Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22 : Running Out of Time

RAIN'S POV

"Anong nginingiti mo diyan?! " sigaw ko sa ulol na katabi ko.

loko tong lalaking to , humiga pa talaga sa hospital bed ko.

*POK*

ayun binato ko ng mansanas.

"Rainiee naman oh brutal mo! " chuck

"Eh ako dapat diyan eh , ako tong may sakit ! " sigaw ko din pabalik.

tumayo agad siya at inayos ang nakusot na bed sheet at ngumiti na parang bata.

"Sige napo magpahinga ka na po " Chuck

lumapit siya sa akin at agad akong pinahiga doon. Umupo naman siya sa paanan ko at hinimas-himas ang buhok ko.

"Kailan mo pa nalaman? " tanong ko sa kanya.

akala ko kasi na ako lang at ang pamilya ko ang nakakaalam sa kalagayan ko , nagulat nga ako nang makita siya dito kanina tapos dinala pa niya sina Lexi.

"The day after we broke up..." mahinang bigkas niya at ngumiti ng pilit. "I wanted to see you so bad that day kayat sinundan kita nang magtungo ka dito para sa check-up mo. Nurse din dito yung tita ko kayat madali ko lang nalaman ang tungkol sa kalagayan mo......I...I just want to be here for you , hindi ako nagpapakita dahil alam kong ayaw mong may makaalam." Chuck

agad akong napaupo at humarap sa kanya.

hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. 

"Rain...Totoong nakipagpustahan ako sa mga kabarkada ko pero noon yun. Pero kung hindi dahil sa pustahang yun hindi kita makikilala ng lubusan. I wanted to tell you about the bet but I couldnt...I know you would hate me...Pero i love you , i always have , I always will " Chuck

ramdam ko ang sinseridad sa mga sinasabi niya kayat agad ko siyang niyakap. Hindi naman talaga ako galit sa kanya dahil naniniwala naman ako. Peste lang talaga tong cancer nato.

Minsan natatanong ko din to sa diyos , Bakit ako yung nagkaroon ng Cancer?. Oo hindi ako perpekto pero hindi ko naman siguro deserve to. Maraming mga masasamang loob diyan , yung mga nagnanakaw at pumapatay pero bakit hindi sila nagkaroon ng sakit? Bakit ako pa at yung ibang mga taong hangad lang sa buhay ay maging masaya?

Alam kong masama itong mga sinasabi ko pero ito yung parating naitatanong ko sa diyos. Isa akong katoliko , Hindi ako parating nagsisimba , Mahilig akong magmura , Minsan masama ng ugali ko , pero hindi ko naman to deserve diba? masakit magkaroon ng Cancer dahil walang kasiguraduhan ang chansa kong mabuhay. Alam kong kahit na anong oras pwede kong iwan ang mga  taong mahal ko. 

biglang nag-ring ang cellphone kayat agad niya itong sinagot...

nagulat ako dahil nag-aalala nadin ang boses ni Chuck.

"Anong nangyari? tungkol na naman ba to sa suicide pact? " ako

tumango naman si Chuck.

"Pinag-iingat tayo nila....Si Yuki kinidnap , papunta na sila sa River Dock. " Chuck

- - -- - - - - - - - -- - - - - 

THIRD PERSON'S POV

[A/N : River dock lang ang tawag pero hindi talaga ito sa river...nasa dagat yan.. ahihihi ]

Agad na nakarating silang apat sa River Dock ngunit wala silang naabutan doong kahit na sino.

Ang River Dock ay nagsisilbing daungan ng mga Barko kayat may platform doon na yari sa semento kung saan nakadiretso sa malalim na parte ng dagat.

Sandali silang napatingin sa buong paligid. Walang katao-tao doon at napakadilim ng paligid. 

"PAKSHET! AKALA KO BA NANDITO SILA YUKI ?! " Sigaw ni Red na galit na galit na

"YUNG KOTSE! " malakas na sigaw ni Casper kayat agad silang napatingin sa direksyon na tinuturo nito.

Nakita nila ang isang kotseng umiilaw at umaandar sa platform , hindi ito tumitigil. Maaaring mahulog ito sa dagat kung hindi nila ito pipigilan. Mag-isa sa loob ng kotse si Yuki at walang malay. 

Dali-dali silang tumakbo para pigilan ito ngunit huli na sila.

Tuluyan na itong nahulog sa malalim na parte ng Dagat.

"YUKIIIII! " buong lakas nasigaw ni Red at mas binilisan pa ang takbo.

laking gulat nilang lahat nang biglang tumalon si Red sa dagat.

"RED! WAG! " buong lakas na sigaw ni Lexi sa nakita at akmang susundan si Red , mabuti nalang at agad naman siyang pinigilan nina Casper.

"Napakadilim dun! Bitiwan niyo ako RED! RED! " sigaw ng sigaw si Lexi habang pilit na nagpupumiglas upang tulungan si Red.

napakadilim nga ng paligid kayat nahihirapan si Red sa paghahanap sa kotse.

Sandali siyang umahon para huminga at muli ay sumisid ulit para kunin si Yuki mula sa kotse.

Hindi nakasara ang lahat ng bintana ng kotse kayat agad na nagsipasukan ang tubig dagat dito. Walang malay si Yuki kayat wala siyang kaalam-alam sa panganib ng sitwasyon niya. Unti-unting nagsipasukan ang tubig sa katawan ni Yuki kayat nalunod na ito.

naiwan lamang doon ang tatlo na kinakabahan.

Kanina pa nila hinihintay na umahon si Red sa dagat kasama si Yuki ngunit wala.

"RED! " sumisigaw parin si Lexi.

tatalon narin sana si Arkin para tumulong nang biglang umahon na si Red kasama ang walang malay na si Yuki.

dali-dali nila itong tinulungan.

- - - - -- - - - - -- 

LEXI'S POV

Para akong nabunutan ng tinik nang makitang umahon si Red kasama si Yuki.

Nang makaakyat sila sa platform ay agad na inihiga ni Red ang walang malay na si Yuki sa sahig.

Agad namin siyang pinulsuhan ngunit wala na itong pagpintig.

"Yuki! " biglang sumigaw si Red at agad itong nagperform ng CPR sa kanya.

Kitang-kita ko ang takot at pag-aalala sa mukha ni Red habang nagpa-pump sa dibdib ni Yuki. Ngayon ko lang nakita ang ganitong emosyon ni Red. Awang-awa ako sa kanya.

"Yuki breathe! please breathe! " red

sigaw parin ng sigaw si Red ngunit parang hindi na talaga gumagalaw si Yuki. Kitang-kita ko ang pagbuhos ng luha sa mga mata niya.

"Yuki Gumising ka! Gumising ka! " red

*WEEEWOOOWEEEWOOOO*

Sa wakas dumating na ang ambulansyang tinawagan namin. Pero hindi parin tumitigil si Red. Hindi niya sinusukuan si Yuki.

"Bro tama na " sabi ni Casper at agad na inawat si Red ngunit iwinakli lang ni Red ang braso nito.

"No! Yuki breathe! wake up please! " sigaw parin ni Red at patuloy sa pagpu-pump

napaiyak nalang ako sa nakita ko.

 ngayon ko lang nakitang umiyak ang pinsan ko.

"Red tigilan mo na yan! Youre breaking her bones! "sigaw din ni Arkin 

lahat kami nanlulumo..

hindi na nagrerespond si Yuki.

"Red nandito na ang ambulansya!" sigaw ko sa kanya at ako na mismo ang humila sa kanya palayo kay Yuki.

"Yuki wake up! " Red

pinatayo ko nalang si Red at agad ko siyang niyakap. Basang-basa si Red pero nararamdaman ko padin ang pagbuhos ng luha niya sa braso ko.

"Kasalanan ko to " mahinang bulong ni Red sa akin.

nagsitakbuhan ang mga paramedics sa amin at agad na inasikaso si Yuki.

kitang-kita namin ang pagc-cpr sa kanya.

ginamitan pa siya ng defibrillator ng mga ito ngunit wala na talaga.

"Time of death 10:12 PM " sabi nung isang medic 

naramdaman kong mas humigpit ang yakap ni Red sa akin ng marinig namin yun. Lahat kami nanlulumo. Pero si Red ang siyang pinakanaapektuhan.

"Hey..this isnt your fault okay? " bulong ko sa kanya pero nakalubog parin ang mukha niya sa braso ko.

Napatingin ako kay Arkin at Casper. Maging silang dalawa ay hindi rin makapaniwala sa nangyari.

"Kayo ba ang pamilya ng biktima?" tanong sa amin nung isang paramedic

bigla namang kumalas sa akin si Red.

"Hindi pero kilala ko ang mga kaibigan niya. Sasama po ako sa inyo habang wala pa sila " Red

tumango naman yung medic at agad na isinara ang ambulansya at naghanda ng umalis.

"Casper ihatid mo muna si Lexi sa bahay please " saad ni Red na pilit na tinatago ang luha niya.

agad namang lumapit sa akin si Casper.

"No Red im coming with you , wag ka namang ganyan " ako

ngumiti lang si Red ng pilit at hinawakan ang ulo ko..

"Wag munang matigas ang ulo please " Red

wala akong magagawa kundi tumango nalang.

Red needs to be alone right now.

- - - - -- - - -- - - - - -- --

THIRD PERSON'S POV

Tahimik lang kaming tatlo sa kotse.

Lahat kami halos hindi makapaniwala sa nangyari.

"Guys alam niyo ba ang tungkol sa suicide pact?" biglang tanong ni Arkin kayat agad silang napatingin sa kanya.

tumango naman si Lexi.

"So that means Yuki also joined" Arkin

tumango ulit si Lexi.

Nagulat silang lahat na sabay tumunog ang kanilang mga cellphone. 

"Lex pa kitingnan kung sino" utos ni Casper dahil kasalukuyan siyang nagda-drive.

agad namang kinuha ni Lexi ang cellphone ni Casper at  laking  gulat sa text na binasa.

FROM : +639*********

 Hey there members of the pact! 9 down , 16 more to go. Gusto niyo bang matapos ang lahat ng to? Meet me at the school ASAP. If makikipagkita kayo sa akin ngayon maaaring mapag-uusapan at maayos natin tong lahat at wala nang masasaktan pa. Isang oras lang akong maghihintay pero kung hindi kayo sisipot , Kitakits nalang tayong lahat sa impyerno.

PS , magpaalam na kayo sa mga magulang at mahal ninyo.

napahawak nalang siya sa kanyang mukha at napamura.

"Anong sabi?!" Casper

halos hindi makapagsalita si Lexi dahil sa pagkabigla. Binasa nalang niya ang mensahe nang marinig ito ni Casper at Arkin.

"Lahat tayo pinadalhan ng mensahe , lahat tayo pinapapunta sa skwelahan...Ano na ang gagawin natin? " tanong ni Arkin na nalilito narin.

Saglit namang napaisip si Casper at binilisan pa ang pagpapatakbo.

"Thats a trap! text the others tell them to meet up at the cafe na katapat ng school...padalhan niyo lahat ng students" utos ni Casper dahil hindi parin nila alam kung sino-sino talaga ang mga sumali.

Nang makarating na sila doon ay agad nilang naabutan si Hunter sa loob ng cafe na nag-iisa.

"Ikaw palang ang dumating?" tanong ni Arkin sa kanya

"Ay hindi bro nasa ilalim sila ng mesa nagtataguan" sagot ni Hunter gamit ang sarkastikong tono.

agad namang sinamaan ng tingin ni Arkin si Hunter.

"Padating na daw yung iba " dagdag pa ni Hunter.

"Wheres theo? " lexi

umiling naman agad si Hunter.

*clinkclinkclink*

nagsitunugan ang chimes kayat agad silang napatingin sa pintuan upang tingnan kung sino ang bagong dumating.

"RAVEN! " tawag ni Hunter sa kanya kayat agad namang lumapit ito sa kanila.

"Uy guys dont tell me sumali din kayo?! " Gulat na tanong ni Raven ngunit mas ikinagulat niya na makita si Lexi doon.


"Lex sumali ka?! " dagdag pa ni Raven.

hindi nalang sumagot si Lexi dahil pagod na siyang magpaliwanag pa.

"Sa tingin niyo may pumasok sa school na kasali?" Arkin

walang sumagot dahil lahat sa kanila yan din ang inaalala. Hindi nila alam kung ano ang tama at nararapat nilang gawin. Kung papasok sila , marahil ay papatayin na sila kung hindi naman ay baka ituloy nito ang sinasabi nito.

"Guys nga pala bakit niyo pinapunta lahat ng mga members sa suicide pact dito?" biglang nagtanong si Raven.

nakunot naman agad ang noo ni Arkin.

"Gago! pinapapunta kaya lahat para daw matapos ang mga patayan. Di ka ba nakarecieve ng text? " Arkin

umiling naman agad si Raven , Kitang-kita sa mukha niya ang pagkalito.

ngunit mas naguluhan din sila dahil sa reaksyon ni Raven.

"Baka nakalimutan kang padalhan ng text ng killer? " Hunter

bigla namang nakunot ang noo ni Raven.

"Gago ewan ko...wala nga akong idiya na iniisa-isa na pala ang members ng suicide pact kung hindi lang kayo nag GM kanina. " Raven

seryosong-seryoso ang mukha ni Raven kayat hindi nila masasabing nagbibiro lang ito

"T..teka?Seriously ,  Raven nakatanggap ka ba ng itim na sulat? " Arkin

napailing agad si Raven.

"itim na sulat? anong itim na sulat?! " Raven

nakunot ang noo nilang lahat at sabay-sabay na napatingin sa kanya.

"Teka bakit hindi ka nakatanggap ng sulat?! Lahat kami pinadalhan dahil nakilala niya kaming lahat base sa username ..." Casper

bigla namang natahimik si Raven at biglang nag-isip....

" ah ! Alam ko na! hehe.. ngayon ko pa kasi naalala.... Email address at username ni RED yung ginamit ko sa pagsali dahil laptop ni Red yung gamit ko nung time na yun.. nasira kasi yung laptop ko eh..hehehehe " Raven at agad na napakamot ng kanyang ulo.

Nanlaki ang mga mata nilang lahat nang marinig iyon.

agad na napatingin sa kanya si Lexi na halos naiiyak na.

"What the hell have you done...." mahinang bulong ni Lexi at halos makunot na nito ang kanyang kamao.

bigla nalamang tumunog ang cellphone ni Casper na nasa kamay parin ni Lexi kayat agad niya itong tiningnan.

FROM : RED

Bro , sa bahay ka muna matulog. Nandito pa ako sa school , mamaya na ako uuwi. May pagbabayarin muna ako.

 biglang napatingin si Lexi kay Casper at agad na napatakbo.

dali-daling tumakbo si Lexi papasok ng skwelahan at agad na sumunod sa kanya si Casper.

"RED! " tawag lang ng tawag sa kanya si Lexi habang umiiyak at tumatakbo ng napakabilis.

takot na takot si Lexi na baka may mangyaring masama dito.

Nasa loob na sila ng Campus Grounds nang bigla silang makarinig ng sigaw.

hindi iyon basta-bastang sigaw , dahil boses ito ni Red...

*BOGSH*

laking gulat nilang lahat nang makarinig sila ng malakas na putok ng baril.

END OF CHAPTER 22

Naalala niyo pa sa Chapter 6 , Nung makita ni Red ang black letter sa locker ni Lexi sinabi niya na nakatanggap din siya ng ganun. Therefore , Napagkamalan lang si Red na kasali sa suicide pact dahil kay Raven. Damay din si Red sa gulo.


THANKS FOR READING ♥

VOTE AND COMMENT ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro