Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 : No way out

Author's Note : What you are about to read is the 2012 unedited version of this story. This was written wayyy informally and has too much flaws, perhaps I can refer to this as a work on my jeje era. Sa book two ko pa nabago ang writing style ko (yet still dami paring flaws) kayat naway pagtyagaan niyo ang pagiging jeje nito. I'll edit the writing style as soon as I finish my other stories :))) 

 Well this is it... Hope you enjoy! :)

- - - - - - - - 

MARCUS’ POV

 

 

Naglalakad ako sa pasilyo ng eskwelahan.

Madilim ang paligid at tanging ang Flashlight na dala-dala ko lang ang gumagabay sa akin. Mula sa pagpasok ko ay wala akong nakitang kahit na sino.

Ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko pero kahit ganun, kailangan kong tuparin ang kasunduan namin. Kailangan kong tapusin ang lahat ng paghihirap ko ngayon dahil hindi ko na kaya pang mabuhay sa impyernong to.

Nasa harapan na ako ng pintuan patungo sa auditorium. Nasa kamay ko ang isang lubid at laptop.Bago pumasok ay nagdasal muna ako , alam kong malaking kasalanan ang gagawin ko pero ito nalang ang alam kong paraan para hindi na ako mahirapan pa.

Huminga ako ng malalim, pagkaraay agad na binuksan ang pintuan…

taliwas sa inaasahan ang naabutan ko. Walang katao-tao doon. Umakyat ako sa stage dahil baka nagtatago sila o di pa lang dumarating. 

Habang ikinakabit ko ang lubid ay bigla akong nakaramdam na para bang may nagmamasid sa akin. Malakas ang kutob kong hindi ako nag-iisa dito. "Hindi ko alam kung sino ka pero ma-swerte ka dahil makikita mo ang pagtatapos ng paghihirap ko!" sumigaw ako kahit na hindi ako sigurado kung may ibang tao nga ba.

Nakahanda na ang lahat. Oo wala pa sila pero kailangan ko parin namang gawin to.

Dahan-dahan akong umakyat sa upuan para ikabit sa lubid ang ulo ko. "For all the days I have endured, today's the day that I adjourn"

Biglang nagbalik sa akin lahat ng pinagdadaanan ko. Lahat ng insulto, lahat ng pambubugbog at lahat ng pagpapahiya. Di ko mapigilang mapaiyak.

Biglang tumunog ang cellphone ko kayat sandali ko itong kinuha. Bumungad sa akin ang wallpaper kung saan magkasama kami ng nanay ko. Naaalala ko ang lahat ng pagtitiis niya sa kamay ng mapag-abuso kong tatay.

Hindi ko kayang iwan ang nanay ko kayat dahan-dahan kong hinawakan ang lubid at akmang tatanggalin ngunit nagulat ako nang biglang may sumipa sa upuang kinatatayuan ko.

“Shit! T-tu-tulong!! “ sigaw ako ng sigaw dahil halos hindi na ako makahinga. Nakabigti parin ako doon, pilit kong hinahawakan ang tali sa leeg ko pero sadyang napakasikip na nito.

Biglang may naglakad papalapit sa akin

"Tul..ungan….moko…" hirap na hirap na ako sa pagsasalita. Pakiramdam koy tuluyan na akong malalagutan ng hininga…

"This is our pact , walang urungan Marcus" wika niya

Hindi ko maaninag ang mukha ng nagsasalita, madilim ng paligid at nagiging malabo na ang tingin ko.

Binabawi ko na ang lahat. Gusto ko pang mabuhay para sa nanay ko. Diyos ko tulungan mo ako.


narinig kong tumatawa siya habang naglalakad paalis...

 

 

 

- - - - - -

RAIN'S POV

 

 

Binuksan ko ang locker ko para kunin ang mga librong gagamitin ko mamaya. Ngunit isang itim envelope ang nahulog mula dito. Agad ko itong punulot.

To : Lorraine Elise Chen nabasa ko sa likuran nito pero walang nakalagay kung kanino galing. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Agad kong binasa ang nasa loob nito..

"NO ONE SHALL BREAK OUR SUCIDE PACT……”

kinilabutan ako sa nabasa at agad na binalot ng takot ang kabuuan ko. Kanino galing to?! Paano niya nalaman ang totoong pangalan ko?! Kailanmay wala akong pinagsabihan ng totoo kong pangalan nang sumali ako sa suicide pact.

Sa isang chatroom lang kami naguusap-usap at tanging username lang ang pagkakakilanlan namin.

Dali-dali ko itong pinunit.

Sumali ako sa isang kasunduan ngunit hindi ko ito tinupad. Natauhan ako kayat umatras ako. Pero ngayon, natatakot ako kung ano ang magiging consequence sa pagtalikod ko nito..

 "Red naman eh! ang sagwa na talaga ng buhok mo para kang isang unggoy na nasubsob sa ketchup" Narinig ko ang boses ng bestfriend ko kayat dali-dali kong inayos ang sarili ko at itinago ang lahat ng ano mang tungkol sa pact.

rinig na rinig ko ang bangayan ng dalawang nasa kaliwa ko. Tiningnan ko sila at hayun na nga, tama ang hinala kong Nagbabangayan na naman ang bestfriend kong si Lexi at pinsan niyang si Red.

napakamot ng ulo si Red at agad na tinakpan ang tenga niya na parang bata habang dumadaldal si Lexi. Matagal ng ganyan ang kulay ng buhok ni Red kaya nga Red tawag naming lahat sa kanya eh. 

Si Red ang pinakasiga sa school namin. Kinatatakutan siya ng lahat dahil sa kanyang reputasyon.

Siga, Basagulero at Bully yan ang pagkakakilala ng lahat sa kanya. Kapag natatanaw ng lahat ang isang lalaking pula ang buhok ay agad silang tatahimik at iiwas. Nakakatakot makaaway si Red. There's a reason why he earned the title CRAZY RED

Pero sa amin iba si Red, Mabait naman siya kaso parang maluwag ang tornilyo sa ulo. Takas sa zoo, kumbaga.

Malaki ang pagkakaiba nila ni Lexi, Si Lexi kasi yung Little Miss Sunshine ng campus. Tawa lang ng tawa na parang walang problema at parang bata kung umasta. Kaya lang dahil kay Red, natatakot ang iba na lumapit sa kanya.

Dahil sa kanilay pansamantala kong nakalimutan ang tungkol sa sulat..

"Oy Rain ba't ka tumatawa diyan?!" sigaw ni Red sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"May kamukha ka kasi eh" tugon ko habang tumatawa parin.

"Sino? Ian somerhalder? Channing Tatum? Andrew Garfield" Red

Shit grabe ng confidence level ng unggoy na to! Si Lexi naman tawa lang ng tawa habang tinatakpan ang bibig niya

 

"Si Elmo" I answered.

 nawala ang ngiti sa mukha niya

"Elmo magalona?! yucks rain mas pogi ako doon " red

"Elmo as in yung Elmo sa sesame street!" sigaw ko sa kanya at agad kaming nag high five ni Lexi.


Nawala ang ngiti sa mukha ni Red nang makita niyang pinagkaisahan namin siya dahil patuloy parin kami sa pagtawa.

"Sabihin nyo na ang lahat pero alam ko namang gwapo talaga ako" sabi ni Red sabay ayos ng buhok niya. Wow ha! Taas ng confidence level ni Manong!

Biglang humawak si Lexi sa lockers. "Tulungan niyo ako natatangay ako sa napakalakas na hangin!"

"Red bawal ang bad words!" pang-iinis ko naman sa kanya.

Napa-smirk lang si Red sa mga sinabi namin. Leche, di siya nainis? naman oh!

Bigla niya kaming inakbayan ni Lexi. Nakatayo lang siya sa gitna namin at nagbigay ng kanyang pamatay na kasabihan.

"Ang pagiging gwapo ay wala sa panlabas na anyo Kundi nasa paglabas ko ng pinto " Red

Napa facepalm nalang kaming dalawa ni Lexi. Confidence level nga naman..


Biglang tumunog ang Sound System ng buong school at sinasabihan kaming lahat na pumunta sa gymnasium para sa prayer vigil kay Marcus.

Napakarami namin sa corridors, lahat ay papunta na sa kani-kanilang classrooms pero lahat sila nakadungo lang. Sigurado akong natatakot sila sa CRAZY RED ng campus.

----------------------

Nakatayo kaming lahat sa gym habang may dala-dalang mga kandila. Nagkaroon kami ng kaunting misa para kay Marcus nagpakamatay kasi siya 2 days ago

At dapat ang kasabay niya ay ako..... Kami

Umurong ako...hindi ako tumuloy

Pero ang ipinagtataka ko ay bakit si Marcus lang ang nabalitaan kong nagpakamatay. Umurong din kaya ang iba?

Pagkatapos ng misa ay pumunta agad ako sa Comfort room. Gamit ang laptop ko ay agad kong pinuntahan ang chatroom kung saan kami nag-uusap usap ng mga kasali din sa kasunduan ngunit laking gulat ko dahil wala na ito.

END OF CHAPTER ONE

- - - - - - ---

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro