Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41 : The Anonymosities

RED'S POV

SPELL MALAS..... A - K - O

bwisit ngayon pa ako naubusan ng gas kayat heto ako , stranded dito sa daanan. Maga-alas kwatro na ng umaga, limang oras nadin akong naghihintay ng dadaang sasakyan para makahingi ng tulong para makauwi ako.

Napakadilim ng paligid at Nakakabingi ang katahimikan.

Wala akong maaninag na bahay , puro mga kahoy lang ang nakikita ko. Wala din masyadong mga sasakyan ang dumadaan , meron nga minsan pero hindi naman ako hinihintuan. Natatakot siguro sa akin. Baka akala nila Adik ako.

Biglang umihip ang napakalamig na hangin kayat napayakap nalang ako sa aking sarili. Kahit na naka-jacket ako , dama ko parin ang lamig at Rinig na rinig ko ang tunog ng mga punong sumasayaw sa ihip ng malakas na hangin.

Shit wala naman sigurong multo dito -_-

Muli kong tiningnan ang cellphone ko.

Shit wala paring signal.

Bigla akong may naaninag na liwanag kayat kaagad kong tinakpan bahagya ang mata ko.

Palapit ng palapit ang liwanag hanggang sa tuluyan kong maaninag na ito ay isang kotse. Nakakaasar dahil ang tinatahak nitong daan ay patungo sa retreat house , Ah bahala na! babalik nalang ako sa retreat house kung pasasakayin ako nito -_-

"TIGIL! " napasigaw ako

pagkakataon ko na to para makahingi ng tulong o gas man lang. 

agad kong iwinagayway ang mga kamay ko.

Lord sana tumigil ang sasakyan.

"TULONG! TIGIL!" sigaw ko ulit

tumigil ang sasakyan ilang pulgadang kalayuan sa akin.

Napangiti ako at napabuntong hininga , Sa wakas makakaalis na ako sa lugar nato.

Biglang bumaba ang Driver.

nakakabulag ang ilaw ng sasakyan niya kayat hindi ko magawang titigan ang mukha niya.

"RED?!! " sigaw niya

Teka kilala niya ako?

hindi ko maaninag ang mukha niya kayat dahan-dahan ko siyang nilapitan.

"ROBBIE! " napangiti ako nang makita kong siya pala.

Thank you lord!

Ang swerte koooo ^____^

"RED SAKAY BILIS!!!!" laking gulat ko nang bigla siyang sumigaw kayat dali-dali na din akong sumakay sa kotse. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

O_O


"Papunta ka sa retreat house? " tanong ko sa kanya.

"Oo Sakay dahil nasa panganib sila!" Robbie

P...panganib?

"Robbie anong ibig mong sabihin?! " ako

"Seatbelt bilis! " sigaw niya kayat agad ko siyang sinunod.

Nang walang ano-anoy agad na nagdrive si Robbie ng napakabilis.

"Dude anong ibig mong sabihing nasa panganib?!" Tanong ko ulit sa kanya

hindi magkamayaw ang pagkabog ng dibdib ko.

kinakabahan na ako at alalang-alala na.

"Hindi lang si Jacob at Hunter ang pumapatay! Madami sila , Hindi pa tapos ang kanilang misyon at malakas ang kutob kong ngayon nila tatapusin ito. May nalaman ako mula sa mga journal ni Jacob." Sabi ni Robbie sabay tingin sa journal na nasa harapan niya.

agad nakunot ang noo ko sa narinig

tuluyan na akong nanlamig

Natatakot na ako sa maaaring mangyari.

"M..misyon anong ibig mong sabihing misyon?" tanong ko sa kanya

narinig kong huminga ng malalim si Robbie

"Look I know this is hard to believe pero maging ako hindi din makapaniwala!....Many psychopaths all over the country gathered altogether to form a group... A GANG! , para silang isang gang but believe me , They are more dangerous!. Marami sila , Their aim is to kill! parang may contest o misyon silang isinasagawa pero hindi ko pa nasisigurado kung ano"



Muling nakunot ang noo ko sa narinig.

napailing-iling ako , hindi ko gustong paniwalaan ang sinasabi ni Robbie.

Years ago , sumali din ako sa isang gang pero ni minsan hindi ko pa narinig ang tungkol sa gang ng mga psychopaths.

"They call the group THE ANONYMOSITIES , based sa handbook they have their own ranks , Its like the chess ranks. The King , Queen , Bishop , Rook , Knights at Pawns! Mga sarili silang batas na kanilang sinusunod" 

otomatiko akong napatingin kay Robbie nang sabihin niya ang PAWNS...

bigla kong naalala ang sinabi ng doktor

"Wait youre not a pawn...why are you here?" doktor



"Y..yung doktor , s..sabi niya hindi daw ako isang pawn" mautal-utal kong sabi kay Robbie dahil naguguluhan na talaga ako.

"Oo hindi ka isang pawn dahil hindi ka sumali sa Suicide Pact! Sina Rain at ang iba pang mga sumali sa suicide pact ay naging pawn. Ang mga pawns ang siyang mga biktima nila."Robbie

"But not all Pawns are really pawns , Kabilang sa kanila ang mga knight na nagbabalat-kayo bilang pawns. Ang Knights ang kalaban dito ng mga pawns. Sila lamang ang maaaring pumatay ng mga pawns. Ang mga knights ang siyang mga contestant sa laro o misyon nila. Kung mapapatay nila ang lahat ng mga pawns , magkakamit sila ng gantimpala mula sa King. Ang King, Bishop, Queen ay hindi pwedeng pumatay ng mga pawns. Ang mga Rook , maari nilang patayin ang mga pawns kung magiging sagabal ito misyon. Pero oras na mamatay ang lahat ng knights sa isang misyon , ibig sabihin talo na sila. At Panalo ang pawns" Dagdag pa nito

It really seems like a game... A very fucked up game.

sumasakit ang ulo ko sa nalalaman ko, ganito na ba talaga kasama ang mga tao?

"I..ibig sabihin Knights sina Hunter at Jacob? K..kaya nila pinatay sina Rain dahil ito ang mga pawns?" ako

dahan-dahang tumango si Robbie.

"Sa isang misyon , ay walang kasiguraduhan sa bilang ng mga knights, Pawns lang ang pwede nilang patayin. Ang bishop, sasali sa misyon ang bishop upang masigurado na walang mabubulilyaso sa misyon. ito ang siyang tumutulong sa mga knights para maging maayos ang misyon. Maaring pumatay ang bishop ng sibilyang hindi kasali sa misyon. Hindi siya pwedeng pumatay ng pawns. Ang rook naman sumasali din. Nagbabalat-kayo siya bilang pawn. Maari siyang pumatay ng Pawn at sibilyan. Hindi kilala ng Knights kung sino ang Rook. Tanging ang rook lang at bishop ang nakakakilala kung sino ang Rook. Tungkulin ng Rook ang magmatyag at magbalita sa King  sa mga nangyayari sa isang misyon. Tayo red... Sibilyan tayo dahil hindi tayo sumali sa suicide pact" biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Robbie...Bakas na mula dito ang lungkot. Marahil naaalala na niya si Rain.

Bigla akong kinabahan..

kung totoong nagbalik si Keith nang hindi namin nalalaman , May posibilidad na sumali siya sa grupong yon..

"Yung King naman siya ang puno't dulo nitong lahat. Siya ang nasusunod sa lahat. Oras na may sumuway sa kanilang batas ay agad niya itong papatayin. Ang King ay nakikialam din sa misyon ,hindi ko alam kung paano pero madami siyang koneksyon. Nakasaad sa handbook na mistulang isang hunyango ang king , kaya nitong magdisguise ng kung ano-ano. Tutulong din ito upang masiguradong maayos ang misyon. Hindi ko alam kung bakit pero sa ayon dito siya ang pinakakinakatakutan ng lahat " Robbie


"Ang queen? ano ang tungkulin niya" Tanong ko


"Hindi ko pa alam pero ang nakasaad dito , Hindi pa sila natatapos sa pagpili ng Queen " Robbie

"B..bakit to nila ginagawa walang kasalanan sina Lexi sa kanila! " napasigaw ako

"Fate doesnt distunguish good or evil....Walang matinong rason kung bakit gumagawa ng karahasan ang tao. May rason ang mga knights sa pagpili ng mga pawns..May motibo kumbaga....Their motives doesnt have to make sense to us ,as long as it makes sense to them. They wont stop killing..." Robbie

"Ano pa ang nalalaman mo?" tanong ko sa kanya

"Hindi ako sigurado..pero kung tama ang hinala ko , Kapag napatay natin ang lahat ng knights..Matatapos ang misyon. Panalo tayo at mabubuhay ang natitirang pawns " Robbie

kahit papaanoy nabuhayan ako ng loob sa narinig.

ang kinakatakot ko lang ay baka isa nang knight si Keith...

sana mali ang iniisip ko.


"K...kilala mo ba ang...ang ibang knights? " nauutal kong tanong

"Hindi... yun ang problema natin..hindi natin sila kilala..Pero Red kailangan nating iwasan ang Rook at Bishop. Pwede nila tayong patayin." Robbie

tumango nalang ako

"On the bright side , Walang bagyo o kung ano mang masamang panahon kayat oras na makarating tayo doon ay diretso na natin silang maililigtas but incase magkakagulo handa na ako" Robbie at agad na tinuro ang backseat.

agad akong napatingin sa likuran.

Agad na nanlaki ang mata ko sa nakita.

May Palakol , Mga tubig, flashlights, kahoy, kutsilyo at mga lubid.

dahan-dahan akong napalingon kay Robbie at agad na umayos sa pagkakaupo.

kinabahan ako bigla...

h..hindi kaya kriminal din tong lalaking to.

hinawakan ko ang pintuan ng kotse.

kung isa man siya dun sa binanggit niya , tatalon talaga ako dito.

"R...Robbie...seryoso ka bang sibilyan ka lang?...b..baka kasali ka din sa kanila ah?!" Ako

ang loko pinagtawanan lang ako kayat mas lalo akong nagtaka.

"Engot ka rin pala eh. Bakit pa kita tutulungan kung kasali pala ako sa kanila. Besides, ako  nga dapat yung hindi magtiwala sayo dahil mukha kang killer" Robbie

sa gwapo kong to paghihinalaan ako ng killer?

aba nalang -_-

agad akong napabitaw sa pintuan..may point nga siya , Wala siyang motibo para ipahamak si Rain.

"P..para saan yang mga gamit mo sa backseat?" tanong ko sa kanya

"Kapag naranasan mo na yung mga naranasan ko...maiintindihan mo na ako " seryosong saad ni Robbie.

Agad akong napatingin sa bintana ng kotse.

Mag-uumaga na.

mabuti nalang at medyo mabilis magmaneho tong si Robbie.

malapit na kami.

---

Nang maaninag ko na ang retreat house ay agad ko nang pinahinto kay Robbie ang sasakyan.

Kung tama man si Robbie na may nangyayari na nga , malamang malalaman na nila na nakarating kami. Mas maganda yung surprise attack.

Dahan-dahan kaming naglakad palapit sa bahay.

Kakaiba nga , ang tahimik....sobrang tahimik.

sinubukan kong buksan ang pintuan at mga bintana ngunit naka-lock ito.

langya sa air vent na naman ang dadaanan nito.

nabuntong hininga ako at agad na tinuro ang lulusutan namin ni Robbie.

agad nakunot ang noo ni Robbie.

"What the hell?! " Robbie

 natawa nalang ako ... Parang ayaw niyang gumapang sa air vent.

- - - - - - - -

Gapang lang kami ng gapang hanggang sa may naaninag akong liwanag.

Kung hindi ako nagkakamali , ito yung kusina.

Agad kong tinanggal ang takip at bumaba kami ni Robbie mula sa kisame.

parang matatanggal na yung band-aid na nasa kamay ko kayat tinanggal ko nalang ito at itinapon sa sahig.

Dahan-dahan kaming lumabas mula sa kusina ngunit wala kaming naabutang tao doon at isa pa napakalaki din ng retreat house o mansyon nato.

Biruin mo may Five floors na para bang isang hotel. Matagal na hanapan talaga to -_-

pakshet paano nato. -_-

 umalis nalang kami sa kusina at nagpunta sa ibang parte ng mansyon.

 Relax Red...... Hindi pa sigurado kung nasa panganib nga sila ngayon...

MAGIGING OKAY ANG LAHAT...

Inhale...Exhale...

- - -- - - -- - - - -

PETER'S POV


*BLAG*

mistulang binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig na bumukas ang pintuan dahil nakatulog ako.

ilang oras din kasi kaming nakakulong dito sa kwartong to.

"Rise and Shine pawns"

umaga na pala

shit naman oh nakakaadtrip , aga-aga mukha niya ang una kong nakikita.

Nakatayo parin siya sa pintuan habang nakatutok sa amin ang kanyang baril.

"Hey hindi naman ako ganun ka sama , lets have breakfast" aya niya sa amin.

- - - - -- - 

Nakaupo na kaming lahat sa napakalaking lamesa.

Oo nga nakahanda na ang lahat ng mga pagkain sa harapan namin pero hindi namin magawang kumain dahil sa takot.

"Kumain na kayo , wag mag-alala walang lason yan" Doktor at agad na sumubo ng ulam para maging proweba sa amin.

Nagkatitigan kaming lahat.

alam kong kagaya ko ay hindi din nila makakayang kumain.

*Clank Clank*

Agad kaming napalingon kung kaninong plato yung tumunog. 

Nagulat ako nang makitang nagsimula nang kumain ang katabi kong sina Casper at Lexi.

Nakunot ang noo naming lahat. Paano nila nagagawang kumain sa ganitong lagay namin?..

Napansin yata ni Casper na nakatingin kaming lahat sa kanila ni Lexi kayat agad siyang tumigil sa pagnguya at agad na napatingin sa aming lahat. Para siyang isang batang walang kaide-ideya sa nangyayari.

Binigyan niya kami ng Anong-problema-niyo look.

"P..paano niyo nagagawang kumain sa lagay natin ngayon?" narinig kong tanong ni Arkin kay Casper

nakunot lang ang noo ni Casper.

"Bakit hindi? Kailangan natin ng lakas para sa mga maaaring mangyari. Kumain kayo para di kayo manghina" Casper at binigyan kami ng Alam-nyo-na look at agad bumalik sa pagkain.

Nagkatinginan kaming lahat.

Tama si Casper , kayat kahit hindi kami komportable ay pinilit nalang naming kumain.

Pakshet bakit ba nangyayari ang lahat ng to?!

Kung sana hindi ako sumali sa lecheng suicide pact na yun...

Napayuko ako at napapikit..

Nang idinilat ko ang mga mata ko ay agad kong nakita ang sahig...

Ngunit habang nakatingin ako dito ay may nakakuha ng atensyon ko...

Ang band Aid........MAY BAND AID SA SAHIG!

Sigurado akong sa akin ang band Aid na yun dahil color green! Personalized yun eh!

Tapos yung tangi kong band aid na dala ay kinuha ni Casper at ibinigay kay Red.

Kung hindi ako nagkakamali , nasa kamay pa ni Red yun nang umalis siya dito!

I..IBIG SABIHIN NANDITO NA SA LOOB SI REDENTORRRRRRR!!!!!!

"Hoy bakit ka nakangiti diyan?!! " Nagulat ako nang bigla akong sinigawan ni Bishop kayat agad akong umayos sa pagkakaupo.

"Ah..eh..." hindi ako halos makapagsalita dahil nakatutok na naman sa akin ang baril. "M..may naalala lang po akong nakakatawa. hehehe" palusot ko sa kanya

bigla niyang itinaas ang kilay niya.

"Ano naman? share! " Bishop

Bwisit na lalaki to... teka ano nga ba?!...isip Peter! isip!

"A..ah yung sa Showtime ..yung episode nila sa SINE MO TO! yung may mahal na Duke! hahahahahaha " palusot ko ulit.

napangiti lang si Bishop at agad na napailing-iling.

"Pasensya na Kapuso ako " Bishop

Nang mapansin kong hindi nakatingin sa direksyon namin si Bishop ay pasimple kong siniko si Casper.

Baliwala , patuloy lang siyang kumakain.

Siniko ko ulit siya.

- - - - - -- -

CASPER'S POV

Isusubo ko na sana ang pagkain ng bigla akong Nasiko ni Peter kayat muntik matapon ang kanin sa akin. Agad akong napalingon sa kanya.

Pinanlakihan niya ako ng mata at ngumuso sa baba niya.

Pasimple akong tumingin sa direksyon na tinuro niya , anong meron sa sahig? wala naman ah.

Muling ngumuso si Peter at napatingin sa sahig.

Ano bang Me------------

O__O

Y..yung berdeng band aid...

posible kayang nandito si Red.

kung nandito man si Red siguradong nagkakasalisi lang kami dahil sa napakalaki ng mansyon nato.

Nagkatinginan ulit kami ni Peter

Alam ko na , Yun pala ang ibig sabihin niya.

hindi ko alam pero parang nagkakausap kami ni Peter sa tinginan.

"Hoy ano yan nagkakadevelopan na kayo?!" Bishop

agad akong umayos sa pagkakaupo at umiwas ng tingin kay Peter.

Kilala ko si Red...

Parati yung gutom , alam ko babalik yun dito.

Agad kong kinuha ang dalawang tinapay.

Nang mapansin kong umiwas sa akin ng tingin si Bishop ay kaagad ko itong ipinasok sa bulsa ko.

ang isang tinapay naman ay inilagay ko lang sa plato ko.

Nang masigurong hindi ako makikita ni Bishop ay dali-dali kong kinuha ang mayonaise.

Gamit ang mayonaise ay nagsulat ako ng S.O.S 

Matapos ang ilang minuto ay sinabihan na niya kaming tumayo na upang umalis sa kusina.

Pasimple kong iniwan ang tinapay sa Lamesa at habang naglalakad kami papunta sa kwartong kinukulungan sa amin ay pasimple din akong nag-iiwan ng piraso ng tinapay sa daan.

- - - - - -- - - -

ROBBIE'S POV

kanina pa kami nagpapaikot-ikot sa mansyon na to.

Biruin mo nga naman , Sa laki nito ay mayroon itong Tatlong magkakaibang hagdan sa iba't-ibang parte ng mansyon. TATLONG HAGDANAN!

ang laki din naman kasi ng mansyon nato , daig pa ang isang eskwelahan.

*Bbrrr*

biglang tumunog ang tiyan ko.

Nyeta gutom na ako! 

*Bbrrr*

teka hindi na yun tiyan ko ah!

Agad akong napatingin kay Red.

Bigla siyang ngumiti

"Robbie kumuha kaya muna tayo ng kahit anong makakain mula sa kusina?.. Gutom na ako eh , malay mo nandun din sila kumakain ng agahan " Red

tumango nalang din ako.

nagugutom na din ako eh.

Inabot din kami ng ilang minuto upang makarating sa Kusina.

dahan-dahan lang kasi kaming kumilos, mahirap na.

Pagdating namin dun agad kong binuksan ang mga cabinet.

Nyeta andami palang pagkain dito. hahaha

Napatingin ako kay Red..

May hawak siyang tinapay... Teka ano yun?...

akmang kakainin na niya yung tinapay kayat agad ko siyang tinawag.

"Red wag mong kainin! " Sigaw ko at dali-daling tiningnan ito.

Tumaas ang kilay ni Red at agad niya itong inilayo mula sa kanyang bibig.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang S.O.S na nakalagay sa tinapay.

"S.O.S????" Red

malamang!

SOS nga eh! nyeta

"C..coincidence lang ba to?" Red

agad akong napailing...

"Alam nilang nandito tayo at ibig sabihin , Totoo ngang nasa panganib na sila" ako

dali-dali kaming tumakbo palabas ni Red upang hanapin sila.

Tama nga yung kutob ko..

Ang galing ko talaga! hahaha

habang tumatakbo ay napansin kong may kung anong mga bagay sa sahig.

kanina pa namin to dinadaanan.

tumigil muna ako sa pagtakbo at tiningnan kung ano ito..

Tinapay....

hindi na to coincidence sigurado ako!

"Red sundan natin ang tinapay! " sigaw ko.

END OF CHAPTER 41

A/N : Hindi ko na tinuloy yung pag-delay nito hanggang sa February 16th since wala naman akong pasok ngayon kayat sinulat ko nalang. 

Sa followers at readers , maraming-maraming salamat dahil pinagtatyagaan niyo tong stories namin kahit madaming palpak.. hehehe :DD . 

Guys Kung may mga tanong pa kayo tungkol sa THE ANONYMOSITIES. feel free to ask. hahaha. kung naguguluhan parin kayo , pakibasa nalang ng mabuti. hehehehehehe.

THANKS FOR READING

VOTE and COMMENT :)))))))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro