na dito sa rooftop at ilang minuto pa ang lilipas bago malaman ng mga nasa baba. Nang tumalikod si Caden sa grupo niya, ako ang namataan niya. Pati mga kasama niya nagsilingonan sa direksyon ko. Lahat sila nakatitig sa akin. Ilang ulit akong napalunok.

Naglakad si Caden palapit sa akin.

"Let's go." aniya sabay hawak sa siko ko upang hilahin palayo sa lugar at papunta sa elevator. I just witnessed him playing the role of an alpha over his whole pack of most popular and fearsome men in school. Pagkalabas namin ng elevator sinulyapan ko ang txt message na natanggap ko. Galing iyon kay Jonas, binabalaan nito na mag-ingat si Caden kay Julius dahil napikon ito at malamang na mag-aabang ng pagkakataong makaganti.

At kahit si Jonas, ayaw kay Bernard.

Ayaw ng grupong iyon sa mga losers. Sa walang pera. At sa walang impluwensya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro