Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23 : Saying Goodbye

THIRD PERSON'S POV




11: 42 pm


Takbo lang ng takbo si Lexi habang umiiyak , sinusundan niya kung saan narinig ang kaninang putok ng baril hanggang sa makarating sila Gymnasium. Madilim sa loob sapagkat walang ilaw ngunit naaninag nilang may nakahiga sa gitna ng sahig.

kaagad humakbang papalapit si Lexi dito at laking gulat ng mapagtantong si Red iyon at duguan ito.

"RED!" napasigaw si Lexi at agad na lumapit sa kanyang pinsan.

hindi na ininda ni Lexi ang dugo at agad lumuhod doon malapitan lamang ito.

"Al...Alexis..." mahinang bulong ni Red na nahihirapan ng magsalita.

Agad iniangat ni Lexi ang ulo nito at ipinatong sa kanyang braso.

"No! No! The ambulance is coming..tiisin mo lang please..darating na ang tulong" iyak ng iyak si Lexi.

samantalang si Casper ay nakatayo lang at hindi makapaniwala sa nakikita , nang mahimasmasan ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tumawag ng ambulansya.

"I...Im sorry lex...sorry , maiiwan na kita" Red 

kahit na nahihirapan ay pilit paring nagsasalita si Red na naging dahilan ng tuluyang paghagulgol ni Lexi.

"Kuya! sabi mo walang iwanan diba?! please..please wag mo akong iwan..." Lexi

pilit ngumiti si Red kahit na labis siyang nasasakstan sa kanyang sugat.

"D...dont cry okay?...mahal na mahal ka ni Kuya..." mahinang bulong ulit ni Red at pilit na hinahawakan ang pisngi nang pinsang itinuring niyang kapatid.

Si Casper na nakatayo lang sa kanilang harapan ay nagsimula na ding umiyak ng tahimik .

"NO! NO! NO! di mo ako iiwan diba? Kuya i love you please dont..." Lexi

pilit umuubo si Red para ayusin ang lalamunan niya...mistulang nahihirapan nadin siyang huminga.

"Kuya.....I love it when you call me Kuya" ngumiti ulit si Red "C..Casper ikaw na bahala kay Lexi." Mahinang bulong ulit ni Red kayat muling dumausdos ang luha ni Lexi.

"Kuya darating na ang ambulansya , just dont close your eyes please! " Sigaw ulit ni Lexi.

Samantalang si Casper naman ay biglang NAPANGITI .

"Lex.. alagaan mo ng maayos ang sarili mo okay? " Red

hindi na nakasagot pa si Lexi dahil sa kanyang nadaramang lungkot. Sumisigaw parin si Lexi ng tulong.

samantalang si Casper ay nakapamewang lamang na nakatayo sa kanyang likuran, napabuntong hininga ito at agad na napasigaw.

"PAKSHET! RED ANG DRAMA MO! UTANG NA LOOB , SA BRASO KA LANG TINAMAAN! " sigaw ni Casper at agad na pinunasan ang luha niyang kaninay tumulo.

"ha? " sabay na sabi ni Lexi at Red.

agad namang napatingin si Lexi sa braso ni Red.

"Ku..kuya *sniff* langya ka ang OA mo! akala ko *sniff* mawawala ka na" reklamo ni Lexi habang patuloy paring umiiyak pero may ngiti na sa kanyang labi.

nanlaki ang kanyang mga mata.

agad kinapa-kapa ni Red ang kanyang tiyan at dibdib , nang maramdamang walang masakit ay agad naman siyang napatingin si Red sa kanyang braso 

nang makitang nasa braso lang talaga siya tinamaan ay bigla itong nawalan ng malay.

"Kuya! " napasigaw ulit si Lexi.

Agad hinawakan ni Casper ang braso niya.

"Lex nahimatay lang yan dahil sa gulat at nakulangan ng dugo dahil sa sugat niya" pagpapaliwanag ni Casper sa kanya.

biglang nagsidatingan ang mga pulis at ambulansya kayat agad na natulungan si Red. Ngunit habang iniaangat ang kanyang walang Malay na katawan ay biglang nalaglag mula sa kanyang kamay ang isang baril.

nang makita ni Casper ang baril ay agad siyang napatingin sa paligid at laking gulat nang makitang hindi lang si Red ang nakahiga sa gymnasium.

Dali-daling nilapitan ni Casper kung sino yung nakahiga sa isang tabi at laking gulat nang mapagtantong itoy may hawak ding baril at may suot na maskara.

dahan-dahan niyang tinanggal ang maskara at agad tumambad sa kanya ang walang buhay na si Sir Tabs.

"s...si sir tabs ang pumapatay??" mahinang bulong ni Casper.

________

1:22 am .

Nasa hospital ang iba sa kanila at kasalukuyang hinihintay na lumabas ang doktor na kasalukuyang nago-operate kay Red.

umiiyak lang sa isang tabi si Lexi kayat agad siyang nilapitan ni Casper at niyakap ng mahigpit. Hindi mahusay sa pagpapakita ng kanyang emosyon si Casper pero labis din ang kanyang pag-aala sa kanyang matalik na kaibigan na si Red.

"Magiging okay lang si kuya diba?" mahinang bulong ni lexi habang umiiyak sa braso nito.

tumango lang si Casper.

"Hey.. Si red tong pinag-uusapan natin , alam mo namang ang masamang damo ay matagal mamatay diba? " biro ni Casper para kumalma si Lexi.

"*sniff* first time mong mag-joke *sniff* pero napakakorni pa! " Lexi

ngumiti nalang si Casper at hinalikan ang noo ni Lexi.

"Magiging okay yun sigurado" Paninigurado ni Casper sa kanya.

Biglang lumabas ang doktor na nago-operate kay Red at sinabing stable na ang kondisyon niya. Hindi naman talaga nalagay sa panganib si Red dahil itoy sa braso lang tinamaan. 

napahinga ng maluwag silang lahat sa narinig.

"Hay! mabuti naman at okay lang si Red" mahinang bulong ni Raven na nakokonsensya sa kanyang ginawa.

narinig ito ni Lexi kayat muling naalala ni Lexi ang ginawa nito.

"You...this is all your fault! dinamay mo si Red! " biglang sigaw ni Lexi

agad niyang sinugod si Raven at hinila ang buhok nito. Dali-dali namang nagsilapitan ang iba para awatin si Lexi.

"ARAAAAY! " Raven

"BWISIT KAAAA!" Lexi

"HOOOOOY! AWAT LEXI! " Arkin

"LEXI KALMA LANG!!!" Casper

 "TAMA NA! TAMA NA! CEASEFIRE! " Hunter

 hinigit nalang ni Casper ang braso ni Lexi para tuluyan nitong layuan si Raven.

Sina Arkin naman ay palihim na natatawa dahil gulong-gulo na ang buhok ni Raven.

"Kalma lang okay? " mahinang bulong ni Casper kay Lexi.

"Alexis! " tawag ni Rain na kararating lang kayat agad itong niyakap ni Lexi. Sa ibang hospital dinala si Red kayat kinailangan pang bumyahe nila Rain , Chuck at Peter samantalang si Robbie ay nagpunta sa skwelahan para makibalita sa pag-iimbestiga ng mga pulis doon.

"Teka ibig sabihin ba nito tapos na ang lahat? wala na si sir tabs...wala na ang pumapatay?" tanong ni Hunter na agad na nanlaki ang mga mata at napangiti.

nagkatinginan silang lahat at nagsingitian.

high five dito , high five doon.

 silang lahat ay nakahinga na ng maluwag dahil sa wakas wala na ang "pumapatay".

_________________

Napatingin si Casper sa kanyang relo , 6: 54 pm na

sa hospital na sila nakapagpalipas ng buong araw matapos maisugod dito si Red. Yung iba naman ay pabalik-balik lamang sa pagbisita. Kasama ngayon ni Casper sa kwarto ni Red sina Rain, Chuck at Peter..

Mula nang maisugod sa hospital ay hindi parin nagigising si Red. Kanina pa hinihintay ni Casper na gumising si Red para malaman kung totoo ba talagang si Sir Tabs ang pumapatay. Tanging si Casper lang ang hindi kumbinsido na si Sir Tabs ang killer.

Nang malaman ng lahat na may suot na maskara at dalang baril si Sir Tabs nang siya ay matagpuan ay agad silang naniwalang ito nga ang pumapatay. Iniisip nilang lahat na Si Red ang siyang bumaril sa kanya bilang self-defense ngunit nabaril din siya nito.

"May mali...may hindi tama " mahinang bulong ni Casper habang ipinagtatagpi ang lahat ng mga nangyari sa mga nakalipas na araw.

 "Ha? " tanong ni Peter na hindi lubusang narinig ang kanyang sinabi.

biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Lexi.

"Saan ka galing?" tanong nila Rain sa kanya

"Chapel " sagot ni Lexi at agad na nilapitan ang kanyang pinsan upang masiguradong maayos talaga ito.

"Guys umuwi nalang muna kayo. Kaya ko naman to dito" sabi ni Lexi at agad na napangiti sa kanila.

"No dito lang kami , Kaibigan din kaya namin ang posporong to "Rain

napangiti si Lexi dahil natutuwa siyang hindi sila iniiwan ng kanyang mga kaibigan.


"Alam na ba ng mommy niyo ang nangyari?" tanong ni Casper sa kanya.

tumango lang si Lexi.

"I called her.. mamayang gabi pa daw siya darating galing korea" Lexi

 biglang lumapit si Rain sa kanya.

"Lex can we talk.... outside " mahinang bulong ni Rain sa kanya kayat agad silang lumabas.

- - - -- - - - - - - - -- - 

RAIN'S POV

nandito kami ngayon ni Lexi sa mga upuan sa labas ng kwarto ni Red.

Ngayon ko pa naalala yung mga nangyari noon at kailangan itong malaman ni Lexi..

"Rain ano yung sasabihin mo?" lexi

saglit akong ngumiti.

"Lex , parang alam ko na yata kung paano ka nasali sa suicide pact " Rain

bigla namang nakunot ang noo ni Lexi.

"Ha? napagbintangan lang ako " Lexi

umiling naman ako at agad hinawakan ang kamay niya.

"Lex , Lasing ka nun kayat maaaring di mo maalala " sabi ko sa kanya...

FLASHBACK ◄ 

Kasalukuyan akong umiiyak habang naalala ang mga nangyayari sa buhay ko. Napatingin ako sa laptop ko at nakita ang website ng sinalihan kong suicide pact. Bigla akong napaisip , tama kaya na sumali ako dito?

biglang may kumatok sa bintana kayat agad ko itong binuksan.

Laking gulat ko nang biglang tumambad sa akin ang mukha ni Lexi na nakangiting parang baliw. Agad kong pinunasan ang luha ko at pinapasok sila sa kwarto ko mula sa bintana.

"HANAMICHI SUKALAGI ka! hindi ka sakuragi! hahahaha "sabi ni Lexi habang nakaturo sa mukha ni Red.

"Aish...Ang korni mo talaga kapag nalalasing ka" reklamo ni Red

agad akong napahawak sa bewang ko at agad na piningot ang tenga ni Red.

"Red! bakit mo hinayaang malasing to? ikaw lasing ka din ba?! "sigaw ko sa kanya

"Aray naman eh! huhuhu..di ako lasing..isa pa pinagbigyan ko nalang yang maglasing dahil nag-away sila ni Mommy kanina...hayaan mo muna. " Red.

gago talaga tong lalaking to!

nagulat ako nang makitang nakaupo na si Lexi sa harapan ng laptop ko at may binabasa.

bigla akong kinabahan at dali-dali itong kinuha.

"Hoy! Rain *hic* naman eh! nagbabasa pa ako.! " pagmamaktol ni Lexi

"Bleee! bawal ! umuwi ka nga muna ang baho mo! " biro ko sa kanya

agad naman siyang napa-pout.

"Okay fine! pero na memorize ko yun! bleeee! sasali din ako sa fansclub na yun pag-uwi ko! " Lexi

natawa nalang ako dahil parang bata si Lexi lalong lalo na kapag lasing.

agad na silang umalis ni Red sa kwarto ko at umuwi.

END OF FLASHBACK ►




biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Lexi at ngumiti ng mapait..

"Lex...." mahinang bulong ko

bigla siyang napabuntong hininga.

"All this time inakala kong Napagkamalan lang akong kasali , Yun pala ako yung nagpahamak sa sarili ko " Lexi

niyakap ko nalang agad siya...

nakaramdam ako ng Guilt , kung tutuusin ako yung may kasalanan. Kung sana hindi ako sumali , sana hindi madadamay yung bestfriend ko , sana nakangiti parin siya ngayon.

"Lex sorry...ako yung may kasalanan " ako

ngumiti lang si Lexi.

"Bruha wag na nga tayong magsisihan....ako yung may kasalanan dahil ako yung gagang naglasing...next time pigilan mo akong maglasing ha? hahaha " sabi ni Lexi at agad na ngumiti. Kahit ngumiti siya kitang-kita ko parin ang lungkot niya. 

nakuha pa talaga niyang magbiro..

papasok na sana ulit kami sa kwarto nang biglang may tumawag sa amin , agad kaming napalingon.

Uy sina Jane!

- - - - - - - -- - - - - - - 


THIRD PERSON'S POV



biglang umingay sa loob ng kwarto ni Red nang magsidatingan ang iba.

nalaman nilang kasali pala sina Jane sa suicide pact at ngayon lang umamin. Si Theo naman ay sa wakas nagpakita na samantalang Si Miggy ay hindi parin nakikipagkita sa kahit na sino. Yung ibang mga kasali naman sa suicide pact ay hindi parin nakikilala.

maga-alas otso na nang gabi nang mapagdesisyunan nilang magsiuwian na.

"Lex mauna na ako ha? pinabalik na ako ni Kuya sa hospital...sana dito nalang ako naadmit para magkalapit lang tayo " Rain

napangiti nalang si Lexi at nagpaalam sa kanila.

"Casper uuwi ka ba? o manliligaw ka pa kay Lexi? " biro ni Chuck 

akala nila ay magagalit si Casper , laking gulat nilang lahat dahil ngumiti lang ito.

"Loko umuwi na nga kayo! kung ano-ano na ang pinagsasabi niyo! " sigaw ni Lexi na nagb-blush na.

"Casper wag kang magpapasapi kay Peter ha? " biro ni Jacob

"Gago umuwi na nga kayo! " Sigaw ni Casper

"Uyyy! Gusto na talaga niyang masolo si Lexi! AYIEEEEEEE! " Jane

"Dont forget to wear protection! " peter

*POK*

Hindi na nakapagpigil pa si Casper at agad na binatukan si Peter.

"Arayyy...why you so brutal bro? " Peter

"Why you so manyak kasi! " Arkin

nagtawanan naman ang lahat.. Maging si Theo ay nakisali din sa tawanan.

biglang lumapit si Casper kay Lexi.

"Lex sumabay ka na sa kanila , umuwi ka muna " Casper

agad namang nakunot ang noo ni Lexi.

"hindi , di ko iiwan si Kuya..walang magbabantay sa kanya " Lexi

agad namang napangiti si Casper.

"Ako yung magbabantay sa kanya , sige na umuwi ka muna para magpahinga.." Casper

"Ayoko , wag na dito lang ako" pagmamatigas ni Lexi.

"Umuwi ka..Jane paki samahan muna si Lexi sa bahay nila..." Casper

agad namang napangiti si Jane at tumango

"Sige ba! " jane

"Dont worry Casper ako na ang bahala sa kanya" dagdag pa ni Jane

"Aish.. nakakahiya sa inyo , ako lang ang magbabantay sa posporo " Lexi

napangiti nalang si Casper at agad na kinurot ang pisngi ni Lexi.

nagulat si Lexi sa kanyang ginawa dahil nasanay siyang makita si Casper na seryoso at walang emosyon.

"Wag nang matigas ang ulo " Casper

"Aish...okay fine...pero Casper thanks so much..but please call me kapag nagising na siya" sabi ni Lexi at agad napangiti kay Casper.

"Promise...just get some rest " Casper

- - - -- - - - - - - - -- 

LEXI'S POV

itong si Casper nakakalito rin , konti nalang kikiligin na ako.

Dafuq naman oh , walang malay ang pinsan ko pero iba ang inaatupag ko..Sorry po lord.

"uyyy , dalaga na si Lexi " biro sa akin ni Jacob

"Loko , suntok gusto? " ako

ang loko tumawa lang at ginulo ang buhok ko.

madami kaming sabay-sabay na naglalakad papunta sa parking lot kayat hindi kami naubusan ng tawanan. Good mood ang lahat dahil wala na ang pumapatay na si Sir Tabs.

napatingin ako sa kaliwa ko , Ayiieeee! ang sweet nila chuck at rain ! nakakainggit.

"Hala si Lexi naiingit , tayo nalang ako lexibabes! "Peter

agad kong tiningnan ng masama si Peter.

"Biro lang! ahihihihi ..mag bro tayo! walang talo-talo" Peter

mabuti naman -_-

"Hoy Peter wag mo ngang guluhin si Lexi , baka nakakalimutan mo pinsan yan ni Redentor! " Drake

natawa nalang ako , mga baliw talaga sila.

"President naman nananakot " Peter

bigla akong napatingin kay Raven , tahimik lang siya.

nakokonsensya tuloy ako sa pagsugod ko sa kanya kanina , malapitan nga..

"Raven... " ako

bigla siyang napatingin sa akin at agad na tumigil sa paglalakad at biglang pumikit na para bang naghihintay na susuntukin ko siya.

"Uyy lex , if gusto mo suntukin mo lang ako hindi ako papalag pero lex sorry talaga. Ilabas mo na ang lahat ng galit mo ..sorry talaga " Raven

kawawa naman -_-

"No need , pasalamat ka hindi napahamak ang pinsan ko kundi ako mismo yung papatay sayo..hehe..pero Sorry pala sa pagsabunot sayo , nagalit lang naman ako kanina " sabi ko sa kanya at agad na naglakad ulit.

nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Jane.

"Ayieee..kailangan sa paglabas ng baby ko , kayo na ni Casper okay ? " Jane

natawa nalang ako , loka-loka talaga.

"Jane sabay nalang kayo sa amin! " Hunter

"Yehey! Thank you hunter! " sigaw namin ni Jane.

madami kami sa loob ng kotse ni Hunter. Ako , si Jane , Theo , Hunter , Arkin , Peter ,Jacob at Drake. samantalang yung mag-jowa nandun sa kotse ni Chuck. 

walang gustong sumabay sa kotse nila dahil ayaw makadistorbo sa kanila.

papaalis na sana kami nang mapansin naming hindi nags-start ang sasakyan ni Chuck kayat agad lumabas si Hunter para kamustahin ang lagay nila.

"Hoy kayong dalawa anyare? " Hunter

"Di magstart yung engine " Chuck

"Sumabay nalang kayo sa amin" Hunter

agad napangiti sina Chuck at Rain.

"Yehey! The more the manier! " sigaw ni Peter

*pok*

"Ulol THE MERRIER! " sigaw ni Drake

"Sabi ko nga " Peter at agad na sinamaan ng tingin si Drake.

Okay na sana ang lahat.

Ang saya sana dahil andami namin sa van kaso , Hindi kami kasya!

Sampu kami tapos isang van lang yun... *O*

"Peter kumandong ka nalang kay Jacob" suhestyon ni Theo

biglang nanlaki ang mata ni Peter

"WHATPAKINGSHET?! " Windang na sigaw ni Peter

"NOOOOO! " Jacob

"Pete ikaw yung pinakamaliit " Arkin

"♫Bulilit bulilit sanay sa masikip , kung kumilos ♫ " napakanta din si Raven

"Pwede bang kay Lexi o Jane ako kumandong? ahihihihihi! " Peter

kyaaaaaaa!

Si Peter umaariba na naman -_-

"Sa gulong nyo nalang paupuin si Peter! " sigaw ko

"Isabit niyo sa Hood ng kotse! " Jane

"Ipakaladkad sa kotse! " Drake

"Wow , mahal na mahal niyo talaga ako guys...I can feel your love ..." sarkastikong saad ni Peter.

sa hinaba-haba ng argumento namin , sa wakas kumandong narin si Peter kay Jacob. Tawa lang kami ng tawa. 

Sampu kami sa loob ng van at lahat kami nagkasya , yun nga lang para kaming isang sardinas. Napakasikip sa loob kayat binuksan nalang namin ang mga bintana.

"Utang na loob wala sanang uutot dito dahil sigurado bagsak tayong lahat! " Sigaw ni Chuck na halos mabaon na sa kanyang kinauupuan.

tagaktak ang pawis naming lahat , halos hindi din kami nagu-uusap dahil sa sobrang awkward ng mga posisyon namin.

"Punyemas Peter ang bigat mo! " Reklamo ni Jacob

ang lokong peter tumawa lang.

"Do you want a lap dance sir? " tanong ni Peter kay Jacob gamit ang malanding tinig.

"How many stab wounds do you want?! " sigaw naman ni Jacob.

agad tumahimik si Jacob at agad na nag-peace sign.

"Guys pa gas muna tayo" sabi ni Hunter at agad na inihinto ang kotse sa isang gas station.

matapos magpa-gas ay napagdesisyunan ni Peter na sa likuran nalang umupo , dun sa lalagyan ng mga bagahe , matutulog nalang daw siya dun... kawawang bata -_-

biglang nag-ring ang cellphone ni Drake at agad siyang lumabas para sagutin ito , pagbalik niya bigla naman siyang nagsalita.

"Guys si Harvey...Pinapapunta tayong lahat sa Amusement Park...may importante daw siyang sasabihin" Drake

"Ha? amusement park bakit dun?" Jacob

"Ewan " Drake

"guys punta tayo! " Hunter

"OO nga ! magsaya tayo dahil wala na ang pumapatay " Peter

"Oo nga! ayieee! amusement park! ang saya dun! " Excited na sigaw ni Jane

"Guys pass kami diyan kailangan magpahinga ni Rain " Chuck

agad namang hinawakan ni Rain ang braso ni Chuck.


"Hindi okay lang ako , Masaya kaya sa amusement park! masaya yun! "Rain

napangiti naman si Chuck at hayun ang dalawa naglambingan agad -_-

walang ibang umangal kayat pumayag nalang ako.

lahat sila excited na pumunta sa amusement park dahil maganda daw pumunta kapag gabi na at kawawa naman si Harvey kung iindianin namin. Ayaw ko sana kaso ayaw ko maging KJ eh.

Pero kahit papaano excited din ako , First time kong makapunta sa amusement park! ^__^

Nag-iba ang mood naming lahat.

yung kaninang tahimik dahil napakasikip , naging napakaingay. Excited kaming lahat. May point naman sila , dapat nga talaga kaming magcelebrate dahil buhay pa kami. Nakakapanghinayang lang dahil madami din yung mga nawala naming kaeskwela.

Si Red kaya nagising na kaya siya?

sana okay na yun....sabi ng doctor okay na okay na daw , tulog mantika lang ang problema niya kaso gusto ko na talagang makausap ulit yun. Nakakamiss ang mga hirit niya eh ^__^

kahit baliw yun labs ko yun.

Nagulat kaming lahat ng tumigil ang sasakyan.

Agad kaming napatingin sa paligid. 

Teka bakit ganito? Bakit parang abandonado ang amusement park? May mga ilaw pero parang walang katao-tao.

"Guys hindi pa ako nakakapunta si Amusement Park pero hindi naman siguro ganito katahimik diba?" tanong ko

"HUWAT! Hindi ka pa nakakapunta sa amusement park?! " Raven

tumango lang ako.

isigaw ba?! hahaha

nagsibabaan nalang kami sa van para makalanghap ng sariwang hangin.

"Tama ba talaga yung address na binigay ni Harvey? " Jacob

"Baka pinareserve na sa atin ni Harvey ang buong lugar! " manghang teyorya ni Jane

"Wow , si Harvey gagawin to? eh ang panis kaya ng ugali nun! " Peter

tama si Peter

hindi naman mabait yun pero what if biglang bumait dahil sa mga nangyari?

nagulat ako nang biglang hinawakan ni Rain ang kamay ko..

"Hey lets have some fun tonight okay? Forget about me and Red being in a hospital. Just enjoy the good vibes" sabi ni Rain at binigyan ako ng napakalaking ngiti niya.

tumango nalang ako at agad na ngumiti pabalik.

"Yup!" ako

nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Rain.

"I love you Alexis " Rain

teka anong meron?

bakit biglang naging ganito si Rain.

"I know...I love you too..anong meron bat ka nagiging sweet? hahahaha! may kailangan ka sa akin noh?!" biro ko sa kanya

ngumiti lang si Rain.

"I dont know...i just feel like doing it " Rain

"AKO DIN MAY HUG DAPAT RAIN! " sigaw ng isa pa naming bestfriend na si Jane.

"EEEEEEE! Rainieeee! kung si Lexi may hug dapat ako may Kiss! " Pagmamaktol din ni Chuck.

"AKO DIN! DAPAT MAY KISS! 10 SECONDS LIPS TO LIPS! "biglang sigaw ni Peter

*POK*

"anong sinabi mo?!" galit na tanong ni Chuck kay Peter

agad namang ngumiti si Peter at nag-peace sign.

"Ikaw yung sinabihan ko chuck..sabi ko lips to lips tayo! Kung ayaw mo edi Gums to Gums" Peter

biglang nanlaki ang mga mata ni Chuck at agad napasign of the cross

"UTANG NA LOOB LAYUAN MO AKO! " sigaw ni Chuck at agad na nagpose na magka-karate kayat tawa kami ng tawa.

natigil kaming lahat sa tawanan nang biglang magsalita si Jacob.

"Guys papasok ba talaga tayo? " Jacob

"Wala namang mawawala diba?" Chuck

"Oo nga! Tara pumasok tayo! " Jane

eh ano pa nga ba , edi ayun pumasok kami sa amusement park.

ang ipinagtataka ko lang , Bakit parang napakalayo yata ng amusement park na to mula sa ibang establishments...Malapit kasi ito sa mga kakahuyan..Weird lang.

Tapos pakiramdam ko may mali..

ay ewan..

Good vibes lang dapat ngayon ^___^

habang naglalakad kami ay nagulat ako nang biglang dumadami ang usok sa paligid namin.

wow uso ang fogs dito?!

"Guys yung totoo kaninong utot yan at umuusok pa? " Peter

at agad kaming nagtawanan lahat

parang sumusobra na yata ang usok kayat agad akong napaubo...

naririnig ko na din silang nagsiubuhan.

pakapal ng pakapal ang usok hanggang sa wala na akong makita..

"Jane! " agad akong napasigaw nang mapansing hindi ko na hawak ang kamay niya.

naririnig kong kanya-kanya na kaming sigawan at ubuhan..

shit ! anong nangyayari?!

bigla akong nakaramdam ng pambibigat sa mga mata ko.. nahihirapan nadin akong maglakad..

gusto kong sumigaw pero ubo lang ang tanging nagagawa ko..

biglang dumilim ang lahat.

END OF CHAPTER 23

HINDI PO SI SIR TABS ANG KILLER. sinadya yun ng killer para maging careless ulit sila.

Guys sa mga next chapter ay madaming mangyayari , May mga twist at sikretong mabubunyag AT MADAMI ANG MAMAMATAY....napakahirap para sa akin ang mga susunod na mangyayari dahil medyo napamahal sa akin ang ibang character T^T .. haha ewan ko ba affected ako sa story ko.

THANK YOU SO MUCH FOR READING :)))

VOTE and COMMENT :)))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro