Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

It's been 2 months nang ipanganak ko si Skylaire, maayos naman ang buhay pero parang nagiging cold sa akin si Tyler. Palagi nalang siyang busy tuwing gusto ko makipag cuddle sa kaniya. Hindi na din kase kami nagkakasabay kumain, mapa umaga man, tanghali at gabi. Alas sais palang nang umaga ay umaalis na siya at alas onse pa siya nauwi. Palagi siyang busy sa trabaho at nawawalan siya nang oras sa amin ng mga anak niya. Nagsisimula na akong mag overthink, what if ayaw niya na sa akin? what if may bago na siya? what if napapangitan na siya sa akin?


Hindi ko mapigilan mag isip ng kung ano ano dahil medyo tumaba ako nang maipanganak ko si Skylaire. Ang dami ko kaseng pinaglihian nung nasa tiyan kopa siya. Halos ata nang pagkain kinakain ko nung pinagbubuntis ko siya. Palagi ko siyang ipinagluluto nang makakain niya sa gabi at iniiwan ko ito sa lamesa. Nagpasalamat naman ako dahil kinakain niya iyon.


"Mommy hindi papo ba uuwi si Daddy? He's been busy for like five days straight. I really miss him" nakangusong saad ni Zyler habang nanonood sa ipad niya. It's already 9 PM na pero gising padin si Zyler dahil gusto niyang maka usap yung Tatay niya. Napatulog kona si Skylaire kaya narito ako sa sala ngayon nakaupo habang nagbabasa..


"Hindi pa anak, just understand your Daddy. He has a lot of work to do. Maybe when he's less busier we will go to the park." Nakangiting pagkukumbinsi ko kay Zyler kahit hindi pa talaga ako sigurado. Agad naman itong tumango at nahiga sa sofa, inaantok na siguro siya kaya nahiga. Maya maya lang ay binuhat kona si Zyler at inilagay sa kwarto niya.

Halos tatlong oras pa ata akong nagbasa ng libro habang hinihintay si Tyler bago ako makarinig nang busina mula sa labas. Nandito na siya. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagpunta sa pinto para pagbuksan siya. Hindi pa ako kumain ng gabihan kase balak kong sabay kaming kumain.


"Welcome home Love." nakangiting pagbati ko sa kaniya. Pero malamig niya lang akong tiningnan at nilampasan ako. May problema ba siya? May mali ba akong nagawa? (Tanong ko sa sarili ko)

"Love tara sabay tayong kumain. Nagluto ako nang paborito mong ulam." Baka ngayon naman pansinin niya na ako. Pero nagulat ako nang mag dire-dretso siya papasok sa kwarto namin.


"Love may problema kaba? Bakit hindi mo ako pinapansin?" Sa sobrang inis ko hindi kona napigilang sumigaw. Naiitita itong tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay..


"Wala akong problema. Just shut your f*cking mouth I'm tired Sevianna." Did he just said f*cking?

"I don't know what's wrong with you? Wala naman akong ginagawang masama ah? Bakit ka nagkakaganiyan?"

"Napapagod ako Sevianna. Pwede bang itahimik mona muna yang bunganga mo. Hindi ba ako pwedeng magpahinga?"


"Palagi ka nang nagpapahinga ah? Bawal kabang makasabay kumain kahit ilang minuto lang? Ganiyan kana ba talaga ka busy? Ganiyan naba ka importante yung ginagawa mo kesa sa amin ng mga anak mo?" napangiti ako ng mapait nang masama niya akong tiningnan.

"Stop this drama Sevy o told you I'm busy. Just leave me alone!!" malakas na sigaw niya na nagpasikip sa dibdib ko. Sinisigawan na niya ako? Mahirap bang intindihin yung gusto kp siyang makapiling kahit isang sandali lang? Nagulat ako nang biglang umiyak ng malakas si Skylaire. Nagising siya dahil sa malakas na sigaw ni Tyler. Hindi niya man lang pinansin si Skylaire at nagtungo na siya sa kama at nahiga. Hindi niya man lang hinalikan o niyakap si Skylaire? Siguro nga mas importante pa yung trabaho niya kesa sa amin. Dahil sa sobrang inis ko sa kaniya ay hinila ko yung crib ni Skylaire at dinala ito sa guest room. Bahala siya mag isa dun, dito ako matutulog hanggang hindi siya nagbabago. Saad ko sa sarili ko habang pinapatulog si Skylair. Napagpasyahan koana ding matulog dahil anong oras na, nawalan na ako nang ganang kumain.


Umabot ata kami ng isang linggong walang pansinan, sa guest room kami natutulog ni Skylaire. Pero ipinagluluto ko siya nang dinner at iniiwan nalang ito sa lamesa.

Kasalukuyan akong nagbibihis ng dress ngayon dahil balak ko siyang dalhan ng lunch sa office niya. Hindi naman siguro siya magagalit noh? Agad akong sumakay sa kotse ko at nagtungo na sa company niya. Si Crystal at Tristan ang nagbabantay kay Skylaire at Zyler. Pumayag silang dalawa dahil minsan lang naman kami magka sama ng solo ni Tyler.


Nang makarating ako sa Company niya agad akong pumasok at sumakay sa Elevator. Naglakad lakad ako ng kaunti bago ako nakarating sa tapat ng office niya. Sosorpresqhin ko siya, hihingi din ako nang sorry sa mga nasabi ko nung nakaraan at iintindihin yung pagka busy niya. Pero ako ang nasorpresa nang makita ko siyang naka upo sa swivel chair niya habang may maganda, sexy na babae ang naka upo sa ibabaw ng lamesa niya. Agad silang napatingin sa gawi ko. Naiinis ang ekspresyon nung babae habang si Tyler naman ay masama lang nakatingin sa akin. Doon ko na realize na nagloloko na siya.

Doon nagsimula ako mag overthink. Ito naba yung babaeng ipapalit niya sa akin? Sobrang sexy at ganda niya, wala akong laban. Medyo tumaba kase ako eh talo na agad ako. Halos wala akong laban mapa katawan o mapa muka.

"Who are you?" naiinis na tanong nung babae. Sasagot na sana ako na ako yung girlfriend nung lalaking nilalandi niya nang unahan ako ni Tyler.

"Friend. She's just a friend." malamig na saad niya bago ako tingnan. His words broke my heart into pieces. Friend? Kaibigan lang ang turing niya sa akin? Kapag may kasama siyang ibang babae kaibigan lang ako?

"What are you doing here Sevianna?" malamig na tanong niya. Napangiti ako nanag mapait sa sinabi niya.

"Ahh wala hindi na importante. Balak sana kitang ayain kumain ng lunch as a FRIEND kaso mukang busy ka sa GIRLFRIEND mo eh. Huwag nalang." aniya ko at akmang paalis na ako sa office niya nang magsalita siya.

"Wait for me at the library we'll talk later." maikling saad niya. Agad nalang akong tumango at nagtungo ako sa Libra. Bakit pa sa library? Kung iiwan niya ako bakait hindi pa dun sa harapan nung bago niya. Natatakot ba siyang malaman nung bago niyang GIRLFRIEND na may dalawa siyang anak. Napa buntong hininga nalang ako bago umupo sa isang lamesa. Habang nagbabasa ako ng libro bigla kong nakita si James. Si James ang lalaking Secretary ni Tyler. Matagal kona siyang kilala dahil matagal madin siyang nagtatrabaho kay Tyler. Nagsisimula nang tumunog yung tiyan ko sa mukang hindi pa nakakakain si James. Kaagad ko itong tinawag at inakit na sabayan ako kumain.

"James kumain kana?" maikling tanong ko sa kaniya.

"Oh kayo pala yan Ms Sevy. Hindi papo eh medyo nauumay napo ako sa tinda sa canteen." Sabagay hindi naman kase masasarap ang pagkain dito sa canteen nila.

"Ahh ganun ba. Teka kung gusto mo kainin nalang natin itong niluto kong lunch. Para sana kay Tyler yan pero may kasabay na siyang kumain eh kaya halika sabayan mo ako." pagaaya ko sa kaniya. Agad naman itong pumayag at naupo sa gilid ko. Inilabas ko lahat ng ulam na niluto ko para kay Tyler at ipinakain sa kaniya. Sobrang natuwa ako nang magustuhan niya yung mga luto ko.


"Maam kilala niyo poba yung bagong secretary ni Sir? Hindi po sa paninira pero napaka landi niya. Lagi niyang nilalandi si Sir, minsan nga pinipigilan ko si Sir dahil alam kong may girlfriend na siya pero ayaw niyang sumunod." pag kwekwento niya habang kumakain. So matagal na pala silang naglalandian? Kaya pala sobrang lamig na ng relasyon namin. Kase may bago na siyang pinagkakaabalahan. Kung alam kolang na sa ganito din kami mapupunta sana pagka panganak kopa lang kay Skylaire iniwan kona siya.


Nagpasalamat siya sa akin nang matapos na kaming kumain. Ngayon lang daw ulit siya nakatikim ng masarap na pagkain. Masaya siyang umalis habang ako naman ay naghahanda na paalis. Baka sabay na silang kumain nung babae niya. Aalis nalang ako nang hindi nila nalalaman. Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Tyler na parang kakalabas lang ng Office niya. Lalampasan kona sana siya nang higitin niya yung kamay ko.

"You need something?" malamig na tanong ko sa kaniya. Nagtataka siguro siya kung bakit aalis na ako.

"W-where's my l-lunch?" nauutal na tanong niya. Malamig kolang siyang tiningnan at nagsalita.

"Wala na. Sabay kaming kumain ni James kanina. Ipinakain kona sa kaniya, tutal mukang busy ka."

"Why would you give it to him. That's supposed to be mine." galit na aniya niya. Pakielam ko sayo. Edi kumain ka sa Cafeteria kasama yung kabit mo.

"So? Edi kumain ka sa Cafeteria niyo." saad ko bago maglakad.

"W-wait sabayan mo ako kumain."npag aaya niya.

"Ikaw nalang kakatapos kolang kumain kasama si James at busog na ako." saad ko bago siya iwanan doon. Agad akong sumakay sa kotse ko at umuwi na. Mabuti nalang at maaga akong umuwi dahil nagising na si Skylaire at umiiyak.

_

_

Alas onse nang gabi ngayon pero hindi parin ako makatulog. Mayat maya kase ay nagigising si Skylaire kaya napagpasyahan kong huwag na muna matulog. Hindi ko ipinagluto ng makakain si Tyler, bahala na siyang umorder ng kakainin niya o magpaluto sa mga maids. Maya maya ay nakaramdam ako nang uhaw kaya lumabas ako sa guest room, kung saan kami natutulog ni Skylaire at nagtungo sa kusina. Hindi kami magkasama ni Tyler sa iisang kwarto dahil nung isang gabi. Iyak kase ng iyak si Skylaire kaya nainis siya at sa guest room kami natulog.


Habang umiinom ako narinig ko yung pagbusina nung kotse niya. Hindi kona langbito pinansin at itinuloy ang paginom. Nang matapos na ako agad akong nagpunta sa dining area at nakita ko siyang naghahanap ng pagkain.

"W-where's my dinner?" tanong niya habang malungkot na nakatingin sa akin.

"Wala, tinatamad ako. Kung gusto mo kumain umorder ka o magpaluto sa mga maids." malamig na aniya ko bago bumalik sa kwarto namin ni Skylaire. Agad akong nahiga at nagkumot.



Papikit na sana ako nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Ano bang kailangan niya? Nagulat ako nang sa crib siya pumunta.

"Good Night Daddy's little Princess " aniya niya bago halikan sa noo si Skylaire. Hindi kona lang siya pinansin at ipinikit ang mga mata. Mga limang minuto ang nakalipas nang maramdaman kong nahiga siya sa tabi ko. Mahigpit niya akong niyakap mula sa likuran bago isiksik yung ulo niya sa leeg ko.

"Love why are you so cold to me?" tanong niya pero hindi ako sumagot.

"Don't you love me anymore?"

"Sobrang higpit nang yakap mo tanggalin mo nga at hindi ako makagalaw." aniya ko habang tinatanggal yung kamay niya.

"You didn't make dinner for me today. Are you angry?"Aba nagtanong pa talaga siya? I didn't give him an answer I just stayed quiet.


"And you let some stranger eat my lunch. That's supposed to be mine but you let him ate it. You don't love me anymore right?" Paano ko ipapakain sayo yung pagkain kung ipinakilala mo ako sa babae mo bilang kaibigan.

"So? Kaibigan lang naman kita ah? Kaibigan kodin si James kaya ipinakain kona sa kaniya yung niluto ko. Masasayang lang kapag ikaw ang kumain." pagsusungit ko bago pilit na tinatanggal yung kamay niya.

"No Love I'm not your friend. I'm your husband and your mine"

"Only mine." he said that gave shivers all over my body. Agad ko siyang tinulak at naiinis na tiningnan. But i saw him sobbing like a baby.


"Why are you crying?"

"Because you don't love me anymore." saad niya bago takpan ang muka habang umiiyak. Did i make him cry?

"Sorry i didn't mean to let a stranger eat your lunch ." saad ko bago siya yakapin. Agad naman niya akong niyakap pabalik habang humahagulgol.

"I'm sorry love. I'll give you what you want."

"Really? C-can you make me a dinner? I'm super exhausted today and hungry. Earlier i was expecting you to make me dinner but you didn't." saad niya bago bumitaw sa yakapan namin. Agad naman akong tumango at nagtungo sa kusina para ipagluto siya.

Habang nagluluto ako nakaramdamam ako nang pagyakap mula sa likuran ko.



"What are you doing hmm?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Nanatili kaming ganun hanggang sa matapos na akong magluto at kumain na siya. Sinabi niya rin sa akin na tinanggal niya na sa trabaho yung babaeng nasa office niya kanina. Masyadong malandi daw at papansin kaya tinanggal niya na sa trabaho.




To Be Continue×

× Comment for next part
×Thanks for reading
×Work of fiction
×Open for criticism
×Plagiarism is a Crime (Do not repost or copy my story without my permission)

By: Yeliah Writes

Wattpad Acc: queen_yeliah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro