CHAPTER 1
Harmless
Pinagmasdan ko sa salamin ang bawat detalye ng lugar na kinalakihan ko. Ang lugar na itinuturing na isang paraiso na iilang mga tao lamang ang binigyan ng pagkakataong manirahan dito.
Ang Astraea, ang center state ng Erdavistan.
Naging saksi ang lugar na ito sa bawat luhang pumatak mula sa aking mga mata at mga ngiti sa aking labi sa bawat tagumpay na nakamit ko. Bitter and sweet memories pero para sa akin ay mas nangingibabaw ang lungkot na matagal nang tinanggap sa sistema ko. Alam kong kahit anong gawin ko at kahit anong ngiti ang gawin ko ay hindi nito matatabunan ang masasakit na alaala na pilit kong ibinabaon sa limot. I've been trying and now, I'm tired. Tanggap ko na ito ang tadhana ko at parusa sa mga kasalanan ko—ang mabuhay sa lungkot.
Ang Astraea ay punong-puno ng buhay umaga man o gabi dahil sa mga ilaw mula sa matatayog na building at bawat sulok ay may makikitang streetlights. Animo'y hindi natutulog ang lugar na ito. Makikita rin ang mga taong abalang-abala sa kani-kanilang ginagawa. Karamihan ay papauwi na sa kanilang mga bahay matapos ang trabaho. Ngunit hindi mapagkakaila ang karangyaang taglay ng bawat establishment na nadadaanan namin. Ang mga bahay dito ay naglalakihan na tila nagpapaligsahan. Tunay ngang magpapasalamat ang sinuman kung sakaling mapabaling sa mga taong maging parte ng estadong ito.
Nabaling ang pansin ko nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa handbag na dala ko. Agad ko itong kinuha at sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.
"Where the hell are you?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya. Hindi ko maiwasang umirap dahil alam ko na kung anong sasabihin n'ya sa oras na malaman n'yang nasa train na ako dahil ilang beses na kaming nagtalo tungkol rito.
"I'm on my way." Tipid na sagot ko sa kan'ya at muling ibinalik ang tingin sa labas ng umaandar na train. Gusto kong titigan at kabisaduhin ang bawat detalye ng lugar na ito dahil nasisiguro kong matagal pa bago ko ulit masulyapan ito.
"What!? You can't do this to me." Bahagya s'yang natigilan at alam kong pinipigilan n'yang umiyak. I'm sorry, I have to do this.
"We already talked about this, aren't we?" Malamig na sagot ko sa kan'ya. I know she doesn't deserve my treatment to her pero walang mangyayari sa akin kung hindi ko tatatagan ang loob ko. You have to be firm and strong if you want to survive in this world.
"I never agreed to this! Get the fuck down of that train and come back. That's an order from the dir—" hindi ko na s'ya pinatapos pa nang magsalita akong muli.
"I'll comeback soon and stop using your superiority over me. I already resigned." Saad ko at pinatay na ang tawag. Ngunit bago ko tuluyan i-off ang phone ko ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Marah.
Just to inform you, I never agreed to your plan and I also know that you don't need my approvement as the director but please, comeback safe, as my sister.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa message n'ya dahil kahit hindi s'ya sang-ayon ay alam kong naiintindihan n'ya ako. I'm just having a guilt of leaving her but we were raised strong and independent kaya kahit malayo kami sa isa't isa, tiwala kami na parehas naming kakayanin. Minabuti ko nang patayin ang phone ko upang wala nang mangulit sa akin. Pinanood ko na lang ang mabagal at banayad na pagbuhos ng ulan sa labas.
"This is the last sta—" agad akong bumaba ng train na sinasakyan ko at sumabay sa nagmamadaling mga tao upang makauwi sa kanilang mga bahay. Paglabas ko ng station na iyon ay bahagya akong natigilan nang makita ko sa labas.
Wala na ako sa lugar na kinalakihan ko at ibang iba ito sa Astraea.
Pinagmasdan ko ang paligid ko. Madilim dahil ang karamihan sa streetlights ay pundido na, ang iba naman ay nagpapatay-sindi na, at kakaunti na alng ang maayos na gumagana. Wala na rin ang mga building na sumisigaw ng karangyaan. Tanging mga establishment na lang na parang napabayaan na ng panahon at hindi na naipaayos pa.
Natauhan ako nang maramdaman ang ambon kaya't nagmadali akong tumakbo papunta sa hotel kung saan ako nag-book. Madali lamang itong hanapin dahil nagbigay sila ng direksyon. Pagkapasok ko rito ay binati ako ng isang babaeng receptionist.
"Kassia Grace" tugon ko rito nang tanungin ang nakapangalan sa reservation ko. Inabot naman n'ya sa akin ang key card para sa aking kwarto. Itinuro rin nito ang kung anong palapag ito at kung paano ko ito mabilis na mahahanap.
Hindi na ako nakipag-usap pa dahil hindi naman talaga ako friendly kaya dumeretso na ako sa elavator ang pinindot ang palapag ng kwarto ko. Hindi naman nagtagal ay nakita ko rin ito. Itinapat ko ang card key sa sensor ng pinto at agad itong nagbukas.
Simpleng kwarto lamang ito na kulay puti ang nangingibabaw mula sa dingding hanggang sa mga gamit. Pagpasok ay may isang kama di kalayuan sa bintana na may mga bonsai na halaman. May maliit din bedside table na may nakapatong na telepono para sa hotel service at isang lampshade. May TV din dito na nakadikit sa wall at sa tabi nito ay naroon ang isang pinto na tingin ko ay ang CR, sa kabilang gilid naman nito ay ang bakanteng closet.
Nag-half bath na muna ako kahit na kararating ko lang dahil gusto ko nang matulog. Medyo maarte ako sa personal hygiene dahil naniniwala ako sa 'linis over ganda'. Nang matapos ako ay ibinagsak ko na ang sarili ko sa kama ko. Nag-message na rin ako kay Marah upang hindi na s'ya mag-alala sa akin.
This will be another chapter of my life, hindi na sa Astraea. Urd will be my new life.
"Dr. Kassia Grace of Le Fereshte Medical Center, it's an honor to have you here." Bati sa akin ng Director ng bagong ospital kung saan ako magtatrabaho. Medyo may katandaan na s'ya at may kalakihan ang katawan ngunit disente s'yang tingnan dahil sa porma at tindig n'ya.
"It's Dr. Kassia Grace of Kung Thep Medical Center, Sir." Sagot ko sa kan'ya at tinaggap ang pakikipagkamay n'ya. Bahagya s'yang natawa sa tinuran ko at sinenyasan n'ya akong maupo bago s'ya naupo sa harapan ko.
"I hope you don't expect that much with our facility, hindi namin kayang makipagsabayan sa Le Fereshte." Binigyan ko lamang s'ya ng bahagyang ngiti kahit gusto ko na talagang irapan s'ya. Le Fereshte was my former workplace and one of the prestigious and well-known hospitals in Erdavistan. It is owned by Grace Family, and now under the supervision of my sister, Marah Grace, after our mother died months ago. Malaking palaisipan sa kahit na sino kung bakit ako nandito ngayon at pinagpalit ko ang isang napakalaking oportunidad.
Hindi naman masyadong nagtagal ang pag-uusap namin dahil introduction lang ang lahat ng ito. Naramdaman ko rin na medyo ilag sa akin ang director at natatakot s'yang may masabi s'yang mali. Everyone says I always have this intimidating aura inside the hospital and wearing my gown. I can't see that to myself tho pero nasanay na akong ilag sa akin ang karamihan. Hindi rin naman kasi ako friendly.
I am assigned to Neurology Department since I am physician, neurologist and surgeon. Pumunta na ako kaagad doon upang magtrabaho. Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang 'di mawaring mukha ng mga kasamahan kong doktor.
"Kassia Grace, physician, neurologist and surgeon." Tipid na pakilala ko at bahagyang yumuko bilang paggalang. Mukhang walang magsasalita sa kanila kaya tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanila at dumeretso na sa pwesto ko. Nang dahil sa propesyon ko ay natuto akong gumamit ng fake smile at lagi naman itong maaasahan lalo na sa mga pasyente.
Nang dumating ang lunch time ay hindi man lang nag-abala ang mga kasama ko na ayain ako. Hindi naman sa nag-dedemand ako pero garapalan pala ang gusto nila. Pinagsisisihan ko tuloy na nginitian ko sila kanina.
Mag-isa akong nagtungo sa canteen at naupo sa bakanteng lamesa. Kung titingnan ay para akong loner na high school student. Well, I don't care, I'm here to do my job not to get friends. Tahimik lang akong kumain at tiningnan ang messages sa phone ko. Kay Marah lamang ang binuksan ko. Nangungumusta lang naman at mukhang tanggap na n'yang wala na s'yang magagawa pa sa desisyon ko.
"May nakaupo?" Napaangat ang tingin ko nang may marinig ako nagsalita. A guy doctor smiling at me carrying his tray. Pinigilan ko ang sarili kong sagutin s'ya ng 'may nakikita ka ba?', dahil ayokong umagaw ng atensyon sa first day ko kaya umiling na lang ako bilang tugon. Naupo naman s'ya at nagpasalamat. Sinuri ko muna s'ya at bawat galaw n'ya. 'Di ko maiwasang mapairap. Typical guy doctor with his rotten and cringy moves.
"I'm Dr. Jio Midel from Cardiology Department. You're new?" Pakilala n'ya na parang wala s'yang nameplate. Nginitian ko na lang s'ya sa halip na umirap. Again, ayokong makakuha ng atensyon.
"Dr. Kassia Grace from Neurology. My first day." Sagot ko naman na parang hindi interesado, sana lang ay makuha n'ya ang mensaheng nais kong iparating. He's good looking but I am not interested. Siguro ay ang pagsuko ng sarili ko sa isang lalaki ang hinding hindi ko gagawin. Not that I have grudges with men, I just don't like the feeling that someone's is holding over you dahil pakiramdam ko talo ako.
"I see. Ikaw nga 'yung pinag-uusapan mgayon ng lahat ng department." Ngisi n'ya sa akin na nakapagpataas sa kilay ko. Lalo naman s'yang natawa sa reaksyon ko.
"Akala ko laman ka lang ng balita dahil galing ka sa Le Fereshte, totoo rin pa lang chix din ang bagong doktor." Kinindatan n'ya pa ako na lalong nagpagusot ng mukha ko at nagpakilabot sa akin. Sa oras na ito ay nagpapasalamat akong hindi ko iniwan ang mahabang pasensya ko sa Astraea.
Calm down, Kassia. Hindi magandang bumasag ng mukha sa first day.
Nang mapansin n'yang hindi ako sasagot sa linyahan n'ya ay nagsalita s'yang muli. "You're in-charge of the brain while I am for heart. What a tandem, right?" Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi n'ya. Hindi ako kinikilig, nandidiri ako. I hate cardiologist!
"Dr. Midel, they say always follow your heart because there are times that it tells different thing from what your brain is saying..." sinadya kong putulin ang sasabihin ko at nginitian s'ya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig ko. Nakita ko naman ang sabik na mga ngiti n'ya habang nakatuon sa akin.
"But this time, my heart and brain are in sync saying to distance myself from you." Hindi ko pa rin tinanggal ang pekeng ngiti ko at tumayo na. Nagbigay galang ako sa kan'ya bago tuluyang umalis. Pagtalikod ko ay saka ko pinakawalan ang tawa na kanina ko pa pinipigilan dahil sa nasaksihan ko reaksyon n'ya.
No one can win over me in flirting. I always turn them down in sweetest way possible.
Halos isang buwan na rin ang lumipas at mas nakilala ko ang Urd. Kaliwa't kanan ang karahasan sa lugar na ito kabaliktaran ng Astraea. Hindi ko mawari kung paano nakakayanan ng matao rito ang mabuhay sa ganitong paraan. Ako nga ay nahihirapan din kung minsan pero lubos na mas maganda ang sitwasyon ko kumpara sa kanila. I am still from Astraea, malaya akong nakagagalaw at gawin ang gusto ko. Hindi ako nangangamba na isang araw ay ako naman ang pagmalupitan ng mga namumuno dahil abswelto ako rito. In this country, where you came from is what matters most. Kung isinilang ka sa Urd ay iyon na ang nakatatak sa iyo. Maaring mabago ang estado ng isang tao kung magkaroon s'ya ng sapat na kayamanan at kapangyarihan at maitaas ang sarili.
This hierarchical system sucks.
Sa ospital ay ganoon pa rin, I'm still the loner doctor at lagi pa rin akong kinukulit ng cardiologist na 'yon. Naikwento na yata n'ya sa akin ang buong buhay n'ya. Hinahayaan ko na lang s'ya dahil tinatamad na ako.
Katatapos lang ng shift ko kaya't pauwi na ako. Nilalakad ko lang naman mula sa hotel na tinutuluyan ko papasok sa trabaho. Napadaan ako sa isang bagong bukas na coffee shop kaya napagdesisyunan kong pumasok.
Maganda ang coffee shop na ito at kakaunti pa lamang ang costumer. Nag-order lang naman ako ng strawberry frappe at blueberry cheesecake. Pinili kong maupo sa pinakasulok na upuan kung saan makikita sa glass wall ang labas. Typical coffee shop ambiance. Nagbrowse ako sa social media ko habang hinihintay ang order ko. Nakita ko ang friend and follow request ni Dr. Midel na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ina-accept. Hinayaan ko lang ito at tiningnan ang feed ko. Nakita ko ang bagong post ni Marah kasama ang mga kaibigan n'ya. Sa aming dalawa ay s'ya ang friendly at kabaliktaran ako. Lagi n'ya lang akong sinasama kaya ako nakikilala ng mga tao.
Nagulat na lang ako nang may maramdaman akong malamig sa kaliwang balikat ko. Natapunan ako ng strawberry frappe na inorder ko na ise-serve pa lang sana.
"Pasensya na po." Agad na lumuhod ang crew na nakatapon sa akin. Nakatuon na rin sa amin ang pansin ng ibang costumer. Tumayo ako at inaya ko s'yang tumayo.
"It's okay." Mahinahong sabi ko ngunit nataranta lalo ang babaeng crew nang makita basing-basa ang damit ko kaya't agad n'ya itong pinunsan. Lumapit na rin sa amin ang manager na humihingi ng tawad. Pinagalitan pa nito ang crew sa harapan ko na hindi ko nagustuhan.
"Sir, treat your employee nicely. Hindi naman n'ya sinasadya." Saad ko na nagpatulala sa kanilang dalawa. Nakatingin na rin sa akin ang babaeng crew na parang nahihiwagaan sa sinabi ko. Nabasa ko ang pangalan n'ya sa nameplate.
"Don't mind me, Ms. Cayenne. That's fine." Bahagya ko s'yang nginitian para gumaan naman ang pakiramdam n'ya. Hindi naman ako katulad ng ibang costumer na akala mo nabili nila 'yung crew kung magalit.
Pinabigyan naman ako ng manager ng panibagong servings dahil aberyang nangyari. Nanatili lang ako roon hanggang sa napansin kong dumidilim na.
Naglalakad ako ngayon pauwi. Ginawa ko namang pantakip ang bag ko dahil medyo basa pa rin ang damit ko. Kulay puti ito kaya siguradong makikita ang panloob ko kaya nga pinili ko ring magpagabi, wala namang magagalit.
Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig na ingay mula sa 'di kalayuan. Hinanap ko ito at nakita kong maraming tao ang nagtitipon doon. Dahil sa kuryosidad ay nagtungo rin ako roon. Nakipagsiksikan ako sa mga tao hanggang sa matanaw ko ang isang buong pamilya na nakaluhod sa lupa habang binubugbog ng frieden knights ang padre de pamilya. Ang babae naman ay nagmamakaawa na habang hawak ang umiiyak na anak.
Ang friedens o frieden knights ay ang special force na ginawa ni Prime Minister Helios Alvadrid upang pangalagaan ang peace and order sa loob ng Erdavistan. Ang mga ito ay direktang kumikilos ayon sa utos ng Prime Minister. Sila rin ay sumasailalim sa training na katulad ng sa Erdavistan Royal Army.
Sumikip ang dibdib ko sa pamilyar na senaryong nasa harapan ko. Tiningnan ko ang mga tao na nakapaligid. Mababakas sa kanilang mga mukha ang awa sa sinapit ng pamilya ngunit walang nagnanais na gumawa ng anuman sa takot na madawit sila sa gulo.
Sa pagkakataong iyon ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglakad papunta sa gitna upang matigil na ang pang-aabuso ng mga friedens. Kung anuman ang kasalanang nagawa ng pamilyang ito ay may karapatan silang ipagtanggol ang sarili at litisin sa korte. Hindi sila dapat pinagmamalupitan nang ganito.
"Who are you to meddle!?" Galit na singhal sa akin ng sa tingin ko ay pinuno nila. Napatigil ang mga friedens sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Sabay-sabay nilang itinutok sa akin ang kanilang mga baril na nakapagpasinghap sa mga taong nanunuod ngunit ako ay hindi man lang natinag. Dahil kapag pinakita mong natatakot ka ay sasamantalahin lamang nila ito at gamitin laban sa 'yo ang sarili mong takot.
"They have their rights to be judged in the court. Hindi kasama sa trabaho n'yo ito." May diin ang bawat salita ko ngunit hindi ako nagtaas ng boses. Kahit kailan ay 'di ako nagtaas ng boses kapag nakikipagtalo dahil mas naiinis ang kalaban kapag napapansin n'yang hindi ako naaapektuhan.
Simple. Don't let others see your fears.
"Isang matapang na binibini." Nakangising saad ng lider nila at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pinigilan ko naman ang sarili kong sapakin s'ya nang tumigil ang mga mata n'ya sa dibdib ko.
Don't mess with a surgeon kung ayaw n'yong maoperahan nang wala sa oras!
Akmang hahawiin n'ya ang buhok ko nang magsalita ako. "Stop there, frieden." Malakas kong tinabig ang kamay n'ya, tinanggal ko ang wristwatch ko na nagtatago sa isang tanda ng kinabibilangan kong antas. Kulay itim ito na tila dalawang kalawit na magkabaliktad. Nangangahulugan ito ng 'supremacy'.
Bawat tayo sa Erdavistan ay may ganitong tanda. Nagkakaiba lamang ito sa antas na kinabibilangan. Magkakaiba ang disensyo nito para sa mga taga-Astraea, Ascalon, Velhalla, at Urd. Sa pamamagitan ng maliit na tandang ito ay nahahati ang bansa. Nakatatawang isipin na nakabase rito kung paano ka itatrato nga mga namamahala.
"A-astraea..." nanlaki ang mata ng mga friedens at dahan-dahan nilang ibinaba ang kanilang baril na nakatutok sa akin. They can't touch someone from Astraea.
Hindi ko man gustong gamitin ang pribilehiyong ito ay wala akong pagpipilian. Agad naman silang umalis at nagbigay-galang pa sa akin. Parang kanina lang ay halos hubaran ako sa tingin ng mga 'yon. May araw din sila sa akin.
Akmang lalapit na ako sa padre de pamilya na napansin kong may tama ng baril sa balikat nang maramdaman kong may pumatong sa balikat ko kaya't napalingon ako.
"Cover yourself." Malamig na sabi ng lalaking kadarating lang. Nakita ko ang leather jacket na itim na nakapatong sa balikat ko saka ko lamang naalala na natapunan nga pala ako ng frappe kanina at nakabat na ngayon ang panloob ko.
Fuck! Hindi na talaga ako magsusuot ng white top.
Isinuot ko naman ng maayos ang jacket upang matakpan ang harap ko. Mag-iinarte pa ba ako?
Tinulungan naman n'ya ang padre de pamilya na makatayo at nagtungo na sa bahay. Sumunod ako sa kanila habang inaalalayan ko naman ang mag-ina. Tumigil kami sa isang maliit na bahay ngunit pagpasok namin ay nakita kong maayos ang loob nito at may isang kwarto. Doon dinala ng lalaki ang padre de pamilya.
"Who are you?" Tanong ko sa lalaki bago pa sila makapasok. Nilingon ako nito at tinitigan.
"I'm harmless." Sagot n'ya na nakapagpaikot sa mga mata ko.
I don't like this harmless guy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro