Chapter 32 : Pretensions
THIRD PERSON'S POV
biglang lumabas ang doktor kayat dali-daling napatayo si Red at lumapit sa kanya.
"Doc kamusta na po siya? hindi naman po malala diba? okay lang naman po siya?" aligagang tanong ni Red.
pagdating kay Lexi ay nag-iibang tao si Red. Lumalambot ito at nagiging iyakin.
Wala yung red na basagulero at siraulo.
"She's in stable condition. Magigising na siya maya-maya lang. Ililipat na siya sa room niya" Doktor
nakahinga ng maluwag ang dalawa.
napangiti si Casper at tinapik ang balikat ni Red.
"punasan mo na yang luha mo pagtatawanan ka ni Lexi pag nakita niya yan" mahinang bulong ni Casper kay Red.
Agad naman niya itong sinunod na tumatawa pa.
"Pero iho....teka kaano-ano mo ulit ang pasyente?" Doktor
"Pinsan niya po ako. " Red
"I see... can I talk to her parents or guardian? i need to tell them something..."Doktor
agad nakunot ang noo ni Red
bigla ulit siyang nakaramdam ng takot.
"Im her Guardian. parating wala ang mommy namin " Red
tumango naman agad ang doktor.
"Your cousin suffered..." doktor
nagulat si Red sa narinig.
agad namang nanlaki ang mga mata ni Casper.
"She went through alot.... Emotionally and physically... We had to sedate her just to keep her calm. By the looks of it , She was deeply traumatized..." mahinahong sabi ng doktor kay Red.
"W....what did they do to her?" Red
"W...w..was she raped?" dagdag pa ni Red habang napailing-iling at hindi makapaniwala sa nangyari.
"No...No sexual assault was done... Physical , yes... " huminga ng malalim ang doktor na parang naghahanap ng tyempo sa pagsabi kay Red sa dinanas ni Lexi. "Her index finger was cut off .....The person who did this savagely beat her. She broke a rib and some bones." Doktor
"What?!" casper
napaupo nalang si Red at agad na nasabunutan ang sarili niya.
walang tigil itong umiiyak dahil malala sa kanyang inaasahan ang nangyari..
"H...how could they do that to her?! " Red
"Sir her wounds will heal in no time. But the traumatic experience wont. Kakailanganin niya po ang suporta at pagmamahal mula sa inyong lahat ngayon. She's at her room , pwede niyo na siyang makausap kapag nagising na siya." Doktor
- - - -- - - - - -- - - - --
Pilit pinipigilan ni Red ang kanyang luha habang pinagmamasdan ang walang malay si Lexi.
Maging si Casper ay tahimik lang at halos maluha na din.
Kitang-kita ang masamang sinapit ni Lexi sa mga sugat sa kanyang katawan. Ang braso naman niya ay may cast at maraming benda.
"S...She's just a little girl... B...bakit ito ginawa ni Jacob sa kanya....." mahinang bulong ni Red.
muling bumuhos ang luha niya kayat nahawakan nalang niya ang kanyang bibig at napayuko.
"Fvck" napamura nalang si Casper at agad na lumabas sa kwarto.
hindi na sumunod pa sa kanya si Red dahil ayaw niyang iwan ang kanyang pinsan.
"Lex....sorry wala dun si Kuya para protektahan ka" mahinang buong ni Red matapos niyang halikan ang noo nito.
"Paggising mo babawi agad ako.... sorry wala ako dun... sorry kung hindi ko natupad yung pangako ko sa inyo ni Daddy..." Red
biglang bumukas ang pintuan kayat agad na napalingon si Red dito.
"Where's my baby?!" bungad ng mommy nila habang umiiyak.
agad naman itong niyakap ni Red.
"Mom...you shouldnt be here...you shouldnt see her like this " mahinang bulong ni Red sa kanya habang pilit itong pinapaalis sa loob ng kwarto.
"What happened to my baby?... Bakit di mo sinabi na nawawala pala siya! I recieved a call from the police! bakit di mo sinabi sa akin ang nangyari?! " Bulalas ng mommy nila.
napaiyak nalang si Red at pilit na pinapakalma ang ina ni Lexi.
"Mom okay lang po siya...dun po tayo sa labas mag-usap" Red
"Sabi nila sa amusement park daw! Baka maalala niya yun Red... she shouldnt remember that.....Bakit siya nagpunta dun! ...Red what happened to my baby?" Mommy
napaiyak nalang si Red at agad na niyakap ang mommy nila.
- - -- - - - - - - - - - -- --
CASPER'S POV
nang malaman ko kung nasaan ibang mga nakaligtas ay agad ko silang pinuntahan.
Naka-confine sa kani-kanilang kwarto ang sina Peter , Arkin , Drake , Raven at Theo. Lahat sila walang malay.
Samantalang nasa morgue daw ang bangkay ng iba.
sabi ng mga doktor walang malay si Theo dahil sa head concussion at magigising naman mamaya. Yung apat hindi pa daw nila sigurado kung ano ang nakadale.
Hihintayin ko nalang na magising ang isa sa kanila para malaman kung ano talaga ang nangyari.
Bigla kong naalala yung pulis na kumausap sa amin.
may kakaiba sa kanya.
Napaka-shiny ng bigote niya na para bang pina-relax.
sino ba ang matinong taong magpaparelax ng bigote.
At yung mukha niya , walang signs of aging gaya ng sa mga matatanda kayat imposibleng ganun siya katanda.
"Casper"
agad akong napalingon sa kung sinong tumawag sa akin.
si coach robbie pala.
napakapula ng mata niya at halatang katatapos niya lang umiyak.
"May nakausap ka na ba sa kanila?" Robbie
umiling ako
"Wala pa silang malay lahat." ako
"Nakaligtas si Lexi diba? kamusta na siya?" Robbie
"Madami siyang tinamong mga sugat at bali...Mahirap din yung pinagdaanan niya dahil nasaksihan daw niya yung pagpatay sa iba " ako
agad nanlaki ang mga mata niya.
"M...maari kayang alam niya kung sino ang pumatay kay Rain?" Robbie
"Maari...." ako
bigla siyang naglakad palayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"kay Lexi" tipid niyang sagot
agad ko siyang sinundan dahil pabalik din naman ako dun.
Pagdating namin dun ay nagulat nalang kami nang bigla kaming nakarinig ng malakas na sigawan.
Sa pagkabigla ni Robbie ay agad siyang napatakbo kayat tumakbo narin ako.
Nanggagaling ang pagsigaw sa kwarto ni Lexi.
Nagulat kami sa nadatnan.
"NASAAN SI RAIN?! NASAAAN SILA?!!!! "
nagwawala na si Lexi habang pilit na nagpupumiglas. Umiiyak siya habang sumisigaw. Pilit siyang pinipigilan ni Red at ng mommy nila ngunit hindi ito nagpapaawat.
Patuloy lang ito sa pagwawala.
Awang-awa ako sa kanya.....hindi ako sanay na nakikita siyang ganito.
biglang tumigil sa pagwawala si Lexi at agad na umupo sa kama niya. Pinunasan niya ang luha sa mata niya at napangiti ng pilit.
"Aish! Panaginip lang yun diba?...Pasensya na akala ko totoo na...Kinabahan tuloy ako bigla" Sabi ni Lexi habang patuloy na naluluha ngunit pinipigilan lamang niya ito sa pamamagitan ng pagngiti.
"Lex....." mahinang bulong ni Red.
"Oh nasaan na sila? Pakshet akala ko talaga totoo yun buti nalang panaginip" Lexi
"Alex..." red
pilit na nagsasalita si Red pero hindi nakikinig si Lexi , patuloy lang din siya sa pagsasalita.
"Sayang totoo yung pagputol ni Jacob sa daliri ko *sniff* pero okay lang index finger lang naman diba... Gago yung panaginip na yun! langyang hunter sinaksak si Rain pero really buti nalang at panaginip lang yun..natakot talaga ako " Lexi
habang nagsasalita siya ay patuloy na bumubuhos ang luha niya.
napatingin ako kay Robbie , napaiyak din siya nang marinig ang sinabi ni Lexi.
"O nasaan sila Rain? ...pakshet naman kayo oh *sniff* Palabasin niyo na kung saan nagtatago si Rain...teka na-admit din ba siya sa ospital?....." biglang napatingin si Lexi kay Robbie. " Coach Robbieeeeee! nasaang room si Rain?" Lexi
lahat kami tahimik.
awang-awa kami sa kanya.
oras na sabihin namin ang nangyari kay Rain siguradong masasaktan na naman siya.
"Aish! ako pinutulan ng daliri , ano kayo pinutulan ng dila?...Sige na! nasaan si Rain??? na-miss ko bigla eh...sabihin niyo dahil hindi ako halos makaget-over sa panaginip ko." Lexi
narinig kong huminga ng malalim si Robbie.
kitang-kita kong nagpipigil siyang umiyak.
"Lex...W...wala na si Rain..." mahinang sabi ni Robbie
nakatingin lang kaming lahat kay Lexi.
Saglit nawala ang ngiti sa mukha ni Lexi.
Muling tumulo ang luha niya at agad niya itong pinunasan. Ngumiti siya ulit.
"Ah..baka may binili lang sa labas... sabihin mo magpapabili din ako ng yumyum dahil nakaka-stress kayong kausap. hahaha " Lexi
"Alexis...makinig ka..." mahinang bulong ni Red at agad na umupo sa tabi niya.
"Rain's gone.... i know it hurts ----" hindi na natapos pa ni Red ang kanyang sasabihin nang biglang tumayo si Lexi.
"Kayo ha..wag naman kayong ganyan magbiro hindi na kayo nakakatuwa" umiiyak si Lexi habang pilit paring ngumingiti.
"Lex....sorry...." Red
Muling nawala ang ngiti sa mukha ni Lexi
"NO! RAINNNNNNNN! WAG MO AKONG PAGTAGUAN OH! PANAGINIP LANG YUN DIBA???" lexi
nagsimula na naman siyang magwala habang humahagulgol.
agad siyang pinigilan nila Red.
"BUHAY SI RAIN! NOOO! NOOO! NASAAN SI CHUCK?! MAGKASAMA SILA DIBA?..RAIN! RAIN! LORRAINE! NASAAN KA?!" lexi
lumalakas ang pagsigaw ni Lexi hanggang sa nagiging tili na ito.
lumabas nalang ako para tawagin ang mga nurse.
kailangan ng i-sedate si Lexi para kumalma ito.
hindi na ako pumasok pa sa kwarto niya. Masasaktan lang ako sa makikita ko.
biglang lumabas si Robbie mula sa kwarto.
"Nasaan yung hunter?!" tanong ni Robbie
ramdam na ramdam ko ang galit sa boses niya.
"W..wala na.. kasali sa namatay." ako
"Samahan mo ako , ituro mo sa akin ang hayop na yun" Robbie
----
Nang makarating kami sa morgue ay agad kong tiningnan ang mga bangkay.
Nakuha ang atensyon ko ng bangkay ni Jacob.
Mabuti naman at patay na tong demonyong to.
Teka Bakit may powder burn ang sentido niya? Nangyayari lamang ang powder burn kapag napakalapit ng pagbaril sa balat.
Agad kong nilapitan ang bangkay niya para tingnan ito ng mabuti.
point of entry ng bala ay sa noo niya.
Kung hindi ako nagkakamali , Nagpakamatay siya?
"Doc! " tawag ko sa medical examiner
"na-autopsy na po ba ang bangkay nato? " ako
umiling siya.
"No but by the looks of it...it seems like he committed suicide" doktor
sinasabi ko na nga ba.
"Dok nagsagawa na ho ba kayo ng paraffin test sa kanila?" ako
[Paraffin test ay yung ginagawa ng mga investigators para malaman kung nagpaputok ba ng baril ang isang tao. May inilalagay silang chemical sa kamay tapos parang nagiging semento..Basta ganun. hahaha]
"Pasensya na iho hindi ko pwedeng sabihin" Doktor
agad kong kinuha ang dalawang libo mula sa wallet ko at pasimpleng iniabot sa kanya
agad naman siyang napangiti
"pero mabait ako kayat sasabihin ko...Yup...Only Mr. Jacob Ferrer was positive...sinali din namin yung ibang survivors pero negative sila." Doktor
hayy..pera lang pala ang katapat.
"Huling tanong ko po na-estimate niyo na ho ba yung time of death nila?" ako
agad tiningnan ng doktor ang clipboard niya.
"Not all but we are absolutely sure that Mr. Hunter Santos was the last to die..." doktor
biglang may tumawag sa doktor kayat agad siyang lumabas.
naiwan kami dito ni Robbie kasama ang ibang mga bangkay.
"Nasaan yung hunter?" Robbie
agad ko itong tinuro.
Nasa harapan na kami ng bangkay ni Hunter.
Teka huling namatay si Hunter?
Paano mamamatay si Hunter kung Si Jacob ay mas naunang namatay sa kanya.
Tanging si Jacob lang ang nagpaputok ng baril sa kanila... paano nangyari yun? posible kayang may iba pang tao doon?
*BLAG*
Laking gulat ko nang mapatingin ako kay Coach Robbie
Sa isang hila lang ni Robbie ay agad na nahulog sa sahig ang bangkay ni Hunter at agad niya itong pinagsisipa.
"Coach Robbie! " napasigaw na ako at agad hinawakan ang magkabilang braso niya upang pigilan siya.
nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang Scalpel na nasa malapit niya.
bigla akong kinabahan.
muntikan na niyang sasakin ang bangkay ni Hunter mabuti nalang talaga at dumating ang medical examiners at staff dun kayat napigilan si Robbie sa gagawin niya.
Galit na galit talaga siya nangyari kay Rain.
pagagalitan pa sana kami ng mga staff dun ngunit agad na umalis si Coach.
ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman niya.
"Coach saan ka pupunta?" ako
"Nyetang crime scene" tipid niyang sagot.
"Sasama ako!" ako.
- - - - --
Matagal bago kami nakarating dun sa amusement park.
Medyo tago yung lugar.
Pagdating namin dun , may mga pulis na at mga reporters.
Agad akong napatingin sa van na naka-part malapit sa gate.
kung hindi ako nagkakamali kay Hunter to.
"Coach nagdala ba ng kotse sina Rain?" ako
"Hindi... nakita ang kotse nila sa parking lot ng hospital" Robbie
Kung hindi ako nagkakamali iisang kotse lang ang sinakyan nila.
agad akong napatingin sa area kung saan may yellow tape.
bigla kaming hinarangan ng mga pulis.
"Sir bawal kayo dito maco-contaminate niyo ang crime scene" Pulis.
"No we wont may titingnan lang ako. Trust me. My name is Casper Riley Velasco , my father is the district prosecutor. At isa pa i can contribute something.. So if you have a problem of us being here , call my father" ako
nagkatinginan sila.
kinatatakutan nila ang daddy ko dahil mataas ang posisyon nun.
"Sir just please dont contaminate anything" Pulis
"I wont..trust me at isa pa kaibigan ko ang mga biktima kayat makakatulong ako" ako
- - - -- - -- - - - --
ROBBIE'S POV
nagulat ako nang bigla kaming pinapasok sa crime scene.
magaling palang mangumbinsi tong si Casper.
"Paano mo napapayag yun?" ako
napasmirk siya.
"My dad's powerful...those are just some of the perks." Casper
may kinuha siya sa bulsa niya kayat agad ko itong tiningnan.
Teka tape measure? ano kayang trip ng lalaking to?
bigla niyang nilapitan ang gulong ni ng Van at sinukat ito.
"Hoy anong ginagawa mo?" ako
"Measuring...may tire marks dun sa loob. sinisigurado ko kung kaninong sasakyan yun" casper
pero does that even matter?
aish...tama , di nalang ako magtatanong..
lumapit din siya dun sa sinabi niyang tire marks.
matapos ay agad siyang tumayo.
"May ibang tao ang nagpunta dito... fresh pa yung tire marks ibig sabihin nakaalis ang kotse ilang oras lang ang nakakaraan.... even before the police arrived" Casper
huh?
teka ibig sabihin may ibang nagpunta dito?
magtatanong sana ako kay Casper nang bigla niyang nilapitan yung isang police.
- - -- - - - -- --
CASPER'S POV
May ibang taong sangkot dito.
maaaring siya ang pumatay kay Hunter kung tama ang hinala ko.
agad kong nilapitan ang isang police.
"Sir may itatanong po ako" ako
"Ano yun?" police
"May kilala po ba kayong Detective Xavier Sanderson?" ako
"oo" pulis
"Saan po siya nagpunta pagkatapos niyang ma-escort ang mga biktima sa hospital?" ako
biglang nanlaki ang mga mata ng pulis.
parang gulat na gulat siya sa tanong ko.
"iho sigurado ka bang Xavier Sanderson yun? wag ka namang manakot" pulis
anong ibig sabihin niya
"Xavier Sanderson nga ho" ako
mistulang natakot yung police.
alam niyang seryoso ako.
"Iho Detective Xavier Sanderson died 5 years ago..napakatanda na nun nang mamatay siya " pulis
Bingo.
sinasabi ko na nga ba....
Hindi siya pulis... nakasuot lang siya ng disguise.
sino kaya yun?
siguradong may kinalaman siya sa mga nangyari sa amusement park.
END OF CHAPTER 32
Thanks for reading ♥
VOTE and COMMENT ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro