Chapter 4
Escuel
Matapos kong sabihin na ayos lang ako ay nawala kaagad ang tingin ni Senyorito August sa akin. Ibinigay niya ang buong atensyon niya kay Vera.
"Ayos ka lang ba?" paulit-ulit na tanong niya dito.
Na para bang kung sakaling sinaktan din ni Miss Nova si Vera ay 'yon na ang katapusan ng pagpipigil niya.
"I'm fine lang," sagot ni Vera bago siya tumingin sa akin.
"Siya yung hinila ni Miss chips...she's pilay pa naman," sabi niya kay August kaya naman tumingin muli ito sa akin.
"A-ayos lang po talaga ako," sabi ko ulit.
Bigla akong nahiya na maka-abala pa ako sa kanila.
"Pasencya ka na kay Miss Nova, Vesper. Wag kang mag-alala, hindi na ma-uulit 'to. Makakarating kay Mommy ang nangyari," paninigurado ni Senyorito August sa akin.
Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa kundi ang sumangayon sa kanila. Sila ang amo ko, kaya naman kung anong magiging desisyon nila ay dapat Oo lang ang sagot ko.
Imbes na magtagal pa ako sa harapan nilang dalawa ay nagpaalam na lang ako. Mabigat nanaman ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Isang beses kong nilingon ang pinaggalingan ko. Nandoon pa din silang dalawa at halos hindi na maalis ang atensyon ni Senyorito August kay Vera.
Dumiretso ako papunta sa kwarto naming ni Nanay. Hindi ko alam kung bakit may nagbabadyang luha mula sa gilid ng mga mata ko. Baka ay dahil masyado ng grabe si Ms. Nova sa akin. Pansin ko kasi ay ma-init ang dugo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Masyadong ma-init ang dugo niya sa amin ni Nanay.
Ilang minuto pa lang akong nagkulong sa kwarto naming ni Nanay ay kaagad na siyang pumasok.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya kaagad sa akin.
Kita ko ang pag-aalala ni Nanay sa amin. Narinig daw niya ang nagyari at ang ginawa ni Ms. Nova sa akin.
"Sinaktan ka ba?" tanong niya. Marahan ang pagkakatanong ni Nanay pero para bang sa oras na um-oo ako ay magagalit na siya.
Marahan akong umiling. "Pinagalitan lang po," sabi ko.
Nanatili ang pagkakayuko ko. Hindi ko magawang tumingin kay Nanay. Pakiramdam ko kasi ay mas lalo lang akong ma-iiyak sa oras na makita ko ang pagkahabag niya sa akin. Mas lalo lang bibigat ang dibdib ko sa oras na makita kong nasasaktan si Nanay para sa akin.
Marahan niyang hinaplos ang ulo ko. Halos magsitayuan ang balahibo ko dahil sa paghawak ni Nanay sa akin.
"Bakit po ganoon, Nay? Bakit ang lupit ni Ms. Nova sa atin? Wala naman po tayong ginagawang masama sa kanya..." garalgal na sumbong ko kay Nanay.
Hindi ako na-aawa para sa aking sarili. Na-iiyak ako dahil nasasaktan si Nanay dahil nasasaktan ako.
"Hindi ko din alam, Vesper..." marahang sabi niya sa akin.
Halos yakapin ako nang mahigpit ni Nanay lalo nan ang lumabas na ang mga hikbi ko. Hindi na nagsalita pa si Nanay, niyakap niya lang ako nang mahigpit hanggang sa tumahan na ako.
Lumabas lang kami ng kinailangan ng maghanda para sa hapunan ng mga Escuel.
"Ayos ka na ba, Vesper? Maldita talaga yang si Ms. Nova...kung maka-asta dito akala mo panganay na anak ni Madam Alexandra," sabi nila matapos ay nagtawanan din.
Hindi na alng din umimik si Nanay at ngumingiti na lang pag may sinasabi ang iba naming kasama tungkol kay Ms. Nova. Ayaw na din kasing magbigay ni Nanay ng komento tungkol dito. Ang sabi niya ay umiwas na lang daw kami.
Tumulong ako sa paghahand kahit halos wala naman akong magawa dahil hindi nila hinayaan na magbuhat ako dahil sa pilay ko. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Nanay. Masyado kasi itong tahimik, palagi niyang sinasabi sa akin na umiwas na lang sa gulo. Masyadong makimkimin.
"Pinapatawag kayo ni Madam Alexandra sa labas...Ate Fae," sabi ni Ate Mina sa amin.
Na-ilabas na ang lahat ng pagkain sa may dinning. Naghahanda na din kami dito sa may kitchen para kumain. Tumingin si Nanay sa akin bago siya tumayo kaya ganoon din ang ginawa ko.
"Pagagalitan po ba kami?" tanong ko kay Ate Mina.
Ngumiti siya sa akin. "Hindi, mabait si Madam...wag kang mag-alala," sabi niya sa akin pero kumapit pa din ako sa kamay ni Nanay palabas ng dinning.
Kumpleto ang mga Escuel sa may dinning table. Hindi pa sila nagsisimula sa pagkain, mukhang hinihintay pa kami.
Sumalubong kaagad sa akin ang masungit na tingin ni Senyorito Julio. Wala nanamang emosyon ang mukha niya kaya naman kahit nakangiti si Madam Alexandra sa amin ay nakaramdam pa din ako ng takot.
"Magandang gabi po sa inyo," bati ni Nanay sa kanila nang huminto kami sa gilid ng mahabang lamesa.
Nilingon ko si Nanay na nakayuko na ngayon sa kanila.
"Magandang g-gabi din po," sabi ko din sa kanila kaya naman mas lalong ngumiti si Madam Alexandra sa amin.
"Ano ba kayo, masyado naman kayong pormal. Umupo na kayo...sumabay kayo sa amin na kumain," sabi ni Madam Alexandra na ikinagulat naming dalawa ni Nanay.
Tumanggi si Nanay pero masyadon mapilit si Madam Alexandra. Nagawa pa niyang tumayo para hilahin ako at paupuin sa isa sa madaming bakanteng upuan.
Hindi nila kami itinuring na iba habang nasa harap ng hapagkainan. Napatingin ako kay Senyorito August, nang mahuli niya ang tingin ko sa kanya ay kaagad niya akong nginitian.
"Ang balita ko ay paborito ni Vesper ang corned beef..." sabi ni Madam Alexandra.
Nilingon ako ni Nanay at ngumiti din sa akin.
"Pero hindi ko po inuubos ang corned beef niyo po," laban ko. Baka pabayaran iyon sa amin ni Nanay. Masyadong mahal 'yon.
Tumawa si Madam Alexandra, ganoon din si Don David. Nakataas naman ang isang sulok ng labi ni Senyorito August, samantalang wala pa ding ekspresyon ang mukha ni Senyorito Julio.
"Mukhang kailangan nating magpabili ng madaming corned beef para kay Vesper. Ano pa ang mga paborito mo para 'yon ang bilhin natin," tanong nito sa akin.
Napanguso ako. "Wala na po...yun lang po," sagot ko pa din kahit nahihiya ako.
"Gusto din ni Vesper ng cake. May utang pa nga akong cake sa kanya," biglang sabi ni Senyorito August na ikinagulat ko din.
Naaalala pa niya 'yon?
"Ibibili din natin si Vesper ng cake..."
"Pero hindi ko pa po birthday," sabi ko sa kanila.
"Pwede naming kumain ng cake kahit hindi mo birthday," malambing na sabi ni Madam Alexandra sa akin.
Parang biglang nagliwanag ang mukha ko dahil doon. Tumingin ako kay Nanay na matamis lang ding ngumiti sa akin. Hinawakan pa niya ako sa ulo, ramdam kong masaya si Nanay para sa akin.
Panay din ang paumanhin ni Madam Alexandra dahil daw sa nangyari. Naka-usap na din niya si Ms. Nova tungkol dito. Nakakasigurado daw ito na hindi na ulit mangyayari ang ginawa niya sa akin kanina.
"Pasencya ka na talaga, Fae. Ina din ako, alam kong masakit para sa'yo ang malaman na may ibang tao na nananakit sa anak mo. Hindi ko din nagustuhan ang nangyari nang malaman ko 'yon kay August," sabi pa nito sa amin.
Hiyang hiya si Nanay dahil sa paghingi ng paumanhin nito sa amin. Masyado talagang mabait ang mga Escuel.
Bumalik na din kami sa kitchen matapos ang dinner. Habang nagliligpit ay napag-usapan din ng mga ito ang balita daw na aalis sina Senyorito August at Senyorito Julio para mag-aral sa manila.
"Malayo po ba ang Manila?" palihim na tanong ko kay Nanay.
Sandali siyang napa-isip. "Dito? Hindi naman," sagot niya sa akin.
Muling humaba ang nguso ko dahil doon. Kahit sabihin ni Nanay na malapit lang 'yon dito ay nakakalungkot pa din.
Ang sabi pa ay matagal silang mawawala pag nagsimula na ang pasukan, uuwi lang dito pag may importanteng okasyon o kaya naman ay bakasyon.
Iniisip ko pa lang na matagal mawawala si Senyorito August ay nakakalungkot na talaga. Ayos na nga sa akin na makita ko siya araw araw kahit hindi kami gaanong nag-uusap. Payag kaya si Vera dito? Nalulungkot din kaya siya? O baka kasama din siya sa Manila? Mayaman ang mga Montero, pwede din siyang mag-aral doon.
"Mauna ka ng pumunta sa kwarto, Vesper. Ihahanda lang naming ang mga lulutuin para bukas," sabi ni Nanay sa akin.
Pupunta ulit sila sa may pantry para pag-usapan ang mga ihahandang pagkain buong araw bukas. Tumango ako kay Nanay at naglakad na pabalik sa aming kwarto. Ilang hakbang na lang ang layo ko ng muli akong pumihit, imbes na tumuloy ay ma-ingat akong umakyat papunta sa may veranda.
Titingnan ko lang kung nandoon ulit si Senyorito August. Pag Nakita ko na ay aalis din naman kaagad ako, wala akong balak na magpakita.
Ngunit unang silip ko pa lang sa kanya ay nagtagpo kaagad ang mga mata naming kaya naman wala na akong kawala kahit pa tumakbo ako pababa.
"Vesper? Halika...anong ginagawa mo diyan at nagtatago ka?" nakangiting tanong ni Senyorito August sa akin.
Kahit nahihiya ay nagpakita na din ako ng tuluyan sa kanya. Niyaya niya ako kaya naman naglakad ako palabas sa may veranda.
Naka-upo ito may lamesa at nakaharap sa kanyang laptop. Mukhang kanina pa siya busy sa ginagawa niya doon.
"Malapit na ang pasukan, ready ka na ba?" tanong niya sa akin.
Tumango na lang ako kahit ang totoo ay hindi pa. Sa totoo lang ay kahit excited akong mag-aral ay hindi ko naman magawang maging masaya dahil sa pambu-bully ng mga kaklase ko sa akin.
"May mga kaibigan ka ba sa school?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Kahit isa?" tanong niya sa akin.
"Ayaw po nila sa akin," sagot ko.
"Bakit naman?"
Hindi ako nakasagot. Hindi ko din alam kung bakit ayaw ng mga kaklase ko sa akin.
"Baka dahil mas maganda ka sa kanila," nakangiting sabi niya sa akin.
Dahil sa sinabing 'yon ni Senyorito ay kaagad akong napa-iwas ng tingin. Biglang uminit ang mukha ko na para bang nilalagnat ako.
"Wag kang mag-alala, magkakaroon ka din ng kaibigan," sabi niya sa akin. Sana nga.
May minsang pinagtawana ako ng mga kaklase ko dahil nasira ang sapatos ko, kung minsan naman ay pinagtatawanan nila ang baon ko.
"Na-try mo nang gumamit ng laptop?" tanong niya sa akin.
Tiningnan ko ang laptop niya. Kaagad akong umiling bilang sagot.
"Halika...tuturuan kita, gusto mong maglaro?" tanong niya pa sa akin.
Hindi kaagad ako nakagalaw hanggang sa siya na ang tumayo para isusog ang upuan niya palapit sa akin.
May pinindot siyang games na ipinalaro niya sa akin. Mabilis ko din naming nakuha ang paraan kung paano gamitin 'yon. Habang nag-eenjoy ako sa paglalaro ay nanunuod lang si Senyorito August sa akin.
Matapos kong maglaro ay bumaba ang tingin ko sa pulang box na nasa taas ng lamesa. Nakita niya atang nakatingin ako doon kaya naman kinuha niya at binuksan.
"Sa tingin mo magugustuhan 'to ni Vera?" tanong niya sa akin ng ilabas niya ang bracelet. May araw na palawit pa ito. Maganda.
"S-sigurado pong magugustuhan niya," sabi ko sa kanya pero nanatili ang tingin ko sa bracelet.
Ang swerte talaga ni Vera kay Senyorito August.
"Kasama niyo po si Vera sa Manila?" tanong ko.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya, mukhang nagulat sa nagging tanong ko.
"Kanino mo nalaman niya? Chismosa ka ah," pang-aasar niya sa akin kaya naman bigla akong nakaramdam ng hiya.
"Pasencya na po," paumanhin ko.
Ngumisi lang siya habang ma-ingat na ibinabalik ang bracelet sa box nito.
"Ayos lang, niloloko lang kita, Vesper. Mag-aaral kami sa Manila pero hindi kasama si Vera," sagot niya sa akin.
"Po? Hindi po ba siya malulungkot?" tanong ko kaagad.
Nilingon niya ako at ngumiti. "Bakit, ikaw malulungkot?" tanong niya sa akin.
"P-po? Syempre po...a-amo ko po kayo, e," sagot ko sa kanya kahit hindi ko alam kung tama din ba yung isinagot ko sa kanya.
Bahala ka na nga Vesper.
"Hindi mo ako amo, Vesper. Magka-ibigan tayo," sabi niya sa akin.
Hindi na lang ako sumagot. Kahit kasi pagbalikbaliktarin ang mundo...'yon lang ang namamagitan sa amin.
"Masyado kang matured mag-isip. 'yon ang napapansin ko," sabi niya.
"Masama po ba 'yon?" tanong ko. Ayaw ba niya ng ganon?
Marahan siyang umiling. "I actually admire you. Nakita ko kung gaano mo kamahal si Ate Fae. Swerte siya dahil ikaw ang anak niya," sabi pa nito sa akin kaya naman parang bigla akong lumutang sa kinauupuan ko.
"Mas ma-swerte po ako kasi si Nanay ang Nanay ko," laban ko. Mas lalong lumaki ang ngiti ni Senyorito.
Halos gabi-gabi ko na atang nakakasama si Senyorito doon sa may veranda. Nahihiya ako nung una pero hindi naman niya ako pinapa-alis kaya naman pumupunta pa din ako.
"Wala sina Madam Alexandra at Don David dito," sabi ni Nanay sa bisita.
"Ayos lang, maghihintay na lang ako dito," sabi ng lalaki.
"May gusto po ba kayong inumin, Sir?" tanong ni Nanay sa kanya.
Nanatili ang tingin ko sa lalaki.
"Wag mo na akong tawaging Sir. Vinci na lang," sabi niya kay Nanay.
Tumikhim lang si Nanay. Sinabi ni Sir Vinci ang gusto niyang inumin kaya naman umalis kami sandal ni Nanay para kumuha sa may kusina.
Nakasunod ako sa kanya, hindi naman naming kilala si Sir Vinci, ayokong iwanan si Nanay. Kailangan ko siyang bantayan, kahit hindi ko man lang siya naipagtatanggol noon kay Tatay.
"Salamat. Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Sir Vinci kay Nanay nang dalhan siya ni Nanay ng ma-iinom.
"Uhm...Fae," sagot ni Nanay sa kanya.
Matamis na ngumiti si Sir Vinci sa kanya.
"Salamat, Fae..."
Hindi din nagtagal at dumating si Don David kasama ang kanang kamay niya na si Sir Cesar. Dahil doon ay umalis na kami ni Nanay para iwanan sila.
Nagpaalam sandal si Nanay kaya naman na-iwan ako sa kitchen kasama sina Ate Mina.
"Vesper..."
"Po?"
Tiningnan niya muna ako bago siya nag-decide na itanong sa akin ang nasa isip niya.
"Paano pag nagka-boyfriend ulit ang Nanay Fae mo?" tanong niya sa akin.
Sandali akong napa-isip. "Pero may asawa na po si Nanay...si Tatay," sagot ko sa kanya.
Napangiwi siya at napakamot sa ulo. "E, hiwalay na sila ng Tatay mo. Syempre kung sakali...maganda si Ate Fae, paano kung may manligaw ulit sa kanya?" tanong pa niya sa akin.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko din alam kung paano ng aba kung sakaling ma-isip ni Nanay na mag-asawa ulit.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko po alam," sagot ko sa kanya.
Tumango na lang si Ate Mina at hindi na ulit nagsalita pa. Hindi naman siguro gagawin 'yon ni Nanay lalo na't kakahiwalay pa lang nil ani Tatay. Pero kung sakali ngang dumating ang araw na may iba siyang magustuhan...hindi ko naman pipigilan si Nanay.
Mas importante pa din sa akin ang kasiyahan niya.
Habang nagwawalis sa may hallway sa second floor ay nakita ko ang pagpasok nina Madam Alexandra at Vera sa masters bedroom. Imbes na hayaan sila at ipagpatuloy ang pagwawalis ko ay hindi ko na napigilan at kaagad akong lumapit doon.
Narinig ko nanaman kung paano sabihin ni Madam Alexandra kay Vera kung gaano niya kagusto ito. Binigyan niya din si Vera ng kwintas na pagmamay-ari niya mismo.
Ang bilin ni Nanay sa akin ay masama ang ma-inggit. Hindi naman ako naiinggit sa mga material na bagay na mayroon si Vera. Siguro ay nai-inggit ako dahil gustong gusto siya ni Madam Alexandra para kay Senyorito August.
Parang na kay Vera na kasi ang lahat.
"Mukhang buntis nga si Madam. Magkakaroon na tayo ng bagong baby dito," parang kinikilig na kwento nina Ate Mina.
Hindi pa daw kinukumpirma nina Madam Alexandra at Don David, pero malakas ang hinala ng lahat na buntis ito.
"Si Vera pa nga daw ang mukhang pinaglilihian. Naku...paniguradong magandang bata!" sabi pa nila.
Naramdaman nila ang pananahimik ako.
"Mukhang pinaglilihian din naman si Vesper. Mas lalong magandang bata!" sabi pa ng isa.
Hindi ko na lamang pinansin 'yon. Pero masaya din naman ako para sa mga Escuel.
"Nay? May problema po?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong halos nagtagal siya sat apt ng salamin bago pa kami lumabas ng kwarto.
Mula sa salamin ay tumingin siya sa akin.
"W-wala naman anak. Bakit mo natanong?"
"Uhm...kanina pa po kasi kayo nakatingin diyan sa salamin, Nay. Maganda na po kayo," sabi ko sa kanya kaya naman nginitian niya ako.
"Marunong ka na ding mambola ngayon," sita niya sa akin.
"Totoo po. Hindi po ako nambobola, Nay...mana nga po ako sa inyo," sabi ko pa sa kanya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Sapat ka na para kay Nanay, Vesper." Sabi niya sa akin na hindi ko naman gaanong na-intindihan.
Sabay kaming lumabas ni Nanay para tumulong na sa mga gawaing bahay.
"Dumaan? Kaka-alis lang?"
"Oo, may inihatid lang na envelope para daw kay Don David. Galing pa palang Manila 'yon. Aba parang bayan lang ang byahe e," sabi pa ng isa sa mga kasambahay. Hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy nila.
"Hindi na kita natawag, Ate Fae...nagmamadali din kasi si Vinci," sabi pa nito.
Napatingin ako kay Nanay. Nakita kong malalim ang iniisip nito.
"Ganoon talaga ang mga desperadong tao. Alukin ba naman ng pera ang mga Escuel? Hindi ba nila alam na mas kaya silang bilhin ng mga Escuel?" natatawang sabi ng mas nakatatanda.
Hindi na lang umimik si Nanay hanggang sa mag-iba na ang usapan.
"Magpaalam na tayo ngayon pa lang. Ano Ate Fae, sama na kayo ni Vesper?"
Marahang umiling si Nanay. "Hindi na muna siguro. Nakakahiya naman sa mga Escuel kung walang matitira dito. Tsaka bago pa lang kami dito para magpaalam sa mga ganyan," sagot ni Nanay sa kanila.
Nagpaalam sila na aalis sa sabado ng hapon para maki-fiesta. Linggo na ng umaga ang balik nila kaya naman ang sabi ni Nanay, kung sasama pa kami ay wala ng magsisilbi sa mga Escuel. Pumayag kaagad si Madam Alexandra sa paalam ng mga ito.
"Ayos lang. Mag-enjoy kayo...minsan lang naman ang mga ganyang okasyon," sabi niya.
"Naku, wala na talaga kaming mahahanap na amo na kasing bait niyo, Madam," si Ate Mina.
"Sabi ko na sa inyo. Hindi niyo kami amo dito...pamilya tayo," sabi niya sa amin kaya naman mas lalong kinilig ang mga kasama naming kasambahay.
Nanatili ang tingin ko kay Madam Alexandra. Sobrang bait niya talaga, bukod kasi sa mukha na siyang Anghel ay ganuon din ang ugali niya.
Na-iwan kami ni Nanay kasama si Madam Alexandra. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa ulo.
"Kamusta na ang pilay mo?" tanong niya sa akin.
"Ayos na po," sagot ko.
"Sa lingo ay sumama ka sa akin. Pupunta kami ni Vera sa mall...mamimili tayo," sabi niya kaya naman nilingon ko si Nanay.
"Naku Madam, sobra sobra na po ang ginagawa niyo para sa amin," sabi ni Nanay sa kanya.
"Ano ka ba naman, Fae. Parte na kayo ni Vesper sa pamilya naming dito. Tsaka sabik talaga ako sa anak na babae...parang anak na din ang turing ko kina Vera at Vesper," sabi niya sa amin.
Hindi na nakapagsalita pa si Nanay.
"Mukha naming nagustuhan niya...sana ay nagustuhan niya" sabi ni Senyorito August sa akin. Naibigay na daw niya kay Vera yung bracelet.
"Sigurado pong nagustuhan niya, kahit sino naman po ay magugustuhan 'yon," sabi ko kaya naman tumamis ang ngiti niya sa akin.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming ni Senyorito August.
"Pag nasa Manila na ako...palagi ka pa ding pupunta dito?" tanong niya. Tukoy sa kanilang veranda.
"Depende po...nakakatakot po kasing mag-isa," sabi ko. Medyo madilim kasi at malawak ang veranda. Hindi ko naman 'yon napapansin pag kasama ko siya.
Ngumisi siya. "Mami-miss ka ng veranda pag hindi ka pumunta dito," biro niya sa akin.
Tumango ako. "Isipin ko na lang po na nandito kayo," sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Narinig ko ang pag ngisi ni Senyorito August.
"Pagbutihan mo sa pag-aaral. Gusto mo bang mag-aral sa Manila pag college ka na?" tanong niya sa akin.
"Wala po kaming pera ni Nanay para doon," sagot ko.
"Hindi mo kailangang isipin 'yan. Nag-usap na sina Mommy at Daddy, sila ang bahala sa pag-aaral mo hanggang sa makatapos ka. Galingan mo sa pag-aaral...para 'yon sa'yo at sa nanay mo," sabi niya sa akin.
"Salamat po, Senyorito August," sabi ko.
Sabado pa lang ng hapon ng umalis na ang grupo nina Ate Mina. Masyado kasi silang excited na pumunta sa kabilang bayan para sa fiesta.
"Ayaw niyo talagang sumama?" huling tanong nila sa amin ni Nanay.
Kumaway na lang kami sa kanila hanggang sa tuluyan na silang umalis.
"Vesper..."
"Po?"
"Wag ka ng lalabas ha. Maaga tayong matutulog dahil tayo ang maghahanda ng almusal para bukas," sabi niya sa akin kaya naman napa-awang ang labi ko.
Gusto ko pa sanag lumabas para pumunta ulit sa may veranda. Wala naman na akong na-isip na ibang pwedeng irason kay Nanay.
Ayos lang naman siguro kung walang kasama si Senyorito August sa may veranda ngayong gabi. Babawi na lang ako bukas.
Maaga kaming natulog ni Nanay kagaya ng gusto niyang mangyari.
"Vesper..." tawag ni Nanay sa akin.
Pagkamulat ko ng mga mata ko ay kaagad niyang iniharang ang hintuturo sa kanyang labi para sabihing wag akong ma-ingay. Kita ko ang takot sa mukha ni Nanay.
"Ano pong nangyayari?" tanong ko.
Hindi pa man nakakasagot si Nanay ay kaagad ako napabalikwas sa takot ng makarinig kami ng sigawan mula sa labas.
"Nay...anong pong nangyayari?" umiiyak na tanong ko.
Mahigpit akong niyakap ni Nanay habang siya ay na-iiyak na din.
"Hindi ko din alam..."
"Wag! David...tulong!" rinig kong sigaw ni Madam Alexandra.
Kaagad akong kumawala sa yakap ni Nanay para sana tumakbo palabas.
"Vesper!"
"Nay, tulungan po natin sila, Nay..." umiiyak na sabi ko.
Kita ko ang pagkatanranta sa mukha ni Nanay. Halos hindi niya din alam ang gagawin niya.
"Hindi ko alam...hindi ko alam ang gagawin," naguguluhang sabi ni Nanay. Halos mapahawak siya sa ulo niya.
"Nay...si Madam Alexandra po," umiiyak na sabi ko.
Ilang sigaw pa ang narinig naming sa labas hanggang sa napagpasyahan naming ni Nanay na lumabas na din. Dahan dahan ang mga galaw naming, hanggang sa magulat kami ng may humarang sa daraanan naming.
Muntik na kaming sumigaw, Mabuti na lang at nakita naming si Sir Vinci 'yon.
"Humingi kayo ng tulong..." sabi niya sa amin.
"Vinci? Anong ginagawa mo dito? May alam ka ba dito?" tanong ni Nanay sa kanya.
"Wala. Mamaya na ako magpapaliwanag...humingi kayo ng tulong. Wala na sina David at Alexandra Escuel," sabi niya sa amin kaya naman mas lalo kaming na-iyak ni Nanay.
Bigla kong na-isip si Senyorito August.
"Susubukan kong iligtas yung magkapatid...dalian niyo," sabi niya sa amin.
Nanlalabo ang aking paningin ng igaya niya kami sa daan mula sa likod bahay. Hindi matigil ang pag-iyak ko. Wala na sina Don David at Madam Alexandra, anong naging kasalanan nila? Bakit ginawa ito sa kanila.
Ma-ingat kaming lumabas ni nanay para humingi ng tulong. Napasigaw si Nanay nang may humila sa buhok niya.
"Nagkita din ulit tayo...mga punyeta kayo!" asik ni Tatay.
"Victor! Anong? Hayop ka!" sigaw ni Nanay sa kanya.
"Tay, bitawan niyo po si Nanay!" sigaw ko habang pilit na sinasaktan siya para bitawan niya si Nanay.
"Aba't..." kaagad niya akong hinawakan sa leeg bago niya ako parang bagay lang na ibinato sa kung saan.
"Vesper, anak!" sigaw ni Nanay.
"Yan ang bagay sa mga Escuel...masyadong mapapel."
Si Tatay? Si Tatay ang pumatay sa mga Escuel?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro