Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36 : New Faces

THIRD PERSON'S POV




Kanya-kanya na sila sa pagkuha ng kanilang mga kagamitan mula sa van. Karamihan sa kanila ay excited ng pumasok sa retreat house lalong-lalo na sina Raven at Peter dahil natanaw nilang may magandang babae sa loob.

Mistulang isang glass house ang kanilang tutuluyan. Napakalaki nito , mistulang isang modernong mansyon na tadtad ng malalaking salamin.

"Students paki-bilisan" Principal

nakunot ang mga noo nilang lahat ngunit hindi nalang nila pinahalata na naiinis na sila.

"Tsss..gawin kitang kargador diyan" mahinang bulong ni Raven at agad naman siyang siniko ni Drake.

"Peter pakiabot ng sa akin bagahe ko... Salamat" utos ni Theo.

Tutal mas malapit si Peter dito ay kanya nalang itong sinunod.

huminga ng malalim si Peter dahil inaasahan niyang mabigat ito. Ngunit laking gulat niya nang mapansing magaan naman pala ito.

"Uy Theo anong laman nito? pakshet akala ko mabigat! " Peter

"Mga Bow and Arrow ko" Theo

biglang napangiti si Arkin sa narinig at agad na inakbayan si Theo.

"Ayos ah! " sigaw ni Arkin at agad silang nag-high five ni Theo. 

"anong balak niyo diyan?" Peter

napangiti nalang si Theo.

"pampawala ko to ng stress kayat walang basagan ng trip " Theo

"But im sorry , You cant use that while youre here"

napalingon silang lahat para tingnan kung sino ang nagsalita.

Isang lalaking medyo may-edad na at ma-otoridad ang mukha ang nakatayo sa kanilang likuran. 

"Oh you must be doctor Joey Alfontes" bati ng kanilang principal at agad na nakipagkamay dito.

Bilang respeto ay agad silang umayos sa pagkakatayo at humarap sa doktor.

"By the way welcome..I am the head psychiatrist here. Pumasok na kayo sa loob nang sa masimulan na natin ang orientation. kanina pa naghihintay sa loob ang ilang mga pasyente." Saad nito.

nakunot ang kanilang mga noo sa narinig.

"Pasyente?" sarkastikong saad ni Casper.

"Hey with all due respect doc, were not sick....Hell hindi nga namin kailangan ang spiritual/medical retreat nato!" Arkin

napangiti nalang ang doktor at agad na nag-bow.

"Im sorry for the term patient...Lets move on with that and please pumasok na kayo." kalmadong saad ng doctor at agad na pumasok.

- - - - - - - -- - - 

Nakaupo silang lahat sa isang malaking sofa.

Silang lahat ay maayos na nakapwesto maliban lamang kay Doktor Joey na nakatayo habang nagco-conduct ng kanyang orientation.

"For seven days , you'll do nothing but spiritual and friendly activities. I know all of you have been through alot. Hopefully you'll be alot better after the seven days and you'll have a new perspective in your lives..." Anunsyo ng doktor.

 maayos na sana ang kanilang pag-uusap nang may biglang nagsalita...

"Cut the crap doc.... Saan ang kwarto ko?" sabi ng isang lalaki sabay singhal. Ang lahat ay nakikinig ng maayos maliban lamang sa kanya. Ipinatong lang niya ang kanyang mga paa sa center tableng sofa.

napailing nalang ang doctor at saglit na napangiti.

Ang iba naman ay nagulat dahil hindi nila inaasahan na sa unang araw palang ay mayroon ng aasal ng ganun.

 "Whats your name again?" Tanong ng doktor habang nakangiti.

Muling napasinghal ang lalaki at tumayo. Taas noo niyang hinarap ang doktor.

"The name's Gio... I told you my name so now tell me where my room is " sa tono palang ng pananalita niya ay halatang-halata na ang kanyang ugali. Mayabang at Arogante.

tumango ang doktor at ngumiti.

"Oh.. Hey there Gio , Shut your mouth and listen. Im the boss here and youre not so you have no choice but to listen to my crap. " Sarkastikong saad ng doktor habang binibigyan ng nakakatakot na tingin si Gio.

Mistulang natakot si Gio sa doktor kayat agad siyang napaupo. Hindi nag-iisa si Gio dahil maging ang iba ay tumahimik din at mas umayos sa kanilang pagkakaupo.

"Doktor ba talaga to?" mahinang bulong ni Peter.

siniko naman agad siya ni Theo.

"Shhhh" Senyas sa kanya nito.

muli nilang ibinaling ang atensyon sa doktor.

"By the way , I have here my special box...Please drop all your cellphones and other unecessary gadgets here" Saad ng doktor at agad na lumapit sa kanila.

Nagulat silang lahat.

hindi nila inaasahan na may ganitong patakaran.

"Wait are you serious?!" Drake

tumango lang ang doktor.

"Yup but dont worry , May telephone dito you can call anytime pero may schedule tayong ipapairal" Doktor

napailing nalang ang lahat tanda ng pagkakabigo.

Wala silang magawa kundi ang i-surrender nalang ang kani-kanilang mga gamit.

Nang makaabot ang box kay Peter ay pasimple niya itong ipinasa sa iba kahit hindi pa inilalagay dito ang cellphone niya.

"Iho , ilagay mo na ang cellphone mo sa box" Doktor

napailing naman si Peter at napangiti.

"Grounded ako doc , wala akong dalang cellphone. hehehe " Pagsisinungaling nito.

mistulang kumbinsido ang doktor kayat tumango na lamang siya. 

Hindi pa natapos dun ang pagkukumpiska ng kanilang mga gamit. Isa-isang binuksan ng principal at ng doktor ang kanilang mga bagahe. Unang pinansin ng doktor ay ang bagahe ni Theo na puno ng bow at arrow kayat kanya na itong inilagay sa isang tabi. Napabuntong hininga nalang si Theo at si Arkin. Wala na ang kanilang libangan. Maging ang mga DVD na dala ni Peter ay hindi din pinalampas ng doktor.

- - -- - - -

DRAKE'S POV

"My name is Miggy and I am a drug addict" pasinghal na saad ni Miggy at agad na umupo.

Kahit di niya sabihin ay halatang-halata naman talaga sa mga kilos niya at isa pa sanay na kami sa kanya. Second year  pa lang ata kami noon nang may matagpuang drugs sa locker niya. Hayy...tao nga naman.

kasunod niya ay tumayo nadin ang kanyang katabi at ipinakilala ang kanyang sarili.    

"My name is Chloe,  17 years old and im an Anorexic. I only have one rule , Kapag mabait ka sa akin , mabait din ako sayo but if youre rude then i'll be rude too " saad ni Chloe at agad na umupo. Sa napapansin ko , parang sina Chloe lang yata at lexi ang mga babae dito.

Napatingin ako kay Peter. Ay diyos ko...Ang manyak abot tenga na ang ngiti kay Chloe. Nakaupo din kasi ito sa kanyang harapan.

 "So...kapag ba naging manyak ako sayo , Magiging manyak ka rin sa akin?..ahihihi" Peter       

hindi namin napigilan ang mga sarili namin at tumawa nalang.

kahit kailan si Peter manyak parin....


"EWWWW! YOU PERVERT!" sigaw ni Chloe at agad na umiwas ng tingin kay Peter.    

Kasunod na nagpakilala ay ang katabi ni Chloe. Langya para kaming nasa first day of school pero ito , with a twist...Kailangan naming ilantad ang baho namin..

"My name is Juancho and im an alcoholic" saad nito at agad na umupo. 

Kakaiba rin ang isang to , ka-edad lang namin pero kakaiba na ang trip. 

"My name is Donnie and i have aspergers syndrome" sabi ng donnie at itinaas ang kanyang mga kamay para kumaway at ngumiti. Parang siya lang ata ang approchable dito... Pero aspergers ano yun? matanong nga si Casper mamaya.

 nang makaupo na ito ay tumayo nadin ang kanyang katabi.


"Gio...drug addict" tipid nitong saad at agad na umupo. Heto pa ang isa...hindi namin sila kilala dahil nanggaling sila sa kabilang school pero matagal ko ng naririnig ang tungkol dito kay Gio. Sikat to sa school nila dahil cassanova daw kuno.

Hayy... mabuti nalang at sanay na ako sa mga arogante at mayabang na mga tao. 

Ako na ang kasunod kayat malamang tumayo na ako. Teka ano ba ang sasabihin ko?........... Ah tama!

 "My name is Drake and I joined a suicide pact"

sunod-sunod na nagtayuan din ang iba at sinabi din na sumali sila sa suicide pact. Nang si Lexi na ang kasunod ay tumayo lamang ito at binigkas ang pangalan niya.

pumalakpak naman ang doktor nang matapos na kaming lahat.    


"Well then , I guess kilala na ninyo ang isa't-isa....Let's eat! " Doktor        

hayy salamat! Kanina pa ako naglalaway dito -_-

agad akong napatingin sa paligid. Naman oh , pakiramdam ko may nakatingin sa amin.

- - - -- - - - - - - - 

ROBBIE'S POV

Pagtingin ko sa relo ko , 7pm na pala.

Nyeta nakakatamad bumangon sa kama ko. -_-

pagkatapos ng libing ni Rain ay bigla akong nawalan ng ganang lumabas ng bahay. 

ang tahimik ng paligid kayat pinaandar ko nalang ang TV.

"My son was innocent! Hindi niya magagawa yung mga binibintang sa kanya! He wouldnt hurt anyone! I want justice for my boy! " 

Otomatikong nakunot ang noo ko sa narinig. Sa galit ko ay natapon ko ang remote control sa sahig.

hindi ako nakaramdam ng awa sa babaeng umiiyak sa tv. Imbes awa ay galit ang naramdaman ko. 

Ina ni Hunter ang nagsasalita sa telebisyon. Kasalukuyan siyang ini-interview tungkol sa mga nangyari. Ang lakas ng loob niyang sabihing inosente ang anak niya. 

Nang dahil sa walang hiyang anak niya ay wala na ang pinsan ko at sira na ang buhay ng mga kaibigan niya. Kung siya ang nasa posisyon ko siguradong ganito din ang mararamdaman niya.

Pero ina siya......Hindi ko din naman siya masisisi.....

Teka!

NYETA! ako na ang bobo!

tama yung pinunta ko nga pala dito! Yung journal ni Darren! baka nandun yun kay Hunter o Jacob!

dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Peter....ilang minuto din akong naghintay ngunit hindi sumasagot ang gago. Baka nangmamanyak na naman to kayat hindi sinasagot ang tawag ko. -_-

nyeta buti nalang at may number ako ni Red.

CALLING.....

"Oy Red! "

"O?" Red

"Saan nakatira sina Jacob at Hunter?"

"Di ko alam, Punta ka nalang sa school hanapin mo dun ang exact address " Red

Aish! kailangan pa talaga akong pumunta sa skwelahan nila?!

"Bigyan mo nalang ako ng number ng iba mong mga kaklase baka alam nila..Di ko ma-contact si Peter eh " ako

"Wala sila... nasa mandatory retreat kaninang umaga pa sila nakaalis. Papunta na nga din ako doon ngayon dahil di ko sila ma-contact" Red

MANDATORY RETREAT?!

NYETANG PAKSHET! DI BA NILA ALAM NA MAY POSIBILIDAD NG ISA NA NAMANG PATAYAN DIYAN! NYETANG PETER YUN , DI MAN LANG AKO SINABIHAN  -_-

"Saan daw? dont tell me sa isang secluded island?!" ako

"Hindi sa isang retreat house malapit sa baguio." Red

"ganun din yun! Red ibigay mo sa akin ang exact address. Pagpunta mo dun magsama ka ng mga pulis" ako

"Ha?...h..huy teka kalma Robbie. Kinakabahan naman ako sayo!. Madami sila dun at isa pa police? Bakit police? Robbie naman matakot ka sa sinasabi mo!" Red

napansin kong kinakabahan na nga si Red mula sa boses niya.

Hingang malalim Robbie...Wag maging praning...

Inhale.....Exhale......

PERO HINDI EH! MASAMA YUNG KUTOB KO!

"Okay pero bigyan mo ako ng address ng retreat house na yan. Susunod ako pagkatapos ng gagawin ko. Pag-napansin mong may kakaibang nangyayari dont hesitate to Call the police or better yet Umalis na agad kayo dun. I may sound crazy but just do it , para din yan sa kaligtasan ni Lexi." ako

Shit!

kung alam lang nila ang mga posibilidad...

Sigurado akong may dugo pang dadanak...

hindi ko lang alam kung kailan pero mabuti na ang handa...

- - - - -- - - - - 

RED'S POV

dali-dali kong inayos ang mga gamit ko.

Wala akong pakialam kung bawal , hindi pa sila tumatawag hanggang ngayon kayat hindi ako mapalagay.

Tong si Robbie mas pinakaba pa ako lalo. Shit.

"Red saan ka pupunta?" mommy

hindi ko namalayan na pumasok pala siya sa kwarto ko.

"I'll follow them. Hindi pa sila tumatawag , nag-aalala na ako" ako

"Anak madami sila doon , walang mapapahamak at isa pa gabi na. Delikadong bumyahe kapag gabi" Mommy

ngumiti nalang ako para di siya mabahala.

"I'll be okay mom. Si Lexi ang inaalala ko" ako

napaupo si Mommy sa kama ko. Nakatingin lamang siya sa kawalan at biglang napabuntong hininga.

may pinagmanahan talaga si Lexi.

"Red thank you for being a good brother to lexi" mommy

napatigil ako sa ginagawa ko.

ito yung pinakaayaw ko sa lahat....Kapag nagmo-monologue si mommy. 

Yung luha ko na naman nito.

"Red I know its been hard for you....i know hindi lang si Lexi ang labis na nasasaktan....Ikaw din diba... Live your life red and let go of your guilt...." Mommy

"Mom i would do anything for you and lexi. Youre my family and I'll do whatever it takes to keep our family together" ako

"Sweetie.. Your dad and I love you so much. Hindi ka nanggaling sa akin pero mahal na mahal ka namin. Youre dad is very proud of you....Even your real parents..They are so proud to have a son like you....Lexi...Lexi also loves you so much. So please let go of that guilt in your heart. Hindi mo ginusto ang nangyari at wala kang kasalanan sa nangyari kay Keith...We only did that to protect our baby " mommy

hindi ko na napigilan pang maluha nang banggitin ni Mommy si Keith.

naaawa din ako kay Keith...

napayakap nalang ako sa kanya at agad na ibinaon ang mukha ko sa braso niya.

"Anak....W..what if k..keith.." Mommy

napailing nalang ako.

maging ako ay yan din ang kinakatakot.

"Mom..Keith is gone please just dont....." hindi ko na halos matapos ang sinasabi ko.

 hinawakan ulit niya ang magkabila kong kamay.

"Red just in case Keith comes back, I want you to be brave and do what you think is right. We've talked about this for years , Mahirap din to sa akin pero kailangan nating gawin ang lahat para lang hindi na masaktan ang bunso natin.." Mommy

tumango nalang ako.

"Mom...I would do everything i can para di tayo umabot dun...and I'll make sure Keith cant harm anyone else lalong-lalo na si Lexi" paninigurado ko sa kanya at agad na kinuha ang susi ng motor ko.

"Anak mag-ingat ka. Mahal na mahal ko kayo ni Lexi.." Mommy

ngumiti nalang ako at agad siyang niyakap.

mahal na mahal ko din sila...Sila ang pamilya ko at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang sila kahit na ikapapahamak ko yun.

- - -- - - - -- - - - - -

LEXI'S POV

napatingin ako sa bintana ng kwarto ko.

kahit papaanoy gumagaan ang pakiramdam ko sa simoy ng hangin pero kahit ganun hindi parin nawawala ang sakit....Ang sakit buhat ng pagkawala nila...

bigla akong nakaramdam ng uhaw kayat lumabas ako sa kwarto ko.

tulog na yata ang iba..

habang naglalakad ako ay bigla akong may nahagip mula sa peripheral vision ko.

Isang babae ang nakatayo sa corridor. May malaki ding bintana dun at nakatayo lang siya na parang nagpapahangin. Hindi yun si Chloe sigurado ako. Baka staff yun dito , sabi din kasi ng doktor madami pa daw kaming mga kasama dito.

nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi nalang siya pinansin.

bigla kong nakasalubong si Doc Joey.

"Hello! Ano nga ulit pangalan mo?" bati niya sa akin habang ngumingiti.

gusto kong ngumiti pabalik ngunit hindi ko pa talaga kaya..

"Lexi...doc sino po yun?" at agad na tinuro ang babae.

lumingon naman ang doktor.

Agad nakunot ang noo niya ngunit agad din naman siyang ngumiti.

"Ah..si Kenny yun..Anak ng staff dito..Magka-edad lang kayo niyan" doktor

tumango nalang ako at naglakad.

mag-isa nalang ulit ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

nakakita ako ng hagdan kayat umakyat ako dito.

Akyat lang ako ng akyat hanggang sa napansin kong nasa rooftop na pala ako.

Ang ganda ng tanawin kahit nababalot ng kadiliman ang mga puno.

Napakasarap ng simoy ng hangin , napakalamig nito kayat napapakalma ako.

dahan-dahan akong naglakad papunta sa edge nito.

Isang hakbang lang at siguradong mahuhulog ako sa aking kamatayan dahil napakataas ng kinaroroonan ko. Napapikit ako at mas dinama ang hanging humahaplos sa mukha ko at tumatangay sa buhok ko. 

Kahit papaanoy nakaramdam ako ng kapayapaan sa isip ko.

Ganito ba yung dahilan kung bakit ginusto nilang magpakamatay?

Makakaramdam ka ba talaga ng kapayapaan sa tulong ng kamatayan?

Huminga ako ng malalim..

may parte sa isip ko na sinasabing tumalon ako.... pero natatakot akong masaktan....natatakot akong makakita ulit ng dugong lumalabas mula sa katawan ko at natatakot ako kung ano ang mangyayari sa akin kapag patay na ako...

END OF CHAPTER 36

Kasama si Miggy sa Suicide pact. Bigla lang siyang nawala sa school habang nagkakaroon ng patayan.

THANKS FOR READING ^___^

VOTE AND COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro