Chapter 25 : Faded Memories
A/N : I LOVE SURPRISES. BWAHAHAHAHA :DD FLASHBACK LANG PO ANG CHAPTER NATO. ANG PRESENT AY YUNG CHAPTER NI RAIN NA KASAMA ANG POLICE.
- - - - -- - -
[FLASHBACK LANG PO ITO ^__^ ]
LEXI'S POV
"ASDFGHJKL"
may naririnig akong maingay pero hindi ko maintindihan ang mga sinisabi niya. Parang blurr na yung naririnig ko..hilong-hilo parin ako.
"ASDFGHJKL MAY TAO BA DIYAN? "
narinig ko ulit pero pilit kong inyuyogyog ang sarili ko para umayos ang sistema ko.
"Uwaaaa! UTANG NA LOOB PAKAWALAN NIYO AKO DITO! DAFUQ AYOKO PANG MAMATAY! LORD TULUNGAN MO AKO!!!! "
maayos ko nang naririnig ang isinisigaw niya....
teka....boses yun ni Peter!
agad akong napalingon kung saan nanggagaling ang boses niya pero wala akong makita dahil napakadilim. Sinubukan kong tumayo pero hindi ako makakilos dahil nakatali ako sa isang upuan.
"Pe...peter?! Peter nasaan ka wala akong makita! " iyak ko
"LEXI! UWAAAAA! NATURAL WALA KANG MAKITA , NAKABLIND FOLD TAYO...UWAAA LEXI NASAAN ANG IBA? IKAW LANG BA ANG KASAMA KO DITO?" Peter
"PAANO KO MALALAMAN KAGIGISING KO LANG! " ako
"UWAAA TULONG! " Peter
"Shhh...Peter tumahimik ka and listen to me" ako
tumahimik naman agad siya.
"Can you move your feet?" ako
"Kung nakikilos ko! sana wala na ako dito ngayon! Sana nakalayo sa ako sa lecheng lugar nato!" sarkastikong sigaw niya.
fvck
"Peter What the fvkc?! Pwede ba umayos ka! This is not the time for your bullshit attitude. IM ASKING YOU! CAN YOU FUCKING MOVE YOUR HANDS OR FEET! ANSWER ME PROPERLY OR I SWEAR TO GOD IM GONNA BURY YOU ALIVE! " buong lakas kong sigaw dahil halo-halo na ang matinding emosyon na nararamdaman ko.
narinig kong napabuntong-hininga si Peter.
natakot ko yata..
"I can still use my both of my hands but they are tied together tapos yung paa ko nakatali din sa upuan " mahinang bulong ni Peter.
magkapareho pala kami ng lagay.
sandali kong kinapa-kapa ang upuan.
kahoy lang tapos parang madali lang masira.
"Lexi may plano ka ba?" peter
"Oo and its worth a shot...ive seen this in alot of movies" ako
Pakshet , lord sana hindi to masakit. Parati ko tong nakikita sa pelikula eh -_-
"Lex what are you doing?" peter
hindi ko na siya sinagot , sa halip ay iwinasiwas ko nalang ang katawan ko. Pinilit kong kumilos kahit na may kabigatan ang upuan.. shit masakit yata to.
*BOGSH*
"LEX! Okay ka lang?! " sigaw ni Peter
naiyak nalang ako sa sakit dahil natumba ako sa sahig kasama ang upuan kung saan ako nakatali. Nabagok yung ulo at katawan ko sa sahig , bonus sakit pa dahil sa kahoy na upuan.
"Shit..Shit shit" napamura nalang ulit ako sa sobrang sakit.
"Lex anong nangyari?" Peter
napaungol nalang ulit ako. Shit ang sakit talaga.
Sinubukan ko ulit na galawin ang kamay ko..
*O* Oh my god! thank you lord! uwaaaa!
nasira ang isang parte ng upuan kayat nagagalaw ko na ang dalawang kamay kong nakatali sa isat-isa.agad akong napatayo ngunit ang paa ko ay nakatali pa sa isang parte ng upuan.
Dali-dali kong tinanggal ang blindfold sa mga mata ko upang maghanap ng matalim na bagay na magagamit ko upang makalas ang tali.
napatingin ako sa isang lumang salamin. Hindi ko alam kung bakit pero marami talaga ang salamin dito.
"Hoy Lexi ano ng nangyayari? " Peter
"Im finding our fvcking way out " Ako
kahit na mahirap ay pinilit kong gumapang papunta sa salamin. Pilit kong iniaangat ang paa ko para gamitin itong panira sa salamin ngunit masyadong mabigat ang upuan.
pumikit nalang ako at ginamit ang siko ko para mabiak ito.
Buti nalang naka-long sleeves ako pero hindi parin ako nakaligtas sa bubog.
nang makita kong may nalaglag na mga piraso ng salamin ay agad ko itong ginamit upang makalas ang mga tali ko.
ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na akong nakawala kayat agad kong tinulungan si Peter.
"Paano ka nakawala? galing mo lexi! " Peter
"Shhhh..baka malaman niyang nakatakas tayo " ako
nang tuluyan na kaming makawala ay bigla akong nakaramdam ng mahapdi sa braso ko. Pakshet ang sakit talaga -_-
dahan-dahan naming binuksan ang pintuang nasa likuran namin at sumilip.
Nagulat kaming dalawa nang makitang marami pa ang mga kwarto dito. Nakapatay ang mga ilaw pero naaaninag parin namin ang pagligid.
"Pete where are the others?" ako
"I dont know paggising ko nakatali lang ako " Peter
sandali kaming natahimik.
nakikiramdam kami sa paligid habang nakasilip sa siwang.
"Lex yung braso mo " Peter
agad akong napatingin sa braso ko.
>.< UWAAA! yung dugo tumutulo na! baka lumabas ang pari ! uwaaaa! ayokoooo
tumayo muna si Peter at agad na kinuha ang biak na salamin. Nagulat ako nang pinunit niya ang isang parte ng jacket niya.
Akala ko mamanyakin ako yun pala tinali niya yun sa sugat ko para daw pressure.
hehehe assuming ako pasensya na -_-
huminga muna kami ng malalim at dali-daling lumabas mula doon.
tahimik lang kami habang patagong humahakbang.
palagi kaming patingin-tingin sa paligid para masiguradong ligtas kami. Madaming mga kwarto pero kapag pinipihit namin ang doorknob nito ay hindi ito bumubukas kayat nagpapatuloy nalang kami sa paglakad.
Alalang-alala kami sa mga kaibigan namin , Madami din kaming katanungan sa mga nangyayari pero hindi ngayon ang tamang oras na maging mahina kami.
Napatingin ulit ako sa paligid.... Hindi ko alam pero napakapamilyar... Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari pero isa lang ang nasisiguro ko.. Nakapunta na ako dito noon.
nakarating ulit kami sa isa pang pintuan , pinihit ito ni Peter at laking gulat namin ng tuluyan itong nabukas. Ngunit mas nagulat ako sa laman nito.
Para itong isang bodega ...May laman itong isang sira-sira ng mga mini rides at may mga clown...shit mga clowns
*BLAG*
nanlaki ang mga mata ni Peter nang marinig niya yun.
"Lexi may tao " Peter
hindi ko alam pero nakatitig parin ako dun sa clown na statwa.
"Lexi Takbo" Peter
"I...ive been here before" yan na lang ang tanging nasabi ko.
"Lex this is not the right time for that! " inis na sabi ni Peter
nagulat nalang ako nang biglang naging blurr ang lahat..bigla akong nakakita ng isang batang lalaki sa harapan ko.
agad kong hinanap si Peter pero parang ang batang lalaki lang ang kasama ko. Nasa mismong amusement park kami. Ang kaibahan lang ay parang bago ang amusement park at madaming tao
"Siraulo ka talaga bunso , kanina ka pa namin hinahanap ni Daddy! "
agad akong napatingin sa batang lalaki ng inaabot niya sa akin ang kamay niya... Red? ..napatingin din ako sa kamay ko at laking gulat nang makitang naging maliit ang kamay ko...Naging bata ako..
"Bunso huy! Hinahanap na tayo ni Daddy! Dali na may cotton candy at bobot dun" Red
nagulat ulit ako nang biglang makarinig ng mga putok ng baril...
nagkagulo ang lahat ng mga tao sa amusement park kayat nahiwalay ako kay Red...
bigla akong nakaramdam na may kumarga sa akin pagtingin ko , isa itong taong nakasuot ng clown costume....Nagsimula akong humagulgol..Takot na takot ako.
"DADDY! DADDY! KUYA! " sigaw lang ako ng sigaw pero walang nakakarinig sa akin
Ipinikit ko ng maigi ang mga mata ko..marami akong naririnig na sigawan at iyakan.
"ALEXIS! TARA PADATING NA SIYA! " peter
bigla ulit akong nabalik sa katinuan..
hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng naalala ko pero sigurado akong nangyari na ang lahat ng yun , dito sa mismong amusement park nato.
napatingin ulit ako sa paligid.. Nasa harapan ko si Peter tinutulungan niya akong tumayo.
"Lex anong nangyayari sayo?!! " Peter
"D..Di ko alam" ako
bigla kaming nakarinig na parang may naglalakad kayat agad kaming napalingon..
pakiramdam koy tumigil ang puso ko sa pagpintig nang makita kong may isang taong nakasuot ng maskara na papalapit sa amin.
"takbo! " peter
dali-dali kaming tumakbo dahil hinahabol na niya kami. Takbo lang kami nang takbo hanggang sa makakita kami ng isang pintuan. Glass ang pintuan kayat naaninag namin na labasan na ito.
Nang madaanan namin ang pintuan ay agad namin itong hinarangan para hindi siya makalabas ngunit napakalakas niya kayat nang maitulak niya ang pintuan ay tumilapon kaming tatlo sa labas.
Umuulan ....
napakalakas nito..
basang-basa kaming tatlo habang nakadapa sa lupa.
"Bunso takbo! Bunso! "
nang idinilat ko ang mga mata ko ay nag-iba na naman ang paligid. Nasa loob ako ng isang kwartong madaming salamin...Napakadaming salamin.
"Bunso! Bunso! "
Rinig na rinig ko parin ang sigaw ni Daddy. Kayat agad akong napatingin sa paligid. Nagulat ako nang paglingon ko ay may nakita akong batang duguan.
*BOGSH*
laking gulat ko nang makarinig ng putok ng baril kayat napalingon ulit ako kung saan ito nanggagaling. Bigla kong nakita ang daddy ko na duguan. Nakahiga siya sa sahig samantalang may clown na nakatayo sa harapan niya at may dala-dalang baril.
napalingon sa akin yung clown at nginitian ako..
"Lex! Lex! Gising! "
dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.
nabalik ulit ako sa katinuan nang niyugyog ni Peter ang balikat ko.
Ako nalang pala ang natitirang nakadapa sa lupa.
mula sa peripheral vision ko ay nakita kong tumayo na yung naka maskara. Palapit na siya sa amin kayat tumayo si Peter para labanan siya.
patuloy parin ang malakas na ulan ngunit patuloy parin na gumugulo ang isipan ko. Hilong-hilo ako, pakiramdam ko wala na ako sa sarili ko.
muli akong pumikit at agad kong idinilat ang mga mata ko.
Nagulat ako nang makitang binubugbog na si Peter nang lalaking naka-maskara. Nasikmuraan niya si Peter kayat nadapa ito sa lupa.
"PETER! " napasigaw ako kayat napatingin sa akin ang salarin.
dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin ngunit agad siyang sinunggaban ni Peter.
"LEXI TUMAKBO KA NA! LEXI TAKBOOO! " sigaw ng sigaw si Peter sa akin habang pilit niyang pinipigilan yung salarin.
nakita kong muling natumba si Peter at muli siyang pinagsisipa nito.Rinig na rinig kong sumisigaw si Peter dahil sa sakit.
pakshet!
dahan-dahan akong tumayo ngunit agad akong natumba. Hilong-hilo padin ako , hindi ko alam kung bakit..
Pinilit kong gumapang hanggang sa makakita ako ng Malaking bato. Agad ko itong pinulot.
Gustong-gusto ko nang tumayo pero ang hirap...
"AAAHHH! PUTANGINA! SINO KA?! " narinig kong sumisigaw si Peter.. ramdam kong nasasaktan na siya sa tinatamo niyang bugbog.
"ALEXIS TUMAKBO KA NA! " Peter
Hinugot ko ang lahat ng lakas ko at dali-daling tumayo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad kong sinunggaban ang salarin.
Hindi niya inaasahan na makakatayo ako kayat laking gulat niya nang sinakyan ko ang likuran niya at pinagpapalo ko ang ulo niya gamit yung bato.
Bigla siyang nadapa kayat nadapa rin ako.
Sinipa niya ako kayat napangiwi ako dahil Ang lakas niya..
kinuha ko ulit ang bato at pinalo siya. Nahawakan ng salarin ang kamay ko at pilit niya itong iniikot sa likuran ko kayat napasigaw nalang ako sa sakit.
Si Peter naman ay tumayo at tinulungan ako. Matapos ang ilang minutong pagpupumiglas ay mistulang nanghina yung salarin. Hindi ko tinitigilan ang pagpalo sa ulo niya hanggang sa matanggal ko ang maskara...
laking gulat namin ni Peter nang makita ang mukha niya.......
"WHAT THE FVCK?! " sigaw ni Peter na hindi makapaniwala...
maging ako hindi din ako makapaniwala..
tinuring namin siyang kaibigan...
"JACOB..... " mahinang bulong ko.
galit na galit si Peter nang makitang si Jacob pala ito kayat agad niya itong sinipa. Ngunit si Jacob ay nakangiti lang sa amin. Duguan na ang mukha niya pero kitang-kita ko ang ngiti sa mukha niya.
*BOGSH*
nagulat kaming dalawa ni Peter nang makarinig ng putok ng baril kayat agad kaming napatingin kung saan ito nanggaling.
Laking gulat namin ni Peter nang makitang may isa pang taong nakatayo malayo sa amin. Itinaas ulit niya ang baril at itinutok sa amin.
"Fvck! " peter
"Pete oh god! " ako
wala na kaming magagawa ni Peter kundi ang tumakbo palayo doon. Wala kaming pakialam kung napakalakas man ng ulan. Ang tanging gusto lang namin ay makahingi ng tulong para makaalis kaming lahat sa impyernong to.
takbo kami nang takbo nang madaanan namin ang isang malaking Horror House.
"Lex dito! " Peter
hindi ko na nagawang umangal pa dahil agad pumasok doon si Peter. Nakakatakot ito dahil napakaluma na nito. Isa itong literal na bahay pero kakaiba ito , parang madaming parang tent at halatang matagal na itong hindi nalilinisan dahil nagkalat ang mga alikabok.
Takbo ako nang takbo hanggang sa napansin kong wala na akong sinusundan.
agad akong napalingon sa paligid ko
Mag-isa nalang ako sa tinatahak kong daan.
"Peter" mahinang bulong ko..
pero walang sumasagot , naliligaw na ako.
bigla akong nakarinig ng isang impit na sigaw kayat agad ko itong pinakinggan ng mabuti. Naririnig kong nagpupumiglas ang kung sino mang sumisigaw kayat agad ko itong sinundan. Nagulat ako nang makarating ako sa isang ataul. Marahil props to para sa horror house.
Habang papalapit ako sa ataul ay palakas ng palakas ang iyak kayat sigurado akong nasa loob lang ito.
*Gulp*
huminga muna ako ng malalim at agad na binuksan ito.
"Rain!" napaiyak ako at dali-dali ko siyang tinulungang makaalis doon.
Agad akong tinanggal ang masking tape sa bibig niya at tinanggal ang mga tali sa kamay niya. Nagyakapan kami at nag-iyakan. Takot na takot ako .....Takot na takot kaming dalawa...
"Lex..anong nangyayari? asan ang iba?..nasaan si Chuck?" Rain
napailing nalang ako at napahawak sa magkabila niyang pisngi..
"I dont know...I woke up tied to a chair with peter...magkasama kami pero bigla siyang nawala."sandali akong tumigil sa pagsasalita para humikbi "Rain...we have to be brave okay? aalis tayo dito..we'll get help and come back for the others" ako
humihikbi nadin si Rain at agad na tumango.
dahan-dahan kaming lumabas noon ngunit laking gulat naming dalawa nang makarinig kami na may sumisigaw.
"Oh come on Alexis.... Come out , Come out wherever you are" Pakantang sigaw ni Jacob
dali-dali kaming nagtago ni Rain sa isang tabi.
tinatakpan namin ang mga bibig namin para walang umalpas na ingay.
Fvck nandito na siya... Shit! nasaan si Peter!
baka makita niya si Peter!
"Paging Ms. Alexis Colleen Conception , Death is looking for you. Please come out and Claim your Unlimited stab wounds " Jacob
hindi ko mapigilang bumuhos ang luha ko.
Red...Red tulungan mo ako...
sa tuwing natatakot ako si Red ang nagiging sandigan ko , Please Red tulungan mo ako... Red tulungan mo ako...
- - - - -- - - - -- - -
PETER'S POV
"Lexi stay close to me" mahinang bulong ko
patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa mapansin kong paa ko nalang ang tanging naririnig ko.
Agad akong napatingin sa buong paligid ko.
Pakshet! Nagkahiwalay kami ni Alexis. Paano nato?! Shit!
hindi ko na alam kung saan ako pupunta , hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta.. pero isa lang ang sigurado ko , Gusto ko pang mabuhay.
Shit nasaan si Lexi?
'Rule number 1 dont trust anyone'
bigla kong naalala ang sinabi ni Coach. Kahit ba si Alexis hindi ko dapat pagkatiwalaan? Pakshet hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Pero si Jacob.... Paano to nagawa ni Jacob sa amin.
napatingin ulit ako sa paligid.... Rule number 7 , Little things can be useful
hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kayat agad akong naghalughog ng kung anong bagay na magagamit doon.
Habang naghahanap ako ay nagulat ako nang makakita ako ng isang bag. Kung hindi ako nagkakamali bag to ng walang hiyang si Jacob. Teka kung killer si Jacob , siguradong madami siyang mga pakulo sa bag niya.
Dali-dali ko itong hinalughog at laking gulat sa natagpuan ko doon.
Mayroong maraming Spray paint container sa bag niya at mga tear gas. Naguguluhan ako sa container dahil may mga nakasulat sa kanilang PROPERTY OF KNIGHTS ... knight? wala namang brand ng spray paint na ganito ah.
Pakshet magagamit ko tong lahat!
Nagulat ako nang makarinig ako ng mga kaluskos.
parang may naglalakad sa likuran ko.
Shit! Shit! Alexis patawarin mo ako..babalikan kita pangako...
Dali-dali akong naghanap ng daan paalis kayat laking tuwa ko nang makakita ako ng bintana. Nasa second floor ako ng bahay pero hindi naman ito masyadong mataas kayat hindi ako natatakot na mahulog.
Dala ang bag ay dali-dali akong dumaan mula doon.
Medyo umaambon kayat maingat ako sa bawat hakbang na ginagawa ko.
"HOY! "
laking gulat ko nang may sumigaw kayat aksidente akong napabitaw sa kinakapitan ko.
*BOGSH*
Ramdam na ramdam ko ang pagsalampak ng likuran ko sa lupa.
Pusang kire! ang sakit ng likuran ko , hilong hilo din ako hindi ako makakilos.
naririnig kong may naglalakad palapit sa akin.
shit gusto kong tumayo pero hindi ko kaya , gusto kong gumalaw pero pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko , Maging ang mata ko hindi ko maidilat.
'Rule number 4 when things get worse just pretend to be dead'
Pakshit! tama bang sundin ko yun..
shit!
a bahala na si Perry the platypus..
END OF CHAPTER 25
CONGRATSYULISYONSSSSS! SA MGA NAKATAMA ANG GALING NYO! :))))
Ano yung mga clues sa pagiging killer niya?
•CHAPTER 7 -- Alam na ni tom na babarilin na siya at maa-out na siya , Hence taga kabilang team ang killer and Before mag-start ang game nag switch teams sila ni Lexi kayat napunta siya sa kabilang team.
•CHAPTER 16 -- Lexi mentioned na magaling din si Jacob sa Archery and hindi ko na maalala kung saang chapter pero sabi din ni Lexi magaling sa computer si Jacob
•CHAPTER 'nakalimutan ko ang number' -- Nagkakilala si Yuki at Jacob and nung may kumidnap kay Yuki parang kakilala niya yun. May heart pa nga yung mata ni Yuki. hahaha :D Pogi kasi tong si Jacob kayat medyo naglalaway si Yuki. hahaha
ANO ANG MOTIVE NIYA?
ABANGAAAAAAN :P
THANKS FOR READING :))
VOTE AND COMMENT :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro