Chapter 12 : Bitchfriends
LEXI'S POV
"WAG SABIHIN SA AKIN ANG ANO?"
nanlaki ang mga mata namin ni Casper.
agad kaming nagkatinginan.
Shit nasa likuran ko si Red.
narinig kaya niya?
smile lexi , calm down
agad akong humarap sa kanya
"Ha?" ako
"Anong di niyo sasabihin sa akin?" Red na nakangiti ng nakakaloko
binigyan niya ako ng UYYYY look
Si Casper walang imik.
Napakamot nalang ako sa ulo ko at napangiiti.
"Ah Yun Ba? A--------" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang may babaeng lumapit sa kanya.
"SAVIOR KO!!!!!!! " babae
shit! siya yung babae sa pharmacy! hahahaha ! ano kayang nakain ng babaeng to at panay ang pagsunod sa pinsan ko? hahahah
nagbago ang expression sa mukha ni Red , parang takot!
"Layuan mo ako! ALLERGIC AKO SAYO!!!!"
sumigaw si Red ng pagkalakas lakas at tumakbo palabas na parang bata
tawa kami ng tawa
sino ba tong babaeng to?
oh well , savior ko na din siya.
biglang humarap sa akin yung babae.
"Hoy Ikaw! oras na malaman kong nilalandi mo si Savior ko malilintikan ka sa akin! " Banta ng babae sa akin. Ang cute niya tingnan kayat natawa nalang ako.
medyo malakas yata ang sigaw ng babae kayat pinagtinginan kami ng lahat.
siyempre , highschool kami eh kayat nonstop bulungan at chismisan ang sumunod na nangyari. yung iba tumatawa narin dahil nagmumukhang tanga yung babae. pagselosan ba naman ang pinsan! haha
Pero ako tawa parin ako ng tawa.
"Anong nakakatawa? Akin lang si Red! " babae
nainis yata siya ng makita niya akong tumatawa.
"Chill ka lang! And EWWWWWW! gross! di ko papatulan yun. Pinsan ko yun! Bleee :P " ako
biglang nawala yung inis sa mukha niya, napalitan naman agad ito ng napakalapad na ngiti.
"Hala Alexis sorry ikaw pala yan! Sorry talaga! Alexis huhuhu " agad naman siyang nag-bow ng maraming beses. Pati nga sa ibang nakatingin sa amin nag-bow din siya.
korean kami kaya ganyan ang gestures :)
pero tinawag niya akong alexis? di ko siya kilala -_-
"kilala moko?" ako
"Ay sorry di mo nga pala ako kilala. Ako si Yuki , kaka-transfer ko lang dito..nice to meet you sorry talaga..I'll be part of your family soon" yuki daw.
bigla namang umalis si Yuki.
ewan ko saan pupunta yun , uso na ba talaga ang topak ngayon.
"Ano na nga yung pinag-uusapan natin? ang gulo nila " ako
napangiti lang si Casper.
wow , nakakarami na to ng ngiti ah.
"We need to find out kung kanino yung ibang mga kasalanan para malaman natin kung sino yung mga binigyan " Casper
"Lex sundan mo muna yung pinsan mo , baka magahasa nung yuki " Casper
hahaha
si Yuki pa talaga ang manggagahasa? haha
agad na akong umalis..
hindi naman kasi yun sanay si Red na may babaeng humahabol sa kanya , oo maraming nagkakagusto kay Red pero niisa sa kanila walang lakas ng loob na lumapit dun.
asan kaya yun?
si Rain din kanina ko pa hinahanap , bigla nalang nawawala. nakakainis tong mga taong to.
nakakaramdam na naman ako ng tawag ni Mother Earth kayat magc-cr muna ako.
pagpasok ko dun nagulat ako nang madatnan ko si Jane na sumusuka sa sink tapos parang umiiyak.
hindi ko namalayang nakatayo lang pala ako doon tapos nakatitig pa sa kanya.
"Anong tinitingin mo diyan?" Jane
nakakabwisit yung tingin niya sa akin , i hate mean girls.
"Tinitingnan ko ang tiles! its unique , hindi plastic " ako
"Tsss" jane
"Assuming" bulong ko
ang taray talaga ng babaeng to , ang sarap ibagok sa sink ang mukha niya.
pumasok nalang agad ako sa cubicle.
Paglabas ko andun na si Jane sa toilet na katabi ko , doon na siya sumusuka. Hindi nga niya isinara ang pinto eh , bitch talaga.
naawa ako dahil halatang nahihirapan siya kayat lumapit ako sa kanya at hinawakan ang buhok niya at iniangat ito. Mahirap na baka malublob doon sa toilet.. nyahaha XD
sandali siyang tumigil sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin.
"Ano sasabunutan mo ako kahit nakikita mong ganito ang lagay ko?" Jane
napailing ako
"hindi ako kagaya mo...Tinutulungan kita kayat umayos ka kung ayaw mong ilublob ko tong mukha mo sa toilet gets?" ako
bigla siyang tumawa....
"Lex you know what? Im pregnant ....." Jane
nagulat ako sa nalaman ko...kaya pala medyo lumulobo siya ngayon
napansin ko agad na tumutulo na ang luha niya.
ngunit mas nagulat ako dahil sinabi niya sa akin... hindi na kasi siya yung bestfriend namin ni Rain noon.
"And guess what sinong ama? " Jane
bigla ulit siyang tumawa
yung totoo! nasasapian na ba silang lahat ni Red?!
Diyosmio marimar..
pero yung ama ng anak niya... siguradong si Aries.
Ganito kasi yan, Mag bestfriends kaming tatlo ni Jane at ni Rain. Tapos boyfriend ko yang si Aries kaso hiniwalayan ako para kay Jane. Ito namang si Jane sinagot agad si Aries , hindi man lang naghintay ng isang araw after kami maghiwalay. Siyempre bitter ako, ang sakit kaya tinraydor ako tapos proud na proud pa ang loka di man lang nag-deny.Nalaman ko pa na matagal na silang naglalandian. Kaya ayun, kami nalang ni Rain ang natira.
"Aries is the father....ano galit ka na no? " Jane
diyos ko pigilan mo ako gusto ko na talagang ilublob ang mukha nito sa toilet.
pero kawawa naman siya , di niya naman deserve ang sitwasyong to eh.
"Of course not....Jane thank you " ako
napatingin agad siya sa akin.
ngumiti ako sa kanya ng tipid.
sa wakas masasabi ko na sa kanya ang matagal ko ng gustong sabihin.
"Kung hindi mo siya inahas , edi sana ako yung nabuntis ngayon...kung hindi mo siya inahas sana hindi ko narealize na di ko naman talaga siya mahal.... Kayat Jane thank you " ako
bigla siyang napangiti...
"Oh really? youre just saying that para di ka magmukhang kawawa" Jane
"You saying amalayer? well believe it or not im better off without that good for nothing S.O.B ... after 3 days nga nakaget-over na ako sa kanya. " ako
"You havent change a bit alexis... youre still a bitch... " Jane
napatingin ako sa kanya at agad napangiti.
"im still your bitch Jane , that will never change... " ako
biglang ngumiti si Jane. Yung ngiti niya ay kagaya na nung dati. Siya parin yung bitchfriend namin.
nakakatuwa lang dahil pagkatapos ng ilang buwang walang pansinan , sa ganitong sitwasyon pa kami makakapag-usap ng maayos...siya nakaupo sa sahig habang nakaharap ang mukha sa toilet tapos ako nakatayo para hawakan ang buhok at himasin ang likod niya.
"Im sorry .... sorry sa nagawa ko..di ko alam kung bakit ko ginawa yun....I was so stupid nang ipagpalit ko siya sa inyo ni Rain... sorry...I love you bitch...."Jane
thank you lord...
at last maayos na ulit kami...
^____________^
"Yeah...we'll always love you bitch ..kaya bilisan mo na diyan dahil nangangalay na ako " ako
nagtawanan agad kami.
"Lex...paano nato? ano nalang ang sasabihin nila sa akin?" Jane at nagsimula na namang umiyak.
huminga muna ako ng malalim..
"Jane alam mo ang tao , kahit na anong gawin mo may sasabihin parin yang negative.... Kapag taba ka , sasabihin nilang baboy ka . Kapag payat ka naman , sasabihin nilang lampa ka. Kapag masama ka , andami nilang insulto pero kapag mabait ka naman sasabihan ka naman nila na plastic ka. Kapag maganda ka andaming insecure sayo at parati kang sinisiraan tapos kung pangit ka naman , andming insulto...Kahit na anong gawin mo jane they'll judge you... madaling sabihin na wag magpaapekto...pero jane , Magbingi-bingihan ka nalang.... tayong tatlo ni Rain , magiging bingi tayo....We'll be with you whatever happens " ako
niyakap ko nalang agad siya...
oo madami siyang nagawang mali pero di naman ibig sabihin nun tatalikuran namin siya..
bitchfriends forever kaya kami kayat di namin to pababayaan.
"Thanks Lex..." Jane
ngumiti lang ako...
"Sino pa ang nakakaalam sa sitwasyon mo?" ako
napatingin sa akin si Jane..
"Si Marco...siya yung unang nakaalam...daddy niya yung doctor ko."Jane
di naman sila close ni Marco eh...
ay tama! inlababo si Marco sa kanya!
tanungin ko kaya..
"Jane..matanong lang.... may natanggap ka bang pulang sulat?" ako
tumango si Jane
"Oo bakit? teka paano mo nalaman ang tungkol doon?" Jane
YUN! 1 found !
"I got a letter too.... he left me a message , galit siya sa akin" ako
tumango si Jane
"Saakin din... nagalit siya sa akin ng hindi ko tinanggap ang alok niyang maging ama ng anak ko" Jane
hanga din ako kay Marco , mahal niya talaga si Jane kahit binabaliwala lang siya nito.
Marco's a good person kaya naaawa ako sa kanya sa tuwing binu-bully siya ng iba.
naglalakad na kami papuntang classroom nang bigla akong mabangga ni Seb.
Ang tigas ng maskels ni kuya! *O*
sakit -_-
kasama niya pala si Harvey.
"Sorry lex di kita nakita " Seb at agad na napangiti.
napa-cross nalang ng kanyang braso si Jane nang makita niya si Harvey.
"Andito naman pala kasi si Harvey the plague kayat mamalasin ka talaga" Jane
the plague ang bansag kay harvey dahil kung nasaan siya , nandun ang gulo.
bigla namang nag make-a-face si Harvey kay Jane.
heto na naman , Bully vs. Bitch
pumasok agad si Seb at Harvey sa kabilang room.
ang weird talaga ni Seb , everytime bubuksan niya ang doorknob ay iniikot niya ito ng tatlong beses.
END OF CHAPTER 12
Pasensya na kung sabaw , yan lang ang kinaya ni Author eh.. nyahahaha :D
THANKS FOR READING :))
VOTE and COMMENT :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro