Talipandas
Marami akong nais
isumbat sa kalawakan.
Kung paano, iyan ay hindi ko batid. Naumay na yata ang isip sa pag-iisip
ng paraang lagusan sa pag-alpas.
Kung bakit, marahil ay kumakalas
na ang lakas ng sinaunang tibok.
Ang nililok na tibay ay nawalay
sa dating tagapangalaga ng sigla;
Talinghaga — sagot
sa sapantahang pumapagaspas.
Pagod na akong maghabol
sa pantasiyang ubos na't kupas.
Bukas man ang piitan,
karimla'y nasa hukay;
Unti-unting nahuhulog
sa kapangyarihang ginapas.
Aanhin ko ang lagusan
kung nakatanikala ang buhay?
Hindi lunas ang pag-asa
sa imahe ng dahas.
—MLD |12292020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro