Chapter 13 : Letter Debunked
RED'S POV
hingang malalim...
tingin sa kaliwa , tingin sa kanan...
wala ang kalaban..
TAKBOOOOOOOO!
*BOGSH*
bwisit may nabangga pa ako.
"Ano ba ang tanga mo na-----" natigil siya sa pagsigaw ng makita niya ako.
"Hala Red sorry ...kasalanan ko , di kita nakita sorry " Jacob
halos hindi siya makatingin sa akin ng diretso.
Takot din yan sa akin.
"BOY CONDOMMMMM KOOOOO!!! " yuki
pakshet nandito na naman yung babaeng yun...
*TING*
BRIGHT IDEA
"Jacob , harangin mo yang babae. siguraduhin mong hindi niya ako masusunduan kundi malilintikan ka sa akin.."
serysoso kong banta sa kanya
agad naman siyang tumango.
dali-dali akong tumakbo palayo.
- - - - -- - - - - -- - - - - -
YUKI'S POV
Si Future boyfie ko tinatakbuhan na naman ako >.<
pwes di ako patatalo , wala pang lalaking bumabasted sa akin..
"BOY CONDOM KOOOOO! " sigaw ko ulit
wapakels me kung pinagtitinginan nila ako.
baliw na kung baliw pero MAGANDA AKO ^__^
nagulat ako nang may biglang humarang sa aking isang lalaking pogi.
kyaaaaaaahhhh! oohlalala *O* ~tulo laway~
ERASE! ERASE! si Red lang dapat
"Ooops ooops! " sabi ng lalaki habang ine-extend yung arms niya para di ako makadaan.
aisssh...
nakakainis >.<
"Ms. pasensya na mahal ko ang gwapo kong mukha .....wag mo muna siyang sundan please" jacob
waaah...kawawa naman si Pogi.
okeyfine..
"K...im Yuki amatransferee and you?" ako
"Ah kaya pala...Jacob...word of advice kung gusto mong mapalapit sa posporong yun , go to alexis...she's great , matutulungan ka niya " Jacob
kyaaa! ambait na ampogi pa pero di naman siya yung nagligtas sa akin kayat no thanks ^_^
"Thanks Edward! " ako
"Edward?" jacob
"TEAM EDWARD AKO , di ko trip si Jacob ... byeeee! " ako
ahihihihihhihihi XD
madadagdagan na naman ang binabalak ko ^__^
Redentor Jeremy Adriano , you'll be mine ...
- - - - -- - -- - - - -- - - -- - - -
LEXI'S POV
iilan nalang kaming mga students ang nandito , yung iba nakauwi na..
Kanina pa ako dito sa parking lot naghihintay kay Red.
nakakainis kasi tong si Red , may sarili akong kotse pero hindi ako tinuturuang mag-drive kakainis! >.< tapos ngayon pinapahintay pa ako.
nagulat ako nang makarinig ako ng spash ng tubig.
"itigil mo na nga to please! ayoko na " sabi nung lalaki
"Bakla ka pala eh...baboy na bakla pa! " sabi nung isa pang lalaki
kilala ko yung boses na yun , si Harvey
siguradong may binu-bully na naman yun
Agad kong sinundan yung boses at nilapitan sila..
hayun si Harvey nga , Tinatapunan niya ng water balloons ang kaklase kong si Beef. buti nalang hindi na paint ang nasa loob ng balloons dahil baka maulit yung nangyari last year kay Marco.
Shit tama!
yung line na YOU TAINTED ME , MADE ME PITIFUL !
Harvey's the sixth sinner!
"Harvey tama na please! " beef
awang-awa na ako kay Beef... Noon wala akong ginagawa sa tuwing binu-bully ni Harvey si Marco. Pero ngayon kailangang may gawin na ako.
ayokong umabot sa sitwasyong may magpapakamatay na naman kayat umawat na ako..
"Harvey what the hell stop this bullshit! " sigaw ko
nagulat silang dalawa dahil hindi pala nila ako nakita.
tinantanan na ni Harvey si Beef na ngayoy basang-basa na pero nakatayo parin siya sa harapan nito.
biglang humarap sa akin si Harvey.
"Wag ka ngang pakialamera, kung makaasta ka para kang kung sinong matapang. Pasalamat ka pinsan mo si Red " Harvey
sheesh... so what kung pinsan ko si Red?
maganda nga yun may protector ako .
"Well , thats the perks of being the cousin of Crazy Red....now tell me , did you recieve a red letter?" ako
parang nagulat yata si Harvey sa sinabi ko dahil nanlaki ang mga mata niya.
based on his actions , alam kong nakatanggap nga siya.
tumango naman agad siya.
bigla siyang napangiti at dahan-dahang lumapit sa akin.
"nakatanggap ako , wag mong sabihing nakatanggap karin? Alexis wag kang magbait-baitan dahil kung nakatanggap ka makasalanan karin. Nasa loob lang yang kulo mo. Oh well malay mo may tinatago ka ring kalandian gaya ni Jane" Harvey
nagulat nalang ako nang biglang may sumuntok kay Harvey.
agad siyang napahiga sa sahig.
"WHAT DID YOU FVCKING SAY??! " sigaw ni Red na siyang sumugod kay Harvey
agad namang itinaas ni Harvey ang dalawang kamay niya na tanda ng pagsuko.
"Wala bro..hehe..nagbibiruan lang kami ng pinsan mo! chill bro! chill! " harvey
ramdam ko ang takot sa boses ni Harvey halos nga pumiyok na ang boses niya.
Si Red naman kasi , nakakatakot masyado kapag galit.
si Beef natakot din yata kayot kumaripas na ng takbo.
"Oras na malaman kong binabastos mo tong utol ko , ihanda mo nalang ang sarili mo. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin! " Red
*PRRRTTTT*
biglang may tumunog na pito.
shit si sir tabs
agad kong pinatayo si Red.
"Ano na namang nangyayari diyan?! " sigaw ni Sir Tabs
"Wala po sir , may lamok kasi na dumapo sa mukha ni Harvey" Red
napatingin si Red kay Harvey kayat agad namang napatango si Harvey.
"Ah opo sir ..wala po " Harvey
"Kayo kung magbubug-bugan kayo gawin niyo sa labas ng eskwelahan! " Sir Tabs at agad na umalis
agad ding tumakbo si Harvey palayo kay Red.
Duwag pala ang gago.
"okay ka lang?" Red
"Oo naman , Si beef ang hindi. basang-basa yun dahil sa bwisit na si Harvey " ako
inakbayan nalang ako ni Red at naglakad na kami papunta sa kotse.
"Lex , kung may gumagawa ng katarantaduhan wag mo nalang pakialaman...hindi ka pwedeng madamay sa gulo nila " Red
"Wag makialam? Red you shouldve seen Beef's face..kawawa yung tao!. You know what happened to Marco right , he committed suicide...hindi niya kinaya ang pambu-bully , ayoko ng maulit yun " ako
"RED! " napalingon kaming dalawa ni Red sa kung sino mang tumawag sa kanya.
aishh.. si Hunter.
"Ano?" Red
"Basketball practice Sakuragi! " hunter
napatingin sa akin si Red..
"Ayoko , uuwi na kami " sigaw ni Red
agad kong hinawakan ang braso niya..
"sumali ka , alam kong gusto mo...tatambay nalang ako dun, hintayin kita " ako
Napangiti agad ang posporo
"Okidoki " Red
________________
napatingin ulit ako sa relo ko , 7:12 na
gutom na ako kayat pumunta nalang ako sa locker ko , may yumyum dun! bwahaha
hindi ako natatakot na mag-isa dito dahil marami namang janitors at guards ang palakad-lakad. Ayoko din kasi sa gym dahil ang ingay ng basketball team.
nagulat nalang ako nang biglang may kumuha ng yumyum ko..
"KYAAAAAA! YUMYUM KOOOOOO! " ako
shit si Casper lang pala.
agad niyang binalik sa akin ang yumyum ko nang makakuha na siya ng chocolate.
"Patas na tayo , kinain mo yung lollipop ko." Casper
"UWAAAAAA ! ANONG KLASENG LOLLIPOP?! UMAYGAD! ALEXIS I CANT BELIEVE IT! "
nagulat ako nang may biglang sumigaw..
paglingon ko si Peter pala
tinakpan niya ang bibig niya gamit ang kanyang kamay. para bang nagulat.
KYAAAAAAA! GREEN ALERT!
*POK*
ayun binatukan ni Casper
parang bata naman si Peter na agad na tumakbo palayo.
gago talaga.
"Casper kilala ko na ang fiftth at sixth sinner , sina Jane at Harvey..confirmed pero di rin nila kilala ang sender " ako
tumango lang si Casper
"May hinala na ako kung sino ang seventh... samahan mo ako " Casper
nagulat ako nang makarating kami sa opisina ni Sir Tabs...
"Distract him " Casper
"What?! " ako
napa-smirk lang si Casper loko-lokong zombie.
hindi na ako nakapalag pa dahil nagtago na si Casper kayat naiwan akong nakatayo doon sa harapan..
shit naman oh...
*knock knock*
biglang bumukas ang pinto , shit naman oh..
"O Ms. Conception anong meron?" sir tabs
isip...isip....
"Sir may nagbubugbugan po sa labas awatin nyo po! Nagkakabasagan na po sila ng ngipin! bilisss takboooo! " Sigaw ko
"HA?" sir tabs
shit wa epek
"SIR NAGBABASAGAN NA SILA NG BUNGO TAKBOOOOO! " ako
agad naman siyang tumakbo
siyempre sumunod nalang ako sa kanya , mahirap na.
- - - - -- - - -- - - - - - -
CASPER'S POV
nang makaalis na sila ay dali-dali akong pumasok sa opisina niya.
makaraan ang ilang minuto ay sa wakas nahanap ko na ito.
sinasabi ko na nga ba , si sir tabs ang panghuling nakatanggap ng sulat.
ang kanyang kasalanan YOU SILENCED ME
sa kanya parating nagsusumbong si Marco noon pero ipinagwawalang bahala niya ito. Wala siyang ginawang tamang aksyon pero hindi ko siya masisisi.. Exlusive Elite school to kayat lahat mayayaman at makapangyarihan , walang magagawa ang isang guro dahil pera parin ang nasusunod.
agad na akong lumabas sa opisina para hanapin si Lexi , kawawa baka mapagalitan yun ni Sir Tabs dahil sa pagsisinungaling.
ngunit habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Seb.
hindi kami nagpapansinan ni Seb pero napansin kong hindi nakatali ang sintas niya.
pagkakataon ko nato.
"Seb yung sintas mo " saad ko sa kanya nang makitang hindi na ito nakatali.
agad naman siyang tumigil sa paglalakad at inayos niya ito...inikot at tinali niya ito ng TATLONG beses......tapos pinagpagan din niya ang sapatos niya ng TATLONG beses.
"Salamat " seb
at agad naman siyang naglakad paalis.
naglalakad ulit ako nang makasalubong ko na sina Lexi at Sir Tabs.
"lokong mga bata , salamat alexis " sir tabs
wow , naniwala talaga si Sir Tabs.
imba talaga nitong si lexi paano niya kaya yun napaniwala.
nang pumasok na si Sir Tabs agad akong tinanong ni Lexi.
"O ano na? Ano ba yung hinahanap mo dun? nagsinungaling pa talaga ako kay sir..." Lexi
napakamot agad siya ng ulo niya
"Sulat...........si Sir tabs ang pampito " ako
bigla siyang tumigil sa paglalakad
bakas sa mukha niya ang pagka-excite
"So kilala mo na kung sino ang sender?" lexi
napangiti lang ako sa kanya
"We'll see " ako
agad naman siyang nagpout.
hindi ko na napigilan ang sarili ko kayat pinisil ko na ang cheeks niya... ang cute , parang bata.
agad niyang hinampas ang braso ko
"Hoy , how dare you im not a kid anymore " lexi
nainis yata. hahaha
"ALEXIS! nandiyan ka lang pala! " sigaw ni sakuragi na tumatakbo palapit sa amin.
nagkatinginan kami ni Red.
agad naman itong napangiti , ngiting nakakaloko.
bwisit pag ako di makapagpigil tatamaan to sa akin.
"Tara Red , gutom na ako" lexi
tssss.. sana sinabi niya sa akin kanina para kami nalang ang magkasabay.
"Hoy Casper sa bahay ka na mag-dinner " sakuragi na nakangiti parin ng nakakaloko
umiling lang ako..
may gagawin pa ako...
- - - - -- - - - -- - - - - -- - - - -- - -
THIRD PERSON'S POV
Mag-aalas nwebe na pero hindi parin umuuwi si Seb.
kasalukuyan siyang mag-isang nag-aayos ng mga dokumento para sa kanilang school paper sa loob ng JOURNALIST'S OFFICE.
saglit siyang lumabas para bumili ng kape mula sa vending machine.
malayo ito mula sa opisina.
pagpasok niya sa opisina nila ay laking gulat niya nang maabutan niya doon si Casper na nakaupo na sa kanyang silya.
naghihintay ito sa kanya..
seryoso ang mukha ni Casper at para bang galit.
galit na galit...
biglang kinabahan si Seb..
sa kaba niya ay hinawakan niya ang kanyang kamay at inikot niya ng tatlong beses ang kanyang suot na singsing.
"SINASABI KO NA NGA BA.... " mahinang bulong ni Casper at agad na napa-smirk.
"A...anong ginagawa mo dito?" halos utal-utal na tanong ni Seb..
napailing lang si Casper.
"Ikaw...anong ginagawa mo? bakit mo kami binigyan ng mga sulat?" tanong ni Casper habang nakatingin kay Seb ng diretso.
END OF CHAPTER 13
THANK YOU SO MUCH FOR READING :))
VOTE and COMMENT :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro