Ang Paglalakbay Ni Emilia Caddell
Pagsibol ng panahon, pagdaan ng buwan at araw, isang panaginip ang siyang dadalaw. Bawat kislap ng bituin, bawat hampas ng hangin, isang buod ng kahapon, unti - unting babangon. Unos ng tadhana, udyok ng pasya. Paglalakbay ni Emilia Caddell, ay puno ng papel . Magkaibang kultura, magkaibang lahi, magkasalungat ang mundong kinalakihan ngunit may malaking ginagampanan sa kani - kanilang lipunan. Lakas ang puhunan, talas ng isipan ang nagbibigay basihan, ngunit sa isang kalapastangan, nawasak ang lakas na pinakaiingatan. Dahil lamang sa isang panaginip. Napuno ng hiwaga ang isip. Ikaw? Naniniwala ka ba sa iyong panaginip? Pitong bato, pitong dibuho, anong ipinahiwatig? Alay o buhay ? Buhay mo o buhay ng mahal mo.…