Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Salubong sa Bagong Kabanata

✨;

Mulat ang siyang diwa ng bawat isa,
Lahat may bakas ng ngiti sa mukha,
Kapaligiran ay busog sa musika,
Bata, matanda, handang-handa na sila,
Sa pagsalubong sa bagong kabanata,
Ilang oras nalang ay bagong taon na.

Init ng yakap, humahaplos sa puso,
Yakap ng pagmamahalan ang nabuo,
Inaalaka ang masasayang tagpo,
Palitan ng biro habang nagluluto,
Malasa ang nakahaing paborito,
Ang kakaning sa mata'y umeengganyo.

Matitingkad ang kulay na natatanaw,
Mga paputok na pumapaibabaw,
Ang kalangitan ay tila umiilaw,
Ang lahat ay nagagalak, humihiyaw,
Nakakaaliw, ang pagkamangha'y apaw,
Malugod ang salubong sa bagong araw.

Tuwing iihip ng torotot si Inday,
Sasabat si Nene sa kabilang bahay,
Tila musika ang dulot nilang ingay,
Na sa pamayanan ligaya ang bigay,
Tamis ng nguting sa pisngi'y sumisilay,
Para sa bagong taon na hinihintay.

Malinggal ang torotot ng kabataan,
Bumubuo ng himig sa buong bayan,
Ang pagsindi ng kuwitis ng iilan,
Walang pagsisidlan ang katahimikan,
Katakam-takam pagkain sa kainan,
Sarap na nalalasap, iyong tikman.

Malakas ang naririnig na putukan,
Kumakalansing na kubyertos sa pinggan,
Mainit na handa ay malalantakan,
Sabay-sabay na itong pagsasaluhan,
Sa pagsapit nitong kamay ng orasan,
Alas Doseng matiyagang inabangan.

𝐒𝐀𝐋𝐔𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀
Shimmering_Yellow, Shimmy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro