C H A P T E R 44
[JV's POV]
"Ahem."
Sabay kaming napalingon ni Clement nang may narinig kaming tumikhim.
Nakita ko si Timothy na nakatayo sa bandang likuran ko. Nakasandal ito sa dingding habang nakabulsa ang kaniyang kamay.
Walang ekspresyon ang kaniyang mukha habang patuloy niya kaming pinagmamasdan.
"Ang pangit niyong dalawa." mahina niyang sabi.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pinunasan ko ang aking pisngi at tuluyan siyang hinarap.
"May hindi pa ba ako nalalaman?" tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot.
"Napakarami niyo talagang sinisikreto sa'kin." puna ko.
Poker face pa rin siya pero ang mga mata niya ay malungkot na nakatitig sa akin. "I'm sorry we didn't tell you sooner. We didn't wanna give you a false hope."
Huminga siya nang malalim at dahan-dahang naglakad palapit sa amin. "When he was resurrected we stabilized Clement, for him to be able to take the drug- the one that stopped his heartbeat for 1hr- to make him looked like he was dead. That drug allowed us only an hour to make that scene, because if we surpassed the allotted time, he would probably dead, like really dead right now." Kinilabutan ako sa huling bahagi niyang sinabi.
Buti na lang at hindi ako nagmatigas noong sinabihan ako ng kapatid kong umuwi na.
Tumingin siya sa ibang direksyon at ipinagpatuloy ang kaniyang pagsasalaysay. "When he was capable for it, we injected the drug." He inhaled. "After one hour we gave him electric shocks, again. We made sure he was okay, but then he went comatose." He stopped. "Fifty-fifty." paglilinaw niya sa kalagayan ni Clement noon.
Napakunot ang noo ko. "Baka naman kasi dahil 'yon sa drug na binigay niyo sa kaniya."
Umiling siya, "Nope, his brain was shocked for the accident and that made him coma."
Naisip ko bigla kung sino ang inilibing. "Sino 'yong nasa urn?"
Natawa siya at tinignan ako. "Actually abo lang talaga 'yon galing sa mga sinunog na papel."
Nanlaki ang mata ko. Wow. "Grabe 'yong iyak ko roon, ha." sarkastik kong sabi.
Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa.
Sinulyapan ko si Clement at muling binalik ang aking tingin kay Timothy. "Buti naman at naisipan niyo nang sabihin sa akin ang totoo."
Naramdaman ko ang paglapit ni Clement sa aking likuran. Hinawakan niya ang aking bewang. "Don't be mad, love." bulong niya.
Nilingon ko siya. Umirap ako.
Tinignan ko si Timothy dahil sa pagsasalita niya. "Ang plano pa nga sana namin ay mag-set ng dinner date."
"Yes," pagsang-ayon naman ng nasa tabi ko. "together with your dad." dagdag niya.
Awtomatiko ko siyang tinignan. "Alam din ni dad?" gulat kong tanong.
He smirked. "Yes."
I'm out of words. Wow, ako lang ata talaga ang hindi nakakaalam.
Tinaasan ko ng kilay si Clement. "Seems like you've known him for a long time."
He smiled like I was right.
Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan siya.
"I'm so sorry I lied, love." He tried so much to sound like he was really sad. Nice try, young man.
Hinarap ko si Clement at humalukipkip. "Totoo ba 'yong kwento mo kung paano mo siya nakilala?" tanong ko sa kaniya.
Hindi siya nakasagot kaagad. His lips pressed to each other. "Ahm..." Sinasabi ko na nga ba. "Not really, ang totoo lang doon ay 'yong kumain kami sa restaurant at pinag-usapan ka namin, pati na rin 'yong blessing na binigay niya sa akin." He smiled awkwardly. "So yeah, matagal ko na nga siyang kilala."
Inirapan ko siya. "Whatever."
"Galit ka?" pabebe niyang tanong.
I looked at him. "Hindi." walang emosyon kong sabi.
Hindi naman ako galit pero gusto ko lang mag-inarte.
I heard Timothy hissed.
"Tara na, pabebe niyong dalawa." masungit niyang sabi.
Lumipat ang tingin ko sa kaniya.
Agad niyang iniwas ang kaniyang mata sa amin ni Clement. Naglakad siya at nilagpasan kami.
I know he's hurt for seeing us, like this.
Maybe that's the reason why he was acting weird.
Sumakay kami sa kotse ni Timothy.
Nasa driver's seat siya habang kaming dalawa ni Clement ay narito sa likuran.
"Para akong driver." rinig kong sabi ni Timothy.
"Kuya, pakibilisan naman po." sabi ni Clement na parang driver nga talaga ang kapatid niya.
Natawa na lang si Timothy. "Gago." sabi niya rito.
"Aba minumura mo ba ako? Gusto mong sisantihin kita?" galit na sabi ni Clement.
Natawa ako nang palihim sa kanilang dalawa.
Nakita ko ang pag-iling ni Timothy. "Bobo, baka sasakyan ko 'to." sumbat niya.
Tumawa si Clement.
Pinaandar ni Timothy ang sasakyan.
"Uuwi na ba kayo sa inyo pagkatapos niyo 'kong mahatid?" I paused. "Huwag na muna kayong umuwi, roon muna kayo sa bahay, sabay-sabay na tayong mag-dinner."
"Actually, doon talaga kami kakain, dahil nagluto na si Kuya Zed." sagot ni Clement.
Napangiti ako kaagad. "Talaga?"
"Yeah." sabay nilang sagot, pero ang isa sa kanila ay walang gana ang boses.
Still, my heart melted. I'm so happy!
"Hindi kasi natuloy ang dinner date na plano namin kaya roon na lang tayo sa bahay ninyo, 'yon nga lang wala ang dad mo." paliwanang ni Clement.
Napakagat ako sa aking labi. "That's okay. Mayroon pa namang next time para makasama si dad." Ngumiti ako sa kaniya.
He nodded.
Saglit niya akong pinakatitigan habang may ngiti sa kaniyang labi.
"Come here." Inalok ni Clement ang kaniyang kamay para lumapit ako at yakapin siya.
Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti. This is real.
Nanubig muli ang aking mga mata. Lumapit ako sa kaniya at ginawa ang nais niyang mangyari.
He kissed my hair. "I missed you." I barely heard it.
Hinigpitan ko ang aking pagyakap. "I missed you, too."
Maya't maya'y may naisip ako.
Iniangat ko ang aking tingin sa kaniya. "Can you stay at home? Pwedeng doon ka na lang muna?" mahina kong sabi sa kaniya.
He looked down at me and smiled. "Yes, of course." He caressed my hair. "May dala na nga kaming mga damit para roon, dahil matutulog naman talaga kami sa inyo. Naisip na kasi ni Kuya Zed na sasabihin mo 'yan."
Inilayo ko ang aking mukha sa kaniya. "Really?" hindi ko makapaniwalang tanong.
He nodded many times and chuckled.
Kapagkuwan ay muli na naman niya akong tinitigan- para niyang sinusuri ang aking mukha.
"Fck, I missed your smile."
Biglang uminit ang aking tenga.
Hinampas ko ang kaniyang balikat.
Bigla kasing bumilis ang tibok ng aking puso. "Pabigla-bigla ka."
Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi. He pulled me closer to him and hugged me.
Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga.
"You're blushing..." he said with his deep voice.
I felt the butterflies in my stomach.
Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at hinampas ito.
Nahihiya tuloy ako!
He whispered, "You're so cute."
Rinig na rinig ko pa rin ang maliliit niyang pagtawa.
He pushed my hair behind my ear and whispered again. "I have something to show you later."
Kumunot ang aking noo at tinignan siya. "What?"
He stayed silent but his lips formed a playful smile.
Gahd, what would it be that made him smile like that?
.
.
.
Kwentuhan, tawanan at puro pag-aasaran ang ginawa namin kanina habang kumakain kaming apat.
Alam ko sa sarili ko na masaya na ulit ako nang makita ko siya.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako para magpalit ng shorts at large t-shirt.
Umupo ako sa aking higaan habang hinihintay na dumating si Clement dahil naliligo pa siya sa kabilang kwarto. Ipinatay ko na muna ang pangunahing ilaw na ginagamit ko para sa aking kwarto. Tanging lampshade lang muna na katabi ng aking higaan ang binuksan ko para magbigay liwanag sa aking kwarto.
Nakahiga ako sa aking kama nang dumako ang tingin ko sa aking study table. Naroon nakapatong ang mga regalo ko para kay Clement, na ibibigay ko mamaya.
Tumayo ako at pumunta roon.
Kinuha ko ang letter.
"Jess?"
Napaigtad ako dahil sa pagkatok niya sa pinto.
Lumingon ako roon. "Pasok." casual kong sabi.
Bumukas ang pinto at agad kong nakita si Clement.
Agad akong napangiti at maging siya ay gano'n din.
"Hi, love." he said.
He closed the door and walked towards me.
Basa pa ang kaniyang buhok at mukhang hindi niya iyon sinuklay dahil gulo-gulo ito.
"Ba't 'di ka nagsuklay?" natatawa kong tanong sa kaniya.
Hinila ko siya palapit sa akin at inabot ang kaniyang buhok. Sinuklay ko iyon gamit ang aking mga daliri.
Hinawakan niya ang aking bewang at hinapit ako palapit sa kaniya lalo.
I stopped. Tinignan ko siya at pinanliitan ng aking mata. "Ba't ganyan ka makatingin?" tanong ko.
He chuckled. "Wala, masama bang titigan kita?"
I smirked. Tinignan ko muli ang kaniyang buhok at inayos ito.
"Buti na lang 'di ako nagsuklay." mahina niyang sabi.
Tumawa ako. "Para ako ang magsuklay?"
"Yes po, love." pabebe niyang sabi.
Napangiti na lang ako.
Pagkatapos ko iyong maayos ay ipinulupot ko ang aking kamay sa kaniyang leeg.
"Gusto mo na bang makita ang mga gifts mo?" masaya kong tanong.
He nodded. "Yes po."
"Okay."
Inalis ko ang aking kamay sa kaniya at humarap sa study table. Kinuha ko ang box at at letter.
Hinarap ko siya. "Here." Inabot ko ang mga iyon. "Belated happy birthday, love." malambing kong sabi.
Imbes na kunin niya iyon ay tinignan niya ako. Naluluha ang kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang aking mukha.
"Thank you for keeping these even though I was dead."
He closed his eyes and put his head onto mine. "I'm so sorry for all the pain..."
I closed my eyes too. "It's okay... as long as you're here now."
Hinalikan niya muna ang aking noo bago siya lumayo sa akin.
Iminulat ko ang aking mga mata.
Tinignan ko siya.
I smiled. "Dali kunin mo na." masaya kong sabi para baguhin ang lungkot na bumabalot sa amin.
He smiled too. Kinuha niya sa akin ang box at letter.
"I'll read the letter first." nakangiti niyang sabi na para siyang kinikilig.
Inilapag niya ang kahon sa study table na nasa aking likuran.
Umupo ako sa lamesa habang pinagmamasdan siyang binubuksan iyon.
Tinignan niya ako. "Okay lang na basahin ko sa harapan mo?" tanong niya.
I nodded.
Gusto ko muna siyang titigan habang nasa ibang bagay ang kaniyang atensyon.
Umupo siya sa aking swivel chair. Binuksan ko ang study lamp para mabasa niya ang aking sinulat.
Hinawakan niya ang papel at inilapit iyon sa may ilaw.
Nagsimula siyang magbasa habang ako ay sa kaniya lang nakatitig.
Hinawakan ko ang kaniyang buhok at hinaplos iyon.
Napangiti ako nang gano'n pa rin ito kalambot.
Paulit-ulit akong nagdadasal tuwing gabi na sana kapag nanaginip ako ay naroon siya palagi para masilayan ko. Kapag nakita ko siya roon, pakiramdam ko ay totoo ito, pero kapag nagising ako kakaibang sakit naman ang dinudulot nito sa aking puso.
Lagi kong hinihiling na sana hindi na matapos ang mga panaginip ko para lagi kaming magkasama.
Pero ngayon?
Hindi ko na kailangang hilingin na sana hindi na matapos ang panaginip ko dahil gugustuhin ko nang bumangon ulit para masilayan siya, dahil kapag gising ako- alam kong totoong Clement na ang makikita at mahahawakan ko.
Kahit pa nagbago ang ibang bagay sa kaniyang mukha ay patuloy ko pa rin siyang nakikita.
Siya pa rin ang Clement na minahal ko.
"Hey."
Napakurap ako dahil sa pagtawag niya sa akin.
Inilapag niya ang sulat sa aking lamesa. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at inabot ang aking mukha.
Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi. "Baby, why are you crying?" malungkot nitong tanong.
Umiling ako. "Nothing..." Kapagkuwan ay natawa ako. "I'm just happy..."
"Baby..."
Nakita ko ang pamumuo ng kaniyang luha.
Parang wala na ata kaming gagawin maliban sa umiyak.
Maingat kong hinawakan ang kaniyang mukha at hinaplos ito. I traced my fingers on his jaw, lips, nose and eyelids.
"An'dami nilang binago sa'yo..." Sinundan ko ng tingin ang bawat bahagi na pinuna ko sa kaniya. "Mas lalong lumabas ang 'yong jawline, numipis ang labi mo, ang maliit na bump sa bridge na 'yong ilong ay inayos rin nila, maski ang kaunting taba sa pisngi mo ay binawasan din." natawa ako sa huli kong sinabi.
"I know..." naka-pout niyang sabi.
"Pati 'yong inaantok mong mga mata mas naging bukas na ngayon." sinabi ko sa pagitan ng aking maliliit na pagtawa.
I took a deep breath. Tumingin ako sa kaniyang mga mata at nagseryoso. "Why can't you just be Clement?"
He held my back.
"To avoid conflicts and to protect other people." malumanay niyang sambit.
I was puzzled. "Anong mga klaseng conflicts ba ang sinasabi mo at sino ang proprotektahan?"
Inayos niya ang aking buhok bago siya magkwento.
"Hindi alam nila mom at dad ang totoong pagkatao ko, hindi rin nila alam ang tungkol kay Timothy." He was referring to tito and tita- ang mga taong tumayong mga magulang niya kahit na hindi nila siya tunay na anak. "Nalaman ko na rin kung ano 'yong nangyari sa'yo no'ng wala ako." naging malungkot ang kaniyang boses. "I'm sorry to hear that..."
Huminga siya nang malalim at nilaro ang mga hibla ng aking buhok.
"It wasn't supposed to be like this, but maybe some things are meant to be happened, and what happened to me was an opportunity to protect them from people who do those things. Ayoko silang madamay rito, kaya mas mabuti nang mawala ako sa buhay nila."
"Paano kapag nalaman ng mga taong 'yon na buhay ka pa?"
He smiled. "Of course, there's a possibility they may figure that out, but at least my mom and dad would never have to think about on how to protect me. Hindi na sila mamromroblema kung ligtas ba ako." He looked at me. "Ako na ang proprotekta sa kanila." His eyes were so sad. "I know that I've caused them so much pain...pero mas mabuti na 'yon kasya malaman pa nila ang mga bagay na hindi na nila dapat pang malaman. The less they know, the better and safer they will be. It's hard but I have to keep them away from me."
Muli siyang bumuntong hininga. "Now with my new face, they've known me for being Timothy's brother and not Clement who was adopted by mom and dad." He looked at me. "By that, less questions on everything about what happened, like I just popped out of nowhere, and the rest will be a secret for them to not know."
"But..." he held me close. "I'm still Clement..." paliwanag niya.
I smiled. "I know... You're always be my love..."
Natawa siya.
"Kahit pa ano pang maging pangalan mo, Dominic, Clement, Greyson... you'll always be my baby." Pinisil ko ang kaniyang ilong.
He giggled.
He sighed. "Dalawang beses na akong nagkaroon ng funeral." natatawa niyang sabi. "Mukhang patay na patay talaga ako sa'yo." banat niya.
Mahina kong hinampas ang kaniyang balikat. Nakakainis.
Kapagkuwan ay nagtaka ako. "What do you mean dalawa?"
"Dalawa, parang ikaw at ako. Can we just make it tayo?"
Pinanliitan ko siya ng aking mata. "Winawala mo ang usapan."
He giggled. "I know." Pinisil niya ang aking bewang. "Lumalalim na ang gabi at tingin ko, may mas mahalaga pa tayong dapat pag-usapan."
Kumunot ang aking noo. "What's that?"
Nagkibit balikat siya.
"Parang baliw." natatawa kong sabi.
He just grinned his teeth.
Pinagtritripan ata ako ng lalaking 'to.
Hinawakan ko ang kaniyang buhok at muli siyang tinignan. "Mukhang Clement ka pa rin- lalo na kapag tinagalan ko ang pagtitig sa'yo."
"So, gwapo pa rin ako?"
"Always."
He gasped and looked away. He looked frustrated but I saw his cheeks blushing. "Baby, don't do that. You're surprising my little heart."
Napatawa ako. He's so cute, as always.
Pinulupot ko ang aking kamay sa kaniyang leeg.
"Love," tawag ko. "sabi mo kanina may ipapakita ka sa akin."
Tinignan niya ako.
"Wait, my heart is recovering..."
I giggled.
He took a deep breath.
"Okay ka na?" tanong ko.
Tinitigan niya muna ako bago siya mag-react.
Pinanliitan niya ako ng kaniyang mata. "Are you ready?"
I nodded.
"Okay..." Inalis niya ang pagkakahawak niya sa aking bewang. Inalis ko rin ang pagkakawahak ko sa kaniya nang may kunin siya sa kaniyang bulsa.
Nagtaka ako ng may inilabas siyang paper.
"Wait..." sabi niya.
Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
He was smiling like he was really excited about the thing he wanted to show me.
"Tumalikod ka muna."
I looked at him suspiciously. "Okay..."
Dahan-dahan akong tumalikod.
Ano kaya ang ipapakita ng lalaking ito? Ano kayang mayroon doon sa papel na hawak niya?
"Okay, now, turn around."
Agad akong lumingon.
"Bakit ka nakapikit?" tanong ko. Tinignan ko ang kaniyang kamay na nakakuyom.
Kinuha ko ang kamay niya at binuksan ko iyon.
Hinayaan niya akong kunin ang papel na hawak niya.
Tinignan ko siya. "Ano bang laman nito-"
I stopped.
His eyes were opened.
"Oh my..." Napaawang ang aking bibig.
"Contact lens laman niyan." natatawa niyang sabi.
Hindi ako nakapagsalita. I was mesmerized.
"You like it?" He was nervous when he asked.
Napatango na lang ako habang nakatingin sa mga mata niya.
"I-it's so p-pretty..."
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya.
"Baby... your eyes look green... It's so perfect, it suits you..." mahina kong sabi dahil sa mangha ko sa kaniyang mga mga mata. It was just like Timothy, but my man's eyes were the best...
"You really like it?"
I smiled and nodded many times...
"Pinalitan na nila ang kulay ng mata ko no'ng nagising ako... They said it's time to bring back the old color of my eyes..."
"It's so pretty..."
"You're prettier." dagdag niya.
I giggled. Kinikilig ako sa kaniya.
"But..." he said slowly.
Hinawakan niya muli ang aking bewang. "This night will be the prettiest if..."
Ipinatong ko ang aking kamay sa kaniyang braso. "If what?"
Tinawanan niya ako.
"What?" pagtataka ko.
Tumikhim siya. He looked at me. "Narinig ko...na...."
Hinampas ko ang kaniyang dibdib. "Ayusin mo nga."
He chuckled. "Narinig ko na sasagutin mo na dapat ako no'ng birthday ko, pero nga nangyari ang mga bagay-bagay..." Mas lalo niya akong pinakatitigan, para akong malulusaw. "Tapos na ang birthday ko, hindi pa rin tayo."
Napahinto ako.
He took a deep breath and looked at me sincerely. "Jess," mahinahon niyang tawag. "can you be my girlfriend?"
Hindi ko napigilan ang aking pagngiti.
I nodded.
"Say it..." he said. "Please..."
"Yes, tayo na po. Sinasagot na kita."
Lumayo siya sa akin. Lumundag siya at ginawa ang yes pose. "Yes!" malakas niyang sabi.
"Shhhh..." I said between my giggles.
Kapagkuwan ay mabilis siyang lumapit sa akin at binuhat ako.
I yelped. "Clement!"
"We're official!"
He put me down and held my face. "We're official!" he said like he was trying not to shout.
Maya't maya'y naluluha na ang kaniyang mga mata. "I love you, Jess. Mahal kita sobra..." his voice cracked.
"Mahal rin kita..." But wait. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at inilayo ang aking mukha. "What should I call you? Dominic, Clement, or Greyson?"
Sinimangutan niya ako. "Either love or baby, that's all."
I giggled.
"Mahal kita, Dominic Clement Greyson, my baby, my love, as always."
O gahd ang corny, but whatever!
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Oh my! Baby, stop being like that, kinikilig ako..."
Ako rin.
Hindi nawala ang ngiti sa aming mga labi.
Kapagkuwan ay kinalma niya ang kaniyang sarili. "So..." Ayan na naman siya sa pabitin niya. "Pwede na ba tayong mag-kiss ulit?" nag-aalangan niyang tanong.
Hindi ako sumagot kaagad at hinayaan siyang maghintay sa sagot ko.
"Pero kung ayaw mo okay lang-" I cut him off.
He stopped talking- my lips made him shut up.
Tulog na si Clement. Pumunta ako sa paanan ng aking kama at sinilip siya roon sa lapag.
I smiled.
Mahimbing ang tulog niya roon sa folding bed. Nakadapa siya habang ang isang unan ay yakap ng isa niyang kamay.
Bumaba ako sa aking kama. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya para ayusin ang kaniyang kumot.
He was so peaceful while sleeping.
Napatawa ako sa aking sarili nang dumako ang aking tingin sa kaniyang braso- kitang kita ko ang kaniyang biceps.
Hay nako, Clement.
Naiiling akong tumayo.
Maingat kong binuksan at isinara ang aking pinto para hindi siya magising.
Hindi ko alam kung anong oras na, pero tingin ko ay madaling araw nang naalimpungatan ako at nakaramdam ng pagkauhaw.
Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko si Timothy sa harap ng dining table.
Nakatulala siya sa mug habang hinahalo niya ang nasa loob nito ng kutsara.
Tumikhim ako.
Awtomatiko siyang nag-angat ng tingin sa akin.
He already removed his contact lens and that revealed his green eyes.
He looked sad. "Hey." Para siyang pagod dahil sa tono ng kaniyang boses.
"Hey." casual kong sabi.
Dumiretso ako sa ref at kinuha ang pitcher. Kumuha ako ng baso at nagsalin doon ng tubig.
"You okay?" tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya.
I heard him sighed. "I'll be lying if I said yes."
Napahinto ako.
"Why?" tanong ko na parang wala akong ideya sa iniisip niya.
Uminom ako.
Ibinalik ko ang pitcher sa ref. Isinarado ko ito at hinarap siya.
"You know it."
"Know what?" inosente kong tanong.
Nag-iwas siya ng tingin. "Nothing."
Lumapit ako sa dinig table at umupo sa kaharap niyang upuan.
Nanatili kaming tahimik.
"I'm sorry." I sincerely said.
Tinignan niya ako.
He forced to smile. "It's okay. Alam ko namang simula palang no'ng una, na siya na talaga ang gusto mo." Tumingin siya sa ibang direksyon. "Don't worry, I already told Clement about the confession I've made."
"You did?" agad kong tanong.
Tumango siya nang hindi pa rin ako tinitignan. "Alam niya rin namang noon palang ay may pagtingin na ako sa'yo. Hindi naman niya ako pinagbawalan na umamin sa'yo no'ng wala pa kayong...something."
Napangisi siya. "I tried to make you noticed but I think I'm just not the man for you."
I felt sorry...
"We're good. Hindi naman kita aagawin sa kaniya, kaya 'wag kang mag-alala at mag-isip na baka mag-away kami." He took a deep breath. "The moment you said you like him too, that's the moment I should have stopped showing you how I feel, but I failed when he was gone- for a while." He paused. "I tried again...but again I failed because he's the only one you've always wanted."
"I'm sorry-"
Agad niya akong nilingon. "Please, don't say sorry, you're making me feel sorrier for myself." He smiled. "Let's continue being friends, okay? Just forget about it."
I forced my smile. "Yeah, sure..."
I really am sorry...
"Masaya akong magkasama na ulit kayo, pero masakit..." Namuo ang luha sa kaniyang mga mata. "Kahapon tinatanong mo ako bakit ang weird ko. I know I've made you worry when I asked you if I could hug you." Bumuntong hininga siya. "I'm sorry for that. 'Yon na kasi sa tingin ko ang huling pagkakataon na mayayakap kita bilang babae na minamahal ko, dahil alam ko pagkatapos no'n, I should see you as my friend and nothing more."
Napangisi siya. "Baka bugbogin pa ako ni Clement kapag nakita niyang ginawa ko pa 'yon sa'yo."
I stayed silent, I don't know what to say.
"Kahit pa gustuhin kong ipilit hindi ko gagawin, alam ko naman sa oras na ginawa ko 'yon, hindi lang ikaw ang mawawala sa akin, pati kapatid ko. I can't afford to lose him, again. In much worse scenario losing him because of the love for a woman I can't be win with." Yumuko siya. "Masyado atang natagalan ang pagbalik ko."
I could feel his pain.
I'm so sorry.
Bumuga siya ng hangin at tinignan ako.
"Just love my brother, okay?" I nodded. "And he shall love you too." Natawa siya. "Because if I saw how undeserving he might be, then I could change my mind and fight for you."
Oh gahd.
"Kidding." He winked.
His vibe suddenly changed, he was relaxed and chilled.
Tumayo siya. "I should probably go to sleep, you too." Nag-iba ang kaniyang aura na parang hindi namin pinag-usapan ang gano'ng bagay.
Ngumiti ako. "Yeah." sagot ko na parang walang nangyari.
Naglakad siya patungo sa lababo. Gumawa ng tunog ang paglagay niya ng kaniyang baso sa sink.
Nilingon ko siya nang marinig ko ang kaniyang paglalakad. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at dumiretso sa gawi ng hagdan.
Napabuntong hininga ako habang tinitignan ko ang kaniyang likuran.
"JV..." tawag niya sa akin.
I answered right away. "Yes?"
He stopped walking.
"For the last time...maybe."
Napakunot ang noo ko. "What is it?"
Bahagya niya akong nilingon.
"I love you, Tasia." he whispered like he was in a lot of pain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro