Chapter 10 : Letters
LEXI'S POV
Nang makauwi na si Casper ay agad na akong nagtungo sa kwarto ko.
ayoko nang ma-late bukas kayat inayos ko na ang mga gamit ko.
habang nag-aayos ako ng bag ay bigla kong nakita ang isang sobre.
ay tama yung pulang sobre, nung nakaraang araw! haha..ang tagal na pala nito sa bag ko.
bakit parang kakaiba yata ang sobreng to , may tatlong lasong nakatali.. Tatlo talaga?
agad ko itong binuksan at binasa ang nakasulat...
"You tainted me, made me pitiful...
You Pushed me down when everyone's around...
You silenced me...
You ridiculed my false hopes...
You took the only thing I had and put it around your neck...
I held out my hand to you but you let me go...
You deleted me from your eyes...
On the 27th of october you'll find me in the corner...
Im hanging upon a noose that you made me wore...
On the day I died ... I curse you...
I hope your happy..."
Naramdaman kong nagtayuan ang balahibo ko habang binabasa ko yun.....
Bigla kong naalala si Marco.
Marco committed suicide last october 27. Marahil ito ang suicide note niya. Hanggang sa pagkamatay niya ay galit parin siya sa akin.
biglang tumulo ang luha ko.
hindi ko maiwasang ma-guilty dahil alam kong may kasalanan ako sa kanya.
"Lexi na mukhang beki ! "
biglang pumasok si Red sa kwarto ko na hindi man lang kumakatok.
nagulat siya nang madatnan nya akong umiiyak.
"Anong nangyari sayo? bakit ka umiiyak? " red na nag-aalala
agad akong napatawa
"Naalala ko kasi yung dare mo kanina , naiiyak ako sa kakatawa " ako
kumunot agad ang noo ni Red at tumabi sa akin sa sahig.
"Wag na wag mo ng ipapaalala yun kung ayaw mong pektusan kita"Red
"bakit ba? sinong nagpaiyak sayo ipapagahasa ko kay Peter "dagdag pa niya
natawa nalang ako
loko-loko talaga dinamay pa si superman! XDD
"Do you think Galit parin si Marco sa akin?" ako
parang nagulat naman si Red sa sinabi ko.
agad niya akong inakbayan.
"Hell No...hey its not your fault na hindi mo siya maalala." Red
heto na naman ako sa problema ko..bakit ba hindi ko maalala si Marco?
kahit na anong pilit kong alalahanin , wala eh.
"Red bakit di ko siya maalala? kahit na anong pilit ko , hindi naman kami nagkakilala until highschool diba?" ako
napangiti lang si Red at tumayo.
inayos niya yung bedsheet sa kama ko... Tatay/yaya ko kasi yan. haha
"Alam mo ganyan talaga , mga bata pa kasi tayo nun...wag mo ng isipin yan..di yun galit sayo...if di mo maalala so be it..Wag mo nang piliting alalahanin ang nakalipas please....ang isipin mo ay yung dare mo bukas... bwahahaha " Red
*pok*
ayun binato ko ng notebook
gago eh...
"Red kamusta daw si tom? " ako
napailing lang si Red
"Gabi na matulog ka na...Nainom mo na ang gamot mo? " red
tumango agad ako
"By the way may letter ka" dagdag pa ni Red tapos ibinigay sa akin yung black letter.
naman oh , bakit andaming anonymous letters ngayon? -_-
Kinabukasan kinalimutan ko nalang ang tungkol kay Marco. Kung galit parin siya sa akin wala akong magagawa kundi ipagdasal nalang na sanay mapatawad niya ako.
biglang lumapit sa akin si Peter
"Lexi.... its time" superman
"Tsss" ako
"Sige na ready na yung intercom dun " Raven
naghigh-five pa ang dalawang mokong at nagtawanan
Ipabugbog ko kaya to kay Red...
"Napapakiusapan din naman ako......Pwede ding mag-pole dance ka nalang tapos ako yung gagawing pole " Peter
*POK*
ayun sabay naming binatukan ni Raven.
ang ayoko sa lahat ay yung binabastos ako ~_~
agad kong hinatak ang kwelyo niya.
"Peter Pervert magtigil ka! pag ako nagalit mas malala ako kay Red kayat umayos ka! " banta ko sa kanya
parang natakot yata si Peter kayat agad umayos at ngumiti ng napaka-inosente.
"Lexi naman oh , joke lang peace tayo...mag-brad tayo ha? peace tayo lexi.." Peter
inirapan ko nalang siya at naglakad papunta sa intercom control room.
pagdating ko doon , agad akong nagsalita sa microphone..
"PAGING MS. ALEXIS COLEEN CONCEPTION , PLEASE LOOK FOR ME.....AGAIN , PAGING MS. ALEXIS COLEEN CONCEPTION , PLEASE LOOK FOR ME IMMEDIATELY"
paglabas ko doon , halos lahat ng tinginan nasa akin.
shit naman oh...
ang nabunot ko lang naman kasi..
"PAGE YOURSELF OVER THE INTERCOM AND DONT DISGUISE YOUR VOICE."
agad akong sinalubong nila Red na tawa ng tawa.
"Im so proud of you bunsoy!! "Red at inakbayan pa ako. Sina rain naman tawa din ng tawa.
*Kriiiiiiing*
agad na kaming nagsibalikan sa kanya-kanya naming classroom.
papasok na sana ako nang bigla akong tinawag ni Sir Tabs.
hindi ko pa pala natatapos yung oras ko para detention. Inexcuse muna ako para maglinis. Sina Red kasi natapos na nila.
hahayy...
naglalakad ako sa corridors mag-isa , ang tahimik na ng paligid...
nagulat ako nang makarinig ako ng mumunting ingay.
sinundan ko agad ito at nagulat ako nang maabutan ko si Casper na sapilitang binubuksan ang isang locker.
"Hoy Zombie anong ginagawa mo diyan?" ako
agad naman siyang umakto na parang walang nangyari.
nagulat ko yata.
"Gaya ng sinasabi ni Candace kay phineas at ferb , YOURE BUSTED! " biro ko
agad siyang napakamot ng ulo niya.
"Its not what it looks like...initusan nila akong linisan ang locker nila Carlo kaso nawala ko yung susi" cold na pagkasabi ni Casper.
di naman yata sinungaling si Casper kayat tutulungan ko nalang.
agad akong lumapit sa kanya.
nakita kong screw driver pala ang ginagamit niya para buksan ito pero di parin umuubra.
"Aish...di uubra yang screw driver mo " ako
nalito naman agad siya sa sinabi ko at napatingin sa akin.
agad kong kinuha ang hairpin na nasa buhok ko.
konting kalikot....
"OPEN SESAME! hahaha " ako
agad na nabuksan ang locker ni Carlo
"Nice " casper
wow , first time yata akong makarinig na nagcompliment siya..hahaha
nagulat ako nang makita ang laman ng locker ni Carlo..
May dalawang sulat....
dali-dali kong kinuha yung pulang sobre
"Hoy bawal yan " casper
hindi ko na siya pinansin, sa halip ay binasa ko ito para masigurado kung kapareho ba ito sa akin.
ito nga yun
madami pala kaming nakatanggap ng ganito..
"You okay?" Casper
napatingin ako sa kanya...
"I got a letter exactly like this " ako
parang nagulat din si Casper....
sandali kaming natahimik...
"Me too" casper
- - - - -- - - -- - -- - -
CASPER'S POV
Shit pati si Lexi damay din pala dito.
"Me too" ako
halatang nagulat si Lexi sa sinabi ko..
tiningnan ulit ni Lexi ang locker ni Carlo. Nakuha niya mula doon ang isa pang sobre.
Isang itim na sobre.
"I know the red letter is about Marco's suicide pero itong itim na sulat ang hindi ko maintindihan. " Lexi
halatang naguguluhan si Lexi habang paulit-ulit na binabasa ang laman ng itim na sobre.
pero ako man ay nagulat din.
Hindi ako makapaniwalang sumali si Lexi sa suicide pact. Akala ko perpekto yung buhay niya. Siguradong hindi ito alam ni Red at kung malalaman man ito ni Red , sigurado akong masasaktan yun.
Ako, nagawa kong sumali sa suicide pact dahil impyerno yung buhay ko. Oo nga matalino ako at mayaman pero ni katiting na pagmamahal mula sa mga magulang ko ay wala. Magpapakamatay sana ako nung oras na yun kung hindi lang dahil kay Lexi.
"Hoy Casper!" lexi
agad akong nabalik sa reyalidad
"Sorry...Ano nga yun?" ako
"Did you get a black letter too?" Lexi
tumango nalang ako.
agad kong isinara ang locker ni Carlo.
hinawakan ko ang kamay ni Lexi at hinila siya papunta sa locker ni Tom , agad naman itong binuksan ni Lexi.
"Kaninong locker to?" Lexi
"Kay Tom...Tom died yesterday...he never made it to the hospital alive " ako
nanlaki ang mga mata ni Lexi.
kitang-kita ko ang lungkot at pagkabigla niya.
"What?!" lexi
shit antanga ko! tanga!
kabilin-bilinan sa akin ni Red na ilihim lang kay Lexi ang nangyari.
"Please dont tell Red na sinabi ko " ako
tumango lang si Lexi , pero alam kong naguguluhan parin yan.
agad kong tiningnan ang nasa loob ng locker.
nagulat ako nang makitang may dalawang sulat din doon.
Ngayon , sigurado na ako.....
Ang lahat ng mga pinapatay ay nakakatanggap ng sulat.
Ang tanong ko lang ngayon ay alin sa dalawang sulat.
END OF CHAPTER 10
THANKS FOR READING :))
Vote and Comment :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro