Chapter 33 : Grief
RED'S POV
"Lex sige na naman oh..kumain ka na" pangungumbinsi ko sa kanya.
ilang oras na akong nakaupo dito sa kama niya pero hindi man lang siya tumitingin sa akin.
Nakaharap siya sa binta , Nakatingin sa kawalan at umiiyak.
matapos siyang madischarge sa hospital ay naging napakahirap na para sa amin ang kausapin siya. Nasa kwarto lang siya parati at nagmumukmok. Kapag kinakausap namin siya ay parang wala lang sa kanya. Alalang-alala na kami.
"Lex subukan mo namang kumain man lang...kahit na ilang subo lang." ako
di parin niya ako pinapansin.
"Lexi na mukhang beki utang na loob kumain ka na kundi ako yung uubos nito" biro ko sa kanya ngunit wa epek parin.
ilang araw na siyang ganito kayat napipilitan nalang kaming turukan siya ng dextrose. Apektado kaming lahat sa mga kinikilos niya ngayon.
"Aalis muna ako ngayon... huling gabi na kasi ng burol nila, di ka ba talaga sasama? nandun sila Casper..may makakausap ka dun kung nagsasawa ka na sa mukha namin ni mommy?" ako
nagpatuloy lang sa pagtulo ang luha niya....
awang-awa ako sa kanya, hindi ako sanay na makita siyang ganito...Hindi ko matanggap na nagbalik na ulit ang dati....
"Nga pala nagising na daw kanina sina Peter at yung iba. Gusto daw nilang bumisita kaso di ko pinayagan. Nakaka-stress ang mukha ni Peter baka mawalan ka lalo ng ganang kumain. hahahaha " ako
pakshet mukha akong tanga.
walang ibang tumatawa.
"Lex awkward na masyado magsalita ka naman oh" agad akong kumuha ng panyo mula sa cabinet niya at pinunasan ang luha niya. "subukan mo kayang mag-pulbo man lang. hahaha..di biro lang..mukha ka paring beki " ako
hindi ko namalayan tumutulo narin pala yung luha ko.
agad akong tumayo dahil ayokong makita niya akong ganito.
Galit ako sa sarili ko. Kung sana nandoon ako mapo-protektahan ko siya. Ang sakit lang isipin na siguro hinahanap niya ako noon para may poprotekta sa kanya , pero wala ako dun.
"Sino si Keith?"
O_O
gulat na gulat ako nang bigla siyang nagsalita. Ngunit mas ikinagulat ko ang tanong niya.
pakiramdam koy biglang nanuyo ang lalamunan ko.
Hindi maari...
Hindi niya pwedeng maalala ang tungkol kay Keith.
pinilit kong ngumiti.
"Keith? Ah singer siya ng Because of you diba..Keith Martin ata yun.. hehehe " ako
sa sobrang kaba ko ay agad akong lumabas sa kwarto niya.
sana hindi niya maalala si Keith..
Mapapahamak siya kapag nangyari yun.
Pagdating ko sa burol ay agad akong tumabi kay Casper.
Tahimik lang sila.
Nandito na din ang iba pero napakatahimik nila.
Sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanila unang beses kong makitang tahimik sina Peter at Raven. Hindi ako sanay. Si Peter kanina pa umiiyak pero Raven nakatulala lang.
"Hindi ba dadalaw si Lexi?" Casper
napailing ako.
"These past few days hindi siya halos kumakain at nagsasalita. Sinisisi parin niya ang sarili niya" ako
"Pero bukas pupunta ba siya?" Casper
"Hindi ko alam...pero pagkatapos ng libing ilalayo ko na siya dito. Kailangan niyang makalimutan ang lahat ng nangyari.." ako
Halatang nagulat si Casper sa sinabi ko.
"Seryoso ka?" Casper
tumango nalang ako.
dapat pala noon pa lang ginawa na namin to.
-----------
Kumatok ako sa kwarto ni Lexi at agad na pumasok.
Ngayon ang araw ng libing nila...
Mukhang gusto niyang pumunta.
Nakabihis na siya ngunit Nakaupo lang siya sa kama niya at nakatulala. Walang ibang expresyon ang nakikita ko sa mukha niya.
"Lex Maging matatag ka ha....Wala kang kasalanan sa mga nangyari, biktima ka din.....Nandito lang kami para sayo kayat please bumalik ka na sa amin...magiging masaya tayo ulit. Pagkatapos nito titira na tayo sa korea. May snow dun..... makikita mo ang EXO dun..diba crush mo yung Luhan?" biro ko sa kanya. Agad akong tumayo at inalalayan siyang maglakad. "Wag ka ng umiyak okay?"ako
pagdating namin sa sementeryo ay napakarami ng tao.
nasa iisang sementeryo lang sila ililibing.
samantalang ang mga walang hiyang sina Hunter at Jacob ay sa iba silang sementeryo. Maswerte si Jacob at namatay na siya dahil siguradong hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya kapag nakita ko siyang buhay.
Pagkababa ko sa kotse ay agad kong pinagbuksan ng pintuan si Lexi.
"nandito na tayo" ako
nakatingin lang sa kawalan si Lexi habang umiiyak.
Mukhang hindi niya talaga kaya. Bakit ko pa kasi siya dinala dito..tsk.tsk ..
"Kung hindi mo talaga kaya.. dito nalang tayo sa loob ng kotse " ako
nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Go there... I want to be alone." Lexi
nag-iba na talaga siya.
wala na yung lexi na parating ngumingiti.
"Sigurado ka?" ako
hindi na sumagot si Lexi kayat sinunod ko nalang ang gusto niya at umupo sa tabi nina Casper.
"Nasaan siya?" salubong saakin ni Casper.
"Nasa kotse ayaw niyang bumaba... gusto daw niyang mapag-isa" ako.
- - - -- -
PETER'S POV
Sa isang iglap nawala ang mga kaibigan ko.
Hindi ko maiwasang mapaiyak.
Agad akong napalingon sa kotseng kinaroroonan ni Lexi. Nasa loob siya at umiiyak habang nakatanaw sa paring nagsasalita.
Katabi ko ngayon sina Raven.
Mabuti nalang at kinalimutan nalang nila yung kasalanan ko. Langyang spray paint yun, hindi ko alam na knock out gas pala yun. Ilang araw din kaming tulog.
Hindi ko maiwasang magtaka dahil simula nang malaman naming wala na sila Chuck ay hindi ko nakitang umiyak si Raven. Sa aming lahat siya ang pinaka-close kay Chuck.
"Raven ba't di ka man lang umiiyak?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. Eh sa curious ako eh.
napasinghal nalang si Raven at umiling-iling.
"Gusto mo talaga akong makitang umiyak no?..... Nakakalungkot dahil wala na sila Chuck pero ginusto din naman to ni Chuck. Alam mo ba kung ano ang rason niya sa pagsali sa suicide pact?" tanong ni Raven at napatingin sa akin kayat agad akong napailing."Sumali si Chuck nang malaman niyang may leukemia si Rain. Malaki ang posibilidad na matatalo si Rain sa leukemia niya kayat ayaw na ni chuck na mabuhay pa. Si Rain nalang daw kasi yung rason na nabuhay siya. Ayaw ni Chuck na mabuhay kung wala si Rain kayat mas pipiliin niyang mamatay narin para magkasama sila." Napangiti si Raven nang mapait at agad na napatingin sa kabaong ni Chuck. "Kung tutuusin he got what he wanted. They are together in heaven and nothing can separate them now... Iisipin ko nalang na masaya na si Chuck ngayon kaysa naman magmukmok ako " Raven
Ang lalim nun! pakshet tong si Raven.
Siguro nabagok sa bato yung ulo niya kayat biglang naging ganito mag-isip.
Pero bakit ako, makailang-ulit nabagok yung ulo ko pero ganun parin kaberde ang utak ko?.... buhay nga naman....
"Hoy wag nga kayong maingay baka batuhin tayo ng pari " Drake
si Manong Drake talaga , pinapairal na naman ang pagiging presidente niya.
"Guys ihanda niyo na ang mga bulaklak"sabi ni Arkin.
agad kaming napatayo upang magbigay ng respeto para sa huling pagkakataon.
agad hinanap ng mata ko si Master Robbie.
nandun siya sa isang tabi at nakatayo.
Dali-dali akong lumapit sa kanya at nag-bow bilang respeto.
"Master Robbie" ako
saglit siyang napangiti.
"Master maraming-maraming maraming salamat po talaga..napakalaki po ng utang na loob ko sayo...dahil sayo humihinga pa po ako ngayon. Maraming-maraming salamat po talaga.. Ikaw na po ang master ko..." hindi ko maiwasang mapaluha. Nakokonsensya din ako dahil hindi ko natulungan ang iba.
napangiti siya at agad na tinapik ang balikat ko.
"Mabuti naman at kahit papaano ay may natulungan ako....sana nga lang nakaligtas si Rain kaso parang oras narin talaga niya..." Master
"M..master sorry po hindi ko po siya natulungan...kung sana hindi ako nahiwalay kay Lexi o Chuck...sana matutulungan ko sila..Sorry po talaga master" sabi ko kanya habang umiiyak.
Pakshet ayaw tumigil sa pag-agos ng luha ko...
Peter wag kang umiyak..think happy thoughts...Think of something green..wag kang iiyak.
pilit kong pinipigilan ang sarili ko sa pag-iyak pero ayaw... nagma-marathon parin yung luha ko...
"Tumigil ka sa pag-iyak lalo kang papangit....isa pa wala naman akong sinisisi....Kung may sisisihin man ako , hindi kayo yun...isa pa biktima lang din kayo..." Robbie
agad kong pinunasan ang luha at sipon ko.
pakshet.
"Nga pala asan si Lexi?" Robbie
agad kong tinuro ang sasakyan..
"Nandun pa po...hindi parin bumababa" ako
- - - - -- - - -- - -
THIRD PERSON'S POV
Humahagulgol sa loob ng kotse si Lexi habang naaalala ang huling sandaling kasama niya si Rain. Hindi nito mapigilang sisihin ang kanyang sarili.
"Hindi magugustuhan ni Rain kapag nakita ka niyang ganyan"
agad napalingon si Lexi kay Robbie.
Nakatayo ito sa labas ng kotse. Bukas ang bintana kayat narinig niya ito.
napapikit nalang si Lexi at agad na tinakpan ang kanyang bibig habang humihikbi.
"Nang malaman ni Rain na may leukemia siya ay ito yung pinakakinatatakutan niyang mangyari ....Ang masaktan kayo sa pagkawala niya. Alam mo ba nagpanggap pa si Rain na nagpunta ng Canada at ayaw sayo dahil mas gugustuhin niyang magalit ka sa kanya kaysa masaktan ka sa pagkawala niya....She doesnt want to see you like this...Ako nga kahit gaano man kasakit pinipilit kong hindi umiyak dahil siguradong magagalit siya...Kung ako sayo punasan mo yang luha mo at magpaalam ka na sa kanya kahit sa huling pagkakataon man lang" Robbie
Huminga ng malalim si Lexi at sa tindi ng kanyang nararamdaman ay napasuntok siya sa upuan..
"I was there! I was fvcking there! Hindi ko siya natulungan! Kitang-kita ko habang sinasaktan siya ni Hunter wala akong ginawa! " Sigaw ni Lexi habang umiiyak
napabuntong hininga nalang si Robbie.
Nakita ni Robbie ang salamin ng kwartong walang tigil na kinakalampag ni Lexi. Kitang-kita niya ang napakaraming dugo doon tanda ng pagpapakahirap ni Lexi para mawasak yun.
"Lex wala kang kasalanan sa mga nangyari...hindi ka namin sinisisi..no one blames you...Biktima ka rin dito. Alam namin ang rason kung bakit malala ang bali sa mga kamay at siko mo. Alam namin kung gaano ka nagpursigi para mabasag yung salamin na yun.....You tried lex , thats all that matters. Wag mo ng sisihin ang sarili mo." Robbie
agad hinawakan ni Robbie ang handle ng pinto ng kotse at agad itong binuksan.
"Labas na...Its now or never....Huling pagkakataon mo na para makapagpaalam sa kanya" Robbie
dahan-dahang naglakad si Lexi at Robbie papalapit sa kabaong ni Rain.
ilang sandali nalang ay ibababa na sa ilalim ng lupa ang mga katawan nila.
Nagulat si Red nang makitang lumapit si Lexi sa mga kabaong kayat agad niya itong nilapitan upang umalalay.
Pinilit ni Lexi na magpakatatag. Isa-isa niyang nilapitan at nilagyan ng mga bulaklak ang bawat kabaong. Huli niyang nilapitan ang kay Rain.
"Bitch I love you.... Im sorry....Patawarin mo ako..." nagsimula ulit na umiyak si Lexi. "I will never forget you...Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon....Magpakabait ka ha , wala ako dun para maging back-up mo kapag may nansabunot sayo. I love you rain..." Lexi.
Hindi mapigilan ng iba na mapaiyak nang marinig ang pamamaalam ni Lexi.. Si Red na nakahawak sa kamay ni Lexi ay pumipikit nalang para pigilan ang kanyang mga mata sa pagluha.
si Peter na kaninay tumigil na sa pag-iyak na ay muli na namang humagulgol na parang bata.
"Pete wag masyadong humagulgol baka mapagkamalan kang tatay nila " mahinang bulong ni Raven kay Peter
ngunit si Peter ay napayakap nalang kay Raven. Walang nagawa si Raven kundi tapikin nalang ang likuran niya.
matapos ang funeral service ay sabay-sabay silang naglakad sa kani-kanilang kotse nang bigla na lamang silang hinarang ng kanilang principal.
"Mr. Smith..." bati ni Drake at agad na nag-bow.
"Nalaman namin mula sa mga police na sumali kayo sa suicide pact...totoo ba?" tanong ng kanilang principal.
seryosong-seryoso ang mukha niya kayat napatango nalang sila.
"Well then the government as well us our school requires all of you to join a mandatory retreat and grief counseling . Alam niyo bang dahil sa ginawa niyo , you didnt only jeopradize your life but the school itself. Kapag hindi kayo sumali ay hindi kayo makaka-graduate. " Mr. Smith
nagulat silang lahat sa narinig.
"Sir Are yous serious?" Drake
"Soon makakatanggap na kayo ng sulat galing sa sangay ng gobyerno kayat ihanda niyo na ang mga gamit niyo para sa 1 week stay niyo doon. Its a good opportunity para naman maayos niyo yang mga buhay niyo.. Mga kabataan talaga..tsk. tsk. suicide pact.. tss.. " Pasinghal na sabi ni Mr. Smith
"Atleast one week walang pasok diba?" Peter
"One week..one week kitang makakasama sa iisang bahay.. tssssss" sabi ni Drake at agad na nagwalk-out.
"Kailangan ba talagang pumunta? nakakabagot naman yan one week pa talaga" Arkin
"Mandatory nga diba?" Casper
"Tssss..." Arkin..
"Lusot kami ni Lexi diyan..hindi naman talaga kami kasali sa suicide pact... DIBA RAVEN?" sabi ni Red at agad na tiningnan ng masama si Raven.
nagpeace sign nalang si Raven at agad na napangiti.
"Tara lex mas-stress ka lang sa mukha ng mga taong to " Red at agad na hinila si Lexi na nakatingin lang ulit sa kawalan.
- - - - - - - - -- -
KING'S POV
bigla akong nabagot kayat agad kong pinaandar ang tv.
napangiti ako nang mapanood ang balita tungkol sa libing nila.
Bwisit talaga , Kung sana nagtulong-tulong lang silang mga knights at hindi nagtrayduran edi sana nakuha na nila ang premyo at mas maganda ang ibinalitang massacre. Tsk.Tsk.
gabi na kayat matutulog na sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
pakshet sinong knight na naman kaya to?
baka si Lucifer kukulitin na naman ako tungkol palabas na pinapanood niya.
napangiti ako nang makitang si Keith pala ang tumatawag.
buti naman at di si Lucifer
"Keith napatawag ka?" ako
"second phase is on the go..." Keith
"Good.. kailan? siguraduhin niyong hindi kayo papalpak" ako
"Trust me....Things will go smooth this time. We wont let you down" Keith
"okay..goodluck youre an official knight ngayon...and please go easy on Lexi , nakita ko ang ginawa sa kanya ni Jacob tama na siguro yun..." ako
"Tsss.. Thats not enough... Lexi's gonna pay and i'll make sure no one gets in my way...." Keith
END OF CHAPTER 33
uwaa! nakakapakshet. hahaha :D Biglang nag-blackout kayat hayun back to zero peg ko. Pagpasensyahan niya ito lang yung narecover.. I learned my lesson , Hit the save button every few minutes. hahahaha :DD
THANKS FOR READING :)))))
VOTE and COMMENT :))))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro