Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 29

[JV's POV]

Rinig ko ang isang tinig ng lalaki sa speaker. Walang gana lang akong nakatingin sa kaniya habang nakaupo ako sa isang pabilog na table. Nakatayo siya sa harapan ng isang standing mic habang may hawak na glass wine. Nakasuot siya ng peach coat at kaprehong kulay ng slacks. He was smiling, then laughed and so does the other people around me.

Inilibot ko ang aking tingin para tignan ang ibang mga tao, nakaupo rin sila sa harapan ng iba pang mga bilugang lamesa.

Ramdam ko ang pagsalubong ng aking kilay, tinignan ko ang nilalang na nasa aking tabi. "Mom, antagal naman nating umuwi, gusto ko na matulog, inaantok na ako." pagmamaktol ko sa kaniya. Sa kabilang banda ni mom ay naroon si dad, sa kabila ko namang bahagi ay si kuya.

Pinisil ni mom ang aking pisngi. "Baby, 'wag ka na mainip..." pinanggigilan niya ito habang marahan siyang natatawa dahil sa aking itsura.

Napanguso ako at tumingin nalang sa lalaking nagsasalita.

Narito kami sa isang mansion. Maayos ang aming kasuotan, dahil sa mayroong pagdiriwang, kaarawan ng isa sa mga kaibigan ni dad at ang lalaking nagsasalita sa harapan ang aking tinutukoy. Ang iba ring kaibigan ni tito ay narito rin at kasama rin nila ang kanilang pamilya.

Halos lahat ng kalalakihang naririto, kaedad ni dad, ay naka-corporate attire, kulay peach ang kanilang coat at slacks, pati ang mga kababaihan gaya nila mom ay ganoong kulay rin ang suot ngunit nakabestida sila. Ako naman ay sinuotan ni mom ng kulay peach na spaghetti dress at pinarisan niya ng black boots, at ang kuya ko naman ay nakapolo ng ganoon ring kulay.

Hinawakan ni mom ang aking kamay at pinisil-pisil. "Mamaya uuwi na rin tayo, makipaglaro ka muna sa mga bata gusto mo?" malambing niyang sabi.

Umiling lang ako. Gusto ko na talagang umuwi.

"Kuya," tawag ni mom sa aking kapatid. "Ilibot mo muna ang kapatid mo para hindi na magreklamo."

Nilingon ko si kuya nakatingin siya kay mom. "Okay po, mom." Poker face niyang sabi.

Umusog ang kaniyang upuan dahil sa kaniyang pagtayo. "Halika na..." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin.

Nakasimangot ko itong inabot. Naglakad kami papuntang veranda.

Sumalubong kaagad sa akin ang sariwang hangin ng hacienda. Naramdaman ko ang unti-unting pag-relax ng aking kilay sa pagkakasimagot dahil sa ganda ng paligid, napakaraming puno sa di kalayuan ay nakikisayaw ito sa hangin. Sa kabila ng mga punong iyon ay nasisilayan ko na ang karagatan.

Nakarinig ako ng ingay ng mga batang nagtatawanan. Lumingon ako sa bandang gilid ng veranda. May apat na batang nakaupo sa lapag at nakabuo sila ng isang bilog, dalawang babae, dalawa ring lalaki.

"Gusto mong sumali tayo?" tanong ni kuya sa akin.

Hindi ako sumagot at napako lang ang aking tingin sa kanila kaya hinila na lamang niya ako palapit sa mga batang iyon.

"Pwede ba kaming sumali?" tanong ni kuya sa pagkalapit naming sa kanila.

"Sige! Sige! Mas marami mas masaya!" sagot ng isang lalaking bata.

Nanatili lang akong nakatayo roon at tinignan ako ng batang lalaki.  Ngumiti siya sa akin pero hindi ko siya nginitian.

"Halika ka na, umupo ka na rito." pagkausap sa akin ng kapatid ko.

Bumaling ang aking tingin sa kaniya na nakaupo na sa lapag, nakatingala siya sa akin. Umupo ako sa kaniyang tabi at tinignan ang nasa aking harapan. Isang papel na may nakaguhit na mga ahas, pati na rin mga hagdan, at may maliliit na bato na nakapatong sa ibang mga parisukat na nakaguhit roon.

"Ano 'yan?" tanong ko. Tumingala ako at tinignan ang lalaking bata na masayang sumagot sa amin kanina.

"Snake and Ladder." sagot niya sa akin habang nakangiti.

"Ako na rin!" rinig kong sabi ng isang batang lalaki.

Lumingon ang masayahing bata sa lalaking katabi niya. "Mamaya ka na..." bumalik ang tingin niya sa akin.

"Ikaw muna." Muli ay ngumiti siya sa akin at may iniabot. Sinalo ko ang kaniyang ibinigay at may isang dice akong nakita sa aking palad.

"Ano gagawin ko rito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang bagay na iyon na nasa palad ko.

Biglang may kamay na sumulpot sa aking harapan at kinuha ang dice. "Ako muna, tignan mo kung ano gagawin ko tapos gayahin mo kapag ikaw na ang susunod." pagpapaliwanag ni kuya.

Pinagmasdan ko ang kaniyang kamay nang ihulog niya iyon sa sahig. Huminto ang pag-ikot ng dice.

"Oh, apat 'di ba ang bilang ng nasa dice?" tanong ni kuya sa akin. Tumango ako at patuloy pa rin ako sa pagtingin sa kaniyang kamay ng may abutin siyang bato sa labas ng papel. "Ngayon bilangin mo tapos doon ka hihinto." Ginawa niya ang kaniyang sinabi, "pagkatapos no'n hintayin mo ulit ang turn mo para makagalaw ulit ang bato mo, dapat mapunta mo 'yong bato sa pinakadulo para manalo ka, pero kapag may nauna na sa'yo talo ka na." pagpapaliwanag niya sa akin.

Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang sa manalo ang lalaking masayahin.

"Andaya mo naman!" sabi ng isang batang lalaki.

"Babies!" narinig ko ang tawag sa amin ni mom. Nilingon ko ito at nakita ko sila ni dad na lumabas ng mansion. Nakangiti sila sa amin.

"Uuwi na kayo?" nilingon ko ang nagsalita. Ang kaniyang ngiti ay nawala. Malungkot ang kaniyang itsura habang nakatingin lang sa amin ni kuya.

"Maybe?" rinig kong sabi ni kuya.

Agad namang nagsalita ang masayahing bata. "Ano nga palang mga pangalan niyo? Kanina pa tayo naglalaro pero 'di ko alam pangalan niyong dalawa." He curiously asked.

Sinabi ni kuya ang kaniyang pangalan maging ang akin.

"Ako naman si Timmy," nakangiti niyang sagot sa amin, "ito naman ang kapatid ko," tinignan niya ang lalaking nasa kaniyang tabi, "si Dominic." Nilingon ko si Dominic at ngumiti siya sa amin at winagayway niya ang kaniyang kamay. "Ito naman si Josephena at Chesia, sila ang anak ni Tito, 'yong may birthday!" Nilingon ko ang dalawang babaeng nasa aking tabi at ngumiti sila ng malapad sa amin.

Nalungkot ako dahil naisip ko na baka umuwi na kami at hindi na namin sila ulit makalaro ni kuya.

Muli kong tinignan si mom. "Uuwi na po tayo?" rinig ko sa aking boses ang lungkot. Lumapit sila mom sa amin. Sa kanilang likuran ay nakita ko na rin ang iba pa nilang mga kaibigan na lumabas na rin ng mansion.

"Oo, baby, tapos na kasi ang party and may mga gagawin pa kami ng dad mo." nanghihinayang niyang sagot sa akin.

Bumagsak ang aking balikat dahil sa pagkadismaya.

Umupo si dad para maging ka-level niya kami. Hinaplos niya ang aking buhok. "Sa susunod nalang ulit kayo maglaro, okay?" Sinusubukang niyang pagaanin ang aking loob.

"Timmy! Dommy!"

Napalingon ako dahil sa may narinig akong babae na sumigaw. Lumapit siya sa amin.

"Uuwi na po tayo?" tanong ni Timmy sa babae.

"Oo, anak." sagot nito sa kaniya. Ito ang mommy nila Dominic at Timmy.

"Mukhang ayaw pa nilang umuwi." Natatawang sabi ni mom sa mommy nila Timmy.

Tumawa rin ito sa kanila ni dad. "Halata nga, mukhang nag-enjoy na sila."

May lumapit na lalaki sa mommy nila Timmy.

"Asus, parang kanina lang inip na inip na kayong mga bata kayo." sarkastiko niyang sabi sa amin. Nagtawanan silang apat sa aming harapan.

"Mga anak tara na, tayo na kayo riyan..." malambing na sabi sa amin ni dad. Tumayo si dad.

Napasimangot nalang akong muli at tumayo.

"Ayaw ko pa umuwi." bulong ko sa aking sarili.

Naramdaman kong muli ang mahinang pagpisil ni mom sa aking pisngi, "Huwag nang sad, maglalaro ulit kayo next time."

Hindi ko siya nilingon. Patuloy pa rin ako sa pagsimangot.

Napatingala ako ng may sumigaw!

"Dapa!" Bigla nalang akong niyakap ni mom. Napayakap ako sa kaniya dahil sa may sunod-sunod na pagputok ng baril ang aking narinig.

"Kristel, dalian niyo pumasok kayo sa loob!" sigaw ni dad sa amin nina mom.

Nagpalinga-linga ako. "Mom! Dad! Kuya!" nagpa-panic kong tawag sa kanila. Natataranta ako, hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot ako. Bakit mayroong mga putok na baril?

Patuloy ako sa pagsigaw para tawagin sila mom. Binuhat ako ni dad. At nakapasok kami sa loob.

"Fck!" rinig kong mura ni dad habang tumatakbo. Tuloy-tuloy pa rin ang putok ng baril.

I'm scared, I'm so scared.

I was crying. Nakita ko na tumatakbo rin sila mom habang hawak niya si kuya. Pati ang iba pang mga tao ay tumatakbo rin.

I was sobbing. Kumakalabog ang puso ko. Yumakap ako sa leeg ni dad dahil sa takot. I don't know what's happening. Are they going to kill us? Why are they firing on us?

I was praying for this to end. Ayoko na, ayoko na. Nangangamba ako dahil baka kung mapaano kami. Nagsimulang gumawa ng mga imahinasyon sa aking isip, naalala ko ang aking mga napanood, bigla kong naisip na baka gano'n ang mangyari sa isa sa'min nila dad. Ayoko no'n.

Until I heard my brother's scream. "Mom!"

Napatingala ako. Huminto si dad sa pagtakbo, bago pa makaharap si dad sa kanila ay nakita ko si mom na nakahandusay sa grass. Nakalabas na kami ng mansion.

Tumakbo siya pabalik at huminto kila kuya. Binaba ako kaagad ni dad. Naistatwa ako hindi ako makagalaw habang nakatingin lang kay mom. May huminto sa aming isang kaibigan ni dad.

"I got them brad!" Agad niyang hinila si kuya at binuhat naman niya ako.

"Susunod kami sa inyo." sabi ni dad sa amin. "Gonzales, make them safe." maawtoridad niyang sabi sa lalaking may karga sa akin.

"Yes."

Tumakbo ang lalaking may hawak sa akin palayo kina mom and dad.

"Mom! Dad!" sigaw ko. Nakita ko ang pagbuhat ni dad kay mom.

"They'll gonna be fine, little girl." Hingal na sabi ng lalaking may hawak sa akin habang patuloy pa rin siya sa pagtakbo. "Your dad got your mom, don't worry. Susunod sila sa atin."

Nakita ko ang walang malay na katawan ni mom sa bisig ni dad habang tumatakbo siya sa daang tinahak namin. Her peach dress became red because of the blood stains on her tummy.

Napabalikwas ako sa kama. "Mom!" Habol ang aking hininga kasabay nang pagyakap ko sa aking puso. Ang sakit. Sunod-sunod na luha ang kumawala sa aking mata. Bakit kailangang iyon pa ang aking mapanaginipan?

"Mom..." muli kong pagtawag sa kaniya ng may matinding sakit at lungkot sa aking boses.

"Victoria?" Narinig ko ang boses ng aking kuya sa labas ng aking pinto.

Muling bumalik ang lahat ng sakit. Muli kong naalala ang mga nangyari bago mawala si mom, ang dahilan ng kaniyang pagkawala.

Hindi pa rin natigil ang aking pag-iyak at paghikbi nang marinig ko ang pagbukas ng aking pinto.

"Hey, hey hey..." Tumabi sa akin si kuya at niyakap ako.

"I dreamt m-mom..." sambit ko sa pagitan ng aking paghikbi.

Hinagod niya ang aking likuran. "Shh...shh..."

"Kuya...I m-miss her s-so m—much" Hindi ko napigilan ang aking paghagulgol. "I w-wanna see her again..."

"I know..." His voice cracked. "I know Victoria...and me too..." I felt the kissed he did on my hair. He continued to caress my hair and back until I regained myself.

"Let's go downstairs for you to drink water." Humiwalay siya sa pagkakayakap naming dalawa.

Pagkababa naming dalawa ay pinaupo niya muna ako sa harapan ng lamesa habang kumukuha siya ng tubig.

Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng sulok ng aking mga mata at 'di nagtagal ay tumulo ang luha sa aking pisngi. Hindi pa rin nawawala ang bigat na nasa aking puso dahil sa aking panaginip. Suminghot ako at pinunasan ang aking pisngi. Binaon ko ang paghihinagpis na ito sa aking puso pero dahil sa isang panaginip na nangyari noon ay muli ko itong naramdaman na parang sariwang-sariwa pa. It was like, I'm mourning again.

Inilapag ni kuya ang isang basong tubig. Umupo siya sa opposite side. Kahit 'di ko siya tignan ay alam kong malungkot siyang nakatingin sa akin.

Nang abutin ko ang tubig ay muli na namang tumulo ang aking luha. Pinunasan ko muna ang ito tsaka uminom. Ibinaba ko ang baso at yumuko. Ipinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim.

"Mom will not want to see you crying..." malungkot na sabi ni kuya.

"I k-know." I sniffed. I calmed myself.

"Pumapangit ka lalo." I heard his small laugh. Matalim ko siyang tinignan, nakatawa siya sa akin pero ang mga mata ng hampaslupa kong kuya ay sumisigaw ng kalungkutan.

"Come on," tumayo siya at lumapit sa akin. "Let's go get some ice cream." Tinignan ko ang kamay niyang nakalahad at binalik ang aking tingin sa kaniya.

"Dalian mo, ang pangit mo." Napairap nalang ako tsaka inabot ang kaniyang kamay.

"How's the dinner date with Clement and his parents?" tanong ni kuya habang hinihintay namin ang aming order.

"Good." I can't help but smile. At some point I'm feeling better.

"Good?" Napatingin ako kay kuya dahil nasa kawalan na pala ako nakatingin. Pinanliitan niya ako ng kaniyang mata.

Napasimangot ako, "What?"

"Ugly." Inirapan niya ako at inalis ang tingin sa akin. Wow. Baka magkamukha lang kami? Duh.

Tumingin ako sa glass wall ng ice cream shop, napaampat ako habang taimtim na pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan. Sa ibang mga pagkakataon ay sinusundan ng aking mata ang mga taong dumadaan sa labas, madalas sa kanila ay nakapayong dahil sa araw ngunit hindi na ganoon kainit dahil mga nasa alas kwatro na rin ng hapon.

Nakakita ako ng isang lalaki na lumagpas sa ice cream shop, naalala ko si Clement.

I took a deep breath.

The things he said last night, the details I learned about him. I felt sorry for the things he has been through, but my heart was flattered at the same time, because he's trusting me to carry those secrets.

Gahd.

Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Nagre-review na rin kaya siya ngayon? Balak niya nga sanang sabay kaming mag-review pero sabi ko kailangan naming mag-focus at alam kong mahirap 'yong gawin lalo pa't madali akong ma-distract kapag nasa tabi ko siya. Kaya napagpasiyahan kong umuwi nalang kaninang umaga para makasimula na kaming mag-review.

Agad din akong nag-review kanina dahil sa dami ng kailangan kong basahin, hanggang sa sumapit ang tanghali at nakatulog ako.

"By the way," nawala ang tahimik kong pagkatulala sa labas nang magsalita ang hampaslupa kong kuya. "I've already booked our flight to Germany." Tinignan ko siya. "Aalis tayo sa sembreak mo pero hindi sasabay sina nanay at tatay sa flight. Susunod nalang raw sila dahil may business trip sila sa araw ng flight natin."

Napatangon ako kapagkwan ay napahinto ako at agad na napatanong, "Pero makakauwi naman tayo bago mag-birthday si Clement, 'di ba?"

"Yes, of course, don't worry ugly sister." Ngumiti siya nang nakakaasar, "makakapunta tayo sa kaarawan ng bebe mo."

Hindi ako nagpaapekto sa kaniyang sinabi. Poker face ko lang siyang tinignan.

Tumingin siya sa side ng glass wall ng ice cream shop bago magtanong, "So how was school?" pag-iiba niya ng topic.

"Good, malapit na exam." Napahinto ako. Bumalik ang mga alaala kahapon tungkol sa daga.

"Why?"

Napakurap ako dahil sa kaniyang tanong.

Kunot ang kaniyang noo na parang sinusuri niya ang aking expression.

I started tell my story with a suspense tone. "Kahapon. Sa locker ko, I saw a note it says Found you, I thought it was from Clement." Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. "Then under my desk..."

"May nakita rin akong ganoong note, tapos may isang transparent na platic at sa loob no'n ay patay na daga."

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Nag-palpitate ang kaniyang kilay dahil sa aking sinabi. Napatitig lang siya sa akin at hindi kaagad nakasagot. Tumingin siya sa kawalan, bahagyang tumigild ang kaniyang ulo na parang may hinala siya sa pwedeng may gawa no'n.

Bumalik ang kaniyang tingin sa akin. "Don't worry I'll figure it out," he's assuring me to make me feel safe. Kapagkuwan ang kaniyang mata ay nakakitaan ko ng pag-aalala. "Just be safe, watch out for yourself, always. Okay?" Magkasalubong ang kaniyang kilay habang pinapaalalahan ako.

I nodded.

Hinugot niya ang kaniyang phone sa bulsa niya at kaagad iyong kinalikot.

"H-hindi naman siguro tayo nahanap, right?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

Agad siyang nag-angat ng kaniyang tingin sa akin. Lumunok siya ng laway. "I think," he paused "they did find us." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro