Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Break





Ilang minuto akong nakatulala after that call. I won't lie na hindi ako takor for my safety, pero mas takot ako sa safety ng parents ko. I've longing to be with them for so long. Lumaki ako na sa ibang tao ko nakuha yung love na gusto kong makuha sa kanila.

Hindi ko din naman sila sinisisi dahil I know na hindi din naman nila gustong mangyari ito sa amin lalo na si Daddy. I'm scared din naman na malaman na may banta sa life ko. Marami pa naman akong plan with my family and ofcourse with Julio.

Sometimes I think din of becoming a Mom. Pagkakaroon din ako ng sarili kong baby na kasing cute ni Gianneri. Hindi naman niya need na magselos dahil kahit may sariling baby na ako ay hindi magbabago yung love ko for her.

Nanlabo ang mga mata ko because of the tears that was about to fall. Mabilis kong pinahiran iyon para naman hindi na tumulo sa pisngi ko, I'm tired na mag-retouch pa kaya iiwasan ko na lang.

Humaba pa ang nguso ko, "Sayang naman ang ganda ko if mamamatay lang nang maaga," pagkausap ko sa aking sarili.

Gusto kong pagaanin ang loob ko kahit ang totoo ay hirap na hirap na din ang kalooban ko. I don't know kung sa paanong paraan ako makakatakas sa pagitan ng parents ko and ni Julio. I want to be their support sa mga decision nila sa life, I want to be there to be an ally and not kalaban.

Wala sa sarili kong ginalaw ang money for the plantation. I just need to check and signed this bago sana ipasa kay Tito Keizer pero iba ang ginawa ko. Half of it ay ipinasa ko sa aking personal account.

Thru my personal account ay inaayos ko na kaagad ang plane na hinihingi ni Mommy. I'm scared sa ginagawa ko, I will surely lose yung trust ni Tito Keizer sa akin.

I know that it's bad to betray yung taong itinuring akong parang anak niya. But my parents is asking for my help and I don't know what to do anymore. It's better na sigurong mag steal ako from him kesa naman I'll drag him sa situation na mas lalo niyang ikakapahamak.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko if ever na madamay sila dahil sa akin. I will protect them at all cost.

Wala akong strenght na pumunta sa bahay ni Julio after work. Maganda lang talaga ang face ko but its not that makapal naman na I can face him pa even after gumawa ako ng kasalanan.

In every action that I make, pakiramdam ko palaging may masasaktan. It's like a domino effect na kahit I want to protect them ay nasasaktan ko sila nang hindi ko namamalayan.

"Ang aga mo atang umuwi ngayon...walang date?" puna ni Yaya Esme sa akin and pang-aasar pa.

Nginusuan ko siya bago bumaba ang tingin ko kay Gianneri na karga niya. She's busy eating some sliced fruits and it's cute lang because kita na ang mga small bites niya doon.

Nakita niya ang paglapit ko sa kanya, natawa ako nang itaas niya ang hawak niyang fruits na para bang she wants to share it with me.

"You'll gonna share lang yung laway mo...ayoko nga," pang-aasar ko sa kanya before she giggle.

"Sayo na muna ito at magluluto ako for dinner," sabi niya sa akin and mabilis na inilipat si Gianneri sa akin.

"Nasaan ba ang parents niya?" tanong ko kahit wala naman problem sa akin kung babatayan ko siya. Mas gusto ko nga iyon.

"Nasa factory pa, pinadaan ko na din sa kanila yung mga kailangan sa bridal shower," sagot ni Yaya Esme sa akin kaya naman tumango ako.

I went to my room kasama si Gianneri. Panay ang dila nila sa lips niya and she keeps on cooing pa dahil sapilitan kong kinuha ang hawak niyang fruits para hindi maglagkit ang bed ko.

"Stay there at wag kang magpapahulog," sabi ko sa kanya nang ibaba ko siya sa bed ko. Mabilis siyang gumapang papunta sa mga pillows at humiga doon. Matalino talaga, mana sa akin.

Nagpalit din kaagad ako ng clothes pangbahay. After kong gawin iyon ay mabilis akong lumandag sa bed para tabihan si Gianneri. Tumawa siya nang mag bounce siya dahil sa paglundag ko.

"You want to watch ba?" tanong ko sa kanya bago ko binuksan ang television.

She started cooing and parang may sinasabi habang inihahanda ko ang movie for her. Mukhang she wants to suggest pa ata kung anong gusto niyang panuorin.

Umayos ako ng upo and sumandal sa head board ng kama. When she saw me ay mabilis siyang gumapang papunta sa akin. Binuhat ko siya at inihiga sa lap ko para pareho kaming manuod ng cartoons.

"Watch na, later na kita papaiyakin," nakangising sabi ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa ulo.

While in the middle of our panunuod ay umilaw ang phone ko dahil sa tawag from Julio. The first ring ay tinitigan ko lang, hanggang sa mamatay ang tawag. I notice din na ilang messages na ang na sent niya and he asked me if he can call pero hindi ako sumagot kaya naman he's worried.

Muling umilaw ang phone dahil sa incoming call kaya naman sinagot ko na.

Buntong hininga in relief ang natanggap ko mula kay Julio from the other line.

"I'm sorry...nakatulog kasi ako," pagsisinungaling ko.

Wala na akong lakas na mag-invent pa ng story para lang magdahilan sa kanya. I can't say din naman ang truth na I'm guilty kasi I rent a plane para sa parents ko so that makalayo sila.

"I'm worried," marahang sabi niya sa kabilang linya.

Namanhid ang whole body ko dahil sa lambing nang pagkakasabi ni Julio. I miss him din naman for today pero hindi talaga kaya ng kunsensya ko na harapin siya and act na para bang wala akong ginawang mali.

"Yayayain sana kitang lumabas." he said kaya naman napanguso ako.

"I'm doing a part time job..." sabi ko sa kanya at bumaba ang tingin ko sa tahimik na si Gianneri.

Ngumisi si Julio sa kabilang linya na para bang alam na niya ang tinutukoy ko. Napatingin ako sa television and mukhang rinig niya ang pinapanuod namin.

"Gusto niyong mag mirienda? Ililibre ko kayo ni Gianneri," sabi niya sa akin.

It's tempting but I'm not marupok naman.

"Pero kasi..."

"Ayos lang kung gusto mong magpahinga, pwede namang bukas. Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

Narinig kong may ginagawa siya sa kabilang linya. Looks like he's about to cook siguro para sa sarili niya because hindi naman ako pupunta doon and I refused ang invitation niya sa akin para kumain sa labas.

"I'm fine lang. Anong gagawin mo?" tanong ko kahit I have an idea na.

"Magluluto for dinner," he said.

Bigla akong nakunsensya. "Sige na nga...S-sunduin mo na kami ni Gianneri," pagsuko ko.

"You sure?" paninigurado niya.

Tumango ako kahit hindi nakikita ni Julio.

Mariin akong napapikit after that call. Humigpit ang yakap ko kay Gianneri. I'm so marupok siguro talaga dahil hindi ko kayang tanggihan si Julio. Hindi ko kayang lumayo sa kanya because I want to take good care of him din kasi.

Later or bukas ko na lang siguro iintindihin yung pagiging guilty ko. Gusto ko I'm always there if ever he needs me. One of the perks ng mga taong love ko ay never akong magiging unavailable for them...hangga't kaya kong ibigay ang presence ko ay gagawin ko.

Pinalitan ko ng damit si Gianneri, after that ay bumaba na din kami para magpaalam kay Yaya Esme. If hindi kami magpapaalam ay baka magpatawag na siya ng pulis just to find us.

Nasa labas ng gate na ang montero sports ni Julio. Mula doon ay lumabas siya para salubungin kami. Matamis ang ngiti niya sa aming dalawa.

Kumunot ang noo ko when I saw yung pamumula ng ears niya while looking at us. Hinapit niya ako sa bewang para lang unang halikan sa ulo si Gianneri bago niya ako nilingon at sandali lang na hinalikan sa lips.

Ngumisi siya sa akin. "Pwede na," he said na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

"Pwede nang what?"

"Pwede na maging Mommy Vera," nakangising sagot niya kaya naman uminit ang cheeks ko.

Hindi ako nakasagot pero nanatili ang smile sa lips ni Julio na para bang he's true talaga sa sinabi niya and it's giving him an idea.

"I can't imagine my self with a big na tiyan," sumbong ko sa kanya.

Binuksan niya ang passenger seat para papasukin kami ni Gianneri.

"I already imagine you holding our first born habang malaki ang tiyan," sabi niya sa akin kaya naman nanlaki ang mata ko.

"W-what!?"

Ngumisi si Julio. "Don't tell me na you imagine na buntisin ako taon-taon," asik ko sa kanya.

Napahalakhak siya kaya naman nakita ko nanaman how sexy his adams apple is.

"Hindi naman...pero hindi din maiiwasan," sagot niya sa akin kaya naman nalaglag ang panga ko.

Hindi ko na siya nasita pa at napayakap na lang kay Gianneri. Panay ang ngisi ni Julio habang nasa byahe kami. Nang-aasar pa siya and gusto pa niyang kuhanin ang sympathy ni Gianneri para maging kakampi niya.

Nag drive thru lang kami and stayed sa car para doon kumain. Kinuha ni Julio si Gianneri sa akin and pinaupo niya ito sa lap niya so I can eat better daw. Nilingon ko si Brunie na nasa backseat.

"Brunie selos," pang-aasar ko sa kanya when we saw na nakatingin siya sa Daddy Julio niyang karga si Gianneri.

Ice cream and fries lang sana ang gusto ko pero kung ano anong inorder ni Julio. Dalawang kamay ni Gianneri ang may hawak na fries and hindi niya alam kung anong uunahin niyang isubo.

"Magiging busy nga pala ako sa mga susunod na araw," sabi ko kay Julio and nag-iwas ng tingin.

Maybe para hindi ako maging marupok ay kailangan ko siyang I-inform na lalayo ako sa kanya in a nice way.

"Para sa bridal shower ni Yaya Esme?" tanong niya sa akin na mabilis kong tinanguan.

Tumikhim si Julio. "Nasa labas din ako..." sabi niya kaya naman nilingon ko siya.

"What do you mean?"

"Sasama ako kay Eroz na magbantay sa labas," he said in a very serious tone na para bang dapat talaga akong matakot dahil hindi siya nagbibiro.

Napasapo ako sa aking noo because of that. Grabe din ang influence ni Eroz sa kanya. Epal talaga ang Eroz na iyon kahit kailan.

Inabala ko ang sarili ko the next day para sa work. Ang totoo nga ay parang ayoko na lang lumabas sa room ko at mag report sa work dahil sa takot na hingin ni Tito Keizer sa akin ang report para sa sales ng plantation.

"Good morning, Ma'm Vera."

Tipid na tango lang ang nabigay ko sa mga workers even kay Judy ann. Gusto kong maging nice sa kanila pero hindi ko kaya for today dahil sa kaba.

I received agad an email from Tito Keizer na he needs the plantation fund report na daw. Napabuntong hininga ako at napahilamos sa face ko, hindi ko na nga din nagawa pang mag make up or mag-ayos man lang.

"Fuck...Fuck," malulutong na mura ko while I'm so hesistant na pindutin ang send button.

Ang laman ng report ay halos kalahati ng actual fund. Hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag kay Tito Keizer iyon dahil siguradong he'll notice iyon dahil hindi mag ta-tally sa reports from the finace department.

"You are so fucked up, Vera."

Sumuko ako and hit the send button. Bahala na sa consequence ng ginawa ko. I'm aminado naman and I'll take full responsibility.

Halos mamanhid ang buong katawan ko. I'm practicing na too feel numb para naman sa oras na mag back fire sa akin ang lahat ng wrong doings ko ay wala na lang akong maramdaman.

Sinundo ako ni Alice nung hapon para sabay kaming umuwi for the preparation. She looks worried and problemado kaya naman kahit I have problema of my own ay gusto ko siyang tulungan.

"Ano bang kailangang suotin sa bridal shower ni Yaya Esme?"

"Of course something sexy! Like some lacey night wear...silk and satin," sagot ko sa kanya.

I'm busy driving pauwi sa amin then nalaman kong she's worried about Hobbes being away sa Manila.

"Kasama siya ni Hob sa project at palagi silang magkikita," kwento niya sa akin about sa lovelife niya.

"Are you...Nagseselos ka ba?" tanong ko sa kanya kahit I know naman.

Sinuway pa niya ako because ayaw niyang umamin.

"Sagutin mo na kasi ang corny na yon so that you have all the rights to make selos," payo ko kay Alice.

I told her about the rights na mag selos pero sa part ko naman ay hindi ako sure if I have karapatan na pagselosan si Crystal everytime magkasama sila ni Julio.

Naging busy kaming apat nila Gertie with Yaya Esme for the preparation. Dumating na din yung mga dress na isusuot namin. Halos padilim na sa labas kaya naman I told Alice na ihahatid ko siya pero she refuse. Sa kilos pa lang niya ay alam kong may naghihintay na sa kanya sa labas.

"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya makatingin ng maayos sa akin, "Uhm...Oo, wag kang mag-alala. Kaya ko naman..." she said kaya naman tumulis ang nguso ko.

"Ok, lipad well pauwi sa inyo," pang-aasar ko sa kanya.

Hindi ako nakatulog that night dahil Tito Keizer told me na may virtual meeting kami. May problem daw sa reports, alam ko na kaagad iyon kaya naman mas lalo akong kinabahan.

Pagkadating sa office ay naka-received kaagad  ako ng message kay Tito Keizer to start our meeting online.

"Malaki ang difference ng ipinasang report ng finace sa report na pinasa mo," pag-uumpisa niya.

Halos hindi ko magawang tumingin sa kanya kahit sa virtual lang iyon.

"You should check their report, baka nagkamali sila..." he said kaya naman mas lalo akong naguilty.

Imbes na ako ang pagdudahan ay una niyang pinagdudahan ang iba. Mas lalo lang ipinakita ni Tito Keizer sa akin na he trust me hundred percent kaya I feel so guilty to death na talaga.

"I'll set a meeting with the head of finance after our call. Kamusta kayo diyan?" he asked me.

Parang walang words na gustong lumabas sa bibig ko. Hiyang hiya ako kay Tito Keizer and sa mga taong pinagdudahan niya kahit they work fair naman at ako ang may kasalanan.

"Tito..." tawag ko sa kanya.

I can't afford na may madamay because of my kagagawan.

"Ano iyon, Vera?" tanong niya in a very malambing way na para bang he asked me as his daughter.

"It's my fault po..." pag-amin ko.

"Nagastos ko po ang sales ng plantation. Ako po ang kumuha..."

"B-bakit?" naguguluhang tanong niya sa akin.

"May problema ka ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin na kailangan mo ng pera?" tanong niya sa akin.

Uminit ang magkabilang gilid ng eyes ko dahil sa pag-iyak. The truth is nahihiya ako, nahihiya ako to demand sa kanila matapos nilang ibigay ang lahat sa akin. I'm scared na mag demand ng something na pwede ding magpahamak sa kanila.

"I'll be honest with you...I'm disappointed, Vera."

Kahit patay na ang video call ay nakatitig pa din ako sa screen ng aking laptop. Ni wala akong lakas ng loob to say sorry dahil sa ginawa ko.

Hiyang hiya ako even sa buong plantation. I know naman na hindi sasabihin ni Tito Keizer iyon sa kanila pero the fact na alam ko sa sarili kong I betray the whole plantation by stealing ay nakakakunsensya.

Julio invite me na pumunta sa cementery to visit his family. After daw ng ilang years na nanatili ang urn ng family niya sa house nila ay nag decide ang family niya and his Lolo na ilipat sila sa mausoleum. To be fair na din for his immediate family na hindi makapunta sa mansion because of the misunderstandings.

We bought a large bouquet of flowers for Tita Alexandra, it's her birthday today.

Mahigpit ang hawak ni Julio sa kamay ko habang naglalakad kami papunta doon. Sa kabilang kamay naman niya ay ang malaking bouquet ng flower.

"Dati mag-isa lang akong bumibisita sa kanila...ngayon kasama na kita," he said na para bang he's happy na kasama niya ako ngayon dito and it's special for him at hindi lang simpleng visit.

Malayo pa lang kami sa tomb ng family ni Julio ay dahan dahang bumagal ang lakad namin when we saw na may nauna na sa amin.

Isang ababeng mahaba ang hair ang nakaluhod sa harapan ng tomb ni August. Inaayos niya ang dala niyang bulaklak at nahihirapang magsindi ng candle dahil na din sa hangin.

Mabilis siyang napalingon and nagulat pa when she notice our presence.

"Vesper..." tawag ni Julio sa kanya.

Tumango siya at yumuko. "Magandang araw po, Senyorito Julio," bati niya dito.

"Julio na lang," pagtatama ni Julio sa kaya pero hindi na siya nagsalita pa.

Inilapag ni Julio ang bulaklak na dala namin sa bulaklak na dala nung babae. Nilingon ko siya kaya naman nilingon niya din ako pabalik. Tipid siyang ngumiti sa akin.

"Kanina ka pa dito?" tanong ni Julio.

Marahan siyang umiling bilang sagot. Parang mala-pusa ang hugis ng kanyang mga mata, maganda ang ilong at matulis na maliit ang kanyang mga labi. Maganda din siya kagaya ko. Wala naman akong naramdamang kakaiba sa kanya kahit kinakausap siya ni Julio.

Nanatili ang tingin niya sa pangalan ni August.

"Si Vera...girlfriend ko," pagpapakilala ni Julio sa kanya.

Muli niya akong nilingon. "Naalala ko po siya," sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

Hindi na ako nakapagtanong pa ng magpaalam na siya sa amin.

"Salamat sa madalas mong pagbisita dito, Vesper." si Julio.

"Wala po iyon..."

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya palayo sa amin. Mula sa kanya ay bumaba ang tingin ko sa pangalan ni August. Malinis ang tomb nito at may bulaklak na din.

"Sino siya?" tanong ko kay Julio.

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Kaibigan ni Kuya?" hindi din siguradong sagot niya sa akin.

Napanguso ako. "Ang pretty niya," sabi ko hindi para kay Julio kundi para kay August.

Nagtirik kami ng candles sa tomb nila. Tahimik si Julio habang nakatingin sa family niya na para bang he's talking to them in silence. Hinayaan ko siya, I want him to feel na he's not alone.

"Anong ginagawa ng babaeng iyan dito!?" galit na asik ni Ursula na ikinagulat namin.

Sa kanyang likuran ay si Don Joaquin Escuel.

"Nawalan ka na talaga ng respeto sa pamilya mo, Alexandron. At talagang isinama mo pa dito ang anak ng krimenal na iyan," sabi ng matanda.

"Hindi po kami pumunta dito para maghanap ng gulo, Lolo."

Ngumisi si Atheena. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Wala kay Julio ang probelma, Papa. Nandito sa babaeng ito na sobrang kapal ng mukha," sabi niya at dinuro pa ako.

Kaagad na humarang si Julio at marahang tinabig ang panduduro ng Tita niya sa kanya.

"Girlfriend ko po si Vera. Hindi po ako papayag na ganyan ang trato niyo sa kanya," laban ni Julio.

Itinago niya ako sa likuran niya. "Nahihibang ka na talaga, Alexandron. Malayong malayo ka kay August," sabi pa ng Lolo niya.

Mas lalo akong nasaktan para kay Julio sa sumunod nitong sinabi. "Kung sana ay siya na lang ang nandito...matagal ng nabigyan ng hustisya ang nangyari sa pamilya niyo," sabi nito kaya naman kahit si Atheena ay nagulat.

Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Julio. I know na nasaktan siya dahil sa sinabi nito. Masakit naman talagang I-compare sa ibang tao. Kahit wala naman talagang problem between them ni August ay iba pa din ang feeling na ikumpara ka.

"Mauuna na po kami," paalam niya sa mga ito at kaagad akong hinila paalis doon.

Mabibigat ang bawat paghakbang ni Julio. Hindi din siya nagsasalita pero ramdam ko ang mabibigat niyang pagbuntong hininga.

"Julio..." tawag ko sa kanya nang buksan niya ang passenger seat para papasukin ako.

Tipid siyang tumango sa akin. Marahan niyang hinaplos ang ulo ko para ayusin ang buhok kong nagulo dahil sa hangin.

"Ayos lang ako," paninigurado niya sa akin kahit I know naman na hindi.

Umikot siya patungo sa may driver seat. Hindi pa man nakakapasok si Julio ay naka-received na ako ng message mula kay Daddy na they board the plane na daw paalis ng Manila.

Hindi ko malingon si Julio ng pumasok siya sa car. Walang ilang minuto ay tumunog ang phone niya dahil sa isang tawag.

"Tangina," madiin at matigas na sambit niya.

Nakaramdam ako ng kung ano because halos it's my first time na marinig siyang magmura.

"Sundan niyo. Iyan na ang huling beses na matatakasan nila ako," galit na sabi niya sa kausap. He even forgot nga ata na kasama niya ako sa car.

Looks like mas lalong na-trigger ang anger niya dahil sa sinabi ng Lolo niya. Mas lalo akong natakot sa safety ng parents ko. I also want to tell him about yung sinasabi ni Daddy na sa oras na mahuli siya ay someone will try to kill me.

Matalim ang tingin ni Julio sa kalsada habang pauwi kami. Ni hindi niya ako kinausap, mahigpit din ang hawak niya sa manibela.

Nanatili ang tingin niya sa harapan kahit huminto na ang sasakyan niya sa tapat ng Villa de Montero.

"You'll go home na after this?" tanong ko kahit I'm kabado.

Tumango lang siya bilang sagot nang hindi man lang ako nililingon.

"B-bye..." sambit ko at nilakasan ko ang loob ko para humilig and humalik sa cheeks niya.

Wala siyang sinabi o kung ano. After kong bumaba ay pinaharurot niya kaagad ang car niya paalis doon. I understand naman na amy problem si Julio, alam ko ding isa ako sa mga reason ng problem na iyon.

"I'm sorry..." sambit ko sa kawalan.

Hindi ako naka-received ng kahit anong text mula sa kanya that night. I even send a couple of message pa nga to ask him kung safe ba siyang naka-uwi sa kanila pero walang reply.

Napunta na tuloy ako sa socail media and stalk pa Junie. I saw some pictures of them na nag-iinuman sa kung saan. Familiar ang face ng iba sa akin dahil trabahador sila sa factory ni Julio.

Mabilis akong lumabas ng room ko para puntahan si Gertie.

"Nasaan si Eroz?" tanong ko sa kanya.

"Nasa house nila Junie. They'll make inom daw..." sagot niya sa akin.

"Ayos lang sayo?" tanong ko sa kanya.

It's not safe to drink lalo na at kung mag da-drive. Marahang tumango si Gertie.

"Friends naman niya iyon and he'll drink a little lang daw," sabi pa niya sa akin kaya naman mariin akong napapikit.

I'm overacting lang siguro.

"Good night," masungit na sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran pabalik sa room ko para muling I-stalk si Junie.

May short video pa sila habang nag-iinuman. Tinalasan ko ang mga mata ko to find Julio pero masyado siyang mailap sa camera.

Nasa next video na siya pero seryoso silang naguusap ni Eroz. Hindi man lang niya nagawang ngumiti sa camera kahit ilang beses siyang tinawag ni Junie. Tinigilan ko na ang panunuod at binitawan na lang ang phone ko.

Kaya pala hindi niya sinasagot ang mga calls and messages ko dahil umiinom sila. Hindi ko din naman siya pagbabawalan pero sana naman he'll realize na a simple reply will lessen yung worry ko sa kanya.

"Ang laki na ng eyebags mo," puna ni Yaya Esem the next morning.

"Mga tears lang yan na hindi ko iniyak," palusot ko sa kanya.

"Madaling araw na naka-uwi sina Senyorito Eroz...Inihatid pa daw si Julio at lasing na lasing din," kwento ni Yaya Esme sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa soup na niluluto niya.

"Dalhan mo si Julio nito," she said.

Walang pagdadalawang isip akong tumango. Bumalik ako sa room ko para maligo at magbihis.

Kagabi pa ako worried sa kanya and hindi ko na ata kakayanin if buong araw akong clueless sa whereabouts niya.

Walang tao sa mansion pag punta ko doon kaya namannaisip kong puntahan siya sa office niya sa site. Hindi naman ako nagkamali because I saw kaagad na naka-park ang car niya sa parking space.

I asked yung mga trabahador doon kung nasaan ang office ni Julio. May babaeng lumapit sa akin to tell me na nasa meeting siya pero she let me stay sa office nito while waiting.

Maingat kong inilapag ang dala kong lunch box sa table niya. I'm scared na may masira akong important na things niya doon kaya naman naging careful talaga ako.

Lumapit ako sa table niya and saw yung mga pictures ng family niya. Nandoon din yung graduation picture niya kung saan kasama niya si Tita Cynthia and Crystal. Napanguso ako and hindi na naisip pang magselos kahit nakakapagselos naman talaga.

Sumunod kong nilapitan ang drafting table ni Julio and saw a blueprint. Nagulat ako when I saw yung title ng blueprint. Escuel Mansion Restoration.

Bukod doon ay mas magulat ako when I saw the names of the Engineer and Architect na gumawa ng blueprint na iyon...silang dalawa ni Crystal.

Sinimangutan ko ang blueprint at naisip kong umalis na lang kaagad doon. Iwan ko na alng ang food dahil makakakain naman si Julio alone dahil malaki na siya. I was about to take a step pa lang sana nang bumukas ang pintuan.

Tawa ng mga babae ang narinig ko kaya naman wala sa sarili akong tumakbo papunta sa ilalim ng office table ni Julio to hide.

I don't know din kung bakit iyon ang ginawa kol. I can face naman kung sino ang dumating, adrenaline rush na din siguro kaya hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos.

"I'm happy you're home, Tita Cynthia. Na miss ka po namin ni Julio," si Crystal.

Mariin akong napapikit because of that.

"Na miss ko din kayong dalawa. Masyado kasyong busy para dalawin ako sa California kaya ako na lang ang umuwi dito," si Tita Cynthia.

Narinig ko pa ang pag-settle nila sa may visiting are ni Julio. Napamura dahil mukhang I'll stay here pa for a while.

"Kamusta ang plano?" tanong ni Tita Cynthia na ikinagulat ko.

She knows din? I expect pa naman na kahit ayaw sa akin ng family ni Julio ay I have her.

"Nagtutulungan po kami ni Julio," sagot ni Crystal.

"Mag settle na kayo after this, gusto kong makitang sumayaw si Julio. Gusto kong makitang magkaroon siya ng sarili niyang pamilya," sabi ni Tita Cynthia kay Crystal kaya naman mas lalong bumigat ang dibdib ko.

Sabi ko na nga ba she wants Crystal for Julio.

"Sinabi niya po sa akin na gusto niya ng maraming anak," nakangising sabi ni Crystal na mukhang kinikilig pa.

"Sinabi niya din sa akin," masungit na sabi ko sa kawalan.

Kung magkaharap kami ni Crsytal ngayon ay iirapan ko pa siya.

Muling bumukas ang pinto at narinig ko na ang boses ni Julio. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil for sure ano mang oras ay mapapansin na nila ang lunch box na inilagay ko sa itaas ng lamesa.

Nakaramdam kaagad ako ng hilo dahil na din sa sikip sa ilalim ng office table ni Julio. Bukod sa naramdamang hilo ay parang bigla ding gustong umikot ng sikmura ko. Parang gusto kong masuka...Gusto kong masuka sa idea na they planned all of this to get revenge.

"Nagpadala na ako ng mga tao sa bicol," Julio said.

Ngumisi si Crystal. "Alam kong alam mo na kung sino ang tumutulong sa kanila..." sabi pa ni Crystal.

Hindi sumagot si Julio pero nagsalita si Tita Cynthia. "Si Vera?" tanong niya dito.

Naghari ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo.

"Alam kong galit ka sa ama ni Vera...pero hindi niya deserve ito. Mabait na bata si Vera, kung kasama ito sa plano...hindi ako pabor dito," si Tita Cynthia.

"Break up with her, Julio..." segunda pa ni Crystal.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro