NT Chapter: 7
And I am back, Lovies! ❤️
As you all noticed, matagal-tagal din since last akong nakapag-update nitong Naked Truth. Naka-post po sa aking Facebook Account kung anong mga naganap sa loob nang halos isang buwan kong hiatus— maki-chika na lang po kayo roon. 😂😂😂
Anyways, highways! Happy Reading! 💋💋💋
*****
Days had passed, but David and Franchesca would no longer have a chance to talk to each other again. Nang gabing naibulalas ni Franchesca ang kanyang saloobin sa binata, ay iyon na rin ang huling pagkakataon na nakita niya ang bulto nito. Nasabi na rin sa kanya ni Nanay Tere, ang biglaang pag-alis ni David at nagpasalamat lang ito sa ginang dahil sa mainit na pagtanggap nito sa pamamalagi niya sa bahay-tanggapan.
Hindi man aminin— ngunit hinahanap na rin ng kanyang pandinig ang malulutong na halakhak ng binata. Franchesca was now silently standing on the shore, while embracing the warmth of sunlight that directly striking her skin. She emphatically closes her eyes, and starts to listen to the waves that soothes her deepest soul.
While Franchesca was in her heartfelt thoughts, she slowly held the small pendant of her necklace as she whispers, "I know that what's meant to be will always find a way..." Aniya bago humugot ng isang malalim na buntong hininga. "But I still cannot accept the fact that I have to let things go, to which fate meant to bind me."
Matapos maibulalas ang mga katagang iyon, ay dahan-dahang binuksan ni Franchesca ang kanyang mga mata, at kasabay ng pagdilat niyang iyon ay ang pagdausdos nang luha sa kanyang mga mata.
"Hindi ko kaya, Dylan," Humihikbi niyang turan. "Hindi ko pa kaya." Matapos no'n ay mabilis niyang pinalis ang tumakas na luha sa kanyang magkabilang pisngi, bago nagpasiyang bumalik sa bahay-tanggapan.
Franchesca was suddenly struck by her steps, while looking at the familiar person standing on her way home. Ang taong kani-kanina lamang na tumatakbo sa kanyang isipan, ay ngayo'y nakatayo na sa hindi kalayuan.
"D-Dylan?" Kabado niyang turan, saka sunod-sunod na ikinurap ang kanyang mga mata, sa pagbabaka-sakaling namamalikmata lamang siya sa kanyang nasisilayan.
Sandali pang ipinikit ni Franchesca ang kanyang mga mata, bago muling tiningnan ang bulto ni Dylan na ngayo'y nakangiting humahakbang papalapit sa kanya.
"Dylan!" Sabik na sigaw niya rito bago tuluyang tumakbo patungo sa kinatatayuan ng binata. Mabilis niya itong sinalubong nang mahigpit na yakap, kasama ang walang pagsidlan niyang kasiyahan.
Franchesca swiftly burst into tears, when she felt the familiar warmth of Dylan's embrace. Ito ang isa sa katangiang nagustuhan niya sa binata, she always feel safer and comfortable every time she's locked up in his arms.
Franchesca feels nothing can touch nor hurt her— His arms are strong enough to hold every fear, sadness, and every broken pieces of her will instantly back together. She felt completely secure in Dylan's cage.
Nang tuluyang humiwalay sa kanilang mga yakap, ay naramdaman na lang ni Franchesca ang mainit na palad ng binata sa kanyang magkabilang pisngi.
"I'm glad you're here..." Aniya habang nakapikit na dinama ang init ng mga kamay ng binata. "Did Ali tell you I was here?" Dagdag pa ng dalaga.
Ilang segundo pa ang lumipas ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito. Dala ng kanyang kuryusidad ay dahan-dahang idinilat ni Franchesca ang kanyang mga mata at sumalubong sa kanya ang malungkot na mukha ni Dylan.
"Babe, what's the matter?" She said, and quickly looked at him.
She saw that Dylan was just half-smiling and looking at her intently while gently caressing her cheek. Kaya naman mabilis hinuli ni Franchesca ang mga kamay nito sabay sabing, "Babe... May problema ba?" Pagtatanong niyang muli sa binata.
Wala naman itong sagot at sa halip ay sinundan na lang ng dalaga kung saan patungo ang kanang kamay nito. Nakita niya na hinawakan ni Dylan ang heart pendant ng kanyang suot na kwintas sabay sabing,
"Follow your heart, France."
Isang simpleng kataga na siyang nakapagpakunot ng noo ng dalaga, "W-what do you mean by that, Babe?" Gulong-gulo niyang turan dito, at naramdaman na lang niya ang unti-unting pagdulas ng kamay nito papalayo sa kanyang palad.
"D-Dylan, saan ka pupunta?" Naguguluhan niyang saad habang pilit inaabot ang kamay nitong tuluyang nang bumitaw.
While trying to reach Dylan's hands, ay siya namang patuloy na paglayo nito sa kanya. The more she takes his hand back, the more he continued to pull it off. Kaya naman labis-labis na ang pag-aalala ni Franchesca rito.
"Dylan... Wait! Saan ka ba pupunta? Mag-usap naman tayo, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina? Why do I need to follow my heart?" Sunod-sunod niyang tanong habang pilit sinusundan ang papalayong binata.
Kahit anong subok na abutin o lapitan si Dylan, ay parang mas lalo lang itong napapalayo sa kanya. Hindi lingid sa kaalaman ng dalaga na may katamtamang laki ng kahoy ang siyang makakatisod sa kanya.
"Ahhh!" Sigaw niya, ngunit hindi iyon naging hadlang upang makalimot sa kanyang pakay.
Kahit may iniindang sakit sa kanyang binti, ay pilit pa ring iniahon ni Franchesca ang kanyang sarili sa pagkakalugmok. Ngunit nang tingnan niya ang direksyon kung saan patungo si Dylan ay nagulat si Franchesca sa kanyang nakita.
Unti-unting nagpipiraso ang bawat parte ng katawan nito, na animo'y isang alikabok na nililipad ng hangin.
"D-Dylan... S-sandali! Sasama ako sa'yo! Hintayin mo ako!" Sigaw ni Franchesca bago tumakbo nang mabilis. Nakita pa niya na nakangiting kumakaway ang binata, bago tuluyang inilagay sa dibdib nito ang kanyang kamay na animo'y isang senyales na gustong ipahiwatig.
"Babe! Hintayin mo ako, please! Dylan! Dylan!" Muling sigaw ni Franchesca rito.
Nang maabutan niya ang binata, ay mabilis niya itong niyakap nang sobrang higpit. At sa pagyakap niyang iyon ay tuluyan nang naglaho ang bulto ni Dylan na nag-anyong alikabok na nililipad papalayo sa kanya.
Nanlulumong napaluhod na lang ang dalaga sabay sabing, "Dylaaaan!" Isang mahinagpis na sigaw ang pinakawalan ni Franchesca sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
Nasa ganoong sitwasyon ang dalaga nang maramdaman ang biglang paghawak sa kanyang balikat.
"France! France!"
Franchesca was suddenly paused in her senses when she heard a sudden call to her name. Sandali pang napakurap-kurap ng kanyang mga mata ang dalaga, habang pilit inaaninag ang taong bumungad sa kanyang harapan.
When her eyesight was finally shone, ay bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni David. Franchesca is now lying on a white hanging net, kaya't hindi niya alam kung paano magre-react sa biglang pagsulpot ng binata sa kanyang harapan.
"I bet you missed me that much, kaya ganyan kalagkit ang tingin mo sa akin." Natatawang saad ni David sa tulalang dalaga.
Napailing na lang si Franchesca sa kahambugang taglay nito, ngunit hindi rin maiaalis ang kagalakang bumabalot ngayon sa kanyang puso na makitang muli ang imahe ni David.
"Hay naku, hindi mo talaga mapigilan 'yang kahambugan mo no?" Ani Franchesca saka muling itinuon ang kanyang atensyon sa binabasa niyang libro.
Hindi naman sumagot si David at sa halip ay kinalabit na lang niya ang dalaga, gamit ang kanyang bitbit na bagay.
Kunot noong binalingan naman ito ni Franchesca at bumungad sa kanyang harapan ang isang dosenang pulang bulaklak at tatlong pulang lobo na korteng puso.
Her heart suddenly skip a beat, when she swiftly remembered her not so happy dream. Naalala niya kasi ang katagang sinabi ni Dylan na follow your heart, na siyang tiyempong naka-imprenta rin sa isang lobong bitbit ngayon ni David.
Hindi niya alam kung anong gustong ipahiwatig nang pagkakataon, but one thing is for sure, she's too afraid to deal with those signs. Those weird signs that taking off her sanity. A weird heart racing, her hands were getting sweaty. And lastly, her stomach filling with flutters that kind of make she feel nauseous.
Napabalik na lang si Franchesca sa kanyang sarili, nang maramdamang muli ang pagkalabit ng binata sa kanyang kamay gamit ang isang lobo. Kaya naman hindi na lang siya nagpahalata sa kanyang pagkakagulat sabay sabing,
"Anong meron?" Pakunwari niyang turan saka tuluyang binuksan muli ang hawak na libro, upang maitago ang kanyang pag-aalangan.
"Just take it..."
Franchesca sarcastically rolled her eyes before dropped her book. Sandali pa niyang tiningnan ang mga bagay na nakabitin sa ere, saka muling pumaling ang kanyang paningin kay David.
"Fine!" Aniya bago tinanggap ang mga ito. "Thank you, David." Pasasalamat niya rito, bago bahagyang inamoy ang mga rosas.
"That will cost you one thousand five hundred, France." Biglang sambit ni David.
Franchesca's eyes widened and immediately deal David with a sharp look, "Say that again?"
A boyish grin suddenly drawn on David's lips, "You need to pay those, dahil wala nang libre sa panahon ngayon." Mapangbuskang usal nito bago inilahad ang kanyang palad, na animo'y naghihintay ng bayad sa kanyang effort.
"You're unbelievable!" Inis na anas ni Franchesca saka dali-daling iniahon ang kanyang sarili sa pagkakahiga sa hanging net. Pabalang niyang inihampas sa dibdib ng binata ang bulaklak sabay sabing, "Iyan! Isaksak mo sa abs mo! Letse!"
"Hey— hey! Where are you going, baby?" Natatawang buska ni David.
"Away from you!" Bulyaw niya saka nagpatiunang naglakad si Franchesca papalayo sa binata. She couldn't believe that David meant to do such thing that triggered the entire vein of her body.
"France, wait up! Nagbibiro lang ako! Para sa'yo talaga itong bulaklak at mga lobo!" Humahangos nitong turan, ngunit parang wala namang naririnig ang dalaga kaya mas binilisan pa ni David ang kanyang pagtakbo para mahabol ito.
Padabog na naglalakad ngayon si Franchesca habang hindi maipinta ang mukha dahil sa kainisan, "Bwisit! This guy really getting into my nerves! Argh!"
Ilang hakbang pa ang ginawa ng dalaga bago naramdaman ang biglang pag-angat ng kanyang katawan sa ere. Segundo pa ang lumipas nang tuluyang pumulupot ang maugat na mga bisig sa kanyang bewang, kaya't wala sa sariling napasigaw na lang siya dahil sa kabiglaan.
"Ahh! What the hēll, David! Let me go!" Maawtoridad niyang singhal, at nagsimula na ring maramdaman ang unti-unting pag-iinit ng kanyang mga pisngi, dahil sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan sa isa't isa.
"I won't let you go hangga't hindi mo ako kinakausap."
"Are you out of your frisky mind?! Matapos mo akong i-good time sa kalokohan mo, gusto mo chill-chill pa rin tayo?! Aba, nahihibang ka na talaga lalaki ka ano?!"
Humagalpak lang ito ng tawa, "Nope— kahit abutin pa tayo nang magdamag, I don't mind... Kung ganito ba naman kabango 'yung makakayakap ko, I might lock myself all night. Willingly and volunteered to be this close to you." Nakakalokong sambit ni David saka bahagyang inamoy ang nakakahalinang leeg ng dalaga.
When Franchesca felt David's lips were clinging to her neck, she immediately bumps her head back to shove David's face and completely free herself from his arms.
"Argh!" Namimilipit sa sakit na napaluhod na lang si David dahil ramdam niya ang pag-umpog ng ulo ng dalaga sa kanya ilong.
Kakaripas na sana nang pagtakbo papalayo si Franchesca nang marinig niya ang pagsigaw ng binata.
"Fūck! My nose is bleeding!"
Mabilis naman itong binalingan ng dalaga at namilog ang mga mata sa kanyang nakita. Agad binalot nang kaba ang kanyang sistema dahil sa marami-raming dugo na ang nagkalat sa puting polo-shirt ng binata.
"David!" Kabado niyang turan at walang sabi-sabing nilapitan ito. "Don't tilt your head back. Baka ma-choke ka." Aniya habang inaalalayan ito sa pagtayo.
"But the bleeding won't stop..."
Mabilis naman itong inalalayan ni Fanchesca. "Just lean your head forward and sternly pinch the bridge of your nose to put pressure on it— para maipit ang ugat at ma-control ang bleeding."
They quickly went home to cure David's current situation. Franchesca promptly grabbed the ice covered by the small face towel, to restrain the blood from gushing out.
"Shoot! The bleeding won't stop... I'm so sorry David." Nag-aalalang saad ni Franchesca habang nakaalalay sa ulo ng binata.
"Hey... Don't worry about me, France. Ganyan talaga kaming mga gwapo, maraming dugo sa katawan." Kwelang saad ni David para pagaanin ang loob nito. Batid niya kasi sa mukha ng dalaga ang matinding pag-aalala dahil sa sitwasyon niya ngayon.
"This is a serious matter, David. You've already lost a lot of blood, tapos nakukuha mo pang magbiro nang ganyan. Like seriously?" May inis na sambit ni Franchesca.
Dahan-dahan namang hinawakan ni David ang nanginginig na kamay ng dalaga sabay sabing, "Hey..." Pukaw niya sa atensyon nito. "Ayos lang ako France, h'wag ka nang mag-alala."
Sa puntong iyon ay nagkatitigan ang dalawa. Hindi man aminin— ngunit sa tuwing nagsasalubong ang kanilang mga mata ay parang bumabagal ang takbo nang kanilang mga paligid.
Dahan-dahang inabot ni David ang kanang pisngi ng dalaga, bago ito masuyong hinaplos. Samantalang ang dalaga naman ay nanginginig ang sistemang napako na sa kanyang kinatatayuan ngayon.
Nasa ganoong posisyon at sitwasyon sina David at Franchesca, nang bigla silang makarinig nang mga yabag ng paa na ngayon ay papasok na sa kusina. Kaya naman nagmamadaling lumayo si Franchesca rito at pakunwaring hinugasan ang bimpo na kanyang hawak.
Ilang segundo lang ang lumipas nang tuluyang iniluwa nang pintuan sina Nanay Tere at Jarred, bitbit ang kanilang pinamili galing sa Bayan.
"O, Totoy, mabuti naman at nakabalik ka sa Isla," Anito bago inilapag ang bayong sa lamesa. "Ay, ano ga ang nangyari sa iyo?" Gulat na saad ni Nanay Tere nang mabungaran ang duguang si David.
Sandaling umayos sa kanyang pagkakaupo si David, "France, accidentally bumped into my nose with her head po 'Nay." Ani David bago tumingin sa dalaga.
And from that moment on, their eyes met again. Ngunit agad nagbaba nang tingin si Franchesca, dahil pakiramdam niya ay nag-aanyong kamatis na ngayon ang kanyang magkabilang pisngi sa sobrang kapulahan.
"Hala sige— magpahinga na muna kayo sa mga kwarto niyo Totoy at France, maghahanda lang kami ng hapunan." Ani Nanay Tere bago isinalansan ang mga gulay sa lamesa.
"May maitutulong po ba ako 'Nay?" Pagpi-prisinta ng dalaga.
"Ay, ayos lang Anak. Nariyan naman si Jarred para ako'y tulungan." Anito habang nakatuon ang atensyon sa kanyang ginagawa.
Franchesca just nodded before hurrying went to her room. Sinundan lamang ito nang tingin nina David at Jarred, bago nagkasalubong ang kanilang mapanuring mga titig. Hindi na rin naman nagtagal at tuluyan na rin umakyat si David sa kanyang silid upang makapagpahinga.
*****
Sino nga ba si Dylan sa buhay ni France? Any thoughts, Lovies? ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro