Chapter 35 : Stink Bomb
THIRD PERSON’S POV
"Teka diba kanina pa sina Peter diyan? Nauna pang nakaalis ang parents ko sa parents ni peter? haha" tanong ni Arkin habang inaabot kay Theo ang kanilang mga bagahe.
"Pabayaan niyo na. hahaha" Theo
pupunta na sila sa retreat house ngayon kaya't kanya-kanyang paalaman ang ginagawa nilang lahat.
Ang nooy mga magulang ni Peter na laging busy ay napakamaalaga na ngayon sa kanya simula ng nangyari sa amusement park.
“Peter Baby dala mo na ba vitamins mo? Wag kang magpapagutom dun ha?” tanong ng kanyang mommy sa kanya. Napangiti nalang si Peter at tumango.
“Si boy manyak mama’s boy pala. Hahaha “ mahinang bulong ni Raven na biglang dumaan.
Narinig naman yun ni Peter kayat bahagya siyang napalingon at nag-middle finger sign kay Raven.
“Baby take care of yourself okay? Hindi pa masyadong okay yung braso mo” mommy ni Peter
“Anak kung gusto mo mag-extend ka dun ng one week pa dahil magpapakabusy kami ng mommy mo. Ahihihihi “ Daddy ni Peter
Natawa nalang si Peter.
Ngayon alam na niya kanino siya nagmana.
“O siya sige na aalis na kami , Kailangan pagbalik ko buntis na ulit si mommy” banta ni Peter
Napatawa nalang ang kanyang mga magulang.
“Anak yung bilin ko sayo parati… protection first ha?! Wag magloloko“ Pahabol pa ng daddy niya
“Anong brand?” lakas loob na tanong ni Peter
“Yung mamahalin. dapat espesyal eh…Gold nalang pareho ng saamin ng mommy mo.” Daddy ni Peter
Nanlaki ang mga mata ni Peter
“Ha?!! May gold na palang condom?!” Peter
*pok*
Agad binatukan ng kanyang ina si Peter
“aray mommy!” Reklamo ni Peter
“Anak utang na loob Wedding ring ang ibig kong sabihin! The best protection are wedding rings!”Daddy
“Ang ibig naming sabihin namin, wag na wag kang magloloko doon , Baka pagbalik mo may apo na kami. Nabalitaan naming may mga girls dun kayat Peter behave” Mommy ni Peter
“ Langyang bata sumakay ka na nga dun sa van…Yung mga kaibigan mo hinihintay ka na. Mag-ingat ka parati ha..” dagdag pa nito.
Napakamot nalang ng kanyang ulo si Peter.
“Sabi ko nga eh….Bye!” Peter
Pagpasok ni Peter sa Van ay agad niyang naabutan sina Raven, Theo ,Arkin at Drake na tumatawa.
“Oy bakit kayo tumatawa? Share niyo naman! “ Peter
“Hala theo tumatawa ka na?!! “ Dagdag pa niya.
Napailing nalang si Raven habang tumatawa.
“Mama’s boy ka pala pete? Hahahah!” Raven
“Oh shut the fvck up big bird!” Peter
Agad pumwesto si Peter at umupo sa tabi ni Raven.
“Grabe ng paalaman niyo ng parents mo bro , ang tagal! Hahaha! Biruin mo nga naman ngayon pa nagbago ang mga magulang natin” Raven
“Oo nga eh, Kailangan lang pala mapahamak tayo para magbago ang pakikitungo nila sa atin. Haha “ Drake
saglit na dumungaw si Peter sa bintana ng sasakyan.
“Teka sina Red yun diba?” Peter
“Oo kanina pa yan sila nagpapaalaman. Di kasi pinayagan si Red na sumama” Theo
napaupo ulit ng maayos si Peter at napangiti ng nakakaloko
"Minsan nahihiwagaan nadin ako kay Red...Baka may relasyon sila ni Lexi! HALA INCEST YUN! " Peter
*POK!*
agad binatukan ni Raven si Peter
"Gago! malisyoso! pero bilib ako kay Red , tinuring niya talagang kapatid si Lexi kahit magpinsan lang sila.." Arkin
“Manong drake tawagin mo na nga sila…excited na akong makita ang ibang makakasama natin dun sa retreat house! Sana may chicks! hahaha“ Raven
“Manyak!” Peter
Nagakatinginan silang lahat.
“Nagsalita ang lalaking santo” Arkin
“Ako pa ngayon ang manyak….” Raven
--------------
“Lex madaming mga yumyum dito sa bag, kapag nagutom ka kunin mo lang. Tatawag kami araw-araw kahit na hindi ka magsalita basta sagutin mo lang mapapanatag na kami ni mommy.” Red
Agad hinawakan ng kanilang ina ang magkabilang kamay ni Lexi.
“Baby magpapakabait ka doon ha? Wala kami ng kuya mo kayat please kumain ka ng maayos. Come back to us okay? Maging si Alexis kaulit please…yung anak kong masayahin at mabait…once you get back we’ll fix everything… I love you okay?” mommy
Tumango nalang si Lexi.
“Im not good with goodbyes sa kotse nalang ako…Alexis , please be okay” sabi ng mommy nila at agad na umalis.
“Hoy ikaw Casper utang na loob wag kang gagawa ng katarantaduhan.” Red
Napangiti nalang si Casper at agad na inakbayan si Lexi.
Si Lexi naman ay parang walang naririnig at nakatingin lang sa mukha ni Red.
“Hoy ang tagal niyo..baka dumating na si Principal” biglang dumating si Drake kasama si Peter.
“Guys may number kayo ni Master Robbie?” Peter
Napailing agad sila.
“Hoy Peter! Binabalaan kita ha? Off limits kay lexi! “ babala ni Red
Agad itinaas ni Peter ang kanyang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
“No worries Red , Bro ko yang si Lexi.... Lexi bro tayo no???? “ tanong ni Peter na may napakamalaking ngiti.
Napatingin silang lahat kay Lexi ngunit hindi ito umimik.
“Sabi ko nga..” peter
“Drake , bantayan mo tong mga kutong lupang to” Red at tinuro si Lexi at Casper
“Aish..Oo na! ang hirap maging presidente." Reklamo ni drake ng pabiro
"Akin na nga yang mga bagahe niyo nang dire-diretso na tayo mamaya pagdating ni Miggy." dagdag pa nito.
"Teka si Miggy?" Casper
"Oo , kaya pala missing in action siya this past few days Na-rehab pala ang gago. Ang swerte nga niya di siya nasali sa kaguluhan natin. Magparehab din kaya ako? " Peter at agad na tinulungan si Drake sa mga bagahe.
tumulong nalang din si Casper sa mga bagahe para magkaroon ng privacy ang magpinsan.
"Hey take a good care of yourself... I want my little girl back..I want Alexis back" Red
agad napayakap si Lexi sa pinsan.
unang beses nilang malalayo sa isat-isa matapos ang pagkawala ni Lexi 10 years ago.
"Always remember , ikaw si Alexis...Yung pinsan kong malaki ang bunganga at parating tumatawa. Kailangan pagbalik mo wala na yung alexis na emo ang peg " biro pa ni Red
"I cant promise that....Im sorry " Lexi
tinapik nalang ni Red ang ulo ni Lexi.
- - - - - - -- - ---
PETER'S POV
pakshet ambigat ng ulo ni Raven.
nakatulog lang naman ang gago at ipinatong sa siko ko ang ulo niya.
Lord sana walang laway na tumulo sa siko ko... uwaaaa! T_T
Kanina pa kami nagb-byahe nakakapagod. -_-
"Malayo pa ba? Ang tagal...tss" narinig kong nagreklamo si Miggy na nasa front seat. katabi niya ang principal na siyang nagd-drive.
Wala akong tiwala dito kay Miggy.
Biruin mo nga naman, ngayon lang siya nagpakita na tapos na ang patayan. Ang swerte naman niya kung totoo yung sinasabi niya.
Shit! Yung tiyan ko!
>.>
<.<
napatingin ako sa mga kasama ko. Kanya-kanya sila ng soundtrip. Lahat sila ay may mga nakasaksak sa mga tenga nila...hindi naman siguro nila maririnig kung magre-release ako ng stink bomb dito.
*Prrrrrrrrrttt.*
I FEEL SO FREE \^_^/
nagulat ako nang dahan-dahang lumingon sa akin si Casper na nakaupo sa harapan namin.
Teka akala ko ba nagsa-sountrip siya? PAKSHET! narinig kaya niya?
biglang nakunot ang noo ni Casper. pakshet narinig nga niya.
agad kong tinuro si Raven..
"Sumobra sa french fries" mahinang bulong ko.
mukhang nakumbinsi ko si Casper kayat umayos na siya sa pagkaka-upo. Nakatulog yata si Lexi kayat agad niyang ipinatong ang ulo nito sa braso niya.
"ANG BAHOOOOOOOOO!!!!!! " biglang napasigaw si Principal Smith.
*Screeeech*
nagulat ako nang bigla niyang inihinto ang sasakyan.
"HMMMPH! ANG BAHO SINONG UMUTOT ?!!! " Theo
nagsigising ang lahat.
O_O im doomed....
"Students open up all the windows!" Principal
Ang OA ganun ba talaga ka baho?
hindi naman ah!
sinunod nalang namin ang inutos niya , mahirap na.
napatingin ako sa paligid. Wow nasa forest na pala kami! ibang klase din ang lugar nato ah!
biglang gumising si Raven.
"anong nangyayari?!" raven
im doomed
"May nasobrahan ng french fries..." mahinang bulong ni Casper at muling napalingon sa akin.
O_O
PAKSHET. im doomed
"Sinong umutot?!!" Drake
natahimik kaming lahat.
Dapat hindi ako mapagbibintangan..
"Mamamatay ang kung sino mang umutot kung hindi siya aamin! " sigaw ko.
lord joke lang po! lord ayoko pa pong mamatay! lord joke lang po yun!
mistulang nakamove-on ang lahat kayat patuloy na ulit kami sa byahe.
bwahahahaha :D I survived! Yeaboiiii !
2:34 pm na pero nagb-byahe parin kami.
nawala yata yung antok naming lahat kayat heto gising na gising.
"Principal...soundtrip naman diyan oh... deadbat na ipod ko" Drake
"Kung ako pa sa inyo sabayan niyo nalang si Peter sa kanta niya! " Raven
nagulat ako dahil bigla niyang dinawit ang gwapo kong pangalan.
"Anong peter?! pakyu raven! " sigaw ko sa kanya
ang mga loko tumawa lang.
"Kantahin mo yung composition mo noong second year tayo! " Raven.
Kanta?
ano nga ulit yung kantang yun?
Ah tama! Ahihihiihihi.. I love that song..
"Sakyan niyo lang ang trip ko , pumalakpak lang kayo kahit mga lalaki kayo" Banta ko sa kanila
Ehem..ehem..
5..4..3..2...1...0...
"Kung ikaw ay babae Pumalakpak! "
*PAK PAK PAK*
"Kung ikaw ay may libog pumalakpak"
*PAK PAK PAK*
"Kung ikaw ay babae at ikaw ay malibog! edi Tara sa kama ko at Magsaya!"
*PAAAAK PAAAK PAAAAK*
hindi iyon tunog ng palakpak.... Tunog yun ng pagkatorture ng aking beloved batok. Sa halip na pumalakpak eh nagsanib pwersa lang naman sila sa pagbatok sa akin.
pakshet ang sakit ng batok ko. T_T
Andami ng pambabatok ang natanggap ko ngayong araw! Sawang-sawa na ako!!!!
"Gago! pumalakpak pa ako!! " Casper
"Peter utang na loob! " Theo
"PETER UMAYOS KA!! " sigaw ni Principal
tinakpan ko nalang ang tenga ko dahil inuulan na ulit ako ng sermon.
"Kasalanan mo to eh! " sigaw ko kay Raven.
natulog nalang ulit kaming lahat.
kakapagod talaga ng byahe..
- - - --- - - -
"NANDITO NA TAYO BUMABA NA KAYO!" sigaw ni Principal
agad akong napatingin sa buong paligid.
ang ganda ng retreathouse. ang laki!
"WOW! " bulalas naming lahat.
napapalibutan kami ng mga puno tapos medyo malayo kami sa sibilisasyon. Pero sabi ni Principal may signal parin naman daw dito.
hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Alam niyo ba...ganito yung napapanood ko sa horror movies...grupo ng mga kabataan dumating sa isang bahay para magbakasyon pero-------"
*POK*
hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong binatukan ni Casper.
"Tumahimik ka baka matakot si Lexi " Casper
ay .. hehehe
tatahimik na ako..
pero bakit ganun..kinakabahan talaga ako.
END OF CHAPTER 25
Dahil nag-30k ipi-nost ko na ito! hahaha.
MARAMING-MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG MGA NAGBABASA!
Btw , hindi po nila kasama si Robbie ...May ispesyal na ginagawa si Robbie.. hahaha
THANKS FOR READING
VOTE AND COMMENT ^__^.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro