CHAPTER 030 - R. D.Van
"Sa loob ng halos apat na linggo, muling tumubo ang mga ugat at namulaklak ang mga halaman," nakangising wari ni Dani nang makalapit siya sa desk niya.
Ang kaniyang tingin ay nakatutok sa desk; she did not expect to see that familiar object there. And she thought she got used to not seeing it there anymore, but why the excitement?
Why was she excited about seeing that familiar folded paper there?
"Is that a smile on your face?" manghang sambit ni Kaki na gumising sa sandali niyang pagkakatigil.
Nilingon niya ang kaibigan, at nang makita ang panlalaki ng mga mata nito sa pagkamangha ay sunud-sunod siyang umiling. "O-Of course not! Bakit ako ngingiti?"
"Ewan ko sa 'yo..." Nagdududang ibinaba ni Kaki ang salamin sa mata bago dinugtungan ang sinabi. "And there I thought you were happy to see the origami."
"Loka ka, hindi 'no. Why would I be happy to see this trash?" Hinablot niya ang origami at kung papaano na lang na inisuksok iyon sa bulsa ng suot niyang palda.
"O, eh bakit sa bulsa ng palda dumiretso at hindi sa basurahan?" tanong naman ni Dani, taas-kilay.
"Oh my God, you two! Ano ba ang problema ninyong dalawa?" Pahampas niyang ibinagsak ang bag sa ibabaw ng desk at nakapamaywang na hinarap ang mga ito. "Sisirain niyo ba talaga ang araw ko at–"
She stopped when suddenly, her classmates began to sing a birthday song. Sabay na sumilay ang ngiti sa mga labi nina Kaki at Dani, at umikot ang kaniyang tingin upang makita na pinaliligiran na siya ng mga ka-klase niya habang patuloy sa pagkanta.
At sa isang iglap ay biglang lumusot si Stefan mula sa likuran ng kanilang mga ka-klase, at sa pagkamangha niya ay may bitbit itong pabilog na cake.
Nakangiti itong lumapit at huminto ng ilang dipa sa kaniyang harapan. Saktong natapos ang pagkanta ng mga ka-klase nila, at doon nagsalita ang binata, "Happy birthday, Luna."
Napatingala siya rito, biglang nagningning ang mga mata.
"Stefan bought the cake for you," sabi ni Kaki sa kaniyang likuran. "At nag-ambagan naman kami para rito."
Sa paglingon niya ay nakita niya ang ini-abot ni Kaki na malaking box.
Her heart was filled with gratitude.
"Bago mo buksan ang regalo nila sa 'yo, make a wish and blow this candle first."
Ibinalik niya ang tingin kay Stefan at ningitian ito. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong black forest cake. Sa gitna ay may pulang kandila. She closed her eyes, uttered her wish, and blew the candle. Nagpalakpakan ang mga kaklase niya.
"Thank you for the cake, Stefan," madamdamin niyang sambit na ikinangiti lang nito.
Sunod niyang binalingan ang regalo. Inabot niya iyon mula kay Kaki; kinunutan siya ng noo sa bigat. Lalo siyang nagtaka nang makitang may maliliit na mga butas sa ibabaw niyon. Maingat niyang ipinatong ang box sa desk at maingat ng binuksan.
Pinanlakihan siya ng mga mata sa nang makita ang isang tuta sa loob; a brown labrador retriever. Parang may kung anong sumabog sa kaniyang dibdib; she was so happy she couldn't utter a word. Maluha-luha niyang kinuha mula sa loob ang tuta. "Oh, you poor thing... Binalot ka pa talaga nila sa loob ng box..."
"Hoy, kanina lang namin siya ini-lagay r'yan, ha?" depensa ni Dani. "May ka-klase tayong nakabantay sa locker area. Nang makita ka niyang dumating ay mabilis siyang pumunta rito sa classroom at noon pa lang namin ipinasok sa box 'yang cutiepie na 'yan."
Masuyo niyang niyakap ang tuta saka inikot ang tingin sa paligid. "Thank you sa inyong lahat. This is the most memorable birthday I ever had."
"Pasalamat ka at bestfriends mo kami ni Kaki," sabi pa ni Dani.
Nakangiti niya itong sinulyapan. "That's true. Masarap kayong maging kaibigan." Ibinalik niya ang tingin kay Stefan. "At sa 'yo rin, Stefan. Thank you for the cake. Ngayon lang nangyari sa akin ito, and I couldn't thank you all enough. I am very happy."
Stefan smiled at her and placed the cake on her desk. Ilang sandali pa ay tumuwid ito, inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pants, at sinulyapan ang tutang nakayakap din sa braso niya. "You need to teach him how to chase cats away."
"I sure will," nakatawa niyang sagot bago hinagod ang ulo ng tuta.
"So, ano'ng ipapangalan mo sa kaniya?" tanong naman ni Dani.
Sandali siyang nag-isip.
At ang unang pumasok sa utak niya ay...
"I'll name him D. Van."
"Ha?" sabay na sambit nina Kaki at Dani.
"Well, Ryu Donovan named his cat 'Bella'. Babawi ako."
Nagkatinginan sina Kaki at Dani, habang siya naman ay inabala ang sarili sa paghagod sa ulo ng bagong alaga.
Ilang sandali pa ay pumasok na ang guro nila at binati rin siya. Alam nito ang tungkol sa tuta kaya hindi sila sinita. Bumalik na sa kani-kanilang upuan ang lahat. Si Stefan, bago tumalikod, ay yumuko at bumulong sa kaniya.
"Are you busy this afternoon?"
"N-Not really. Why?"
"There's a new pizza place in town. Wanna join me for a pizza dinner?"
Wala sa loob siyang tumango; mangha sa imbitasyon nito.
*
*
*
Pagpasok sa bagong-bago at malinis na banyo ay dumukwang siya sa harap ng toilet bowl at pinakawalan ang kanina pa niya pinipigilang suka. She only had a slice, pero pakiramdam niya'y puputok ang sikmura niya.
Oh, how she hated pizza. She had it once and never had it again– ngayon lang ulit!
The last time she had it was when she was ten; it used to be her comfort food. Kumain siya nang marami hanggang sa sumakit ang tiyan niya. Hindi siya natunawan at na-confine pa siya sa ospital dahil buong araw siyang nagsuka. Since then, no pizza for her. Naumay siya. Kahit makakita lang siya ng larawan ng pizza ay nagtatayuan na ang mga balahibo niya, at sa tuwing nakaaamoy siya niyon ay para siyang naglilihi dahil naduduwal siya nang wala sa oras.
Pero iyong imbitasyon ni Stefan... hindi niya mahindian. It was the second time he asked her out. The first time was when they went for a movie date– which was ruined because without their knowing, Ryu Donovan was seated behind them with his cats!
Stefan brought her to this new pizza place in town. Ilang minutong lakad lang mula sa location ng Nobori. Pagpasok pa lang ay masuka-suka na siya dahil sa amoy ng pinaghalong meat, pepperoni, at mozzarella cheese, pero pinilit niyang manatili roon at pigilan ang pag-alburoto ng sikmura. Pinilit din niya ang sariling ubusin ang manipis na hiwa ng pizza. Dinadala na lang siya sa huwag na pag-ngiti ang ngiwi, habang si Stefan ay patuloy sa pagku-kwento tungkol sa finals ng basketball game. They discussed how the Junior Volleyball team lost the fourth game against the Fine Arts Department team, and they also talked about the trip to Guimaras. Hindi niya alam kung napansin ni Stefan ang manaka-nakang pag-ngiwi niya sa tuwing naaamoy ang bagong lutong pizza mula sa counter. She just couldn't help herself, and she wished Stefan wouldn't take this negatively. Hindi naman niya gustong isipin nitong nag-i-inarte lang siya.
At naiinis siya sa sarili dahil sa tuwing magkasama sila ni Stefan ay laging may hindi magandang nangyayari.
Nang maubos niya ang slice ng pizza na nasa plato niya at nag-paumanhin muna siyang pupunta sa banyo dahil hindi na niya napigilan pa ang pagduwal. Sakto namang nag-ring ang cellphone ni Stefan kaya hindi nito napansin ang pagmamadali niya.
Matapos niyang i-labas ang mga nakain ay sandali siyang nanatili sa banyo upang ayusin ang sarili sa salaming nasa ibabaw ng lavatory. She gargled her mouth with water and washed her face. Nang mawala na ang pamumula ng pisngi niya at ilong sa pagduwal ay lumabas na siya.
Hindi na talaga niya kaya. Yayayain niya si Stefan na umalis at lumipat na lang ng ibang restaurant– her treat this time.
Pero nang makabalik na siya sa table at malingunan siya ni Stefan ay nagtaka siya nang makita ang panic sa anyo nito. Tumayo ito at sa tinig na puno ng paumanhin ay,
"Luna, I am really sorry. Something happened to my sister, I have to hurry home now."
"Oh." Oh, great. But... "Is your sister alright? What's happening?"
"My sister is sick and there are days where she can't get up and walk on her own. Lumabas siya sa silid niya ay nadulas sa hagdan. Our maid just called and informed me. Kailangan ko siyang dalhin sa ospital."
"Oh, I'm sorry to hear that. Gusto mo bang samahan kita?"
Napatingin si Stefan sa katabing stool ng inuupuan niya. Naroon ang bago niyang alagang tuta, natutulog. Ibinalik nito ang tingin sa kaniya.
"No, it's alright. Umuwi na lang kayo nang maaga."
Hindi na siya nakasagot pa nang kunin na nito ang bag sa katabi nitong upuan. "Sumabay ka na lang sa akin sa taxi; ihahatid na kita sa apartment mo para makasiguro akong ligtas kang makauuwi."
"That's so thoughtful of you, pero emergency ang pupuntahan mo, Stefan. Sige na, umalis ka na. Your sister needs you."
Alanganing tumango si Stefan at nagpaalam. Nang tuluyan na itong nakalabas ng pizza house ay saka niya nilingon ang mesa. Napangiwi siya sa mga natira pang slices na nasa plate. Nilapitan niya ang alaga at binuhat saka niya ini-sukbit ang bag.
Nanghihinayang siyang muli na namang hindi umayon ang tadhana sa kanila ni Stefan. Maliban sa hindi niya na-enjoy ang meal ay nagkaroon pa ito ng emergency. Mukha nga yatang ipinahihiwatig ng langit na hindi pwede.
Na hindi si Stefan ang naka-tadhana sa kaniya.
Darn it, bulong niya sa isip bago humakbang palabas ng pizza house. Sa labas ay napatingala siya sa nagkulay kahel na langit. Sige, ganito na lang... Kung totoo ang serendipity, something should happen tonight. Apat na linggo kong hindi nakita ang lalaking iyon– apat na linggo kong hindi naramdaman ang presensya niya. Ngayong araw ay muling sumulpot ang lotus origami sa desk ko, ibig sabihin, simula ngayong araw ay muli na naman siyang magpaparamdam. If fate or destiny or serendipity is real, show it to me. Prove it to me tonight.
Ahh, fudge. Yumuko siya at sinapo ng isang kamay ang ulo.
Hindi niya alam kung sino ang kausap niya, pero kung ayaw ng langit si Stefan para sa kaniya at kung totoo ang serendipity o kung ano pa mang kathang-isip ng tao, ay hihintayin niyang mag-krus ang landas nila ni Ryu Donovan sa gabing iyon. Sa lugar na hindi inaasahan, sa lugar na wala sa plano niyang puntahan.
"Alright. Sa laki ng city center ay imposibleng mag-krus pa ang landas namin ng lalaking iyon sa lugar na pupuntahan ko." Sinulyapan niya ang alaga na nakatingala sa kaniya. She smiled at her puppy. "Let's get you some stuff, boy."
*
*
*
Sa isang maliit na pet store sa tabi ng isang shopping center pumunta si Luna matapos manggaling sa pizza place na pinuntahan nila ni Stefan. She took a cab and asked for the driver to bring her to the nearest pet shop.
Pagpasok sa loob ay sinalubong siya ng maraming uri ng domesticated animals na naka-kulong sa kani-kanilang mga cage. Mayroon ding malaking aquarium na puno ng iba't ibang uri ng mga isda. Ang mga tutang naroon sa cage ay tila nagmamakaawang ampunin, pero wala siyang magawa. Malibang hindi niya kayang mag-alaga ng higit sa isa ay wala siyang sapat na pera para bilhin ang mga ito at ibigay ang mga pangangailangan.
Sa kabilang bahagi ng shop ay naroon ang mga nakadisplay na pet toys, accesories, and necessities. Mula sa shampoo hanggang vitamins. May kasama nang papeles ang tuta niya at kailangan na lang niya iyong dalhin sa vet. For now, she needed to get her pup stuff to use.
She strolled around the store and gathered all the stuff she needed. Sa counter ay kinausap niya ang staff tungkol sa pagpapalagay ng collar para sa alaga, and she was requested to wait for about ten minutes for the customization to be completed.
Nang maikabit na ang collar sa leeg ng alaga ay napangisi siya. Hindi niya pinagsisihan ang pagbibigay rito ng ganoong pangalan.
Matapos niyang ikabit ang leash sa collar ng alaga ay nagbayad na siya at lumabas niya. Her pup was very behaved; obedient, too. Sigurado siyang matutuwa ang mommy niya kapag ini-uwi niya ang alaga roon sa susunod na linggo.
Naghintay siya ng taxi sa harap ng pet shop. It was only 6:30pm. Lalong dumami ang mga tao dahil labasan na ng mga empleyado at college students. Pahirapan na ang pagkuha ng taxi. Habang naghihintay siyang may dumaang taxi ay narinig niya ang biglang pag-angil ng alaga. Niyuko niya ito at nakitang nakatingin ito sa parking entrance ng katabing shopping center. Yumuko siya at akma itong bubuhatin nang bigla itong tumakbo patungo roon. Pinanlakihan siya ng mga mata, lalo nang mapagtanto niyang hindi mahigpit ang pagkakahawak niya sa tali nito.
"Hey!" Mabilis siyang sumunod. Bitbit niya sa balikat ang bag at sa isang kamay ay ang paperbag na puno ng mga pinamili niyang gamit para sa alaga. Maraming mga tao siyang nakakasalubong dahil rush hour, dahilan kaya hindi niya inabutan ang tuta. Ginapangan siya ng takot nang makitang tuluy-tuloy na pumasok ang alaga niya sa entrance parking area ng mall. Binilisan niya ang paghabol, at kahit nakakabangga na niya ang mga tao ay hindi siya huminto.
Ilang sandali pa ay narating niya ang madilim na entrance ng parking area. Pababa iyon at sa loob ay narinig niya ang sunud-sunod na pagtahol ng alaga niya.
Patakbo siyang pumasok, sinundan ang ingay.
Hanggang sa marating niya ang nakahilerang mga sasakyan sa loob ng parking space. Habang papalapit siya nang papalapit ay lumalakas nang lumalakas ang tahol ng alaga; ibig sabihin ay nasa malapit na ito.
Pumunta siya sa likurang bahagi ng mga nakahilerang sasakyan. At doon niya nakita ang hinahanap. Ang alaga niya'y tinatahulan ang dalawang pusa na walang pakialam at patuloy lang sa pagkain. Yes, kumakain ang mga ito. And they were eating... something in a can.
Salubong ang mga kilay na lumapit siya. She knew she wasn't supposed to come closer, but she needed to retrieve her pup. Nang makalapit ay kaagad niyang hinila ang leash ng alaga. Siya naman ang tinahulan nito, tila nagsusumbong. Ang dalawang pusa na halos dalawang metro pa ang layo sa kanila ay patuloy lang sa pagkain. At hindi nga siya nagkamali; they were eating canned cat food.
Huh?
At bago pa man mabuo sa isip niya kung sino ang maaaring naglagay ng canned food doon ay umatras na siya, binuhat ang alaga, saka tumalikod.
No. No, I have to go now.
Ang alaga niya ay patuloy sa pagtahol. Tinahulan nito ang mga pusa. Nagtuluy-tuloy siya sa paghakbang hanggang sa mapadaan siya sa elevator na nagdadala sa mga car owners patungo sa shopping center sa itaas. Saktong pagdaan niya ay tumunog iyon at bumukas. Nilakihan pa lalo niya ang paglalakad hanggang sa makaliko na siya at matanaw ang labasan.
*
*
*
Si Ryu ay tumuwid mula sa pagkakasandal sa pader ng elevator nang bumukas iyon. He was looking down at his phone, reading his mother's text message, when the steel door opened. He looked up and shoved his phone back into his coat's pocket. Sunod ay ini-suksok nito ang isang kamay sa bulsa ng suot na pants habang ang isa'y nakahawak sa paperbag na may lamang mga cat food. Those were for his cats at home.
Lumabas ito at lumiko sa kanan, patungo sa nakahilerang mga sasakyan. Sa pinakadulo pa nakaparada ang kotse nito, pero sa likod ito ng mga sasakyan dadaan upang mag-iwan ng mga pagkain para sa mga ligaw na pusa.
Napangiti ito nang makita ang dalawang pusang kumakain sa iniwan nito kaninang dalawang can ng cat food. Lumapit ito, tumingkayad at akmang hahagurin ang balahibo ng isa nang may mapansin sa sahig hindi kalayuan sa dalawang pusa. Salubong ang mga kilay na inabot iyon ng binata.
It was a stainless steel dog tag. Customized and was designed like a bone.
"Wait a minute..." Hindi alam ni Ryu kung matatawa o magagalit. "When did I become a dog?"
The name engraved on the dog tag was...
R. D-Van
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro