EPISODE 19
"Ang Pagkasira"
Sa pagpapatuloy...
Nalaman natin ang mga nangyari sa nakaraan. Nalaman na din natin ang tunay na kwento ng ating mga bida.
Sa Heaven Casino...
"I guess you, Ikaw si Dave?" Tanong ni Bonch sabay turo Kay Dave. At ilang sandali pa ay dumating din Sina Rose at Beam kasama si Helen na nanghihina pa.
"Enigma, wag mong sasaktan ang mga bata. Pabayaan mo na sila!" Sambit ni Rose at siya ang humarap kay Bonch at Julianne. Habang si Beam naman ay sinusubukang kontakin si Gemma gamit ang device na nakakabit sa kanilang mga Tenga ngunit wala silang narinig kundi static noise lang.
"Ano bang kelangan mo saamin?" Tanong ni Beam.
"Wag ka nang mag tanong pa, tapusin na natin to." Sambit ni Angel at biglang tumayo ang buhok ni Angel at Nagliliwanag.
Si Dave naman ay ginamit ang gift nya na kayang paguhuin ang lugar. Nang biglang dumating si Cathy, kasama sina Cristy, Abram at Jared.
"Si Enigma at si Gemma ay iisa." Wika ni Cathy at Isang malakas hampas ang kanyang naramdaman sa likod. At nakita nilang nasa likuran na nila ang kambal.
"Sorry, Hindi ko to gusto pero. Kelangang bumalik ng Kapatid ko sa Novaria upang ipaghigante ang kanyang kalayaan at ang aming karapatan!" Sambit ni Gemma at si Bonch naman ay mabilis na hinawakan si Julianne sa dibdib at dito kinuha nya ang gift ni Julianne.
"Ito ang huling kelangan ko." Wika nya at muling nagbalik sa mga alala ni Julianne ang lahat ng mga pangyayari.
Flashback...
Sa hallway,
"You must be new here right?" Tanong ng babae sakanya Hanggang sa unti-unting makilala nya ang Mukha nito.
"Miss Gemma?" Wika nya.
Maging ang nakalaban nilang Skin walker sa Gift Archive library, nakita nya kung sino ito. Lahat ng mga yun ay si Gemma.
Back to present..
"Ngayon alam ko na, Hindi ka magtatagumpay." Sambit ni Julianne bago sya natumba.
"Juls!" Sigaw nina Angel, Beam, Dave at Leah.
"Magbabayad ka!" Wika ni Leah at kanyang hinubad ang sout nyang eye glasses. dito nag kulay bughaw Ang kanyang mga mata.
"Sumunod ka saaking iuutos!" Wika ni Leah ngunit parehas ginamit nina Bonch at Gemma Ang gift ng mga empath.
"Sa tingin mo kaya mo kami?" Wika ni Bonch. At Isang nakakabinging ingay ang narinig ni Leah sakanyang isipan. Habang si Gemma naman ay pinasunod niya sina Cathy, Abram, Cristy maging si Nicole ay napasailalim ng hipnotismo ni Gemma.
"Miss Gemma Anong gagawin namin?" Tanong ni Cathy.
"Sundan ninyo ang mga nakatakas na Sina Helen, Jared at Excel. Iisa lang ang may gift sa kanila ngunit Hindi na importante. Pagkatapos nyo silang makulong. Bumalik kayo ng Novaria." Utos ni Gemma.
"Masusunod!" Sambit ni Rose. At mabilis nilang hinanap sina Helen.
Habang sina Dave, Angel, Beam at Leah naman ay patuloy pading naririnig Ang nakakabinging ingay na dahilan upang manghina sila.
"At ang panghuli, ang hydro at Cyrokenisis." Kinuha ni Gemma kay Nicole ang gift nito.
"Waaagggg!!" Sigaw ni Leah. Hanggang sa mawalan silang apat ay nawalan ng Malay.
"Tama na yan, Bonch. Oras na para gamitin mo ang katawan ng prinsesa at Ang susi." Sambit ni Gemma. At mabilis namang ikinumpas ni Bonch ang kanyang kamay at naging itim na usok itong sumanib sa katawan ni Beam. Bumangon si Beam at hinawakan si Dave at si Dave naman ay gumuhit sa ire ng Isang simbolo. Upang mag bukas ang lagusan papuntang Novaria.
"Bukas na Mahal na prinsesa." Wika ni Dave. Ngumiti lang si Beam at pumasok sa Ito sa lagusan. Sumunod naman sina Angel at Leah na nasailalim ng pagkontrol ni Gemma.
"Novaria, here we are!" Ngiting Sabi ni Gemma at pumasok sa Lagusan. Pagkasarado ng lagusan siya naman ang pagdating ng lalaki na may hawak ng orasan. Kasama ang isang babae.
"Kuya Hindi natin naabutan sila!" Sambit ng babae.
"Hindi na bale, lahat ng mga nangyari ngayon ay nakatakda na. Hindi na natin mapipigilan ito. Halika tulungan natin sila." Wika ng lalaking may hawak ng orasan.
Muling ibinaliktad ng lalaki ang kanyang orasang hawak at dito muling nabuhay Sina Nicole at Julianne.
"Buhay ako?" Wika ni Nicole.
"Nasaan na sila Kuya Dave at Ate angel?" Tanong ni Julianne.
Sumagot naman ang babaeng kasama ng misteryusong lalaki.
"Bumalik na sila ng Novaria matutupad na ang mga mangyayari." Wika ng babae.
"Sino kayo? May mga gift din ba kayo?" Tanong ni Nicole.
"Ako si Joyce, ito naman ang kapatid kung si Graniel. Kami ang tagapangalaga ng Oras at panahon." Pakilala ng babae.
"Ako Ang oras at ang kapatid ko na si Joyce ay ang panahon. Sinusundan namin si Gemma at Bonch upang pagbayaran nila ang kanilang paglabag sa batas ng kalikasan." Salaysay ni Graniel.
"Gumamit sila ng spell ng para laktawan Ang oras at panahon." Dagdag ni Joyce.
"Kung ganun? Tutulungan namin sila." Wika ni Julianne.
"Hindi na!" Tutol ni Graniel.
"Kelangan kayo ng mundong ito. Dahil Isang Segundo nalang ay mararamdaman ng Mundong ito ang pagkawasak." Dagdag na wika ni Graniel. At Isang malakas na lindol Ang yumanig.
Napahinto naman sina Cathy at Rose sa pag hahabol kina Helen, Jared at Excel.
Nasa likuran naman ng dalawa si Sam.
"Mukhang kelangan ninyo ng tulong?" Sambit ni Sam at mabilis nyang ginawang yelo Sina Cathy at Rose.
"Salamat pare. " Sambit ni Jared. Gamit ang gift ni Jared tinanggal nya ang pag kontrol sa isipan ng dalawa. Dumating Naman si Bram at Cristy.
"Akala ko napano na kayo!" Sambit ni Bram.
"Mabuti nalang gamit Ang gift ni bram mabilis nya akong naitakas, pero babalikan na sana namin kayo kaso, biglang lumindol. At ang lindol na ito ay Kay Dave pa din ba?" Tanong ni Cristy.
"Mukhang, Oo." Sagot ni Cathy.
Sa Novaria...
"Bakit parang nakakita kayo ng halimaw?" Wika ni Beam na nasa loob nya si Bonch.
Hinarangan silang Lima papasok ng Palasyo.
"Princess Beatrice, Hanggang Dyan kana lang." Sabi ng guardia.
"Talaga yan ang Sabi ng inang reyna?" Ngiting Sabi ni Beam at Sabay tingin Kay Dave, Leah at Angel.
"Ah Mahal na prinsesa, why don't you give them a welcome gift?" Wika ni Gemma sabay kindat.
"Ah Sige." Ngiting Sabi ni Beam at Sabay hawak wika ng kanyang pangalan at katulad ng ginawa ni Beam winika ni Dave Ang kanyang pangalan sabay lapat ng kanilang kamay. At naging laho si Dave nararamdaman ni Beam ang gift ng Isang clairvoyant at ng gift na nakuha nya sa puppet ni Cristy.
Inilapat ni Beam ang kanyang kamay sa lupa at Isang malakas na lindol Ang yumanig sa boung Novaria maging sa mga karatig Kaharian.
Natumba ang mga Guardia at mga baging Naman Ang kumulupot sa katawan ng mga ito at Sabay sabay silang tinanggalan ng hininga.
"Good Girl." Sambit ni Gemma.
Habang sa loob ng Kastilyo.
"Criselda, itakas muna ang setro. Dalhin mo ito kahit saan. Basta wag dito!" Utos ni Queen Victoria.
"Mahal na Reyna sumama kana din saamin" wika ni Criselda.
"Hindi na, ako na Ang haharap sa mag kapatid. Nasa likuran ng Kastilyo Sina Randy. Puntahan mo. Bilis!" Wika ni Victoria at mabilis nyang ikinumpas ang kanyang mga kamay upang patakasin si Criselda gamit ang malaking dahon. At lumipad ito palabas ng Kastilyo.
Sa Mundo ng mga tao.
"Kelangan nating makabalik ng Novaria. Papano Ang Reyna." Pag aalalang wika ni Rose.
"Sige ako nang bahala dito." Wika ni Sam.
"Sasamahan kita pare. Kami nang bahala dito iligtas nyo na sila." Sambit ni Jared.
"Sasama kami. Makakatulong Ang bilis ni Bram at ang kapangyarihan ko." Sambit ni Cristy.
"Oo nga, kami nang bahala dito. Kaya na namin to, diba Nicole?" Sambit ni Julianne na kasama nya si Nicole.
"Sige mag iingat kayo!" Wika ni Cathy at nagtungo sila sa isang malaking puno. Kasama sina Rose, Cristy at Bram. Naiwan Naman Sina Excel, Helen, Jared, Sam, Julianne, at Nicole.
"Kaya ba natin?" Tanong ni Nicole.
"Hindi man katulad ng dati mga gift natin pero, atleast Meron pa!" Sabi ni Excel at muling pinadami nya ang kanyang sarili.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro