Dead
RAIN'S POV
"Miss...."
"Miss..."
naririnig kong may tumatawag sa akin kayat dahan-dahan akong napadilat.
agad tumambad sa akin ang liwanag ng ilaw kayat agad kong itinaas ang kamay ko upang takpan ang mga mata ko, agad kong ibinaba ang ulo ko. Nakaramdam ako ng masakit sa kamay at noo ko kayat napungol nalang ako sa hapdi.
nagulat ako nang makitang nakaupo ako sa isang silya at may isang wooden table sa harapan ko.
"Miss sa wakas gising ka na"
agad akong napatingin kung sino ang nagsalita...
Isang lalake ang nakatayo sa harapan ko. Nakasuot siya ng formal clothes. Ma-otoridad ang mukha niya pero hindi siya masyadong matanda tingnan
medyo nalilito pa ako kayat napatingin ako sa paligid.
Nasa isa akong maliit na kwarto. Madaming mga salamin sa paligid.
"N...Nasaan ako?...a..ang mga kaibigan ko?!!! " napasigaw ako
humarap sa akin ang lalaki at umupo din silyang katapat ko.
"Nasa police station ka , nandito ka ngayon sa interrogation room. May nakakita sayong duguan sa gitna ng daan kayat kinuha ka nila at dinala dito. " lalaki.
"Ako nga pala si Detective Xavier Sanderson...ikaw anong pangalan mo?"kalmadong tanong sa akin ng lalaki
nakunot ang noo ko sa narinig...
napatingin ulit ako sa salamin sa gilid ko at laking gulat ko nang makitang madami akong sugat at dugo sa katawan ko.
bigla kong naalala ang iba.
magkasa kami ni Lexi...may humahabol sa amin kayat nagkahiwalay kami. Naaalala kong nakita ko si Peter na nakahiga sa lupa at duguan. S...si Jane naririnig ko siyang sumisigaw pero biglang dumilim na naman ang lahat.
"Miss what is your name?...we need to know para matawagan namin ang parents mo..." detective
agad akong napatingin sa kanya
biglang nagsitulo ang luha ko..
"My name is Lorraine Elise Chen! Please help me! " natigil ako sa pagsasalita ng maalala ko si Chuck.
gusto ko silang makita....
gusto kong malaman na okay lang sila..
sina alexis...
"Okay now tell me what happened?" Detective
muling bumuhos ang luha ko..
napapikit nalang ako nang maalala ko ang lahat.
"Weeks ago, Sumali kami sa isang Suicide Pact. Nagbago ang isip namin kayat umatras kami , pero huli na ang lahat. Iniisa-isa na niya kami. We thought it would be the right solution to our problems but now its the very thing we are fighting just to stay alive." ako
tumango lang ang detective na parang naiintindihan niya ang mga nangyari.
"I believe you...its just that... " Detective
hindi niya maipagpatuloy ang sasabihin niya. Para bang nagdadalawang isip siya.
teka nasaan ba ang mga kaibigan ko... hindi kaya...
"Please where are they?! Kailangan ko na silang makita.." pagmamakaawa ko sa kanya.
huminga ng malalim yung detective samantalang ako humahagulgol na.
"Ms. Chen Something happened in that abandoned amusement park...ano ang naaalala mo?" tanong niya sa akin
agad kong tinakpan ang bibig ko para mapigilan ang paghikbi ko..
"I cant remember everything......b..but There was smoke everywhere , nawalan ako ng malay..paggising ko ang dilim........" tumigil muna ako sa pagsasalita para huminga ulit at punasan ang luha ko "tumatakbo ako , kasama ko si Alexis... may humahabol sa amin!" hindi na ako halos makapagsalita ng maayos dahil hindi ko na mapigilan ang luha ko.
"Please! nasaan ang mga kaibigan ko?! I need to see them please! " pagmamakaawa ko ulit.
tumango si Detective at agad na may kinuha mula sa sobreng hawak niya.
nagulat ako nang may inilatag siyang litrato.
agad akong napatingin dito.
"Kilala mo siya? " tanong ni Detective sabay turo sa litrato
pakiramdam ko masusuka na ako sa nakikita ko. Tanging iyak lang ang magagawa ko. Nasa harapan ko ngayon ang litrato ni Alexis na nakahiga habang duguan.
"Lexi" mahinang bulong ko...
W..wala na si Lexi?....
pakiramdam koy tatakasan na ako ng katinuan..
hindi magkamayaw sa pag-agos ang luha ko , hindi na rin ako makahinga ng maayos. Para akong isang batang umiiyak...
naglagay ng isang kahon ng tissue ang detective sa harapan ko pero hindi ko ito ginagalaw.
naglatag ulit ang detective ng isa pang litrato..
"Chuck?" napahagulgol ulit ako..
hindi ko na kayang tingnan pa ang ibang mga litrato... marami pang inilatag ang mga detective pero hindi ko na sila kaya pang tingnan... napakasakit... napakasakit malaman na wala na sila.
"Im sorry but you are the only survivor...We found 10 dead bodies there... All of them were brutally murdered " Detective
napahawak nalang ako sa noo ko at nagpatuloy sa paghagulgol..
napatingin ulit ako sa mga litrato , lahat sila duguan at nakahiga sa sahig..
bakit ako pa ang natira?!
sana namatay nalang din ako....
"Lorraine , please tell me ...ano ang mga nangyari sa amusement park? " detective
"Please remember everything.... " dagdag pa niya..
ngunit hindi na ako makapagsalita ulit..
pakiramdam ko nabibingi na ako..
nagiging nakakalito na ang lahat...
pighati lang ang tanging nararamdaman ko...
wala na daw silang lahat...wala na akong rason pa para mabuhay...
sandaling lumabas si Detective para tawagan daw ang mga magulang ko...matapos ang ilang minuto ay pumasok ulit siya... sabi niya parating nadaw ang pinsan ko at ang mga kamag-anak ng iba..
marami siyang mga itinatanong sa akin pero hindi na ako sumasagot..
tanging mga kaibigan ko lang ang nasa isip ko..
ang sama ko... bakit ako pa ang nabuhay...ako na siyang may taning na ...
muli akong napahagulgol....
"Ang mga kaibigan ko....." ako
END OF SPECIAL CHAPTER :)))
Anong masasabi niyo sa chapter nato? ^___^
Ang mga susunod na chapter ay magiging flashback lang ... ipapaliwanag dito kung paano humantong ang mga nangyari sa chapter nato. KUMBAGA , ITONG CHAPTER NATO ANG PRESENT.
GUYS PAKIUSAP , KAPIT LANG KAYO... hahahaha :DD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro