Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52

DID WE REALLY DO THAT?

Buong linggo ako na hindi natahimik sa kakaisip sa sinabi ni Jordan. Hindi ko talaga maalala dahil siguro bangenge ako sa kalasingan. Hindi na ako ganoon kalakas mag-inom katulad ng dati, 'tapos ang lakas pa ng tama ng tinira kong alak.

Naibato ko ang unan sa pader dahil nakita ko sa bintana ang pagpasok ng kotse niya sa lawn. Nandito na naman siya. Ang nagbukas sa kanya ng gate ay si Nanette.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya punta nang punta samantalang palagi namang wala si Ninong Luis dito dahil abala ang step-father ko sa pag-aasikaso ng ilang negosyo.

Hindi rin naman siya nahaharap ni Mommy dahil puyat lagi ang babae sa pag-aalaga ng sanggol.

Pumupunta si Jordan sa kahit anong araw at oras niya gusto. Nagugulat na lang ako na nandito siya. Ang kinakausap lang naman niya pag pumupunta rito ay si Levi lang.

Hindi ako lumabas maghapon. Kahit nang magutom ako ay hindi pa rin ako nag-abala na pumunta ng kusina. Inabala ko ang sarili sa pagbabasa ng kung anu-anong article sa Internet na tungkol sa pagtatayo ng negosyo.

Bandang alas tres nang hindi ko na kinaya ang pagkauhaw. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na nasa lawn pa rin ang kulay puting Porsche. Ang may ari niyon ay hindi ko alam kung saang lupalop ng bahay naroroon.

Maybe he was in Levi's room. Baka naglalaro sila ng PS4 ng kapatid ko? O kaya nasa garden at nagkukwentuhan. And their topic, the Marvel heroes vs DC heroes again.

Dahil sa uhaw ay lumabas na ako ng kwarto. Tahimik ang paligid kaya malamang na kung wala sa kwarto si Levi ay nasa garden ang bata. For sure, he was with his Ninong Jordan. Mabuti dahil hindi ko makikita ang lalaking iyon.

Binilisan ko ang paghakbang. Pagbaba ko ay muntik akong madulas nang makitang nasa baba ng hagdan mismo si Jordan. Nakasandal siya sa pader at nakatingala sa akin. Nakataas ang isa sa makakapal niyang kilay.

Kahit hindi siya magsalita ay dama ko ang pang-uuyam ng mga titig niya. Hindi siya tanga para hindi niya mahalata na umiiwas ako.

Tama naman dahil totoo lang na ayaw ko siyang makita. Isang linggo ko nang ginagawa ang lahat para hindi mag-krus ang landas namin dito sa tuwing pupunta siya.

Hinamig ko ang sarili at kaswal na nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan. Kailangan ko lang na makalampas sa kanya. Ang akala ko ay magtatagumpay ako nang humakbang siya pasalubong sa akin.

"What do you want?" sita ko sa kanya dahil hantaran na siyang humaharang sa daan.

"I'm waiting for Levi."

Kilay ko naman ang tumaas. Nang umangat ang gilid ng kanyang bibig ay nag-init na ang ulo ko.

"Get the fuck out of my way," mariing bigkas ko.

Gusto kong maging kaswal, formal at kung maaari lang sana ay maging kalmado, but this man was getting into my nerves.

We were not friends to start with. Alam niya ang dahilan, alam niya kung bakit ganito kami pero nakakairita na parang wala lang sa kanya.

Nang magbigay daan siya ay binangga ko siya sa braso saka ako mabibigat ang mga paa na naglakad patungo sa kusina. Paharabas na binuksan ko ang ref para kumuha ng pitsel ng tubig.

Nakatingin sa akin si Nanette na naghuhugas ng mga plato. Nagtataka marahil siya kung bakit badtrip ako. "Ma'am Carlyn, hinihintay po kayo ni Architect. Nagkita na po kayo—"

Pabagsak kong ibinaba ang baso sa island table. Sa gulat ni Nanette ay hindi niya naituloy ang sinasabi. Humingi naman ako ng pasensiya sa kanya bago ako umalis ng kusina.

Pagbalik ko sa hagdan ay kumuyom ang aking mga palad nang makitang nakatayo pa rin doon si Jordan.

"What the fuck do you want?"

Matamang nakatingin lang naman siya sa akin. Walang kahit anong salita siyang binibitiwan na lalong ikinakulo ng dugo ko.

For Pete's sake, did he forget that we were ex-lovers? That he dumped me because I was immature and stupid? A mess?

Did he also forget that hated me? He should be the one to avoid me. Dapat nga magtago siya at lumayo. But why the hell was he doing the opposite?

Kahit pa sabihing napatawad niya na ako at nakalimutan niya na ang nakaraan, ang weird pa rin na nagkakaharap kami dahil hindi naman kami naghiwalay bilang magkaibigan.

Nang talikuran niya ako, kahit pa katalikod-talikod naman talaga ako, hinabol ko pa rin siya. Halos lumuhod ako sa pagmamakaawa pero ayaw niya talaga.

Isinusuka niya na ako. But being the stubborn girl that I was, I still didn't give up on him.

Kahit galing ako sa ospital, kahit hirap akong tumayo, at nanlalabo ang mga mata ko dahil sa ilang gabi na pag-iyak dahil namatayan ako, siya pa rin ang inaalala ko. Ayaw ko siyang isuko.

Pinuntahan ko ulit siya kahit mukha na akong desperada, pero ayaw niya na talaga. Tinanggap ko na rin kahit masakit at nakakagalit.

Wala akong karapatang magalit pero nagalit pa rin ako. I just hated him. I hated him because he really made me hope back then.

Sinisisi ko ang sarili ko higit sa lahat. Para akong mababaliw. Ayaw ko na sanang maalala kung gaano kasakit kaya ayaw ko na siyang makita----



"Carlyn."

Napakurap ako nang marealized na nasa harapan ko na siya. Ang mas ikinabigla ko ay hawak niya na ang kamay ko habang nakayuko siya sa akin at ang mga mata niya ay kababakasan ng pag-aalala.

Umawang ang mga labi ko. What happened?

Did I just zone out?

Binawi ko agad ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jordan. Nanlalaki ang mga mata ko na mahinang napamura.

Tinalikuran ko na siya at patakbo akong umakyat sa hagdan. Iniwan ko siya sa ibaba na hindi ko alam kung nakasunod pa rin ba ng tingin sa akin hanggang sa tuluyan akong mawala.

Pagpasok ko sa kwarto ay humihingal ako. Hinanap ko ang pouch na kinalalagyan ng aking mga gamot.
Napamura ako muli nang maalalang wala akong dinalang tubig.

Oh, great! Just great!

Pasubsob na dumapa na lang ako sa kama at sinikap na makatulog kahit napakaaga pa.

Nang sumunod na araw ay nagpaalam ako na mauuna nang umuwi sa Cavite. Kailangan ko na kasing asikasuhin ang paghahanap sa pwesto ng itatayo kong café.

Kailangan ko nang maging abala.


Charles Felix:
What time should I pick you up?

Sinabi ko na kahit 6:00pm ay okay lang. Pauwi si Charles ng Cavite kaya nang tanungin niya ako kung sasabay ako ay umoo agad ako.

Pagsapit ng alas sinco ay naka-ready na ako. Bumaba ako sa hagdan habang nakatingin sa screen ng phone. Kaka-text lang ulit ni Charles at ayon sa kanya ay nasa gate na siya ng subdivision.

"Sigurado ka bang hindi ka sasabay kay Jordan?" tanong ni Ninong Luis nang makarating ako sa sala.

Nakatayo roon ang step-father ko. Paalis din dahil may meeting daw siya sa Shangri-La ng 7:00pm.

"I'm fine, Ninong." Sinabi ko na sa kanya na may susundo sa akin pero paulit-ulit pa rin siya sa pagtatanong.

"Do you know this guy?"

"Of course." Sinikap kong ngumiti. "Don't worry, I'm with Nanette."

They chose to stay here. Si Mommy ay sabay na nagpapagaling habang full time sa pag-aalaga kay Baby Caley. Kinuhanan naman ng bagong nanny si Levi para may mag-aasikaso rito dahil babalik na ang bata sa pagpasok sa Kinder. While Ninong Luis needed to stay in Manila for some businesses.

Nang una ay ayaw akong paalisin ni Mommy. Pumayag lang siya na umuwi ako ng Cavite nang hayaan ko siyang pasamahin sa akin ang batang kasambahay na si Nanette. Para daw may kasama ako sa bahay.

Kasunod kong bumaba ng hagdan si Nanette. Bitbit na niya ang maliit na maletang dadalhin. Hindi raw muna siya papasok ngayong sem.

"Ma'am Carlyn, aalis na po?"

"Yes, parating na ang sundo natin."

"Hindi po tayo sasabay kay Architect?"

"No."

Nauna na akong lumabas ng main door.

Sa labas ay natanaw ko na nakatayo si Jordan habang may kausap sa hawak na cellphone. Nakakunot ang noo niya nang lumingon sa gawi ko.

Kahapon lang kami ulit huling nagkita at nandito na naman siya. Pero huli na ito dahil uuwi na ako sa Cavite. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ma'am Carlyn, magkaaway po ba kayo?"

Malamig na tiningnan ko si Nanette. Sapat na iyon para makuha niya na hindi ko gusto ang kanyang katabilan. Nanahimik siya at napahawak sa sariling bibig.

"Stop calling me 'ma'am', Nanette," utos ko pagkuwan. "Ang sakit sa tainga."

Nag-peace sign siya. "Sige po, ate."

'Ate' was okay since I was three years older than her.

Nang huminto ang itim na Mazda 3 sa labas ng gate ay naglakad na ako patungo roon.

Dumaan kami ni Nanette sa harapan ni Jordan. "Alis na po kami, Architect," paalam ni Nanette sa kanya.

Ako naman ay dumaan na hindi lumilingon o tinitingnan man lang ang kanyang reaksyon. Dire-diretso ako sa labas ng gate.

Paglabas ko ay saktong nakababa na si Charles sa sasakyan.

"Sorry, naabala pa kita," sabi ko nang kunin niya sa akin ang bitbit kong maliit na maleta. Inilagay niya iyon sa trunk ng kotse.

Nakangiti siya nang ipagbukas ako ng pinto sa passenger seat. "Ano bang abala? Pauwi naman na rin ako ng Cavite."

Nakangiti si Charles pero hindi nakatakas sa akin ang sandaling pagbabago ng repleksyon sa kanyang mga mata nang mapatingin siya sa loob ng gate.

Nang lumingon ako roon ay nakita ko si Jordan na nakatayo pa rin sa kinatatayuan kanina. Formal ang kanyang ekpresyon habang nakamasid sa amin ni Charles. Binawi ko rin agad ang tingin ko sa kanya.

"Saan po ako, kuya?" may kilig sa tono na tanong ni Nanette kay Charles. Hindi ko masisi si Nanette dahil talaga namang very charming si Charles.

Doon lang naman yata naalala ni Charles ang tungkol sa kasama ko. "Ah, sorry." Mabilis naman niyang kinuha ang dalang maleta ni Nanette at inilagay rin sa trunk. Ipinagbukas niya ng pinto sa backseat ang babae pagkatapos.

Nakasakay na kami sa kotse ay nahuli ko pa ang pagtingin ni Charles sa labas ng windshield at ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. But he smiled sweetly when he looked at me.

Dahil gabi na at naabutan pa ng traffic kaya hindi ko namalayan na nakaidlip ako sa passenger seat. Si Nanette sa likuran ay mukhang nakatulog din dahil sa tagal ng biyahe.

Naalimpungatan ako sa mga busina mula sa mga naiinip na biyahero. Pagmulat ko ng mga mata ay nakahinto kami sa gitna ng traffic sa Edsa.

Paglingon ko kay Charles ay seryoso siya na nakatingin sa harapan. Tila may malalim siyang iniisip. Nang maramdaman niya na gising ako ay tumingin siya sa akin at sa isang iglap ay parang magic na nabura ang pagiging seryoso ng kanyang mukha.

Umayos ako sa pagkakaupo. "Sorry, Charles. Nakatulog ako."

Ngumiti siya. "Okay lang. Sleep some more. Gigisingin na lang kita pag nasa inyo na."

Nilingon ko si Nanette sa likod. Tulog na tulog ang babae at bahagyang naghihilik pa.

"Who's she?" tanong ni Charles sa akin.

"Kasambahay sa bahay ng step-father ko sa Muntinlupa. Ipinasama muna sa akin ni Mommy para may makasama ako sa bahay namin sa Cavite."

"Okay iyon. Mabuti na rin may kasama ka." May mabait na ngiti pa rin sa mga labi niya. Ang mga mata niya kanina'y seryoso ay ngayo'y napakaamo.

Sandali akong napaisip nang mapagtanto na kanina ang unang beses na nakita kong ganoon kaseryoso si Charles. Nakakaaliw dahil may ganoon din pala siyang side.

Nag-beep ang phone niya na nasa dashboard ng kotse. Dinampot niya iyon at binasa ang text. Hindi naman ako kumikibo para bigyan siya ng privacy.

Nang tingnan ko ulit si Charles ay nakita ko pati ang mga mata niya ay nakangiti ngayon sa akin. "Tita ko. Inaalam kung nakauwi na ako."

"Ah, okay."

"Alam niya na kasama kita ngayon." Ibinalik niya sa dashboard ang phone at muli akong nilingon. "Nabanggit ko lang na may isasabay ako pauwi ng Cavite. Dahil doon ay na-curious na siya kung sino ka. Sorry."

Tipid akong ngumiti. "Okay lang. Magkaibigan naman tayo."

"Yeah." Tumango siya. "Pero hindi ganoon ang iniisip ni Tita. Actually, naku-curious siya dahil sa buong taon na pinaaaral niya ako ay wala siyang nababalitaang babae na nakakasama ko. Ito ang unang beses kaya kinukulit niya ako na sana makita ka niya in person."

Hindi na ako umimik.

"Nakababata siyang kapatid ng nanay ko. Dahil siya ang nakakaluwag sa buhay, nakapangasawa kasi siya ng may kaya, siya ang nagpaaral sa aming magkakapatid. Ang kaso nga lang, mga hindi nakatapos ang dalawa kong kapatid. Maaga silang nag-asawa pareho."

Napatingin ulit ako kay Charles. "Naiwan sa 'yo ang pressure kaya sinikap mong makatapos?"

Tumango siya. "And the burden, too. Lahat napunta sa balikat ko kaya talagang sineryoso ko ang pag-aaral. Ayaw kong sayangin ang kabaitan ng tita ko at syempre, gusto ko ring magkaroon ang nanay at tatay ko ng anak na nakatapos ng college."

Sa loob ko ay napapangiti ako. Nakaka-proud dahil kitang-kita naman na talagang nag-matured na siya.

"Itong kotse ko, sa mayamang asawa ng tita ko ito. Ibinigay na sa akin pero huhulugan ko pa rin. Napatapos na nila ako e kaya ayos na iyon. Hindi na nila ako obligasyobn. Ayaw ko nang tumanggap ng sobra. Magsisimula na akong magtrabaho sa bangko next month, 'tapos unti-unti kong babayarang itong Mazda."

"I'm rooting for you, Charles."

Matamis ang ngiti niya hanggang sa makarating na kami sa Cavite. Habang pasimple akong sumusulyap sa kanya ay napapangiti rin ako. He was really handsome. Mabait din kaya swerte ang kung sino mang magiging girlfriend niya.

Nagyaya siya na kumain muna sa nadaanan naming resto. Nag-suggest ako na drive-thru na lang. Hindi naman siya tumutol pero ako ang tumutol ng ayaw niya akong pagbayarin.

"Next time, ako naman ang ilibre mo," iyon lang ang sinabi niya matapos niyang bayaran ang tag iisang order namin ng burger, fries and soda.

Gising na rin si Nanette sa backseat at magana nang kumakain. Nalilibang siya sa pagtingin-tingin sa labas ng sasakyan dahil ngayon lang daw siya makakarating sa south.

Ako naman ay naging abala sa aking kinakaing burger. Dahil inabot kami ng rush hour sa kalsada ay ginutom ako.

"Ate, subuan mo si kuya," sabi ni Nanette sa akin. "Di siya makakain kasi nagda-drive!"

Nang lingunin ko si Charles ay sakto na may tumapat sa aming ilaw mula sa nakasabay naming motorista sa daan. Kitang-kita ko tuloy ang pamumula ng pisngi niya.

Wala pa siyang kinakain pero nagkandasamid na siya. "Uh, i-it's okay. M-mamaya na." Ni hindi siya makalingon sa akin.

Sinasabi niya lang na okay pero malamang na gutom na rin siya na katulad namin ni Nanette. Nakokonsensiya tuloy ako kung bakit hindi pa ako pumayag na mag-stop over muna kami para kumain sa resto kanina.

Dinampot ko ang burger niya at binalatan sa plastic. Inumang ko iyon sa harapan niya. "O, susubuan kita pero as a friend lang. Wala itong malisya."

Lalo namang namula si Charles. Pati ang tainga niya ngayon ay pulang-pula na rin.

"Hoy, Charles, wag nang ma-pride at baka nagwawala na rin ang mga bulate mo sa tiyan."

"Wala akong bulate sa tiyan, daga sa dibdib meron," bulong niya na narinig ko.

"Talaga ba? O kain na." Pinagduldulan ko sa bibig niya ang burger kaya wala siyang takas kundi kagatin iyon.

Nang maubos niya ang burger ay tinulungan ko rin siya na makainom sa straw ng soda. This time ay talagang nasamid na siya na kinailangan ko pa siyang dagukan sa likod niya.

Kilig na kilig naman si Nanette sa backseat. "Ate, di ko na alam kung kaninong team ako! Nai-stress na ako!"

"Manahimik ka!" asik ko sa kanya.

Pagkarating sa bahay namin sa Navarro ay inalok ko si Charles na pumasok muna para magkape. Tumanggi siya dahil gabi na raw at hindi maganda kung papasok pa siya sa bahay na kami lang dalawa ni Nanette ang babae.

Bago siya umalis ay hinintay niya muna na makapasok kami at maisara ang gate. Pahiga na ako sa kama nang mag-text siya para mangumusta at sabihing nakauwi na siya sa kanila sa Buenavista.

Si Nanette ay sa guestroom sa rooftop tumuloy pansamantala. Itinuro ko sa kanya ang pagpunta roon.

Pumasok na rin ako sa aking kwarto. Nagbihis ako ng pantulog. Isang manipis na red silk lingerie. Tanging panties lang ang aking panloob.

Bandang alas dose ng hating gabi nang bumangon ako sa kama. Nakalimutan ko na magdala ng tubig sa kwarto. Kailangan ko na uminom ng gamot para sa panic attack. Lumabas ako ng kwarto na naka-lingerie lang. Hindi na rin ako nag-abala na magsuot ng bra dahil kami lang naman ni Nanette ang naririto.

Pagdaan ko sa sala ay nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko pinansin dahil ganito naman talaga ang nararamdaman ko kapag nalilipasan ako sa pag-inom ng gamot. Dumiretso na ako sa kusina.

Nasa kalagitnaan ako ng paglagok ng tubig nang may matangkad na lalaking pumasok sa pinto ng kusina. Naibuga ako ang iniinom ko at nabasa ang harapan ng aking suot na manipis na red silk lingerie.

Napayakap ako sa aking katawan bago ko pa makilala na ang lalaki ay si Jordan. "Sinong nagpapasok sa 'yo?!"

Parang hindi siya nagulat na nandito ako. Kung may ikinagulat man siya ay ang naabutan niyang itsura ko.

Hindi naman ako magkamayaw sa pagyakap sa aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang uunahing takpan.

Ang dibdib ko ay halos lumuwa na sa malalim na neckline ng lingerie, dagdag pa ang mga nipples na bahagyang nakaangat dahil sa nalamigan nang mabuhusan ko ng tubig. Sa pang-ibaba ko naman ay halos lumagos na sa manipis at maiksig laylayan ang suot kong black lacey panties.

Umalon nang makailang ulit ang lalamunan ni Jordan bago nakuhang sumagot. "Si Nanette. Nasa sala siya nang dumating ako kanina."

"Why are you here?!" paangil na sigaw ko.

Nasa Muntinlupa lang siya kanina at akala ko mag-stay siya sa Manila. Bakit nandito agad siya sa Cavite?

Saka tapos na ang rooftop kaya ano pa ang gagawin niya rito? May balak ba siyang planuhing gawing building itong bahay namin para wala nang katapusan ang pagawa?

Ang paglunok niya ay inuwi niya sa pagtikhim. "Pinakiusapan ako ni Tito Luis na samahan kayo ngayong gabi. Nag-aalala siya dahil dalawa lang kayong babae ni Nanette rito."

"What?!" Kulang na lang ay tumalsik ang tonsil ko dahil sa narinig.

Bumalik sa pagiging flat at formal ang tono niya. "I'll be sleeping on the sofa since Nanette is occupying the guestroom. Don't worry, may lakad ako bukas kaya maaga rin akong aalis."

Pagkasabi niya na mag-stay over siya ay saka ko lang nabistahan ang kanyang ayos. Grey sweatpants and plain white t-shirt ang suot niya. Wala ang kanyang specs at magulo ng bahagya ang buhok niya. Siguro nakahiga na siya sa sofa nang bumaba ako kanina.

O baka nakiligo na rin siya rito nang hindi ko nalalaman.

"Bahala ka sa buhay mo," naisatinig ko.

Yakap pa rin ang sarili na lumakad na ako para lampasan siya. Nang maparaan ako sa harapan niya ay bumulong siya sa aking tainga na sanhi para kilabutan ako sa init at pagkagulat.

"Carlyn, you can stay if you can't sleep, too."

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "What's your deal?"

Ngumiti siya at pumunta sa mesa. Ipinaghila niya ako ng upuan na parang sinasabing maupo ako roon. Hindi naman ako tuminag sa kinatatayuan.

"What? You're just bold when drunk but coward when sober?" malumanay ang pagsasalita na akala mo walang laman ang sinasabi.

But I knew better. He was teasing me. Provoking me. He wanted me to react.

Kung sa ibang pagkakataon ay hindi ko siya pag-uukulan ng pansin, pero hindi ngayon na hindi pa umiepekto sa akin ang pampakalma. Naiirita ako sa pinupunto niya.

Hindi ako ang klase ng tao na pag nalalasing ay naghahanap ng ex.

Nang humakbang siya palapit sa akin ay hindi ako gumalaw. Hinintay ko hanggang nasa mismong harapan ko na siya. "What is it that you really want?" malamig na tanong ko sa kanya.

Baka kung makukuha niya na kung ano man iyon ay tumigil na siya pagkatapos.

Bahagya siyang yumuko dahilan para ako naman ang mapaatras. Ang isang atras ko ay kapalit ng dalawang hakbang niya paabante. Napalunok ako nang tumingala sa kanya.

"I'm going to kiss you right now," maaligasgas at nagkaroon ng paghihirap ang boses niya nang sabihin iyon. "You can avoid it if you don't want it."

Namilog naman ang mga mata ko dahil sa pagiging diretso niya.

Napakurap ako nang mahimasmasan. Kiss? Gusto kong mabwiset sa sarili dahil ano lang ba iyong isang halik para matigilan ako?

Kiss lang iyon. Hindi big deal. If it was just a kiss that he wanted from me, then fine.

Hindi ko na siya hinintay. Ako na ang umabot sa mga labi niya at hinalikan siya nang mariin at malalim. Natigilan siya at kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang kulay tansong mga mata dahil hindi niya inaasahan.

I wanted to laugh. Hindi ba siya makapaniwala na wala lang sa akin ang isang halik? Akala ba niya tatakbo ako at magpa-panic?

Inilapat ko ang aking mga palad sa mainit at matigas na dibdib ni Jordan habang inaangkin ko ang mga labi niya. Ang pag-atake ng mga labi ko sa kanya ay malamig at marahas. Kahit may nalasahan na akong dugo ay wala akong pakialam.

Gusto kong durugin ang mga labi niya dahil nakakairita ang kalambutan ng mga ito. Hindi rin ako natutuwa sa mainit at mabango niyang hininga.

Wala lang ang lahat ng ito dahil para sa akin ay balewala lang ang makipaghalikan sa kanya. Hindi siya naiiba sa mga lalaking hinalikan ko na. I've kissed a lot of men in Singapore and I was used to different kinds of lips.

Karamihan sa mga naka-blind date ko ay nakakahalikan ko sa bar, sa parking lot o sa loob ng kotse. Pero hindi lumalampas sa halik dahil kahit gaano kaguwapo, kayaman, kabango ang kahalikan ko ay walang epekto sa akin.

Kahit paliguan ako ng mamahaling regalo, ng papuri, at atensyon ng mga lalaking iyon ay babalewalain ko lang. Hindi rin ako tinatablan ng kahit gaano katamis na salita.

Pangakuan man ako na susungkitin ang buwan at maging ang mga bituin para ialay sa akin, wala pa rin akong mararamdaman. Bukas ang isip at mata ko sa reyalidad na lahat ay may katapusan.

I was so cold that those men started to hate me. I was labeled as an ice queen but I didn't give a shit.

Nang dumilat ako ay nakita ko na nakapikit na ang kaninang nanlalaking mga mata ni Jordan. Ang mahahaba niyang pilik-mata ay bahagyang gumagalaw. Tinatanggap niya lang ang halik ko at kahit gaano karahas ang paraan, nagugustuhan niya iyon.

Nang maramdaman ko ang paganti niya sa halik ay ako naman ang pinanlakihan ng mga mata. He was now eagerly returning my kiss.

Jordan nibbled my lower lip then deepened the kiss. At first, he was gentle and passionate, and then his kisses turned demanding and aggressive.

Humigpit din ang pagkakayakap niya sa akin bewang na ikinagulat ko. Kailan niya pa ako niyakap? Bakit hindi ko namalayan?

Nang dumilat siya ay nagtama ang aming mga mata. Malamlam ang mga tingin niya na hindi ko maintindihan kung bakit may kabig sa dibdib ko. Nang muli siyang pumikit at mas laliman pa ang halik ay natulala ako.

It felt like I was drowning. Like he was swallowing my soul. Pumikit ako nang mariin at kinagat ang ibaba niyang labi. Napaungol siya pero hindi pa rin tumigil.

Ginantihan ko ang paghalik niya sa mas marahas pang paraan hanggang sa pareho na kaming sumuko dahil sa pagkakapos ng paghinga. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay kapwa kami humihingal na dalawa.

Nakatingala ako sa kanya at sinasalubong ang nakakalunod na mga tingin niya. "Are you satisfied now?"

Nagulat ako na imbes na mailang ay seryoso ang kanyang ekspresyon. "No."

Umatras ako palayo kaya lang mabilis na nasalo ako ng matigas niyang mga bisig. Napaawang ang mga labi ko nang sa muling pagtingala ko sa kanya ay nagliliyab na ang kaninang malamlam niyang mga mata.

"I want more than that."

Nang makabawi sa pagkagulat ay hinaplos ko ang kanyang pisngi at malambing siyang nginitian. "Go to the bathroom and wait for me there."

JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro