Chapter 43
Alex P.O.V.
UMALIS agad si Lia pagkahatid niya sa 'kin dahil sa importanteng tawag sa kanya. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at humiga sa kama. Tumingin ako sa side table kung nasaan ang mga vitamins na binigay ng doctor sa 'kin kanina. Pampakapit at pampalakas kay baby. Ibinilin din niyang dapat daw ay iwasan ko ang stress at kumain ng maayos.
Mahirap daw kasi talaga ang pagbubuntis lalo na't una pa ito.
Pinatay ko ang ilaw at humiga sa kama. Napatingin ako sa kabilang side ng kama. Pakiramdam ko'y sobrang laki ng queen size bed ko. Isama pa ang pakiramdam na may kulang at ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa balat ko.
I need to feel Jake's warm. The empty side of my bed seems connecting with my heart . . . there's an empty space in it, too. Sobrang lamig tuloy ng pakiramdam ko dahil wala na ang init na ibinibigay ng katawan niya sa 'kin. Napaluha na naman ako. I miss him. I miss Jake. Suddenly I want to go home na pero I still hate him pa rin because he is giving me, too, much stress.
Matutulog na sana ako ng may mag-doorbell sa pinto. Dumilat ako. Tsk. Kung kaylan talaga ako nage-emo, saka sila pupunta? Padabog akong tumayo at bumaba ng kama. Lumakad ako palabas ng kwarto at pumunta sa sala para pagbukas ng pinto kung sino man 'yon. Padabog kong hinila ang pintuan.
"Bakit ba?!" bulyaw ko ng mabuksan ko ang pinto. Ngunit naglaho lahat ng inis ko ng makita kung sino 'yon. "W-what are you doing here?"
Jake is standing in front of me. May dala-dala siyang maleta na mas nagparamdam sa 'kin ng galit. Ikinuyom ko ang kamao ko.
"So, pinapalayas mo na pala ako. Sana hindi mo na dinala ang gamit ko at tinapon na lang." Sobrang sama ng loob ko sa lalaking 'to. Nakaka-inis! Gusto ko siyang pagsusuntukin at pagsasampalin dahil sa inis.
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. Ngayon ko lang napansin ang pinaghalong pagod at pag-aalalang nasa mukha niya.
"No-no . . . that is not your things. That's mine," mahina niyang ani. Sumilip siya sa loob ng condo ko. "Would you not invite me inside? I'm so tired finding you, I even call the police to report you are missing . . ."
Umawang ang labi ko. Halata nga ang pagod sa hitsura at pananalita niya. Naramdaman ako ng habag para sa lalaki. Pinakawalan ko ang isang malalim na hininga at nilakihan ang bukas sa pintuan.
"Halika ka," yaya ko.
Maliit na ngumiti ang lalaki at pumasok sa loob. Naunang pumasok sa loob si Jake, sinarado ko ang pinto at hinarap siya.
"Do you want coffee?" alok ko nang nasa sala na kami. Naglilibot ang mga mata niya sa buong unit ko.
"No, thank you. I just want to sleep with my wife, please?" mahina niyang paki-usap.
Huminga ako ng malalim. Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko. Hindi ko akalaing maggaganito si Jake. Mabilis kong tinawid ang pagitan naming dalawa. Niyakap ko siya ng mahigpit at sumubsub ako sa dibdib niya.
"I'm really s-sorry, hubby! I'm so immature, please, don't be mad at na," humihikbi kong pakiusap.
Yumakap siya pabalik sa 'kin. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Hush now, my wife, that's okay with me. I'm not mad at you. I can't be mad," aniya.
Sobrang guilt ang kumakain sa 'kin. Dapat ay mas naging malawak ang pang-intindi ko but no, mas pinili kong magpaka-immature. Hindi ako nakasagot pa kay Jake. Naramdaman ko na lang na lumutan na ako sa ere. Sumiksik ako sa leeg niya at inamoy-amoy siya. I feel relaxed.
Pumasok siya sa kwarto ko at inihiga ako sa kama pero hindi ako bumitaw ng yakap sa kanya.
"Let me go first, wife. I'm just taking off my clothes." Sa sinabi niya ay bumitaw ako at humiga sa kama. Tumalikod ako ng higa sa kanya. Lumubog ang kabilang side ng kama at niyakap niya ang bewang ko. Humarap ako sa kanya.
"I-I'm really sorry, hubby," pag-uulit ko. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Jake kissed my tears away. Humigpit ang yakap niya sa 'kin.
"That's okay, wife. Aayusin natin 'to." Tumango ako at pinunasan ang ilang luha ko. "Don't cry, wife, I don't want to see you crying." Pumikit ako at lumunok. Pinigil ko ang hikbi ko at huminga ng malalim.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. If I say it today, hindi na siya surprise pero ayoko namang palagi na lang naming pag-aawayan ang pagpunta ng hospital sa tuwing sasama ang pakiramdam ko. And I don't want to lie na rin.
Huminga ako ng malalim ulit. Kaya mo 'yan, Alex.
"I'm pregnant, Jake," mahinang sabi ko.
Jake's P.O.V.
PARANG bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi ni Alex. Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Nakapikit siya. Shit! I'm going to be a dad?! I'm fucking going to be a father!!!! Napangiti ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko't hinila siya patayo. Mariin ko siyang hinalikan sa labi.
Pagkatapos no'n ay bumaba ako ng kama at nagsusuntok sa hangin.
"HOOOOO! YES!!!! I'M GOING TO BE A DAD!! THANK YOU, GOD!!! WHOAAA!! I'M GOING TO BE A FATHERR!!" I cannot contain my happiness. Nagwawala ako sa saya. Napatingin ako kay Alex na naka-upo sa kama at nakangising nakatingin sa 'kin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Thank you so much, wife! Thank you!" bulong ko. Lumayo ako ng kaunti at tiningnan siya. Nakangiti siya sa 'kin. Deretso ko siyang tiningnan sa mga mata. Ang magaganda niyang mata.
Hinalikan ko ulit siya sa labi. I'm so fucking happy right now!!
Humiwalay siya sa 'kin. I'm really sorry, Jake. Hindi ko naman—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil hindi naman dapat siya mag-sorry.
"Wife, you don't need to say sorry. Ako dapat ang mag-sorry sa 'yo dahil hindi kita inintindi. Alam ko na ngayon kung bakit kakaiba ang mood swings mo, tapos kanina ay nabigyan pa kita ng stress. I'm sorry, wife." Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya. Nanginginig ang kamay kong humawak doon. "Starting today, wife, hindi ko na sasabayan ang mood swings mo. Nakapagpa-check-up ka na ba? Anong sabi ng doctor mo?"
Idinikit ko ang tenga ko sa tiyan niya.
"Hi, love. I'm you Dad. I love you, baby. Magpalaki and lusog ka diyan, love. I'm so excited to meet you."
Napapikit ako ng haplusin ni Alex ang buhok ko. Napangiti ako. Bawing-bawi ang pagod na naramdaman ko kanina sa ibinalita niya sa 'kin ngayon. Worth it lahat.
"Jake, you don't mad at me, right?" tanong niya sa 'kin.
Tumingin ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm not mad. Have you seen a doctor? Hm . . . malalaman na ba natin ang gender niya?"
Natatawa siyang tumingin sa 'kin, "yes. Kanina dinala ako ni Lia sa OB. Tapos sabi lang niya wag daw akong masyadong stress. The baby is healthy. Binigyan niya rin ako ng pampakapit kay baby," paliwanag niya. Hinalikan ko siya sa noo.
"Thank you, wife. This is the best gift I can receive from you and God. Thank you," bulong ko sa kanya at isinandal ang noo ko sa noo niya. Pumikit ako pero nagulat ako ng hampasin niya ako. Gulat akong tumingin sa kanya. "W-why, wife?! Masakit ha."
"Ikaw kasi, eh! Dapat talaga sa birthday mo pa malalaman pero kasi you insisted na magpunta sa doctor kaya ayon lumayas tuloy ako," she said while pouting her lips.
Ngumiti ako at hinila siya pahiga sa kama. Kinulong ko siya sa mga bisig ko. He used my chest as a pillow habang nakapalubot ang braso ko sa bewang niya.
"Oo na, wife. Ako na. Sige. Be mad at me para ako ang maging kamukha ni baby," nakangising sabi ko.
I can feel her lips twist into a smile, I smiled.
"Gusto ko ngang maging kamukha ka niya, eh. I want a little version of you running in our eyes."
"But, wife, I want to have a mini you calling me a dad and she'll become a daddy's girl."
Tumingala siya sa 'kin. Nakangiti siya.
"Te dua, Jake. Te dua," bulong niya bago pumikit pero nakarating pa rin 'yon s apandinig ko.
Napangiti ako at inalis ang ilangbuhok na nakaharang sa mukha niya. "One day I will notb what that means, wife."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro