Chapter 18 : Heartaches
RED'S POV
Aish kanina pa ako naghihintay na makauwi si Lexi , asan kaya yun...
nakakainis kasi tong si Yuki parang re-reypin ako kayat umuwi nalang ako...
Taena , bakit ba ako kinakabahan.... Andun si brother-in-law di niya pababayaan yung batang yun...
Kakainin ko nalang ang yumyum ni lexi na mukhang beki *O*
CHALAP! CHALAP ^___^
*BLAG*
biglang sumara ang front door..
andito na pala si Lexi...
agad ko siyang sinalubong pero di niya ako pinansin , nagtungo agad siya sa kusina...
"Hello! " masayang bati ko sa kanya...may kasalanan ako sa kanya eh kayat magbabait-baitan muna ang pogi ^__^
tumango lang siya
wow ramdam ko ang bad vibes ah..
"Okay ka lang?" ako
tumango naman siya
silent treatment? galit yata -_-
"Lex sorry nga pa-------" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.
"Its okay , i just need to be alone right now" lexi
ito na nga ba ang sinasabi ko, nahahawa na si Lexi kay Casper sa kasungitan -_-
napansin kong parang aligaga siya...
"Alexis...kung may problema ka sabihin mo lang" ako
umiling agad siya.
first time to ah , di naman ganito si Lexi.
"Where's mom?" tanong niya.
kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya , para din siyang malungkot.
natatae ba siya?
"kaka-alis lang pumunta sa korea next week pa daw ang balik" ako
nagulat ako nang biglang tumulo ang luha ni Lexi
ano bang nangyayari sa kanya? hindi kaya ....... diyos ko wag naman sana
"Wow...di man lang nagpakita o nagtext....nice.." Lexi
agad siyang nagtungo sa hagdan..
"Lex..busy lang si Mommy" ako
alam kong mahirap ito kay Lexi pero kung alam lang niya , mas mahirap ito kay mommy.
bigla siyang humarap sa akin , kitang-kita ko ang pagbuhos ng kanyang luha.
ayoko siyang nakikita ng ganito...gustohin ko mang sabihin sa kanya ang lahat , hindi pwede.
"Busy? busy pagdating sa akin....dude she wont even look me in the eye! minsan lang niya ako kinakausap...kailan niya ako ituturing na anak? kapag nilalamayan na ako?! " Lexi
napakunot ang noo ko sa narinig ko.
ni minsan hindi ko narinig si lexi na magsalita ng ganyan...
agad ko siyang nilapitan ang pinunasan ang luha niya.
bata talaga
"Lex ano na naman ba yang pinagsasabi mo? umayos ka please...mahal ka namin ni mommy alam mo naman yan diba" ako
umatras siya mula sa akin
bigla niyang napa-cross ang braso niya.
"ikaw yung mahal ni mommy...Red no offense pero alam mo ba minsan naitatanong ko sa sarili ko kung bakit ikaw ang mas mahal ni mommy...sa ating dalawa ikaw yung gago eh , ako ginagawa ko ang lahat para maging proud siya sa akin pero wala...ikaw kahit na anong gawin mong kagaguhan , ikaw parin yung paborito niya kahit hindi ikaw yung tunay na anak... " Lexi
niyakap ko nalang agad si Lexi.
ang ayoko sa lahat ay ang makita siyang ganito tapos ako pa ang dahilan. Hinayaan ko nalang siyang umiyak sa braso ko.
nangako ako kay Daddy na aalagaan ko to pero sumasablay parin talaga ako..
"Lex...sorry " ako
"just leave me alone please " lexi
pinabayaan ko nalang siyang umakyat sa hagdan..
kailangan niya munang magpalamig ng ulo.
alam ko namang ganun yung nararamdaman niya, hindi ko lang talaga inaasahan na magiging ganito kasakit sa pakiramdam kapag nagsimula na siyang magtanong.
napahawak agad ako sa pisngi ko..
nakooo pow , my eyes are leaking -_-
matawagan nga tong si Casper ... ano kayang nangyari bakit naging ganito si Lexi...kahit na bestfriend ko tong si Casper oras na malaman kong may ginawa siyang katarantaduhan sa pinsan ko di yan makakaligtas.
- - - -- - -- - -- - -- - - --
CASPER’S POV
RED CALLING
"O?" Ako
“Hoy anong ginawa mo sa pinsan ko bakit ganun yun?” Red
alam ko kung ano ang ibig sabihin niya.
“nothing….beef was found dead today “ ako
Biglang tumahimik si Red mula sa kabilang linya at agad akong binabaan.
Matalino yang si Red kayat alam kong naiintindihan na niya ang kinikilos ni Lexi.
Bigla na namang tumunog ang phone ko.
SEB CALLING….
“o?” ako
“pinheadfreak77 and acdc123 yan lang ang natatandaan kong usernames “seb
“ok thanks “ ako
ibababa ko na sana ang tawag nang bigla siyang magsalita
“One more thing , we all got letters right? That means kilala na niya tayong lahat….isipin mo nga paano naman niya tayo makikilala kung usernames lang ang gamit natin?”seb
Bigla akong napaisip…
"i dont know , IP adress maybe?" ako
“EXACTLY! And thus kung sino man ang pumapatay ay magaling sa computer” seb
Shit tama si seb..
Bakit ngayon ko lang naisip yun.
“pero paano yun maraming magagaling sa school?“ ako
“pero isa lang naman ang kilala nating pinakamagaling diba?” Seb
Si Oliver…..
pero baka naman hindi..nagbibintangan na kami
"Walang pasok tomorrow kayat magkita-kita tayo sa school...We need to end this fvcking puzzle " Dagdag pa ni Seb at agad akong binabaan.
- - -- - -- - - - -- - - -- - -
SEB'S POV
Minsan gusto ko na talagang upakan ang sarili ko.
Ang tanga ko sobra.
Ako lang naman ang nagpahamak sa sarili ko.
Sumali ako sa suicide pact hindi dahil gusto kong magpakamatay , kundi dahil gusto kong makasagap ng balita. All my life my dream is to become a famous journalist, kayat nang malaman ko ang tungkol sa suicide pact ay agad akong sumali para may exclusive scoop ako.
Alam kong oras na magpakamatay sila ng sabay-sabay ay magiging malaking balita ito sa buong bansa kayat aba nalang kung palalampasin ko yung pagkakataon na iyon. Baka ito na ang magiging daan para matupad ko ang pangarap ko pero sadyang minamalas ako ngayon. Biruin mo nga naman , pinapatay na ang lahat ng mga kasali. Tsk.tsk.
pagkatapos kong tawagan si Casper ay agad kong nilapitan ang white board ko.
isinusulat ko doon ang lahat ng mga impormasyong nasasagap ko tungkol sa suicide pact at sa mga pagpatay.
Bigla akong napatingin sa portion ni Tom sa board , nakalagay doon ang iilang impormasyon tungkol sa pagkamatay niya....
Namatay si Tom habang naglalaro kami ng Airsoft. Walang ibang tao ang nasa maze kundi kami lang labing-anim....Ibig sabihin , isa lang sa amin ang pumatay sa kanya.
- - - - -- - - - -- - - - --
THIRD PERSON'S POV
Pagkapasok ni Lexi sa kanyang kwarto ay agad siyang nagtalukbong ng unan sa mukha.
Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman buhat nang mga nangyayari ngayon sa kanya.
♫Riiing♫
RAIN CALLING
sandaling nabuhayan ng loob si Lexi nang makitang si Rain pala ang tumatawag sa kanya.
Alam ni Lexi na tanging si Rain lang ang matatakbuhan niya ngayon.
dali-daling pinunasan ni lexi ang kanyang mga mata at inayos ang kanyang boses
"Rainieeee" lexi
"Uhm Lex...i have something to tell you " seryosong sabi ni Rain
sandaling nalito si Lexi dahil kakaiba ang boses ng kanyang matalik na kaibigan. Medyo cold kasi ang boses nito ngayon.
"Ano yun?"lexi
"Nandito ako ngayon sa Canada , hindi na ako nagpaalam pa sayo...Thank you for being a good friend to me and Im sorry kung hindi ako nakapagpaalam. This will be the last time na magkakausap tayo and Lex dont look for me because I want to have a new life and Ayokong maging part ka nito..." Rain
nabigla si Lexi sa kanyang narinig..
otomatikong bumuhos ang kanyang luha..
"R...Rain...youre kidding right?...Rain d..dahil bato sa pagbugbog ko kay Robbie? Rain sorry hindi ko alam akala ko Killer yun....please dont do this to me...Rain naman oh ..please "iyak na ng iyak si Lexi.
"No...I just dont like you anymore"
at agad na binabaan ni Rain si Lexi.
walang magawa si Lexi kundi maiyak nalang.
humiga nalang siya sa kanyang kama at umiyak hanggang sa tuluyan siyang makatulog.
----
♫IM NOT CRAZY IM JUST A LITTLE UNWELL I KNOW RIGHT NOW YOU CANT TELL♫
dahan-dahang iminulat ni Lexi ang kanyang mga mata
"Sa wakas gising ka na!!!!! " sigaw ni Red na nakaupo na pala sa kanyang kama habang hawak-hawak ang ipod at speaker.
dali-daling bumangon si Lexi at kinuha ang towel sa kanyang cabinet..
"Oh my God late na tayo " lexi
tumawa bigla si Red
"Mukha ka talagang tanga..walang pasok! hahaha " Red
agad ibinato ni Lexi ang towel sa mukha ni Red at agad na tumabi dito.
"Bakit daw walang pasok?" lexi
agad namang umiling si Red.
Ayaw nang pag-usapan pa ni Red ang pagkamatay ni Beef.
"Lex okay ka na? " Red
ngumiti si Lexi nang pilit.
"My bestfriend just dumped me , im not okay " lexi
nagulat si Red sa sinabi ni Lexi , hindi niya inaasahan na hahantong sa ganung sitwasyon ang dalawa.
"Dumped you? what the hell are you talking about?" Red
"Wag ka ng magtanong please...paiiyakin mo lang ako " Lexi
agad na napayakap si Lexi sa likuran ni Red at binaon ang mukha niya sa likod nito.
"Kuya...sorry sa mga sinabi ko" Lexi
napangiti si Red , minsan lang siya tinatawag ni Lexi na kuya.
"Asus okay lang yun , nga pala susunduin ka daw ni Casper the unfriendly ghost ngayon...magde-date yata kayo" Red
bigla
ng napabitaw si Lexi.
agad napakunot ang kanyang noo
"DATE?" lexi
tumawa naman si Red
"Oo , di niya sinabing date pero kilala ko yung gagong yun.. first time kong pumayag kayat umayos ka..maligo ka na at baka dumating na yun. " Red
napailing nalang si Lexi at napangiti..
alam niyang ginagago na naman siya ng pinsan niya.
*dingdong*
"ambilis! " red
agad tumayo si Lexi at sumilip sa bintana..
"Akala ko ba si Zombie ang darating bakit si Supermanyak? " Lexi
- - - - - -- - - - - - - -
ROBBIE'S POV
"Good morning! " bati ko kay Ulan.
naawa ako nang makita ko siya.
umagang-umaga pero umiiyak na naman.
agad niyang pinunasan ang mga mata niya , tss... nakita ko na yan.
"Ya anyare sa mukha mo? yan ba yung sinasabi ni Lexi" ulan
natawa nalang ako.
kasalanan ko to eh , akala ko magaling akong magninja moves kaso nabisto ako.. hehehe :D
"Oo pero wag ka ng magtanong , kakahiyang mabugbog ng babae " Ako
agad siyang tumawa..
mabuti naman at nakakatawa parin siya , sana lang malagpasan niya tong pinagdadaanan niya.
"Rain kailan ka daw makakalabas dito sa hospital?" ako
ngumiti lang si Rain ng mapakla.
"hindi na ako umaasa kuya , tanggap ko na ang kapalaran ko...peste kasi itong si Leuk." Rain
agad akong lumapit at tumabi sa kanya.
ehem..ehem...kailangan ko na namang sabihin ang pamatay kong speech.
"Rain I survived from two massacres and 5 fvcking psychopaths , Rain lima yun! nahulog pa ako sa hagdan ng dalawang beses...Na paralyze pa ako pero heto ako Rain gwapo padin! Dont lose hope Rain. You can beat leuk " ako
napangiti lang si Rain
ang tigas talaga ng ulo
"Thanks ya...but i guess its better to be prepared for the possibilities. Masakit lang kasi , gusto ko sanang nandito si Lexi kaso hindi ako pwedeng maging selfish" Rain
kaya pala namumugto ang mga mata niya.
nagsinungaling pala siya.
"Rain tama din yung ginawa mo dahil may pinagdadaanan din ngayon sina Lexi...hindi ka pwedeng madamay" Rain
biglang napakunot ang noo niya..
"What do you mean?" Rain
aish...sasabihin ko ba o hindi?
"Ya?" Rain
oo na sasabihin ko na.
there's one thing i learned about those massacres , SECRETS WILL GET YOU KILLED
"Lexi and your other friends joined a suicide pact" ako
biglang nanlaki ang mga mata ni Rain.
kung may langaw lang dito sa loob ng kwarto niya marahil pumasok nadin ito sa bibig niya.
"W..what?" Rain
aish..paulit-ulit
"Lexi joined a------------" ako
"Narinig ko pero sure ka?" sabat ni Rain.
napakamot nalang ako sa ulo....
"Kuya....may kinalaman ba ang nangyaring pagpatay sa suicide pact?" Rain
hindi ko kayang sumagot...
baka madagdagan pa ang inaalala niya..
"Kuya answer me! " Rain
tumango nalang ako..
saglit kaming natahimik..
"Kuya , sumali ako sa suicide pact " Rain
END OF CHAPTER 18
pasensya na kung boring :)
bulalo parati ang utak ko eh... ahihihihi :D
THANKS FOR READING :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro