Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43 : A knight in a Pawn's clothing

A/N : Guys pasensya na pero hindi ko talaga masisigurado ang life spans ng mga characters. Anything is possible...Anyone can die...Pasensya na talaga kung mamamatay ang fav. characters niyo. :))))))))))))))

P.S... Akoy isang troll hahahah XD , basta yun lang. hahaha

- - - -- - -- - -


THIRD PERSON'S POV

"T...tulong.... Tulungan niyo ako...P...parang-awa mo na itigil mo na to"


dahan-dahang idinilat ni Lexi ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng mga bulong...Nasa isang kwarto sila na tadtad ng mga salamin.....

Laking gulat niya ng makita niyang nasa di kalayuan ay nakahiga si Raven sa sahig...

Naghihingalo na ito habang patuloy na pinagsasaksak ng taong nakatayo malapit sa kanya...

Duguan na si Raven at nahihirapan ng huminga.



napaiyak nalang si Lexi dahil awang-awa siya sa sinapit ni Raven.

Gusto niyang tumayo para tulungan si Raven ngunit hindi siya makakilos.

Pinipilit niya ang kanyang sarili na gumalaw ngunit hinang-hina na siya.




Napatingin siya sa kung sino ang sumasaksak kay Raven at laking gulat sa kanyang nakita..

Ang taong sumasaksak kay Raven.... ay si KENNY





ROBBIE'S POV

1: 57pm

"mag-ingat kayo sa inaapakan niyo! Hindi na maganda ang pundasyon dito! " Malakas na sigaw ni Casper

*BOOGSH*

Laking gulat namin nang biglang bumigay ang kinatatayuan ni Peter. Napasigaw kaming lahat nang makitang nalaglag siya.

Dali-daling napatakbo si Theo sa direksyon ng kinahulugan ni Peter. Bigla siyang dumapa at napasigaw. "PETER KAPIT! ABUTIN MO ANG KAMAY KO!" 

rinig na rinig namin ang napakalakas na pagsigaw ni Peter.

Mistulang mahuhulog nadin si Theo kayat dali-dali na kaming tumakbo para tulungan sila.

Agad naming hinila si ang bewang ni Theo para hindi siya mahulog.

"PUTANGSHIT! IANGAT NIYO AKO! Y..YUNG MGA ASO! YUNG MGA ASO! P..PUTAAAAA!! " Peter

Natakot ako nang makitang nakahawak lang si Theo sa iisang kamay ni Peter. Samantalang sa baba naman ni Peter ay nagtatalunan na ang mga asong gusto siyang abutin at lapain.

rinig na rinig namin ang napakalakas na pagtahol ng mga aso at ang mga palahaw ni Peter. Mistulang sasabog ang puso ko sa takot at kaba. Sa totoo lang nanginginig na ako sa kaba. Nakakatakot ang mga asong to.

"HOLD ON! " sigaw nila Red.

 Lahat kami nagtutulungan para hindi mahulog si Theo at upang hindi niya mabitawan si Peter.

"HATAK!!!" sabay-sabay naming sigaw at agad silang hinatak. Hatak lang kami ng hatak kahit na napakabigat nila.

"PETER KAPIT!!!" sigaw ni Theo habang hinahawakan ng mabuti ang kamay ni Peter upang hindi ito mabitawan.

"KUMAKAPIT NA AKO PUTA! HATAKIN NIYO AKO UTANG NA LOOB!!! TULUNGAN NIYO AKO PLEASE " sigaw ng sigaw si Peter na halatang takot na takot na

"AAAAAAAAHHHHHHH!" muling napasigaw si Peter kayat mas binilisan namin ang paghatak

Hatak lang kami ng hatak hanggang sa naiangat na tuluyan na naming maiangat si Peter.

"SHIT MUNTIK NA YUN! " Drake

Lahat kami hingal na hingal na napahiga sa sahig.

Takot na takot kaming lahat sa nangyari.

Ang bilis ng pagtibok ng puso ko dala ng kaba.

Nyeta , hindi na nga siguro talag ako masasanay sa ganitong bagay.

"Guys! Pakshet! Salamat..salamat...Theo salamat!" napasigaw si Peter habang umiiyak ngunit pilit na pinupunasan ang luha niya..

Gulat na gulat ako nang mapatingin sa kanya.

Dumudugo ang paa niya.

"N..nakagat ka?!" Tanong ko

Agad kaming lumapit sa kanya at tiningnan ang sugat niya.

Napangiwi nalang kami sa nakita , May mga kagat nga ang paa niya.

"P...pakshet yung rabies nito. hahaha." Peter at agad na napangiti ng pilit. ngunit kahit nakangiti siya ay halatang-halata ang sakit na nararamdaman niya dala ng mga sugat.

biglang tumayo si Casper

"Rabies is the least of our problems..Pete can you walk?" tanong ni Casper at agad na inalalayang tumayo si Peter

"SHIT!" napaiyak nalang si Peter habang pilit na tumatayo. Nakakatayo siya pero hindi na siya halos makalakad ng maayos.

"Yung mga pulis anong oras pa ba sila darating?!! " Arkin

 muli kaming nagkatinginan lahat.

yung mga pulis , bakit hanggang ngayon hindi pa sila dumarating?!

"We have to call the police again! Sinong may dalang cellphone?!" sigaw ko

nagkatinginan sila..

biglang nagsalita si Peter.

"Gaaa! sh..shit...ito...tong cellphone ko , use it " saad ni Peter na iniinda pa ang sakit sa kanyang paa.

Kinuha ko na ang cellphone mula sa kanyang kamay at kaagad kong tinawagan ang mga pulis.

Hindi problema ang signal dito kayat ilang segundo lang ay may kaagad na nakasagot sa tawag ko. Ini-loudspeaker ko na ang cellphone para marinig ako ng lahat.

"P..please help us! Someones trying to kill us! Nandito kami sa *Address ng retreat house* Please were begging you. We need help. Please dumating na kayo" pagmamakaawa ko sa emergency operator

"Help is on the way , Just hang in there" Saad nito at agad kaming binabaan.

"Yan din yung sinabi ninyo sa akin kanina! What the fvck! Tulungan niyo kami please!" Sigaw ni Arkin

"Do whatever you can to stay safe. Padating na kami" saad nito at kaagad na naputol ang linya. NYETA! nawala na ang signal.

*BOOGSH BOOGSH*

kasabay ng mga malalakas na pagtahol ng aso ay naririnig naming umuuga ang ibat ibang parte ng bodega. May kalumaan na ang bodega at gawa pa ito sa mga kahoy kahit na anong oras ay pwede ng makapasok ang mga aso.

muli kaming napatayo at nakaramdam ng matinding takot at kaba.

"Y..yung mga sasakyan! hindi pa ba pwede yun?!" Casper

"hindi parin yun umaandar!" Red

"Guys we need to do something! Kahit na anong oras maaring makapasok na ang mga aso dito!" sigaw ni Drake

"B..BOWS AND ARROWS! " biglang napasigaw si Theo at dali-daling bumaba dahil nandoon ang iba nilang mga kagamitan na kinumpiska. Agad humabol sa kanya ang iba.

Nagulat ako nang biglang napatakbo si Peter kahit halatang-halata ng nahihirapan na ito. Nakikita kong duguan na ang kanyang kaliwang paa.

Naawa ako sa kanya kayat agad ko siyang inalalayan.

"Master may namamatay na ba dahil sa rabies?" nagulat ako nang bigla siyang nagtanong.

 hindi ko alam kung ano ang isasagot ko... ah bahala na.. "Atleast hindi STD "


ang manyak tumawa lang... Bilib din ako sa lalaking to , Kahit na nahihirapan ay pilit paring tumatawa.

Kami ang huling nakarating sa baba kayat laking gulat namin nang biglang may inabot sa aming bow at arrow si Drake.

"I never thought i could use this to save my life" Arkin at agad na inayos ang kanyang pana

mabuti nalang pala at may dala silang mga ganito.

"Dude hindi ko kayang pumatay ng aso" Drake

"Pumili ka! Ikaw ang papatayin ng aso o ikaw ang papatay sa aso! Man up drake! This dogs are fvcking monsters! " Red

*BOOGSH*

gulat na gulat kaming lahat ng makitang umuga na ang isang parte ng pintuan. Nakikita na namin ang isang aso na malapit nang makapasok.

*WOOOSH*

narinig kong napaiyak ang aso nang matamaan siya ng pana ni Arkin. Agad itong binawian ng buhay kayat bahagya silang napangiti.

shit , dog lover din ako masakit sa aking gawin to pero ayaw ko pang mamatay. nyeta

"Juancho's an alcoholic right?! Nasaan ang maleta niya?!" Casper

agad itinuro ni Drake ang maleta kayat dali-dali itong nilapitan ni Casper.

Parang alam ko na kung anong balak niya.

"Sinong may lighter?" Casper

Nyeta! Meron sana ako kaso nasa kotse ko tapos wala dito yung kotse ko.

Bwisit nandun yung iba ko pang mga gamit.

*Brrrr*

Hala...Pakshet...nyeta...

B...bakit ngayon pa?....

B...bwisit...Sumasakit na ang tiyan ko... Umeepekto na ang expired kong ininom..... Aking yellow submarine pakiusap wag ka munang lalabas! T___T

"Heto may lighter ako" sigaw ni Theo at inabot ito kay Casper.

Isa-isang inilatag ni Casper sa sahig ang mga bote ng alak na dala ni Juancho at Binuksan ito.

"Casper hindi ito ang tamang oras para magpakalasing!!!!" sigaw ni Drake

agad tiningnan ng masama ni Casper si Drake.

"I WONT! NOW SHUT UP AND GIVE ME CLOTHES! " napakalakas na sigaw ni Casper

natakot yata si Drake kayat kaagad niyang sinunod ang sinabi ni Casper.

Nang maiabot na ni Drake ang mga tela ay lumapit na ako kay Casper at tinulungan siya.

Nilalagay namin ang piraso ng tela sa ibabaw ng bawat Bote ng alak. Sisindihan namin ang tela mamaya , kapag nasindihan na ito ay maaari na namin itong gamitin panlaban sa mga aso. 

"Peter can you run????" Red

agad tumango si Peter

"Oo kayang-kaya ko!" Sigaw niya

Biglang tumayo si Casper sa harapan naming lahat.


"Heres the plan. Hindi magtatagal ay makakapasok na ang mga aso sa bodegang to. We have to leave this fvcking place." Casper

"Paano andaming aso?!! " Arkin

May punto si Arkin.

Napatingala ako.. may bintana sa itaas.

"The roof ! We can get out of here through the roof. May hagdanan akong nakita dun!" sigaw ko

tumango silang lahat.

"Para malaya tayong makakatakbo ay kailangang makapasok dito ang karamihan sa mga aso. Kailangan nating gumawa ng ingay para magsipasukan silang lahat dito. O kahit hindi lahat bastat mababawasan ang mga nandun. We all have to run. Run like hell. “ Casper

6th rule , run like hell ...Akala kong hanggang imagination lang yung hahabulin ako ng aso..ito totohanan na talaga...we have to run like hell..LITERALLY.

Biglang lumapit sa amin si Theo na may hawak na mga dinamita.

HALA DINAMITA!

“S…saan galing yan?” Peter

“Nakita ko dun sa mga cabinet. Tsss. Kung wala lang tayo sa sitwasyong to ,  masasabi kong maswerte ako dahil nakita ko to. Hahaha” pabirong sabi ni Theo.

----------------

THIRD PERSON'S POV

3:02 pm


Nang mabuksan na nila ang pintuan ng bodega ay dali-dali silang pito na umakyat sa ikalawang palapag ng bodega.

"PASOK KAYO!"

"NANDITO KAMI! " 

"MGA ASONG GALISIN PASOK! "


lahat sila ay nagsisigawan at gumagawa ng kahit na anong ingay para ma-attract ang lahat ng aso at pumasok sa bodega

"Ilang aso nalang ang natitira sa labas?" tanong ni Robbie

"Madami-dami pa , hintayin muna nating makapasok ang iba bago tayo lumabas. " sagot ni Casper at agad na ipinwesto ang hagdanan.

*WOOSH*

*wOOSH*

panay lang ang pagtira nilang lahat sa mga asong nasa labas gamit ang pana.

May mga aso ng nakakaakyat sa ikalawang palapag kayat nagsimula na silang kabahan.

"LABAS NA! " sigaw ni Red

Bago lumabas ay sinindihan muna ni Casper ang Telang nasa ibabaw ng bote ng alak. Nang kanyang itinapon ang bote ay kaagad itong sumabog. Maliit lamang to na pagsabog kayat iilang aso lang ang naapektuhan nito.

"Baba na kayo , Ako ang magsisilbing lookout niyo" Theo

Isa-isa na silang lumabas mula sa bubong at bumaba gamit ang mataas na hagdan.

May mga aso pa sa baba kayat tira lang sila ng tira habang bumababa.

"THEO BUMABA KA NA DITO! " sigaw ni Peter habang nasa kalagitnaan pa ng hagdanan.

Ngumiti lang si Theo sa kanila.

"Lookout ninyo ako dito. Ako ang bahala sa inyo tumakbo lang kayo" seryosong saad ni Theo.

"THEO WHAT THE FVCK! BUMABA KA NA!!! " malakas na sigaw ni Red

lahat sila ay nakatingin kay Theo , nagulat sila sa inaasal nito.

"Walang basagan ng trip. Sige na , takbo na kayo" sabi nito at kaagad na ngumiti.

Napilitan na lamang silang sundin ang sinabi nito.

Nang makababa na sila ay dali-dali silang nagtakbuhan dahil nakita na sila ng ibang mga aso at nagsisimula na itong humabol sa kanila.

Isang maatikabong habulan ang naganap.

 takbo lang sila ng takbo , walang tumitigil dahil silang lahat ay gustong-gusto pang mabuhay.

 "I DONT WANNA DIE VIRGIN!!!!!" napakalakas na sigaw ni Peter habang tumatakbo at pumapana ng mga asong lumalapit sa kanila.

Si Peter na siyang sugatan ang paa ang pinakanangunguna sa pagtakbo. Daig pa nito ang mga kasamahang hindi nakagat ng aso.

Habang tumatakbo ay panay lang ang pagpana nilang lahat.Hindi masyadong magaling ang iba kayat paminsan-minsay sumasablay ang pana.

Padami ng padami ang humahabol sa kanila.

Hindi nila inakalang mas madami pang aso ang hindi nakakapasok sa bodega.

Nang mapansin ni Casper na may isang kumpulan ng aso ay kaagad niya itong binato ng mga bote ng alak kayat nagdulot ito ng maliliit na pagsabog na nakakapatay sa aso.

Si Red at Casper ay tumakbo sa kanang bahagi ng kakahuyan. Akmang susunod na sina Robbie sa dalawa nang biglang sumalubong sa kanila ang iba pang mga aso.

"Nyeta! gaano ba talaga ka dami ang aso dito?!!"sigaw ni Robbie

Napilitang tumakbo ang apat sa ibang direksyon. Nang dahil dito ay nagkahiwa-hiwalay sila.

Si Theo na siyang nasa itaas ng Bodega ang nagsisilbing tagatulong sa kanila.

Sa tuwing may mga asong napakalapit na sa kanyang mga kaibigan ay kaagad niya itong tinitira at kaagad na namamatay. Sinisiguro niyang walang makakalapit na aso sa kanyang mga kaibigan.

*GRRRRR GRRRR*

agad napalingon si Theo sa kanyang likuran.

napangiti siya nang makita ang asong nasa malapit na niya kayat agad niya itong pinana.

napatingin siya sa baba at laking gulat nang makitang madami paring aso ang naroroon. Nagulat siya nang mapagtantong napakarami pa pala talagang mga aso sa buong lugar.

binaliwala nalang niya muna ito at tinulungan muli ang kanyang mga kasamahan. Nagkakahiwalay na ito sa pagtakbo kayat nalilito na si Theo kung sino ang susunod na tutulungan.

Napansin ni Theo na paubos na ang kanyang pampana.

Napatingin siya sa dinamita.

"We'll see each other again wifey" mahinang bulong ni Theo at agad na itinapon sa mga aso ang mga bote ng alak na may umaapoy na tela.

Ilang segundo ang lumipas ay nagsimulang kumalat ang sunog. Umaalingawngaw ang iyakan ng mga asong nasusunog at namamatay.

 Napapikit nalang si Theo at Napangiti nang paputukin niya ang mga pampasabog.

 Sa wakas...magkakasama na sila ng kanyang nasirang pamilya..

- - - -- - - - - -- - - 

PETER'S POV

hingal na hingal na ako habang tumatagaktak ang pawis at dugo ko. LITERALLY.

Pakshet , ang sakit na talaga ng paa ko.

bwisit na asong yun T_T

takbo lang kami ng takbo dahil padami ng padami ang mga asong humahabol sa amin.

Nagkahiwa-hiwalay kami ng iba nang dahil sa mga pesteng asong yun.

"AAAAHHHH!" napasigaw nalang ako nang may asong muntik na namang kumagat sa akin. Mabuti nalang at pinana ito ni Master Robbie.

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa likurang bahagi ng Mansion.

Wala na kaming ibang madadaanan dahil nakasara ang mga bintana.

*CLANK CLANK*

nagulat ako nang biglang sinipa ng malakas ni Master Robbie ang bintana.

"PUNYETANG BINTANA! PASOK BILIS! " malakas na sigaw ni Master Robbie nang makitang malapit na sa amin ang mga aso.

maliit lamang ang bintana kayat pinauna nila ako..

Pagkatapos ko ay si Master naman.

Huli si Arkin.

Palapit ng palapit ang mga aso kayat dali-dali na naming hinila si Arkin.

"AHHHH!" napasigaw kami dahil nang makapasok si Arkin ay sumunod na pumasok ang isang aso.

Dali-daling pinatay ni Arkin ang aso.

*AW AW AW*

takot na takot kami na mas madaming aso ang gustong pumasok mula sa dinaanan namin kayat kaagad naming kinuha ang Malaking Cabinet at hinarang ito sa butas.

hindi ko alam kung nasaang parte kami ng mansyon , ang mahalaga nakalayo na kami sa mga asong yun.

"Shit..Shit! Muntik na yun. " napamura ako sa kaba.

kahit na malayo na kami sa mga aso ay hindi parin humuhupa ang tensyong nararamdaman ko sa puso ko. Nanginginig parin ako.

*BOOOOOOOM!*

isang napakalakas na pagsabog ang umalingawngaw.

Agad kaming dumungaw sa bintana at laking gulat sa nakita...

Halos naabo na ang bodega at may ilang parte nitong nasusunog na.

Otomatikong tumulo ang luha ko...

W..wala na si Theo...



"N..nasaan ang iba?! " Arkin

Hala oo nga , Hindi namin kasama sina Drake, Casper at Red.

Napatingin ako kay Master.... Bakit parang napakatahimik yata niya tapos parang may bumabagabag sa kanya?

"M..master okay ka lang?" tanong ko sa kanya

"Hindi ako okay! nasaan ang pinakamalapit na CR dito?!" malakas niyang sigaw. Pinagpapawisan siya at parang hindi mapakali ang mukha niya.

"S..sa third floor meron dun" sagot ko

nagulat ako nang bigla siyang tumakbo ng napakabilis.

"san ka pupunta?!!!!" malakas naming sigaw ni Arkin sa kanya.

patuloy lang sa pagtakbo si Master Robbie.

"Kailangan ko ng ilabas tooooooo! " Malakas niyang sigaw habang mabilis na tumatakbo.

hala , nalintikan na!

gusto ko siyang sundan kaso wala na akong lakas na igalaw pa ang paa ko.

"MASTER HUWAG! BUMALIK KA DITO! RULE NUMBER 11! TIISIN ANG TAWAG NG KALIKASAN! MASTER YUNG RULE MO!!! " napakalakas kong sigaw.

"I DONT FUCKING CARE! BAHALA NA SI BATMAN! , PATAY NA KUNG PATAY PERO KAILANGAN KO NA TONG ILABAS! ANG SAKIT NA NG NYETANG TIYAN KO!!! " muling sigaw niya.

pilit kong iginalaw ang paa ko para habulin siya nang bigla akong pinigilan ni Arkin.

"Pete hindi mo na kayang maglakad. Hayaan mo nalang siya , choice niya yun" Arkin

gustong-gusto ko siyang sundan kaso yung paa ko..

hindi na ako makalakad..

nanghihina na ako.

"Dude dun nalang tayo , may sofa dun. Ipagpahinga mo muna yang paa mo!" Arkin

inalalayan ako ni Arkin maglakad papunta sa isang kalapit na upuan. Hindi ko na maaninag si Master Robbie , marahil nakalayo na siya. Ang bilis lang din kasi niyang tumakbo.

Parang nagsisirko na ang paningin ko.

marahil dahil to sa sugat ko.

Nagulat ako nang marinig na parang may naglalakad palapit.

"May paparating" sabi ko kay Arkin

tumango lang siya.

"Pete nasaan nga pala ang cellphone mo?" tanong niya sa akin.

"Nakay Master Robbie" sagot ko

tumango lang din siya.

pabigat ng pabigat ang mata ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay dahil sa mga sugat na tinamo ko.

- - - -- - -- - - -- - -

"Gising! Hoy Gising! " may naririnig akong nagsasalita.

Laking gulat ko nang bigla kong makita si BISHOP.

nanlaki ang mga mata ko at dali-dali akong napatayo ngunit laking gulat ko dahil hindi ko na maigalaw ang kamay ko.....Nakaposas na pala ang isang kamay ko sa bakal ng upuan.

Kukunin ko sana ang pana na nasa paanan ko ngunit laking gulat ko nang may bigla nitong sumipa palayo sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.....

"W..W..WHAT THE HELL?" mahinang bulong ko at kaagad na napaatras palayo sa kanila...

pinagtawanan lang nila ako.

pinagmasdaan ko ang buong kwarto...wala na ako sa kwartong kinaroroonan namin kanina.

Napatingin lang ako kay Arkin.

Nag-iba ang expresyon sa mukha niya , may kakaibang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Nakaktakot ang ngiting ito.

"A..arkin anong i..ibig sabihin nito?.." muling bumilis ang kabog ng dibdib ko.

S..si Arkin ang kasabwat?....

"Kailangan pa bang itanong yan sayo Pete?!" sarkastikong saad nito habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

Ang takot at kabang nararamdaman ko ay nadagdagan ng poot.

Oo hindi kami masyadong malapit sa ugok nato pero ni minsan hindi ko inakalang magagawa niya to sa amin... Tama si Master Robbie , hindi dapat ako nagtiwala..

"Bakit Arkin?...Ano ang naging kasalanan namin sayo at nagawa mo to sa amin? For God's sake! Magkaklase tayo simula freshmen!  Nasaan ang iba anong ginawa mo sa kanila?!" Sabi ko sa kanya habang pinipilit ang sarili kong magpakatatag. Ayokong ipakita sa kanila na mahina ako.

Napasinghal lang si Arkin at napa-ekis ng kanyang braso.

"Nothing personal Pete... Its just business. Youre not the only ones who has a pact pete" kalma niyang saad sa akin at tinapik ang braso ko.

"Putungina!" napasigaw ako at agad ko siyang sinuntok sa mukha. Susuntukin ko pa sana siya ngunit napaatras na siya agad. 

Kinamumuhian ko siya...

Nang dahil sa kanya nawala ang mga kaibigan ko..

napapikit nalang si Arkin at ngumiti habang hinihimas ang pisngi niya. Umatras siya at lumayo sa akin.

"Okay..I deserve that punch. But hey , Im doing you a favor Pete. You all want to die in the first place right? Im helping you but at the same time you are also helping me. Its a win-win!" Sabi ni Arkin habang may malaking ngiti sa kanyang mukha.

"What the fvck? Arkin it was a moment of weakness! Sisirain mo ang buhay namin dahil sa isang malaking pagkakamali?! Joining the suicide pact was the biggest mistake we ever committed you son of a bitch!!!!" Sigaw ko.

Nagpupumiglas para makalaya pero sadyang hindi ko kayang makaalis dahil sa posas sa aking kamay.

"Why are you doing this to us you son of a bitch?!!!" muli akong napasigaw.

*BOOGSH*

napadapa ako sa sahig nang bigla akong tinadyakan ni Bishop.

Napakasakit dahil ang paa kong may kagat ng aso ang tinadyakan niya. Sigaw lang ako nang sigaw habang Namimilipit ako sa sakit pero pinilit ko paring iangat ang mukha ko.

"Ano nga ulit yung ginawa mo sa akin kanina Peter?" Bishop

*Gulp*

Pakshet.

nalintikan na.

Oh God help me.....

"O siya sige mauna na ako sa inyo..Hu-huntingin ko muna ang mga pawns. Wag kang mag-alala Pete , babalikan kita. Bishop , wag mo munang papatayin ha?" Arkin

Oh Shit...

katapusan ko na talaga to.

pagkaalis na arkin ay biglang umupo sa harapan ko si Bishop.

Nakangiti siya habang may hawak na kutsilyo.

"Kahit na anong gawin mong pagngiti...Pangit ka pa rin " Taas noong sabi ko sa kanya habang pinipilit ang sarili kong hindi ipakita sa kanya ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga sugat ko.

tumawa lang ulit si Bishop at itinutok sa akin ang kutsilyo.

"Bilib din talaga ako sayo. Hawak na namin ang buhay mo pero nakukuha mo pang insultuhin ako."  Bishop

Napasinghal ako at pilit na ngumiti.

"Paano ka nakatakas? dont tell me may isa pang kasabwat bukod kay Arkin?!" sarkastikong sabi ko sa kanya.

Bigla siyang tumango at ngumiti.

agad nanlaki ang mga mata ko...H..hindi maari...m..may iba pang kasabwat..

P..pakshet

"S..sino?" nagdadalawang isip kong tanong

sa totoo lang natatakot akong malaman kung sino.

natatakot akong malaman na may isa pang traydor sa amin.

masakit malamang may magpapahamak sayo tapos kaibigan mo pa.

muling ngumiti si Bishop.

"Si Keith" diretso niyang sagot.

K..keith?

wala naman kaming kaklase na keith ah.

bigla kong naalala ang litrato ng mga batang nakidnap... Nandun ang pangalan ni Jacob... At kung hindi ako nagkakamali...May nakalagay na Keith dun..

bigla kong naalala ang isa pang bata sa litrato..

Yung mga matang yun parang nakita ko na.....

Nagulat ako nang biglang hinablot ni Bishop ang kamay ko.

Pilit ko itong inilalayo sa kanya ngunit wala na akong lakas.

"PUTANGSHIT!!!!!!!!!!!!" napasigaw ako nang bigla niyang sinugatan ng malaki ang siko ko.

kitang-kita ko ang paglabas ng dugo mula sa sugat. Ramdam na ramdam ko ang hapdi at sakit.

nang binitawan niya ang kamay ko ay kaagad ko itong inilayo sa kanya. Gusto kong hawakan ang sugat At pigilan ang paglabas ng dugo ngunit nakaposas ang isa kong kamay sa bakal ng upuan. Napakalaki at Napakabigat ng upuan kayat wala talaga akong magawa.

lumalabas na ang luha ko.

Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil sa sakit.

Oo lalaki ako pero hindi ibig sabihin nun , hindi ako pwedeng maiyak dahil sa sakit.

Hindi ako kagaya ng iba na malakas ang loob.

Magaling akong magyabang pero sa totoo lang...Duwag ako at mahina ang loob.

Kung mamamatay man ako ngayon sana madalian..

Ayoko ng ma-torture pa

Diyos ko patayin mo nalang po ako , ayoko na pong makaramdam ng sakit.

*BOOGSH*

sunod-sunod akong tinadyakan ni Bishop kayat wala akong nagawa kundi mamilipit nalang sa sakit at magdasal na sana matatapos na ang paghihirap ko.

- - - - - -- - - - -- - - - 

THIRD PERSON'S POV

*Huff Huff*

Hingal na hingal sina Red at Casper

"Shit nasaan yung iba?!" Casper

nanlumo silang dalawa nang mapansing hindi na nila kasunod ang iba.

"ALEXIS!" malakas na sigaw ni Red upang mahanap si Lexi.

"Red maghiwa-hiwalay tayo" Casper

tumango si Red at kaagad silang naghiwalay ng tinahak na landas.

- - - - -- - - - - - - -

Takbo lang ng takbo si Casper hanggang sa makaabot siya sa isang kwarto.

Hindi ito pamilyar nang makita niya ang nasa loob nito.

para itong isang garahe.

Biglang may nakakuha ng kanyang atensyon...

mayroong isang motorsiklo.

Agad niya itong nilapitan at tiningnan kung gumagana pa ito.

laking gulat niya dahil naramdaman niyang mainit pa ang engine nito.

ibig sabihin ay may bago lang na gumamit nito.

Naiwan ang susi kayat nagkaroon ng pag-asa si Casper.

napatingin siya sa keychain...may nakalagay dito , Property of knights





- - -- - - - --- - - 

Dahan-dahang idinilat ni Lexi ang kanyang mga mata, Malaya na siyang nakagagalaw. Bahagyang gumaan na ang kanyang pakiramdam.

Agad siyang napatingin sa paligid at nakita ang duguang katawan ni Raven. Napahagulgol nalang si Lexi dahil hindi na naman niya ito natulungan.

"R..raven sorry" mahinang bulong ni Lexi habang umiiyak.

napatingin siya sa buong paligid at laking gulat dahil wala na si Kenny... sila nalang dalawa ni Raven ang nasa kwarto.

Dahan-dahang tumayo si Lexi at nagsimulang maglakad.

hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil takot na takot parin siya.

lakad siya nang lakad nang bigla siyang nakarinig na may sumisigaw.

"Alexis! Alexis nasaan ka?!!!!" 

otomatikong tumulo ang luha niya nang mapagtantong boses ito ni Red.

Biglang naalala ni Alexis ang ginawa ni Kenny.....




pinilit niya ang kanyang sarili na tumakbo para iwasan si Red.

Ngunit nagkasalubong sila.

Agad nakahinga ng maluwag si Red at napangiti ng makita niya si Lexi..

Ngunit kabaliktaran ang naging reaksyon ni Lexi.

"Alexis!" sigaw ni Red ngunit bago pa man siya makalapit kay Lexi ay bigla nitong itinaas ang kamay niya na siyang ikinagulat ni Red.

"Red! Wag kang lalapit sa akin! Im sorry! Please wag mo akong lapitan! " malakas na sigaw ni Lexi habang umiiyak.

Kaagad na nakunot ang noo ni Red sa narinig.

"Alexis....A..alexis ako to..Kuya mo ako wag kang matakot sa akin. " Red

umiyak lang si Lexi at tinakpan ang kanyang bibig.

"Stay away from me! " malakas na sigaw ni Lexi at kaagad na tumakbo.

takbo ng takbo si Lexi ngunit hinahabol siya ni Red.

"Alexis hindi kita sasaktan! " malakas na sigaw ni Red.

*BOOGSH*

habang tumatakbo ay kaagad na napatigil si Lexi nang bigla siyang bumangga kay Casper.

"Lexi" casper

nagpupumiglas parin si Lexi kayat kaagad hinawakan ni Casper ang magkabilang pulso niya at pinakalma siya.

"Alex wag kang matakot sa amin. Hindi ka namin sasaktan" sabi ni Red habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ni Lexi.

"M..may nakita akong motor. Makakaalis na tayo dito" Casper

Agad nabuhayan ng loob si Red.

Tumakbo si Casper para ipakita sa kanila ang motorsiklo.

Tatakbo narin sana si Red nang mapansin niyang hindi gumagalaw sa kanyang kinatatayuan si Alexis kayat kaagad nalang niya itong hinila.

- - - - - - - - 

"Does it work?" Red

tumango si Casper

"Casper , Umalis na kayo dito ni Lexi. Get her to safety and ask for help" seryosong saad ni Red habang hawak ang kamay ni Lexi

agad na nakunot ang noo ni Casper

"Ha? pano ka? kakasya tayong tatlo" Casper

"No!No! Hindi ka magpapaiwan!" iyak ni Lexi

kaagad na hinawakan ni Red ang magkabilang pisngi ni Lexi.

"Hey d..dont be scared okay? Mapagkakatiwalaan mo kami ni Casper. Magiging okay lang ako dito. If you wont obey me , i would be so fvcking mad at you buttface" mahinang bulong ni Red habang pinipilit na ngumiti kay Lexi.

"Dude dont do this. Sumama ka sa amin" Casper

umiling lang si Red.

"I have to find the others. Hindi makakapasok ang mga aso dito dont worry..Kailangan kong masiguradong maayos lang sina Robbie." Red

Walang nagawa si Casper kundi pumayag nalang.

Kilala niya si Red , oras na magdesisyon ito ay hinding-hindi na ito magbabago.

"Kuya No..No please" Lexi

napangiti nalang si Red at agad na hinalikan ang noo ni Lexi bago niya ito pinagsuot ng helmet.

"Do this for me.. I want you to be safe. Go" mahinang bulong ni Red.

- - - - -

Madali silang nakakita ng pintuang palabas kayat kaagad silang naghanda.

madami pang aso sa buong lugar kayat kailangan mag-ingat nina Lexi at Casper.

"On the count of three i'll open the door " Red

"Red please sumama ka! You have to stay away from KENNY!" Lexi

Tumango si Red at agad na tinapik ang likuran ni Lexi.

"Red do me favor... Dont die and be safe you shithead " Casper

napangiti nalang si Red.


"Likewise shitface" Red

napahinga ng malalim si Red...

"3......2.......1 "

pagbukas ni Red sa pintuan ay agad na nagdrive papalayo sina Lexi at Casper.

kaagad na isinara ni Red ang pinto upang hindi makapasok ang mga aso.

Muling huminga ng malalim si Red at hinawakan ang baril na nasa jacket niya.

Ito ang baril na nakuha nila mula kay Bishop. 

Lakad lang ng lakad si Red.

Kanina pa niya hinahanap ang iba...

"R..red?"

agad siyang napalingon nang may tumawag sa kanya.

"Arkin! nasaan ang iba?!" tanong ni Red.

"h..hindi ko alam.. n..nagkahiwalay kami" Sabi ni Arkin gamit ang mukhang nagpapa-awa.

"Magiging maayos din ang lahat , nakaalis sina Casper at Lexi" Red

laking gulat ni Red nang biglang nagbago ang expresyon sa mukha ni Arkin.

Ang kaninang mukhang nasasaktan at natatakot ay napalitan ng galit.

"N..nakaalis sila?!!! " malakas na sigaw ni Arkin

kaagad na nakunot ang noo ni Red.

dahan-dahan siyang humakbang paatras.

"Arkin what the fuck?" Red

dahan-dahang inilabas ni Arkin ang kutsilyong kanina niya pa itinatago.

END OF CHAPTER 43

A/N : Just to be clear , Patay na po talaga sina Raven at Theo. Si Kenny , ewan ko dun sa babaeng yun. Si Miggy , ewan kung nasaan na naman yun.

Napakalaki talaga ng mansyon kayat iilan lang sa kanila ang nagkikita-kita. Alam ko medyo nakaka-lito at bitin pero kapit lang kayo. Masasagot din ang mga katanungan ninyo.

Alam ko masyadong shunga yung mga pinagagawa nila pero hayaan niyo na. Kung hindi sila magiging shunga eh agad matatapos ang storya. hahaha. Walang basagan ng trip. hahahaha XD. At isa pa , kapag ang tao ay takot o Panic mode... Nagiging shunga talaga sila. :))))

Madami kayong katanungan Im sure , Pero malapit nang masagot ang inyong mga katanungan. Kapit lang :)))))

Nga pala , Patience is a Virtue. Hindi ko kasi to pwedeng madaliin sa pagsulat dahil baka mas pumangit ang story. hehehe :DDD 

THANKS FOR READING :))

VOTE and COMMENT :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro