Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4 : Lollipop

LEXI’S POV

"TIRAHIN MO BILIS! "

sigaw ng isang audience sa akin.

shuttap! kita mo ngang sisipain ko na sa goal sisigawan mo pa ako! Ikaw kaya ang patamaan mo ng bola. 

 "GOAL! "

sigaw ng mga teammates ko. Yehey! hahahaha

"Timeout" Referee

 Ahhhhh! kapagod naman!

pero mas prefer ko pang mag-soccer practice kaysa sumali sa lecture ni Ma'am. haha. Excused kasi kami dahil may soccer tournament next week.

Bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan kayat nagpaalam muna ako sa kanilang lahat.

 lakad..lakad..

busy ang lahat sa kanya-kanyang klase kayat napakatahimik ng mga corridors.

Habang papaliko ako sa isang pasilyo ay biglang may nagtapon sa mukha ko ng Shake.

“AY PUTA!” napasigaw ako

FUDGE MEN! ANG LAMIG !!!!!

BWISIT ! huhuhu

“Haaaaa! Ang ..l..lamig “ napasinghap ako

“S..SORRY LEXI..kasalanan mo to Harvey eh “

Hala boses yun ni Casper ah.

Nagsorry nga pero mas malamig pa sa shake ang boses.

“Lexi sorry “ Harvey

Shit nandito pala si Harvey , kahit kailan pahamak talaga yang si Harvey!

siya ang pinaka-bully sa school pero pagdating sa aming mga kaibigan ni Red ay nagpapakabait yan. Takot kasi yan kay Red. Pero di yan nawawalan ng kalokohan. Im sure siya ang may kasalanan nito.

Shit kayo! Ang lamig! “ bwisit kong sigaw sa kanila.

Ang lamig kaya ng shake tapos sa mukha ko pa at ang dami kaya nun.

“Eh sabi na ngang sorry diba?” casper

“Wow at ikaw pa ang may ganang magalit diyan? Kapal mo rin no?!” ako

Bwisit talaga …pagminamalas ka nga naman oh.

“Uyy wag na kayong mag-away diyan.. Lex sorry talaga” Harvey

 lumapit sa akin si Harvey at binigay sa akin ang panyo niya.

“Magpalit ka nalang ng PE uniform“ Casper

Fudge, okay fine … nagsorry na lexi , calm down..

di yun sinasadya wag ka nang mag kingkong moment.

Agad akong naglakad paalis.

Makapagbihis na nga lang.. May-araw din kayo sa akin..

“Oyy san ka pupunta?” Casper

Magpapalit malamang! “ ako

Paki mo bwisit..

Agad na akong pumunta sa Gym station para makapagshower na , nandun din ang mga gym lockers kayat madali lang. Pumasok ang shake sa loob ng uniform ko at sa buhok ko kayat no choice kundi ligo talaga..

Habang naliligo ako naaamoy ko ang strawberry.

Fudge naman oh , don’t tell me strawberry flavor yun. Nako po , allergic ako sa strawberries.

Matapos makapag-ayos ay lumabas na ako dun…

Nagulat ako nang makitang nasa corridor si Casper.. Teka hinihintay niya ako?…

“Tagal mong matapos…mga babae talaga..tss. “ Casper

Nakatingin lang siya sa akin pero walang emosyon ang rumerihistro sa mukha niya. Teka , Parang first time yata tong nag-usap kami na kami-kami lang ah.

“Sabi ko bang hintayin mo ako? Upakan kita diyan eh “ ako

“tss” casper

Maglalakad na sana ako nang biglang sumikip ang dibdib ko..

Hinahabol ko ang hininga ko..

Oyy okay ka lang? “ Casper

Yung boses niya nagbago , parang concerned..

First time to ah?!

“Hey anong flavor yung *hinga*  shake kanina?” ako

“What?! Flavor?” Casper

Parang nakakaloko ang mukha niya.

“FLAVOR SABI EH !?!! *hinga*“ ako

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya.

Halatang nabigla siya sa biglang pagsigaw ko.

 

 

“S..Strawberry? “Casper

lagot na… Strawberry talaga..

Patay ako nito.

“Bakit ba?” Casper

Nakunot ang noo niya..

Biglang naging blur ang paningin ko.

Fudge this can’t be happening..

Biglang nag-dilim ang paligid.

__________________________

♫Im not Crazy Im just a little Unwell, I know right now you can’t tell ……..♫

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko..

Nagulat ako nang mapansing puti ang paligid. Anyare , di naman ganito ang kwarto ko?

“Tama talaga si Red , Unwell lang ang gigising sayo “ Casper

Agad akong napatayo mula sa pagkahiga ko..

Shit nasa clinic ako..

“Uy dahan-dahan lang “ casper

Agad siyang lumapit sa akin para alalayan akong umupo ng maayos.

Gentleman din pala tong gagong to.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa balikat ko.

“Fudge anyare?” tanong ko sa kanya habang hinahawakan ang balikat ko.

“Ininjectionan ka ng gamot para sa allergies mo “ Casper

Ah, kaya pala masakit.

Hala patay baka hinahanap ako dun O_O

“Wag kang mag-alala pinaliwanag ko na sa coach nyo “ Casper

Hindi pa ako nakakapagtanong nakasagot na agad.

Mind-reader ka dre? Haha

“Asan si Red? “ Ako

“Di pa niya alam , may basketball practice din sila buong afternoon kayat di ko muna dinistorbo. “ Casper

Teka Kung di alam ni Red na nandito ako. Paano malalaman ni Casper na yun ang nakakagising sa akin? Don’t tell me pinagchichismisan ako ng dalawa? Fudge naman oh.

Napatingin ako kay Casper, bakit ba ganito yung mukha niya.

Parang emotionless parati.

“Hoy baka matunaw ako “ Casper

“PPFFFTT… napansin ko lang , di ka ba marunong ngumiti? “ Ako

Napatingin siya sa akin..

“Kailangan ba talaga akong ngumiti?” Casper

Yan ang signature bara line niya… bwahahah. Pero di ako papatalo noh!

.

“Nope but you always look constipated dahil sa facial expressions mo. Yung totoo , masakit ba parati ang tiyan mo?”

Tiningnan niya ako ng masama..siyempre tiningnan ko din siya ng masama.

Tumayo siya.

Yey I win! Hahaha

“Tara na“Casper

“Ha?” ako

“Ako na maghahatid sayo”Casper

“Di okay lang , hintayin ko lang si Red. Sanay na ako “ ako

“Gagabihin pa daw sila dahil may kalokohang ginawa kanina “ Casper

“Okayy..” ako

Wow ang bait pala nitong si Casper pag may kasalanan. Hahaha. If I know takot siya sa gagawin sa kanya ni Red pag nalaman ang kasalanan nila sa akin kaya ngayon nagbabait-baitan. Ayos din to para may tagahatid sa akin. *evil waley laugh*

Pumunta muna kami sa classroom para kunin ang bag ko.

Nagsiuwian na pala ang iba.

“Bilis na!” Casper

“Opo lolo“ ako

“Tsss” Casper

Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya ay may kinuha siya mula sa bulsa niya. Mga lollipop!

Tumigil ako sa paglalakad kayat tumigil din siya.

“Uyy pahingi ! “ ako

Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya.

Bigla niyang isinubo yung isang lollipop

“No way!” Casper

“Ang sama ! andami nyan oh! Pahingi !” ako

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Aish para kang bata diyan “ Casper

Ang loko nag smirk lang.

“Im a five year old girl trapped in a 16 year old’s body …Pahingi sabi eh “ ako

Nagsmirk lang ulit siya.

Ganyanan pala ah.

Agad kong kinuha ang isang lollipop mula sa kamay niya.

“Oyy magnanakaw” Casper

Dali-dali ko itong binalatan at isinubo.

Agad ko itong inilabas mula sa bibig ko.

“Oh ibabalik ko na *smirk*  ako

“Yuck sayo na yan.. tara na nga ..tss..” Casper

Agad siyang sumakay sa kotse niya.

Pero bago siya sumakay ay may napansin akong kakaiba…

Ngumiti siya?

Si Casper Riley Velasco NGUMITI?

Baka malapit na talaga ang end of the world

END OF CHAPTER 4


Thanks for reading :))


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro