Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 46

Work

“Anak..” marahan kong tawag sa kaniya.

Nilingon ako ni Eira, nanatiling mag kakrus ang mga braso sa dibdib at bakas ng inis sa mukha.

“That’s bad, baby. She’s your tita Veronica. We don’t raise our voice to our aunties.” ani ko sa mahinahong boses.

“I’m just saying, Mommy,” sumimangot siya. “And that’s what I feel po. Bawal na po akong mag say ng opinyon ko?”

Ang pisngi naman niya ang hinapolos ko, namumungay ang matang nakatingin sa anak ko.

“Everyone’s opinion and feelings are valid, anak. One can’t dictate what you should feel nor say. Though let’s always remember to filter our words, and make sure the other end won’t be offended or insulted."

Eira’s full attention were set on me and I can feel their stares.

“Sometimes, opinions that are meant to make someone feel bad, those should be keep within ourselves. Kung para sa atin, wala lang ang mga salitang bibitawan natin o komento para sa ibang tao, but for them.. those are too much. Kasi hindi lahat ng nakapaligid sa atin, magugustuhan ang lahat ng ating mga hinaing at saloobin..”

Eira released a deep sigh and nodded.

“I understand po, Mommy..” she smiled before turning around, facing them.

Umayos naman ako ng tayo at nilingon din ang tatlo. Si Chaz ay nakatitig na naman sa akin. He’s biting his lower lip, as if suppressing his smile while Xander was staring at me too. With his blank face, looking so snob.

“I’m sorry, tita Veronica. I didn’t mean to hurt you po, please forgive me..” Eira said in small voice.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Veronica, kahit ako ay napangiti na rin sa sinabi ng anak. Ngunit, agad din iyong napawi ng may idagdag pa ito.

“But why are you wearing a family shirt po ba? It’s not like you’re a family..” aniya pa, kababatiran ng kalituhan ang boses.

I saw Chaz pursing his lips, while Veronica parted hers. Si Xander ay magkasalubong na ang kilay at parang hindi na nagugustuhan ang mga naririnig sa kapatid.

“Uh, anak hindi naman kasi porque gano’n na ang suot ay dapat pamilya na. Anyone can wear whatever they want to wear. There’s no demands like shirts with those design are exclusive for family members."

Bago pa may maitanong muli si Eira, nagyaya nang pumasok si Xander. Dirediretso ang lakad ng bata at hindi man lang ako nilingon o binati.

“I’ll talk to him.” Chaz said.

“Let me do it, Theo.” Veronica hastily seconded. “Ako na lang ang magpapaliwanag sa bata. Whatever his reaction might be, please let’s be contented with it for now. Let’s not force the kid if it’s the opposite.”

Nanghina akong tumango. Kahit masakit ay tatanggapin ko iyon. Ilang taon akong wala sa buhay nila, at bigla na lang susulpot. Hindi nga talaga ito madali.

“Bakit po ang tagal niyo, Daddy?” tanong ni Eira kay Chaz.

Bahagyang yumuko ang lalake saka kinarga si Eira. Pinalibot ng anak ko ang mga kamay sa leeg ni Chaz at seryoso itong tiningnan.

“Your twin insisted to play some games.” I heard him sighed. “Sorry you had to wait.."

Ngumuso si Eira. Ilang sandaling tila pinag-isipan ang mga sinabi ni Chaz bago unti-unting tumango.

“I forgive you, Daddy. Mommy and I also played! I introduced Winnie to her!”

Chaz tilted his head and our gaze locked. His lips curled, while I maintained a straight face.

“Did you have fun, love?” tanong niya, nasa akin pa rin ang paningin.

“Of course, Daddy! With Mommy,  everything's fine. Kahit we’re just sitting, I’m happy and contented since I’m with Mommy!”

Warmth touched my heart. I thanked God Eira is such a sweet daughter. Hindi ako nahirapang makasundo siya at ramdam na ramdam ko ang nag-uumapaw niyang pagmamahal sa akin. That even with my absence, she still sees me as her mother.

Si Eira ang naging kasama ko sa mga sumunod na oras. Si Xander at Veronica ay hindi pa bumaba mula kanina. While Eira and I are taking our time in the living room.

Si Chaz ay paminsan-minsang sumusulpot at mawawala rin agad. Ayon kay Eira, tinutulungan daw si Manang Remmy na maghanda ng hapunan.

“Marunong magluto ang Dad mo?” gulat kong tanong.

Binaba ni Eira ang hawak niyang lapis at tiningala ako. Kasalukuyan siyang gumuguhit habang ako ay nawiwiling pinagmamasdan siya.

“Not just cooking, Mommy. Dad is also expert with household chores. Siya po ang naglalaba ng aming clothes sometimes when he doesn’t have a work.” Eira smiled, looking proud.

“You see, Mommy. Daddy is a full package. So when are you getting married?” tanong niya sanhi nang panlaki ng aking mga mata.

Hindi pa man ako nakakabawi ay muli siyang humirit.

“I’ll be the flower girl and Xandy is the ring bearer! I’ll invite all of my friends, and.. and.. we can go to the other country for the honeymoon!*

Tuluyang nawala sa ginagawa ang atensyon niya at natuon iyon sa akin. Ano bang pinagsasabi ng lalaking iyon sa kaniya at iyon agad ang tinanong!

“I can't wait to visit Disneyland, Mommy! Laureen would always tell me a story about it, and I can’t help but to feel jealous. Kasi sa Isla Cali lang kami nidadala ni Daddy. Happy naman doon, but I’m curious po about other places! I want to experience snow!” humagikhik siya.

“Now po that you’re back, we can travel and explore different cities!"

Napalunok ako. Hindi alam ang dapat sabihin sa kaniya. Maaliwalas ang kaniyang mukha at ayaw kong maging rason para mawala ang ngiting nakapaskil sa labi niya.

“Daddy doesn’t want to bring us to far places po, kasi he wants you to be with us. Even my hair, Mommy!” hinapolos ni Eira ang buhok saka bumungisngis. “Dad and I agreed not to cut my hair. You might not want it po, kaya now it’s mahaba!”

My heart melted with her stories. They’re positive I’ll return. Kampante silang babalik ako sa buhay nila na kahit ang pagupitan ang kaniyang buhok ay hindi ginawa dahil isinaalang-alang ang magiging damdamin ko. .

I caressed her cheeks and kissed her head. "Do you want to cut it now?” masuyong bulong ko.

“Do you want, Mommy?” pagbabalik niya sa aking tanong.

I chuckled. Tumawa rin siya hanggang sa naramdaman ko ang pahalik niya sa aking pisngi.

“I’m fine with anything that you like, Mom. If you want to cut my hair, cool. And if don’t, I’m okay too! Long hair or short, I’m still pretty.” she said and giggled.

"You decide, baby. Whatever that is, Mommy will be here to support you."

Sinubukan kong siyang kilitiin sa kaniyang tagiliran na mabilis nitong kinahalakhak. I laughed too and continued tickling her that our laughter’s echoed on the whole manor.

Nang sumapit ang hapunan, doon ko lang ulit nasilayan si Xander. Bagong bihis na ito at poging pogi sa suot na ternong pajama. Katabi kong nakaupo si Eira habang sa tabi ng anak ko ay si Chaz. Veronica and Xander is in front of us.

Simula nang maupo si Xander ay ni isang beses hindi man lang niya nilingon ang gawi ko na parang pinapahiwatig na wala lang ang presensiya ko.

“Son,” Chaz started when all of us are seated.

Xander looked at him, still with a blank face. I felt Chaz glanced my way but my eyes fixated on my son.

“Uh, I’ve apprised Xandy about it na, Theo.  He got it already.” Veronica said, smiling.

Binaling ko ang atenyson sa kaniya. My eyes narrowed at her smiling face.
She’s my cousin and I don’t want to think ill about her, however.. that lingering feelings kept on bombarding me! Na kahit ang ngiti niya ay parang peke.

“I know this is hard on you, son. But please give, Mom a chance. She's here now." si Chaz.

Sa pagkakataong ito, napansin ni Xander ang kabuuan ko. I smiled at him sweetly.

Kamukhang kamukha niya si Chaz. Eira’s the girl version of him, while he’s like a carbon copy. Na kung hindi ko alam na ako ang nagdala sa kanila sa loob ng siyam na buwan, magdududa na ako kung ako ba ang ina nilang dalawa.

Wala man lang silang namana sa akin!

“Mommy is nice, like in Daddy’s stories. She even helped me in Isla Cali, you know that Xandy.” segunda ni Eira.

Isang tipid na tango lang ang ginawa ni Xander, sanhi para mabura ang ngiti sa labi ko. Yumuko si Veronica at may binulong sa anak ko. Xander nodded again and Veronica took that as a que to start putting foods on his plate.

“You saw her?” 

Nag-iwas ako ng tingin sa pinsan kong inaasikaso si Xander. Napunta iyon kay Chaz na palipat-lipat ang mata sa aming dalawa ni Eira. Malalim ang gitla sa noo na tila may hindi maintindihang importanteng bagay.

“Yes! I saw her one time at the church selling Moron and one more. I forgot the name, Dad. But we can ask Mommy!”

Eira shifted on her seat, facing me. I smiled at her. Kahit pala iyon tanda niya.

“Pichi Pichi,”

Muli niyang nilingon si Chaz habang ako’y inasikaso na lang ang pagkain niya.

“Those were masarap, Dad I swear!”

Hindi na muling nagsalita si Chaz at nang nilingon ko’y parang may malalim na iniisip. Hindi ko na lang siya pinansin at tinanong si Eira sa iba pang gustong ulam. She will then point it out with smiling face.

Nasa kalagitnaan na ako nang paglalagay ng manok sa plato ni Eira nang biglang tumayo si Chaz. Hindi ko sana iyon papansinin ng bigla siyang lumapit sa gawi ko at basta na lang nilagyan ng maraming kanin ang walang laman kong plato. Hindi pa siya roon tapos dahil nilagyan niya rin ng iba’t ibang ulam iyon.

“Kumain ka na. Ako na ang bahalang mag-asikaso sa anak natin.”

Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Eira sa aking tabi, tuwang-tuwa. Si Veronica ay tila natigilan sa naging kilos ni Chaz habang si Xander ay mabilis lang na sumuluyap sa aming gawi saka rin binalik sa hapag ang atensyon.

“I’m a big girl na, Mommy! I can handle myself very well po!” si Eira sa masayang boses.

I cleared my throat and tried to gave off a smile. The dinner went on. Si Eira ay tumahimik ng magsimulang kumain habang ako palihim na susulyapan si Xander

Akala ko magkakaroon na ako ng oras sa kaniya nang matapos ang hapunang iyon pero ganoon na lang ang panlulumo ko nang agad itong magtungo sa silid at hindi na muling lumabas.

Si Eira na lang muli ang inasikaso ko. She took a half bath while I prepared her pajamas. Ako na rin ang nagsuklay ng buhok niya pagkatapos.

“Mommy, will you sleep here with me?” Eira asked while crawling towards the center of her bed.

I pulled her pink duvet and she hastily dived in between the sheets and mattress.

“I’ll watch until you fall asleep, anak.”

Binalot ng lungkot ang maamo niyang mukha. Bumalatay ang matinding pagtutol.

“Nagsabi kasi ako sa lolo mo na uuwi ako ngayon kaya baka.. hindi ako rito makatulog.“

“This is your home, Mommy. You should sleep here,” aniya pa.

Napakagat labi ako.

“It’s dark outside. Hindi na dapat ikaw nag travel,” dagdag pa niya sa mahinang boses.

Bumuntonghininga ako.

“Your Lolo Franciss will be worried, in fact he’s probably waiting by now. How about,” I trailed off while caressing her hair. “Mag sleep over kayo ni Xander bukas sa bahay? Laureen will be there with us, do you want that?”

“Bago po kami mag sleep over tomorrow, ikaw muna ang mag sleep dito. We have a big house, Mommy. You don’t need to stay outside, magtatabi po tayo..”

Napangiwi ako sa naging tugon ng anak ko.

“Mom can’t stay for the nigh, love but she will surely be back tomorrow.”

Out of nowhere, Chaz appeared. May hawak na siyang baso ng gatas. Binaba niya iyon sa bed side table. I saw him licked his lips and glanced at us with a hooded eyes.

“For now, you should sleep. We'll watch you."

Eira pouted. Disapproval is very evident in her face.

"Come on, love. Your Mom has to go for now but she'll be here first thing in the morning."

I don't know what's with Chaz that Eira was comforted immediately. Parang isang salita lang ni Chaz ay napanatag na agad ang bata at hindi na nakipagtalo pa. O siguro rin dahil hinihila na ito ng antok na wala ng lakas para ipaglaban ang gusto.

“Si Xander, tulog na ba?” tanong ko kay Chaz nang makalabas kami sa silid ni Eira.

“Tulog na,” I heard him say.

I walk first and Chaz followed behind me.

“Do you..” he stopped and fake a cough. “Do you want to see him before you leave?”

Tumigil ako saka siya nilingon.

”Saan ba ‘yong kwarto niya?” tanong ko sa mahinang boses. At least kahit sulyap lang ay magawa ko.

Tinuro ni Chaz ang pintong katabi lang ng kay Eira. Napatango ako, nakuha ang kaniyang pinupunto.

”Ihahanda ko lang ang kotse..”

Mabilis na lumipad sa kaniya ang mga mata ko. Umawang ang kaniyang bibig, tila nabitin sa sasabihin.
I arched him a brow. He closed his parted lips and swallowed hard again.

”I’ll drive you home. It’s dangerous to commute.”

”Tatawagan ko ang kapatid ko para magpasundo,” agad na apila ko.

"Your sister entrusted you to me. Kaya huwag na, Grace.. ihahatid na lang kita.” giit niya sa malalim na boses.

I shook my head in disapproval.

”I insist, Grace.” he said before I could even say a word.

”Doon lang ako mapapanatag. Wala akong gagawing ikasasama ng loob mo. I won’t do anything unnecessary. Talagang.. hatid lang.” dagdag nito sa masuyong boses na tila madadala niya ako no’n.

I shook my head still, determined with my decision.

”It’s either you accept my offer or you’ll stay here.”

Nagsalubong ang kilay ko. Huminga siya ng malalim sabay haplos sa leeg.

”Pasensiya na pero hindi kita hahayaang lumabas sa bahay na ito ng mag-isa. Ihahatid ko rin naman si Veronica. Mas mapapanatag kang wala akong gagawing masama sa’yo..” pabulong nitong sambit.

Natigilan ako. Kung gano’n nandito pa ang pinsan ko.

“Ba’t mo pa ihahatid kung pwede namang dito siya matulog?” hindi ko mapigilang itanong.

“Hindi siya rito natutulog, Grace. Kahit sa kwarto ko.. hindi siya nakakapasok ng wala ang permiso ko.”

I looked at him suspiciously. Hindi iyon ang kwento sa akin ng kapatid ko. Madalas itong wala sa bahay ng mga magulang ko at isa lang ang lugar na maari nitong tuluyan, that’s his place.

Chaz cleared his throat.

“Minsan dito siya natutulog. Katulad na lang kung masama ang panahon at delikado kung uuwi pa siya. But she has her own room..” he expounded.

Muli niyang sinalubong ang tingin ko.

“I always encouraged her to go. Veronica might be your cousin, but she’s still a woman. I don’t want to stir nonsense issues between us. Your family and mine knows she's here only for our kids."

Tumango na lang ako para matapos na ito sa pagsasalita. Masiyado nang humahaba ang mga sinasabi niya gayong simple lang naman ang tanong ko.

"Sige, silipin ko lang si Xander." paalam ko.

Tumango siya. Kinuha ko iyong pagkakataong para talikuran siya at humarap sa pinto ng kwaro ng anak ko. It wasn’t locked that when I twisted the doorknob, it eventually opened. Nakatalikod sa gawing pinto si Xander at tanging lampshade ang nakabukas na nagbibigay ng kaunting liwanag sa kabuuang silid.

May pag-iingat kong nilapitan ang kamang kinahihigaan niya. Ang plano ko’y sisilip lang at agad na aalis ngunit nang masilayan ko ang nakapit niyang mga mata tanda ng mahimbing na pagtulog  ay hindi na iyon natuloy.

Hindi ko mapigilan maupo sa kanang bahagi ng kaniyang kama kung nasaan siya nakaharap. My baby looked so peaceful. Parang hindi suplado at ang amo-amo ng mukha habang natutulog. His lips were even apart and I can hear his heavy breathing.

I contented myself gazing at him because I know once he’s awake, I can’t stare at him this close. Lumipas ang ilang minuto at nasa ganoong posisyon lang ako. Maya-maya pa’y tumayo na rin ako at inayos ang kumot na tumatakip sa kaniyang katawan.

“Mahal na mahal kita, anak..” bulong ko.

Nagawa ko pang hagkan ang kaniyang noo at malaking pasasalamat ko na lang at hindi siya nagising.

Nasa sala si Chaz at Veronica nang makababa ako. Tumayo si Chaz at nag-akmang lumapit sa akin.

“Are you done?”

Tumango lang ako sa bilang pagsang-ayon. Isang itim na kotse ang bumungad sa akin pagkalabas ng bahay. Kotse ni Chaz  at mukhang ito ang gagamitin niya para ihatid kami.

Narinig ko ang pagtunog niyon at nang makalapit, hindi ko na hinintay pang pagbuksan ni Chaz ng pinto at nagkusa kong ginawa iyon. Sa backseat ako naupo habang si Veronica ay nasa unahan.

When Chaz entered the car, he immediately started the engine. I saw his hand lifted in the air and came in contact with the rearview mirror. Kinalikot niya iyon hanggang sa magsalubong ang mga mata namin doon sa salamin.

"How about the kids? Will they be okay now that you left?" tanong ko.

Nagsimulang gumalaw ang kotse at madalas ang pagtingin nito sa akin dito sa likuran gamit ang salamin.

“Nay Remmy’s in the house. They’ll be fine,”

Napanatag ako roon. Kung pwede lang sanang isama ko silang dalawa pauwi. Although Xander and I didn’t got the chance to talk, I’m satisfied with my moments with him earlier. Kahit sa ganoong tagpo man lang, kontento na ako.

During the duriton of the ride, I kept my silence. Kahit si Veronica ay hindi nagsalita. Nang dumating din naman kami sa mansyon ay isang pasasalamat ang binigay ko kay Chaz para sa paghatid.

“Oh, ba’t ka umuwi?” salubong sa akin ng kababa lang na si ate Giselle.

Tahimik na ang buong bahay. Seems like my parents are already resting.

“Iniwan mo ‘ko,” reklamo ko sa kaniya.

Humalakhak si ate Giselle. Tuluyan siyang nakababa ng hagdan. Ang kaniyang suot na mahabang sleeveless na pantulog ay abot sa sahig. Naka bun ang kaniyang buhok at litaw na litaw ang malalim niyang collarbone.

“Iyon nga, Pia. Sinadya ka naming iwan para doon ka matulog. Ayaw mo bang makasama ng matagal ang mga anak mo?” ngumisi siya sa akin ng pilyo.

“Gusto pero ang sabi ko kay Dad ay uuwi ako ngayon. Buti nga at ‘di ka pinagalitan?”

Dumapo sa aking likod ang kaniyang tingin sanhi ng lalo niyang pagngisi.

“Sus, don’t mind Dad. Ngayon lang ‘yan at kababalik mo pa lang pero kita mo, baka nga sa mga susunod na araw siya pa ang pinakamasaya kapag binalita mong buntis ka ulit kay Chaz!”

Humalakhak si Ate pero ako’y hindi na maitsura ang mukha. Parang ang layo naman no’n! Thinking of Chaz and I doing that deed again.. makes the hair on nape rose!

That will never happen. Hindi ako umaasang magkakabalikan kami ni Chaz at kung ano man ang nangyari sa amin noon, tapos na iyon. Walang part two.

Regardless of the fact that Xander is distant with me, I still sleep that night with a light feeling in my chest.

"Morning, Dad.." I greeted when I saw him striding down the stairs.

Alas singko pa lang ng umaga at naghahanda na ako para sa pag-alis. I usually woke up early especially back in Monhon. Maaga akong gumigising para simulan ang paggawa ng kakanin at magluto ng umagahan.

"Good morning," He went to my side and I felt him kissed my head. "Are you going somewhere?"

"Uh.. yes, Dad. Sa bahay lang ni Chaz,"

Nagbago bigla ang timpla ng kaniyang mukha sa binigkas kong pangalan.

"Babawi po ako sa mga anak ko, Daddy. Ilang taon ko silang hindi nakasama. Hindi mo naman siguro ako pagbabawalang bisitahin sila 'no?"

Bumuntonghininga siya.

"Nag-aalala lang ako, Sofia. That man is cunning."

"Well, Dad I'm there for my children. Hindi po siya ang pinunta ko roon." tumawa ako. "Baka kasama ko ang mga bata mamaya at dito matulog. Ayaw nga akong pauwin ni Eira kagabe, eh."

Sandaling nag-usap pa kami ni Daddy sa sala. Mom is still sleeping. Inutusan ni Dad na ihatid ako ng family driver namin nang magpaalam ako ritong aalis na.

When I reached Chaz’ house, I asked for the driver’s number to contact him once it’s time to go home. Pinagbuksan ako ng pinto ng isang may edad na lalaki na sa tingin ko’y asawa ni Manang Remmy.

“Pasok ka hija, kanina pa naghihintay sa’yo ang mag-ama mo.” sabi niya sa akin.

Nagulat ako roon. I checked the time on my phone and saw that it’s six twenty in the morning. Gising na silang dalawa?

“Salama po,” ngumiti ako kay Manong.

Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya lalo pa at hindi ko naman siya nakita kahapon. Tinuro ni Manong ang kinaroroonan ng dalawa at sa kusina iyon.

“Do you think, Mommy will like these, Dad? Isn’t this overcooked?” 

I heard Eira’s faint voice while I walked towards the kitchen.

“Uh-huh, she will like it since it’s from you. She’d be very pleased knowing you prepared her breakfast.”

Nasa bungad na ako ng kusina at nakita silang dalawa. Si Chaz ay nakaharap sa stove, may suot na apron habang si Eira ay nasa high chair sinisilip ang ginawa niya.

“But yours look much better, Daddy! Can we uh.. switch ours? Say, I was the one who cook that and this scrambled egg is yours!”

Chaz heartily laughed before kissing her cheeks.

“You really want to impress, Mommy huh?”

Humilig ako sa hamba ng pinto at pinagmasdan silang dalawa.

“I’m thinking if we served Mommy the best foods that we personally cooked and not Lola Remmy, maybe Mommy will stay with us. Para po hindi na siya aalis every night..”

My eyes softened while watching Eira’s back. She really wanted to be with me. Hindi niya yata gusto ang ideyang hindi kami magkakasama sa iisang bahay at kailangan kong humiwalay sa kanila.

“Do you know I asked her yesterday about your weeding? Diba you told me before na once Mommy is back, you’ll marry her.”

Chaz closed the stove and transfer the food on the plate which Eira was holding.

“Pakasalan mo na siya, Daddy. When you’re already married, Mommy will have no excuse to leave us at night. Then.. you can make my little sister!” humagikhik siya sabay palakpak.

“In time, love. For now, you should refrain Mommy from asking about the weeding, okay? She might feel pressured.“

Umayos ako ng tayo saka sinimulang lumapit sa kanila. Naramdaman siguro ni Chaz ang presensiya ko na agad itong lumingon. Eira glanced at me too and her lips stretched for a smile.

“Mommy!“ she squeled.

Her face lits up. Binaba siya ni Chaz sa high chair at agad na tumakbo patungo sa direksyon ko.

“Good morning, Mommy!”

I smiled at her.

“Morning, baby. Kumusta ang tulog?”

Iningat ni Eira ang dalawang braso sa ere na tila nagpapakarga. Yumuko naman agad ako at mabilis itong inangat. Eira instantly kissed my cheeks with a sound before she lay her head on my shoulder.

“I had a good sleep, thanks to you Mommy. Hindi ako nagkaroon ng bad dream,”

“Don’t forget to pray every night before you sleep. That will chase bad dreams away.” panggagaya ko sa kaniya.

“Prayer is powerful, Mommy. Papa Jesus loved me so much, He answered my prayer! You’re here now,”

I smiled more. Nanggigil kong hinalikan ang pisngi niya sanhi ng kaniyang paghalakhak. Nakipagkulitan lang ako sa kaniya habang si Chaz ay inaayos ang mesa para sa umagahan. After a while, bumaba na rin si Xander na suot pa ang kaniyang pantulog.

“Magandang umaga, Xander..” I said, hoping to receive any reaction from him but to my dismay, he just nodded.

He sat on his usual sit. Katulad kagabe, si Eira ang katabi ko habang nasa aming tapat ay si Xander. Si Chaz ay nasa kusina pa at nang bumalik ay may dala na itong tray na may lamang tatlong baso.

He put the first two glass which has milk in front of Xander and Eira. Then he went to my side and put the last one just beside the empty plate.

“Where’s my greeting?” tanong nito, sumisilay ang ngisi sa labi.

“Huh?” I asked, confused.

Binasa nito ang pang-ibabang labi habang naramdaman ko ang kaniyang kamay na dumapo sa sandalan ng aking inuupuan. Ang isa ay nasa lamesa saka ako nito nilingon.

“You didn’t greet me..” he said in almost a whisper.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. He arched a brow, amusment danced on his eyes and it took me minutes to realized what he meant.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. He then chuckled when he saw the reaction on my face.

“Good morning too, Grace. I hoped you had a good sleep last night. Wala pa naman ako sa tabi mo para i-comfort ka kung sakaling..”

I rolled my eyes at him. Mas lalo siyang humalakhak bago nilisan ang pwesto ko. When I looked at my children, Eira’s all smile. Natutop pa nito ang sariling labi ng hintuturo na tila kinikilig. Nang mapagawi ang tingin ko kay Xander, nagulat ako nang makitang matalim itong nakatingin sa akin.

Mabilis lang din itong nag-iwas ng tingin at bumalik ang pagiging suplado ng mukha.

Naibaling din kay Eira ang atensyon ko nang ibida nito ang mga ulam na niluto. Umakto akong walang narinig sa usapan nila. Eira looked so proud that she made the dishes.

Dumating si Veronica sa gitna ng aming almusal. I saw how Xander’s face brightens when he saw her. It pained me that my own son knows how to smile when it is another woman but when it comes to me..

“We have a class today, Mommy. Sama po ikaw sa amin?” untag ni Eira sa akin habang patungo kami sa kwarto niya.

Maliligo siya at katulad kagabe, gusto niya ako ang maghanda ng kaniyang isusuot ngayon.

“Pwede ba ako roon?”

“Of course! Mom and Dad are always welcome at school. Si Agustin nga Mommy, always niyang kasama ang Mommy niya. Agustin is a cry baby. Lagi siyang iiyak whenever his Mom isn’t around.”

Pagkarating sa kaniyang kwarto, dumiretso siya sa banyo habang ako’y hinanda ang kaniyang uniporme. While she's on the shower, I decided to check for my son. I went out of the room just in time when Xander opened the door of his room.

Sinusuklay nito ang basang buhok. Poging-pogi sa suot na uniporme. My eyes narrowed down and saw his unfixed shoelace.

“Sandali, anak. ‘Yong sintas mo hindi maayos..” tawag ko sa kaniya. “Ayusin ko lang, ha? Baka madapa ka, eh.”

I smiled and went to his direction.
Xander glanced at his own shoes, probably checking if I’m bluffing or not.

“I can fix it.” supladong tugon niya.

Nabura ang ngiti sa labi ko. Tumigil ako sa paghakbang at pinagmasdan siyang yumuko para ayusin ang sintas ng sapatos. Xander is always acting like a grown up man who doesn’t need me.

My son is always cold and distant to me. But with Veronica around, he’s like a different person. At sa tuwing wala naman si Veronica at susumubok akong asikasuhin siya at gampanan ang pagiging ina ko’y mailap siya. Katulad na lang ngayon.

He grow up with her. Veronica showered him the love and care that I failed to give from the past years, but I’m here now.

Umayos siya ng tayo pagkaraan ng ilang minuto. Salubong ang kilay na tinignan niya ako pero ngiti lang ang sinukli ko. Walang salit itong tumalikod. Bagsak ang balikat kong bumalik sa kwarto ni Eira at tinuon ang atensyon sa kaniya.

Pagkatapos din niyang magbihis ay lumabas din agad kami. Naabutan namin si Veronica at Xander sa sala. Veronica’s showing something on her phone to Xander. Nag-angat ng tingin si Veronica nang tuluyan kaming makalapit.

“Celeste, do you want to join us later after school? There’s a newly opened kids park, wanna try it?”

Natutop ko ang sariling labi. Kunot noong tinignan si Veronica. I really don’t get her. Akala ko pa naman tutulungan niya akong mapalit kay Xander pero kabaliktaran itong ginagawa niya.

“No thanks, tita. I’m fine with Mommy,” Eira said and I felt her touched my fingers.

I bowed my head down and we smiled at each oher.

"How can you stomach her presence, Celeste? She’s boring.”

Umawang ang labi ko sa tinuran ni Xander. Tumayo siya ng tuwid at nagpamulsa sa suot na blue slacks. His brows were furrowed.

“Hey, take that back! She’s our Mommy!” sigaw ni Celeste.

Xander’s lips pursed.

“She’s not my mother. She’s already dead. If I have a mommy to call, that woul’d be Mommy Veronica. Mas naging ina pa siya sa atin kaysa riyan sa tinawag mong nanay.”

I balled my hands into fist. Ramdam ko ang pamamasa ng magkabilang sulok ng aking mata. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan si Xander na bakas ang galit sa mukha.

“Oh my God your mouth, Xandy! You’re so bad, hindi ka i-blebless ni Papa Jesus!” bumitaw si Eira mula sa pagkakahawak sa aking mga daliri at lumapit kay Xander.

“You’re so bad! How can you say that to our Mommy?”

My eyes widened when all of the sudden, Eira landed a punch on Xander’s chest. I quickly wiped my tears and went to stop her.

“I hate you, Xandy! ‘Di na ikaw ang twin ko! Salbahe ka!” patuloy nito. “M-Mommy’s not dead, Xandy. She’s not dead..” umiling-iling siya.

Lumuhod ako at mabilis na yinakap si Eira. Nadurog ng pinong-pino ang dibdib ko nang umalingawngaw ang palahaw na iyak ng anak ko. I lifted my eyelids and glared at Veronica who’s doing nothing. Parang natutuwa pa ito sa mga nangyayari.

“What’s going on here?”

Mabilis na kumawala si Eira mula sa yakap ko at tinakbo ang distansya nila ni Chaz. Umiiyak itong yumakap sa mga hita ng lalaki na tila magsusumbong.

“Daddy, Xandy has no manners. H-He told me, M-Mommy is dead na raw.” she cried loudly.

Chaz jaw clenched. He carried Eira in one arm and face us. I notice he’s just wearing a plain t-shirt and black pants. Wala bang trabaho ito?

“Xandy said Mommy’s boring, Daddy! Salbahe siya!”

I casted my head down, biting my lower lip.

“Is it true, Xander?” narinig kong tanong ni Chaz.

Xander didn’t answered him, instead it was Veronica.

“Xandy’s just playing. Come on, Theo away bata lang ‘to.”

Nagtiim bagang kong sinulyapan si Veronica. Both of her hands were on Xander’s shoulder, caressing it in a gentle manner.

“Death is not a good joke. This shouldn’t be tolerated.”

Yumuko si Xander, napansin ko ang palihim nitong pagtago sa dalawang kamay na mahigpit na nakakuyom.

“Seriously? Papatol ka sa mga bata?” tumawa si Veronica. “Let this go already. Celeste just overreacted.”

Huminga ako ng malalim. Veronica is really something.

“Kung pangangaralan mo ang bata, pwede mamaya na lang ‘yan? They’re going to be late.” She added.

Chaz has a concerned looked on his face. He’s trying to calm Eira down by caressing her back while Xander remained silent.

I can say that Chaz wanted to talk more, but he know Veronica is right. Mahuhuli sa klase ang kambal kung mananatili pa kami roon sa halip na tumulak sa eskwela. Hindi namin kasama si, Veronica. Thankfully.

Sa backseat ng kotse ay walang kibuan si Xander at Eira. Madalas ko silang lingunin lalo pa at sa front seat ako nakaupo. Sa tuwing magtatagpo ang mga mata naming ni Eira ay doon lang nawawala ang pagkabusungot ng kaniyang mukha.

“Do you want to talk, son?” tanong ni Chaz sa gitna ng biyahe.

Umiling si Xander, ang tingin ay nasa labas ng bintana. Bumuntonghininga si Chaz. Tinuon na lang nito ang tingin sa harap at hindi na muling nagsalita.
Pagkahatid namin sa mga bata ay nagpaalam ako kay Chaz na may pupuntahan.

“May appointment ako sa doctor ngayon.” Ani ko ng magtanong siya kung saan ako pupunta.

“I’ll go with you.” he affirmed.

“No need! Just wait for the kids.” I reiterated.

Hindi ako pinakinggan ni Chaz sa halip ay binuksan ang passenger seat ng kotse. I released a deep breath, glaring at him.

“This is more convenient. Wala rin naman akong gagawin buong araw.”

“Ano wala kang trabaho?”

Nagkibit balikat siya.

“Mayroon,”

“Eh ‘yon naman pala! Trabaho ang asikasuhin mo, huwag ako.”

Hawak niya pa rin ang pinto ng kaniyang kotse at nasa labas pa rin kami, nagtatalo.

“That’s what I am doing,” he said and licked his already red lips.

“What?”

"Ikaw ang trabaho ko." tumaas ang kilay niya sa akin. "Making you fall in love with me is my top priority. Screw paperwork's,"

I rolled my eyes and went inside the car.

"Baduy,"

Humalakhak siya. Nagawa pang hawakan ang itaas ng bahagi ng kotse na tila pinoprotektahan ang ulo ko.
Sa huli, kasama ko pa rin siyang humarap sa doctor. They run some test and all it, Chaz was patiently waiting. Binigyan ako ng medisina ni Doctor Salazar na kapareho naman ng medisinang iniinom ko.

Half day lang ang klase ng mga bata. Pagsapit ng alas dose, sinundo na namin sila. To my surprise, Eira was giggling at Xander. The latter would smirk and they seemed so cool with each other.

“Bati na kami, Mommy. Xandy already apologized to me, and I forgive him because I love him!” masayang balita niya.

Bago umuwi ay naisipan ni Chaz na mag lunch sa labas. Habang naghihinatay sa order ay may nahagip akong tao na lumabas sa coffee shop na kaharap ng restaurant na kung saan kami naroon.

“I’ll just check something. I’ll be back quickly.” anunsyo ko sa kanila sabay tayo.

“Take care, Mommy. We’ll wait for you here.” si Eira.

The severity of Chaz gaze made me dropped my eyes at him. His face is stern, eyeing me. I looked away and smiled at Eira and Xander for the last time before I stormed out of the restaurant.

Nakita ko pa ang likod ni Rhys na naglalakad patungo sa mga nakaparadang motor. Gumilid ako at dumaan sa pedestrian lane.

“Rhys!” sigaw ko pero hindi niya iyon narinig.

Lakad takbo na ang ginawa ko lalo para lang maabutan siya.

“Rhys!” I called with higher tone of voice.

Tagumpay akong nakatawid patungo sa kabilang kalsada kung nasaan siya.
Sinulyapan ko ang gawi ni Rhys at gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makitang nasa akin na ang kaniyang atensyon.

“Anong ginagawa mo rito? Ang akala ko pa naman nasa isla ka na.” ani ko habang papalapit.

He looked surprised to see me. Na katulad ko’y parang na bigla rin siyang makita ako.

Tumigil ako sa harapan niya, nangingiti. Binuka ko ang sariling labi at akma ng magsasalita ng sa isang isang iglap, biglang humandusay si Rhys sa sahig.

“You moron!”





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro