Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45 : Finale

A/N : Yung feeling na badtrip ako dahil sa walang hiyang quiz namin. PERO nang makita ko ang mga comments nyo bigla akong napangiti. Yung mga silent readers nagsilabasan! hahaha. Natuwa ako nang makitang may 93 comments yung previous chapter! hahahahah

INSPIRED TULOY AKONG MAG-UPDATE!

SALAMAT NG MARAMI SA INYONG LAHAT *teary eyes*

Sa mga walang sawang nagbasa nito , MARAMING SALAMAT :))))

 ang CHAPTER NATO AY PUNO NG FLASHBACKS.. 

ENJOY READING :)))

VOTE AND COMMENT.





- - - -- - - - -- - - 


THIRD PERSON'S POV


FLASHBACK ◄



[Red and Casper's Conversation]




Napabuntong hininga si Red....

"Alexis Coleen Conception NEVER EXISTED....."




kaagad na nanlaki ang mata ni Casper at kaagad na nakunot ang noo niya.

"ANO?!" Casper

"My Cousin was born KEITH NICKOLAI YEUN...... she didnt went missing for just 4 months... They went missing for for 8 months.  May sinabi sa amin ang mga pulis na isinali daw ng taong kumidnap sa kanila ang mga bata sa paggawa ng krimen. Hindi ko na alam ang ginawa nila dahil natatakot ako sa maaaring malaman ko. Hindi pulis ang nakapatay sa kidnapper nila.... Ang mga bata mismo ang pumatay sa kidnapper nila... It was brutal and Horrible" Saglit tumahimik si Red at umupo..."When Keith was rescued she was no longer the same...She was no longer my little girl. Ilang buwan siyang pinasuot ng straight jacket dahil pilit niyang sinasaktan ang sarili niya at ibang taong lumalapit sa kanya.. Talagang nag-iba si Keith , natakot kami sa kanya dahil napaka-wild niya Sabi ng lahat dahil daw sa trauma. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga doktor sa kanya pero isang araw sinabi nalang sa akin ni Mommy na Kalimutan si Keith... Simula nun tinawag na namin siyang Alexis..." Kwento ni Red.




"Seryoso?"
hindi makapaniwala si Casper sa narinig."S..sino ang nakakaalam ng totoong katauhan ni Lexi?" tanong ni Casper out of curiosity.

"Sina Raven , Miggy ,  at Marcus. Alam nila dahil magkaklase kami noong kinder at elementary kami. Hindi nila alam ang buong storya pero alam nilang binago namin ang pangalan ni Keith.Si Rain alam din niya ang tungkol dito pero isinikreto din niya para sa kapakanan ni Lexi... Karamihan sa mga teachers At maging si Principal Smith.. alam nila ang katotohanan... Itinago din nila ang sikreto namin dahil madaming bata sa lungsod nato ang nasa kagayang nasa sitwasyon ni Keith."

tumango nalang si Casper.. Ngayon naiintindihan na niya..

Ngayon alam na din niya kung bakit nagalit si Marcus kay Lexi/keith.

"So kaya ka din nagpakagago para walang magpangahas na magsabi kay Lexi sa totoo niyang pangalan?" Casper

tumango si Red...

"Oo at sinigurado ko ding hindi makakalat ang impormasyon na yun sa iba. Parati naming pinapainom ng gamot si Lexi para maiwasan ang pagbalik ni Keith at ala-ala niya....Kapag nasa stress o depresyon si Lexi ay may chansang bumalik si Keith kung hindi siya makakainom ng kanyang mga gamot... Natatakot kaming bumalik si Keith dahil baka mag-iba na naman yung pakikitungo niya sa amin o sa sarili niya.." Red



END OF FLASHBACK...............►






- - -- - - - -- - -- - - 


PETER'S POV




===PRESENT===




kaadag na nanlambot ang mga paa ko sa nakita..

napaluhod ako at napaiyak..

Pwede bang magpabugbog nalang ulit ako kay Bishop. Mas gugustuhin ko pa yun , Dahil mas masakit pa ang nakikita ko ngayon.

Kitang-kita kong sinaksak siya ni Red.

"T..thank you..." narinig kong sabi ni Lexi at kaagad na inuyoko ang ulo nito.

Silang dalawa ay nakayuko lang at pawang nakatayo sa harapan ng isat-isa.

Dahan-dahang iniangat ni Lexi ang mukha niya...

Natakot ako nang makita ang kakaibang ngiti sa mukha niya...

Nagbago ang expresyon sa kanyang mata kayat alam kong hindi na ito si Alexis.

Ang babaeng nasa harapan ni Red ay walang iba kundi si Keith...

iisa lang ang mukha at katawan nila pero alam na alam ko ang kaibahan nila... Masama si Keith habang si Lexi ay hindi.

"W...WOW RED" muling tumulo ang dugo mula sa bibig niya kayat tumigil siya sa pagsasalita at pinunasan ang dugo sa kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay. "G..ganun ka na ba talaga ka-desperado para mawala ako.... K..kinaya mong patayin si Alexis para lang m..mawala ako?" Sabi ni Keith habang naiiyak.

Nanghihina na si Keith kayat kaagad siyang natumba.

Nasalo siya ni Red. Umupo nalang si Red sa sahig at pinahiga sa kanyang braso ang naghihingalo niyang pinsan.

 "K..keith bakit mo nagawa to? bakit ka sumali sa kanila" Iyak ni Red

saglit na napangiti si Keith...

"Because they are my real friends... We protected each other for 8 months.. pero kayo ipinagpalit niyo ako kay alexis... s..she stole my life... s..she stole all of you from me... Its my body....my life.... not hers..I hate her...i hate alexis so much.. I want her to suffer..." Keith

gulat na gulat ako sa narinig..

pakiramdam koy mahahawa na ako sa kabaliwan nila...

"I..im sorry bunso.. P..patawarin mo ako.." mahinang bulong ni Red habang humahagulgol ang hinahagkan ang pinsan.

Biglang tumahimik si Keith...

pagkaraan ng ilang segundo ay bigla itong nagsalita..

"k..kuya .. n..nabasa mo ang s..sulat...thank you posporo..you did the right thing....." pilit na nagsasalita si Lexi kahit na nahihirapan na itong huminga.

Sigurado akong si Lexi na ulit ang kausap ni Red ngayon..

"Alexis... Patawarin mo ako...mahal na mahal kita..." Red

Palakas ng palakas ang paghagulgol ni Red kayat maging ako ay napahagulgol na rin..

Napatingin ako sa sahig at may nakita akong papel na nakalukot.

Marahil ito ang sulat na ibig sabihin ni Lexi dahil malapit lang ito kay Red.

hinawakan ko ang paa kong nagdurugo pa at tinipon ang lakas ko para lang makatayo at mapulot ang sulat na yun..

Nagulat ako nang mabuksan ko ang papel... Basa na ito ng luha per kahit ganun ay nababasa ko parin ang nakasulat.

"DEAR REDENTOR NA MUKHANG POSPORO....

hahahaha Peace kuya Gusto lang kitang insultuhin kahit sa huling pagkakataon...

Kuya narinig ko ang pinag-usapan niyo ni Casper.....naging malinaw na sa akin ang lahat.....Patawarin mo ako kung sinubukan kong wakasan ang buhay ko. Yun lang kasi yung naisip kong paraan para hindi na ako makasakit ng ibang tao. Nung isang araw, nagulat ako nang magising ako at nakitang duguan ako Ngunit mas ikinagulat ko nang mapagtantong Hindi sa akin ang dugo na yun tapos may nakita pa akong duguang martilyo sa tabi ko.... Kuya alam ko na ang lahat.. Alam ko din kung ano ang kayang gawin ni Keith...Kayang gawin ko........

Kuya kailangan ko ang tulong mo. You have to end my suffering..You have to set me free... The only way to do that is to kill me... Red ayoko ng makasakit ng tao , pakiusap tulungan mo ako. Hindi ako magagalit sayo...Red kill me.. please kill me..


Tell mom I love Her and Im sorry. Alam ko na ngayon kung bakit pilit siyang lumalayo sa akin, alam siguro niyang darating ang araw na magbabalik si Keith at kailangan na kaming mawala.... at pakisusap tell them Im sorry , Yung pamilya ng mga napatay ko... Forgive me , im sorry...


I dont wanna hurt anyone...please kill me..  I love you kuya..."






alam ko na kung bakit nagawa ni Red na saktan si Lexi..

Napaiyak nalang ako...

Bigla kong naalala ang mga nangyari sa amin kanina...

FLASHBACK ◄ 

"AAAAHHHHHHH! "

napasigaw ako at napapikit nalang sa takot dahil bumwelo na siya sa pagsaksak..

Alam kong ilang sandali nalang ay mamatay na ako..

.......

.....

......

Teka bakit ganun? biglang gumaan ang siko ko , hindi ko na siya nararamdaman. At saka wala akong nararamdamang masakit  O_O

anyare?

"KENNY ITIGIL MO NATO!" narinig kong sumigaw si Lexi..

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at laking gulat nang makitang Nakahiga sa sahig si Bishop at duguan... Nakatayo sa harapan niya si Lexi na may hawak na duguan na kutsilyo.

nakita kong nakaharap si Lexi sa isang salamin..

bigla siyang pumikit..

"HINDI KA TOTOO! HINDI KA TOTOO!" sigaw ng sigaw si Lexi habang hawak ang kanyang ulo at kaagad na tumakbo paalis ng kwartong kinaroroonan namin...

Hala.. Teka..k..kaya pala... Kaya pala nang itinuro sa akin ni Lexi ang kinaroroonan ni Kenny ay wala akong naabutan dun... Pagdating ko doon ay dead end yung pasilyong itinuro niya at tanging ang naroroon lamang ay SALAMIN...



At kaya din pala ni-isa sa amin ay hindi pa nakikita si Kenny.




kami nalang dalawa ni Bishop ang nandito kayat kahit mahirap ay dahan-dahan ko siyang nilapitan.. naghihingalo na siya..

bahagya akong napangiti..

"Tangina ka.. mauuna ka pala sa akin tinorture mo pa ako" kaagad kong sinipa ang pribadong parte ng katawan niya kayat napangiwi nalang siya sa sakit..

"S..sabihin mo nga sa akin Totoo bang tao si Kenny?! sigaw ko sa kanya..

bigla siyang napangiti kahit na madaming dugo ang lumalabas mula sa bibig niya.

"Baliw yung kaibigan ninyo....Multiple Personality Disorder to be exact..... S..sinakyan ko lang yung trip niya.. H...hinango ko din nga sa pangalan ni Keith si Kenny eh.. malay ko bang maniniwala kayo..... Walang Kenny! n..nakikita lang ni Lexi ang kanyang sarili sa harap ng salamin sa katauhan ni K..kenny" pilit na nagsasalita si Bishop kahit na halatang-halatang nahihirapan na siya at kaagad na tumawa..."Hey Peter guess you won! Congratulations and dont take your life for granted" Bishop

nagulat ako sa sinabi niya..

"GO TO HELL " yun na lamang ang naging sagot ko sa kanya..

tumawa si Bishop..

"S...see..you...the..rre" mahinang bulong niya at dahan-dahang napapikit..

- - - -- - - -- - - -- 

PETER'S POV

=====PRESENT=====

 [PLAY THE SONG ON THE MULTIMEDIA BOX]

muli akong napaiyak nang dahil sa naalala ko.

tinulungan ako ni Lexi kanina...

" 'Ya, Tell mom I love her okay?....And dont blame yourself...never blame yourself you idiot...A..ako ang may kasalanan.. I hurt those people.....you didnt" sabi ni Lexi at kaagad na inabot ang ilong ni Red at pinisil ito ng pabiro..

iyak na ng iyak si Red..

patuloy lang siya sa pagyakap sa kanyang pinsan..

"Alexis..im sorry...." pauli-ulit na pagbanggit ni Red..

kanina ko pa siya naririnig na humihingi ng tawad.

naiintindihan ko ang nararamdaman ni Red.. Buong buhay niya ay wala siyang ginawa kundi ang alalahanin ang kapakanan ng pinsan niya pero ngayon siya pa ang mismong papatay nito..

"shh... I lo..love you okay?..Take care of yourself.... I..ikaw na ang bahala kay Mommy ha.. alagaan mo siya ng m...mabuti okay?" mahinang bulong ni Lexi habang dahil muli siyang kinakapos sa kanyang hininga.. Nakatingin lamang siya sa mga mata ni Red habang pilit na ngumingiti..

tumango si Red at kaagad na hinalikan ang noo ni Lexi.

patagal ng patagal ay nahihirapan na sa paghinga si Lexi..

walang nagawa si Red kundi hagkan nalang ito..

"Kuya..s..sing m..me a lullaby" mautal-utal na sabi ni Lexi dahil sa pagkapos niya ng hininga..

iniabot ni Lexi ang kanyang mga kamay at kaagad itong hinawakan ni Red..

rinig na rinig ko parin ang paghagulgol ni Red...

 huminga siya ng malalim

"♫ l LOVE YOU.... YOU LOVE ME" saglit na tumigil si Red sa pagkanta upang magpakawala ng hikbi.. tinakpan nalang niya at kanyang bibig at tumingala upang pigilan ang kanyang luha.."L..Lets go out....." hinalikan niya ang noo ni Lexi " And kill Barney... With a shotgun bang bang... "  muling tumigil si Red sa pagkanta...

"Alexis! Mahal na mahal ka ni Kuya! tandaan mo yan palagi" tumigil si Red sa pagkanta dahil hindi na niya kaya pa ang pighati na kanyang nararamdaman....

"Shh..kanta pa.." bulong ni Lexi at ngumiti..

"Barney on the floor..no more baklang d..dinosaur♫.... "pagtatapos ni Red sa kanta niya.

Biglang nabalot ng katahimikan ang buong lugar.....

ayoko ng ganitong katahimikan..

natatakot ako...

napatingin ako kay Lexi.... 

nakapikit na ito.... w..wala na siya....

narinig kong napasigaw si Red ng napakalakas habang humahagulgol....

napayuko nalang ako...

"Guys?!..." bigla akong may narinig na sumigaw kayat kaagad akong napalingon sa likuran namin.

nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya...

dali-dali akong tumayo at nilapitan siya..

"MASTER *sniff* ROBBIE! " napasigaw ako...

nagulat ako nang biglang 

*BOOGSH*

kaagad akong napahiga sa sahig ng bigla niyang sinuntok ang mukha ko..

nanlaki ang mga mata ko.. inis na inis ang mukha ni Master... 

"M..master? ba..bakit mo ako sinuntok?!!" iyak ko habang hinihimas ang mukha ko.

akmang sisipain na niya ako kayat tinakpan ko nalang ang mukha ko.

bigla niya akong kinwelyuhan...

"NYETA KA! HINDI KA BA MARUNONG MAG-FLUSH?!!!!! TANGINA! ANG TANDA-TANDA MO NA HINDI KA PARIN NAGF-FLUSH! PAKINGSHET!" malakas niyang sigaw sa akin...

flush?

hala...

oo nga pala... hindi ako nagflush dahil nagmadali na akong umalis.. ahihihihih

Napakamot nalang ako sa ulo ko at napangiti... Itinaas ko nalang ang kamay ko at agad na nag-peace sign..

"Sorry master.. ahihihihih " 

biglang nanlaki ang mga mata ni Master ng napatingin siya sa direksyon nila Red..agad niya akong nabitawan..

"P..peter.. A..anong nangyari?" gulat na tanong ni Robbie

napayuko nalang ako..

hanggang ngayon rinig na rinig parin namin ang pag-iyak ni Red...

"Lexi..was the last murderer..."  mahinang bulong ko..

Nanlaki ang mga mata ni Robbie at kaagad na napalingon sa akin..

"Hoy manyakis wag kang magbiro ng ganyan" Robbie

"S..sana nga biro lang tong lahat..." sabi ko...

"Babaguhin ko yung number one rule ko.... DONT TRUST ANYONE.... EVEN YOURSELF..." biglang sabi ni Master....

nanlumo yata si Master Robbie sa nalaman kayat agad siyang umupo sa tabi ko..

"Congrats Peter Pervert.... Youre the last pawn standing" mahinang bulong niya at agad na tinapik ang likod ko...

Ano daw?

Last porn standing?

"Master anong porn?" tanong ko sa kanya..

Dahan-dahan siyang napalingon sa akin at tiningnan ako ng masama..

"Ang pawn na mahilig sa porn ang siyang nabuhay... buhay nga naman... " Master Robbie

napakamot nalang ako sa ulo ko..

agad kong hinawakan ang mga mata ko at pinunasan ang luha ko..

"m..master patay na ang mga killers diba?... Panalo tayo...Pero bakit ganun hindi ako masaya" sabi ko habang nakatingin kay Red na yakap yakap parin ang walang buhay na katawan ni Lexi.

muli akong napatingin kay Master Robbie..

napakaseryoso ng mukha niya..

"Its not over yet....... Nagsisimula pa lang ang lahat....." mahinang bulong niya ...

END OF CHAPTER 35

- - -- - - - -- - -- 

MAY EPILOGUE PA  ^___^

Just to be CLEAR :

KENNY NEVER EXISTED. PARTE LANG SIYA NG KABALIWAN NI LEXI. SA SALAMIN LANG SIYA NAKIKITA NI LEXI PARATI. 

•ALL THE CLUES ARE THERE MULA SA PREVIOUS CHAPTERS PA LANG.

•NAALALA NIYO YUNG CONVERSATION NI RED AT MOMMY NILA?... NOON PA LANG INIHAHANDA NA KASI NG MOMMY NILA SI RED NA MAWAWALA SI LEXI...DAHIL ALAM NILANG MAY MASAMANG MANGYAYARI PAG BUMALIK SI KEITH.

 • BALIW SI ALEXIS... may multiple/dessociative identity disorder siya.

If may questions kayo backread lang OR Just ask.. Wag mahiya. Hindi ako pumapatay. hahahaha XD. Tanong lang kayo para makapag-release ako ng FAQS or magdagdag ako ng special chapter. haha.

GUYS , SOBRANG THANK YOU SA WALANG SAWANG PAGBABASA NG OUR SUICIDE PACT... MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. ^___^

SANA AY NAGUSTUHAN NINYO ANG STORY NATO. PASENSYA NA KUNG NAGING PANGIT MAN ANG STORY AT ENDING :)))))))))

MARAMING-MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT.

GOD BLESS ♥

VOTE AND COMMENT :)))

BTW , gagawa ako ng sequel o hindi?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro