Chapter 19
"Tahan na." Iyak pa rin siya nang iyak habang nakahiling siya sa dibdib nito. Wala na muna siyang pakialam kung nagmumukha siyang mahina, kung nagmumukha siyang malambot ngayon, ang gusto niya mangyari ay masiguradong hindi na siya iiwan ni Jared.
"Valentina, I'm not leaving okay? Stop crying, gabi na matulog na tayo." Hindi pa rin siya nagsasalita pero, umalis na siya sa pagkakahiling sa binata at pinunasan ang luha sa mukha niya, tinulungan naman siya ni Jared.
"I thought... It's a one-sided love..." Aniya nito, huminga muna ng malalim si Valentina at kinakalma ang sarili, hindi na namab naging mahirap sa kaniya iyon, madali lang para sa kaniya ang pakalmahin ang sarili.
"Akala ko rin..."
***
Perenteng nakahiga si Valentina sa kama niya, wala si Jared ng magising siya pero hindi niya muna masyado iniisip iyon, ang iniisip niya ay ang desisyon na ginawa niya. Hindi alam ni Jared ang nangyari sa kaniya, ang mga traumang nakuha niya sa pamilya niya, wala itong alam masyado sa kaniya kundi ang pagiging pasaway niyang anak ng magulang niya.
Gulong-gulo siya at pilit na iniisip kung tama ba ang desisyon niyang hayaan ang sarili niyang mahalin si Jared, she didn't expect na magmamahal pa siya ng ibang tao lalo na kung ganoon maski sarili niya nahihirapan siyang mahalin.
Never niya kasi nakita ang sarili niyang, tatandang may asawa at pamilya pero, nang dahil kay Jared parang ang dami niyang gusto gawin, hindi niya lang alam saan magsisimula.
Isa pa, hindi niya alam kung ano na ba sila ni Jared, hindi niya rin alam kung dapat bang malaman ni Jared ang tungkol sa nakaraan niya.
Napalingon siya sa pinto ng kwarto nang bumukas iyon at agad umarko ang isang kilay niya nang makita niyang si Kelvin iyon, tagal niya rin hindi ito nakita, busy na rin kasi sa sariling buhay at balita niya ay nagseselos ang girlfriend nito sa kaniya, hindi niya nga alam na may girlfriend na pala talaga ang kaibigan.
"Umiyak ka?" Agad nitong tanong sa kaniya bago inilapag ang dala-dalang paper bag sa lamesa na malapit lang sa pinto saka naglakad palapit sa kaniya, tumawa naman siya at tumungo.
"Why? Did your father hurt you again? I told you dapat na silang makulo—"
"Wala akong tiwala sa justice system ng bansa natin, gago. Tsaka hindi, isang buwan na akong hindi nagpapakita sa kanila, at wala na akong balak pa." Sagot niya, at tumayo mula sa pagkakahiga saka naglakad papunta sa lamesa.
"Then, why?"
Ngumisi nalang siya at sinilip ang dala ni Kelvin para sa kaniya, ayaw niyang sagutin ang tanong nito dahil sigurado pagtritripan siya nito, lalo na kapag nalaman nito na siya ay umiyak nang dahil sa isang lalaki, sa lalaki.
Umupo naman si Kelvin sa harap niya at iniaayos ang dala nitong pagkain.
"Sino ba iyong girlfriend mo?" Tanong niya sa kaibigan at nagsimula nang kumain, narinig naman niya ang mahinang halakhak nito at ngisi dahilan matigilan siya. Masaya kasi ang paraan nito kaya kataka-taka.
"Don't tell me..."
"Yes, siya nga." Sagot nito, nanlaki ang mata ni Valentina sa gulat at hindi makapaniwala sa inamin ng kaibigan, tumawa naman si Kelvin at napailing nalang sa naging reaction ni Valentina.
"'Di nga?" Mas natawa si Kelvin, agad naman nainis si Valentina kaya sinipa niya ito sa ilalim ng lamesa na kinadaing nito.
"Oo nga, even me hindi makapaniwala magiging girlfriend ko siya, she's my dream woman, Val. You know that." Tumungo siya bago sumubo ulit ng kinakain.
"Pero, kapatid ni Alexis iyon, 'di ba? Iyong boyfriend or asawa yata ni Christina?" Hindi siya sigurado, pero balita niya ay may namamagitan talaga sa dalawa, hindi na rin naman siya nagtaka dahil lagi niyang nakikitang magkasama ang dalawa, hatid't sundo pa.
"Yes..."
"Tarantado ka, 'di ba ayaw noon sa iyo?"
Tumawa si Kelvin. "Nope, not really. Maybe he got jealous only."
Ngumisi naman siya at tumigil sa pagkain, kinuha niya ang Lemonade at nagsimula uminom.
"Ikaw kasi, lapit kapa nang lapit kay Christina." Pang-aasar niya, alam naman niya kasi ang reason ng kaibigan bakit ito lumalapit kay Christina.
Maraming alam si Kelvin about sa mga Hernandez at Vergara. Gusto rin niyang tulungan si Christina na masagot ang mga tanong nito sa buhay, nasa tingin niya kahit sa gano'n paraan man lang ay makabawi si Kelvin kay Christina.
Habang sa mga Hernandez naman ay sinusundan talaga nito si Alexa, dahil doon nalaman din ni Kelvin ang sekreto ng Mama nila Alexis. Sa sobrang daming alam ng kaibigan niya pwede na itong maging source.
Alam din ni Kelvin ang namamagitan kay Celestine at Axel, ang kapatid ni Alexis at Christina, alam din ng kaibigan ni Valentina ang kasinungalingan na ginagawa ni Celestine.
Ang hindi lang nito alam ay ang about sa kanila ni Jared, binantaan niya na kasi ito na huwag pakialam ang buhay niya.
"I don't like her, you know the reason why ako nalapit sa kaniya beside, si Alexa ang gusto ko, the woman I saved before." Tumungo nalang siya, alam naman niya iyon.
Tinulungan ni Christina si Kelvin noon kaya malaki ang utang na loob ni Kelvin kay Christina, habang si Alexa naman ang tinulungan niyang babae noon.
Maya-maya lang ay nagpaalam na si Kelvin na aalis na, nilinis lang ni Valentina ang pinagkainan niya saka siya nagpasya maligo.
Pagkalabas niya ng bathroom ay bihis na siya, simpleng black spaghetti straps top ang pang-itaas niya habang black leggings naman ang pang-ibaba niya, nasa bahay lang naman siya at si Jared lang naman ang kasama niya.
Minsan lang siya maglabas ng balat kahit sa bahay lang.
Kinuha niya ang cellphone niya para i-text si Jared, dahil ala-una na ng hapon ay wala pa rin itong tawag.
Ako:
San ka?
Dahil hindi naman agad nabasa ang text niya ay nagpasya muna siyang maglinis ng bahay nila at ayusin ang dapat ayusin, napagpasyahan din niyang maglaba. Halos inabot na siya ng gabi ng matapos niya ang lahat ng iyon nagplaplano na rin siyang ayusin ang bahay niya, masyado kasi malungkot at kulang sa mga gamit, may pera naman siya galing sa savings niya, may ibang pera pa siya galing sa kinikita niya sa investment sa isang kakilala, maliit lang ang pinasok niya roon pero at least kumukita kahit papaano, nang tignan niya ang orasan ay laking gulat niya na ala-syete na pala ng gabi pero, maski ay hindi nag-text si Jared sa kaniya.
Agad naman siyang nag-aalala at tinawagan ang number nito pero, nakailang ring na ay walang sumasagot.
Mabilis siya tumakbo sa pinto nang marinig niya ang doorbell mula sa may Gate. Mabilis kumunot ang noo niya nang makita ang isang Pulang sasakyan at dalawang lalaking akay-akay si Jared.
Hindi na niya pinansin ang suot niyang straps at tatakbo niyang pintahan si Jared.
"You're?" Tanong sa kaniya ng dalawang lalaki.
"Valentina, his girlfriend."
"Sabi sa iyo lumalandi rin si Red."
"Edi wow."
Nagulat siya sa inakto nang dalawa pero kinuha nalang niya si Jared at inakay ito.
"You, both of you? How are you?" Tanong niya rin, agad naman ngumiti ang dalawa sa kaniya.
"I'm Giovanni." Pakilala nung isang lalaking nagsabing humaharot din si Jared.
"James." Pakilala naman nung isa at kumaway pa sa kaniya.
"Anong nangyari? Lasing ba 'to?" Taka niyang tanong habang nakatingin kay Jared na nakahiling sa balikad niya.
"Oo, gulat nga kami ala-una nagyaya sa Bar iyang hayop na iyan, eh hindi naman umiinim iyan, isa pa mahina sa alak, tapos naiyak tangina! Inaway mo ba iyan?" Paliwanag ni James. Mabilis naman siyang umiling.
Inaway? Taka niyang tanong sa isip.
"Eh ba't naglasing?" Si Giovanni.
"Basta kanina sabi niya nung lasing na iyan, ano kasi nalandi kasi kami kanina, malay ba namin may jowa iyan, eh No girlfriend since birth iyan." Daldal pa sa kaniya ni James. Narandaman naman niyang dumadampi ang labi ni Jared sa leeg niya pero hindi niya na pinahalata iyon.
"Tapos sabi niya roon sa babaeng lumapit." Hinawakan ni James si Giovanni at itulak iyon. "What the hell?!"
"Go away! May asawa ako! Sigaw niya, shutek ka! Gulat kami!" Sigaw pa ni James, hindi niya napigilan matawa dahil ginagaya pa talaga nito ang halos lahat.
"Hm... Amoy Valentina, amoy ng mahal ko..." Rinig niyang bulong ni Jared, pakirandam ni Valentina ay nanghihina siya sa patuloy na pagdampi ng labi at hininga ni Jared sa leeg niya.
"Basta ganoon na iyon, Valentina. Inaaway niya iyong mga babaeng humaharot sa kaniya, inakala pa nga bakla siya pero, eto pa! Putcha umiyak!"
"Huh?" Gulo niyang tanong at nilingon si Jared bago binalik ang tingin sa dalawang nasa harap niya.
Si Giovanni ay nakatingin lang kay James na nagkwekwento, nakasandal ito sa sasakyan na dala nila habang nakangisi sa kaibigan.
"Sabi ba naman, hindi raw talaga siya mahal ni Val daw, sabi ko sinong Val hindi sumagot tapos, palakas na nang palakas iyong iyak kaya hinila na namin palabas kasi nakakahiya, sabi nakita raw niyang masaya si Val kasama iyong lalaki!" Napailing nalang siya, kung titignan ang tatlo, si James ang pinaka madaldal at parang babae sa sobrang ingay, habang si Giovanni ang tahimik na masungit, si Jared naman ang mabait sa kanila.
"Tap—"
"Uwi na tayo." Si Giovanni iyon, ngumuso naman si James.
"Pero, Babe—"
"Antok na ako Babe."
Paulit-ulit napapikit si Valentina sa narinig.
"K-Kayo?" Gulat niyang tanong, sabay naman tumungo ang dalawa, mula sa pagkakasandal sa sasakyan ay lumakad si Giovanni sa gilid ni James at inilagay ang kamay nito sa bewang ni James. Kung titignan sila Si Giovanni ang lalaking-lalaki tignan.
"Kala ko lumalandi kayong tatlo..."
"Yeah," si Giovanni ang sumagot. "Nilalandi ko si James, habang si Jared hinahayaan namin harutin nung iba because we thought he's still single."
Tumungo nalang siya at hindi nagsalita, nagpaalam na ang dalawang uuwi na kaya agad niyang ini-lock ang gate at akay-akay na pinasok si Jared sa loob.
Lihim siya napangiti nang maalala ang dalawa kanina, she didn't expect na may kaibigan pala si Jared na member ng LGBT community.
"Darling..." Mariin na pumikit si Valentina at umaktong walang narinig.
Narandaman niyang gumapang ang kamay ni Jared mula sa likdo niya hanggang sa tagiliran niya.
"I love you, Darling..."
"Ba't ka ba naglasing?" Inis niyang tanong habang binibisan si Jared nang maayos.
"Hm... Do you like your friend? Kelvin?"
"Gago, hindi!" Sigaw niya, parang may ideya na siya agad bakit ito naglasing. "Ikaw lang ang mahal ko, at gusto ko."
"Hmm... Yeah... Only me, because I already owned you, I knew that..."
"May nangyari na sa atin at lahat ganiyan pa rin iniisip mo." Natawa nalang si Valentina at tinapos ayusan si Jared na tulog na tulog na bago siya nahiga sa tabi nito at natulog na rin.
Kung noon, laging basungot, masungit, at galit ang mukha niya kapag natutulog ngayon, nakatingin at magaan sa pakirandam, ganoon siguro sad'ya kapag iniingatan kana.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro