Chapter 2: Twist Of Fate
"Hinayaan mo na lang sana," saway ni Kevin kay Andie habang patungo sila sa bus na maghahatid sa kanila sa training quarters nila.
Matalik niyang kaibigan si Kevin. Kasama niya itong nanirahan sa kalye nang maglayas silang pareho sa kani-kanilang mga bahay. Ito rin ang naging daan upang makilala niya si Chief—ang taong kumupkop at itinuring silang dalawa na mga anak halos walong taon na ang nakararaan. Noong gabing inimbitahan sila ni Chief sa bahay nito upang maghapunan, tuluyang nabago ang buhay niya.
Inalagaan siya ni Chief, inaruga, like all fathers would do to their child. Bagay na ni minsan, hindi man lang niya naranasan. Pinag-aral din siya nito, silang dalawa ni Kevin. Isa iyon sa mga pangarap na matagal na niyang nilimot dahil nga masalimuot ang buhay niya habang lumalaki. But Chief had been patient with her. Kumuha pa ito ng personal tutor para sa kanilang dalawa ni Kevin para mabilis silang makahabol sa eskuwela.
Sinanay din sila nito sa iba't-ibang klase ng martial arts kasama ang anak nitong si Ivan na kaedaran din nila. Noong una, ang akala niya ay likas lamang na gusto nitong matuto silang tatlo ng self-defense kung kaya sila nagte-training para sa mortal combative skills. Hanggang sa noong magkinse siya, sinabi nito ang totoong trabaho nito. Na ito ang Chief sa The Organization—a group sanctioned by the CIA which helps to protect the famous and ultra-rich.
Mula noon, nagpatuloy siya sa pagsasanay habang nag-aaral. Because she had only one goal in mind, she wanted to be a protector just like Chief, the only father she had known, in the real sense of the word.
At ngayon nga, matapos ang ilang taong pagsasanay at paghahanda, naroon na silang dalawa ni Kevin, pati na rin si Ivan, na kasama rin nilang magte-training ng anim na buwan para maging ganap na protector. Kagabi pa silang excited na tatlo sa maaring maganap ngayong araw. Bukod kasi sa tawag dalawang araw na ang nakararaan, wala nang ibinigay pa ni clue si Chief sa kanila tungkol sa maaring mangyari ngayong araw.
And she understood. Papasok silang tatlo sa The Organization like the rest of the aspiring protectors, hindi bilang mga anak ni Chief.
Kaso nga lang, napalitan ang excitement niya ng sobra-sobrang inis sa lalaking manyakis na walang habas na lumapastangan sa kanyang hinaharap!
Napairap siya ulit sa naalala.
"Deserve niya 'yon, 'no! Tarantado e!" inis niyang sagot kay Kevin bago inayos ang pagkakabuhat niya sa duffle bag niya. Gaya ng iba pang APs, laman niyon ang iilan niyang damit at personal na mga bagay na kakailanganin nila sa pagtira sa AP Quarters-- ang lugar kung saan nakatira ang mga aspiring protectors na kagaya nila.
"Kahit na. Sigurado naman akong hindi niya 'yon sinasadya. Baka nga nataranta lang 'yong tao e. Kung nakita mo lang sana, kapit-tuko talaga si Dax kanina sa 'yo," ani Kevin habang inaayos ang sarili sa loob ng bus. Magkatabi sila nito habang si Ivan naman ay pumuwesto sa likuran nila.
Rumolyo na ang mga mata niya. Heto na naman si Kevin at sa pagiging spokesperson nito ng world peace. Peace-loving citizen ito. Naniniwala sa kabutihan ng tao. E siya, hindi.
Humugong siya, umirap. "Hindi sinasadya," umpisa niya, sarkastiko. "Sipain ko mukha niya e!" gigil niyang dugtong.
"Andie, iilan lang ang babae na nakakapasok sa The Organization. Sa batch natin na magte-training sabi ni Chief, ikaw lang ang babae. Maybe it was just an honest mistake," patuloy na paliwanang ni Kevin sa malumanay na tinig.
Lalong nanalim ang mga mata niya. Bakit ba pakiramdam niya kinakampihan ni Kevin ang manyakis na Dax na 'yon? Tumikwas na ang nguso niya. "Kahit na! Honest mistake or not! Walang siyang karapatang laitin 'to! Lalo na at pumisil pisil na siya!" Tinuro pa niya ang kanyang dibdib na hindi nga naman talaga halata ang umbok sa suot nilang uniporme. Lalo siyang nanggigil. Asar siyang bumaling kay Kevin. "Sino ba ang kaibigan mo? 'Yong manyak ba na 'yon o ako? Dapat pinagtatanggol mo ko. Ako na nga inagrabyado!"
Natatawa siyang inakbayan ni Kevin. ""Yan ka nanaman. Hindi mo nanaman mapigil 'yang pag-aamazona mo. Tama na, puwede? Nakaka-distract na 'yang butas ng ilong mo, o. Ba't ba lumaki nang ganyan 'yan? Huling tingin ko, tuldok pa lang 'yan a," dire-diretsang kantiyaw nito bago tuluyang ngumisi.
Lalo siyang nagngitngit. Sandali pa niyang pinagbigyan ang pagngisi-ngisi nito bago niya biglang sinuntok ang dibdib nito. Agad itong napaubo sa ginawa niya, hinabol din ang paghinga.
"B-brutal ka talaga, A-Andeng!" anito, panay-panay ang pagsinghap.
Sumingit na si Ivan sa usapan, mula sa likuran nila. "H'wag mo kasing pinagti-tripan 'yong ano niya. Hindi na nga halata, pinagti-trip-an mo pa," seryosong sabi nito bago unti-unting ngumisi.
Lalong nanikwas ang nguso niya. Talagang walang balak magsitigil ang dalawang bugok sa panlalait sa pinagkaitan niyang future! Sa inis niya, walang sabi-sabi niyang kinamal ang malagong buhok ni Ivan at sinabunutan ito nang anong higpit. Panay-panay ang ginawa nitong pagrereklamo. And it was causing a commotion inside the bus. Kung hindi lang siya nahihiya sa mga kasama nilang APs baka hindi na niya binitiwan ang buhok ni Ivan. Abot-langit na nga ang inis niya sa Dax na 'yon, sumabay pa talaga sa pang-aasar itong dalawang bugok sa buhay niya.
Gigil na gigil siyang tunay! Panay ang bulong ni Ivan nang bitiwan niya ang buhok nito.
"Ang sakit, Andie," mahinang reklamo nito habang minamasahe ang nasaktang anit.
Napairap siya ulit. "Deserve ninyong dalawa 'yan. Kulang pa nga." Pinaglipat niya ang mga mata kina Ivan at Kevin na hindi pa nakakabawi sa ganti niya. Buti nga!
Natigil lang ang mumunting reklamo ng mga ito nang makita nilang umakyat na ng bus si Dax. Nakangiwi ito. Nakahawak din sa tiyan nito.
Sandaling nagtama ang kanilang mga paningin. Inirapan niya ito nang pilit siya nitong nginitian.
Bakit ba siya nito nginingitian? Magagamot ba ng pangiti-ngiti nito ang ginawa nitong pang-iinsulto sa hinaharap niyang napisil-pisil na nito?
Tuluyan na itong naglakad palapit sa kanila. She suddenly had the urged to clear her throat when she had a whiff of his natural manly scent. Kung bakit, malay niya! Siguro kasi mabango ito talaga. Kaamoy nito si Zyrone. 'Yong guwapo, sikat at mayamang schoolmate nila noong highschool. Crush nga niya si Zyrone noon e.
Napatuwid siya ng upo. Si Zyrone, aminado siyang crush niya. Pero itong si Dax the manyak....
Agad siyang nangilabot sa naisip. Kahit na guwapo ito kung manyak naman, h'wag na lang.
Naririnig niyang kausap ni Dax sina Ivan at Kevin pero hindi niya masyadong pinagtutuunan ng pansin.
Maya-maya pa," Dito ka na," narinig niyang aya ni Ivan sa lalaki. Narinig pa niya ang pag-ayos ng upo ni Ivan sa likuran nila bago tuluyang umupo si Dax, sa mismong likuran niya.
Then, the boys started chatting again.
Nanirik lalo ang mga mata niya. Pakiramdam niya, siya na ang outcast at hindi na si Dax.
Matapos ang ilang minuto, huminto ang bus sa tapat ng isang ordinaryong two-storey building, katapat niyon ang malawak na grassfields. Nauna na siyang bumaba sa mga kasama niya na busy pa rin sa pagkukuwentuhan. Gusto kasi niyang makita agad ang titirhan niya sa susunod na anim na buwan.
Honestly, she's quite disappointed. There's nothing extraordinary about the building. Kulay puti iyon at halatang puma. Sa totoo lang, mas mukha iyong abandonadong building kaysa sa headquarters. Natutuklap pa nga ang ibang pintura niyon. Mukhang creepy.
Muli niyang ipinalibot ang mata sa malawak na solar. Mayroong isang bungalow building a few hundred meters away. At the back of it, napansin niya ang isang wired-fence that stretches till only-God-knows where. Tanaw din niya mula roon ang dalawang barn at isang silo. Sa tabi niyon, there's an herd of cows feasting on the green grass.
Muli siyang napabuntong-hininga. Pakiramdam niya, nasa isang farm siya kaysa sa The Organization.
Too much for the excitement, she thought.
Agad siyang lumapit sa singnage na nakadikit sa dingding. Doon niya nabasa ang Golden Meadows Dairy Farm. Nakita rin niya sa ilalalim ng signage, mayroong ilang karton ng fresh milk tagged as free. At sa mismong glass door na heavly tinted nakasulat ang Keep Out!
Lalo siyang napakunot. Did she took off from the bus?
Maya-maya pa, kusang bumukas ang sliding door. Lumabas ang isang mama doon na may katabaan, naka-uniporme ng puti at may head cap.
"Surname," anito sa seryosong tinig.
Kumurap siya,mabilis na nilingon ang mga kasama niya. They were all lining up at her back. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa mama. "C-Cortez?" alanganin niyang sagot.
Agad na sinuyod ng tigin ng lalaki ang hawak nitong listahan. "Is that, Andrea?" anang lalaki nang muli itong mag-angat ng tingin, nananantiya.
Tumango siya. "Y-yes, Sir."
"Get in," anito, ikiniling pa ang ulo sa direksiyon ng pinto. "Next!"
Agad siyang humakbang papasok ng pinto. And that's when she was left in awe. Sumalubong sa kanya ang isang malawak na receiving area covered in black tiles and multiple monitors mounted on the wall behind the reception booth. There she saw men and women all clad in business suits busy pacing to what seemed like to her different offices inside the building.
Napakunot-noo siya nang mapansin sa isa sa mga monitors ang sarili niya. There was something written on the floor she was standing on. Agad niya iyong niyuko. Napangiti siya. She was standing on the logo of The Organization all painted in gold.
Chief once told them that the best place to hide something is in plain sight. At ngayon naiintindihan na niya, the whole place outside is just a dummy to hide all of these things that are inside.
Maya-maya pa, tumunog ang lift sa bandang kanan ng reception booth. Lumabas mula roon si Sir Maxwell na naka-three piece suit na rin.
"Eyes on me, APs!" anito. Agad naman silang tumalimang lahat. Sandali pang inayos ni Sir Maxwell ang eye glasses nito bago, "Conrgatulations on passing your first mission. Let me be the first to say to all of you, welcome to The Organization."
Napangiti siya. Totoo na talaga. Nandoon na siya. Nagbulungan ang mga kasama niyang iba't-ibang lahi. Noon naman tumabi sa kanya sina Ivan at Kevin. Hindi na lang siya nagtanong nang hindi niya makitang kasama ng mga ito si Dax. Mabuti na rin para hindi panira ng moment.
Maya-maya pa, nagbago ang feed sa monitors. It turned into one big monitor showing the map of the place. The map says that the building has 4 wings. Ang north wing, na nakapuwesto sa harapan ng building ay siyang nagsisilbing administrative office. Doon din daw naka-house ang mga trainers at board of directors ng The Organization. At ang East, West, at South wing all tagged with UG on it, for whatever that means, naman ay sadyang para sa mga aspiring protectors na kagaya nila.
"Lunch will be served at the mess hall in an hour. Don't be late or eat nothing. Understood, APs?" ani Sir Maxwell.
"Sir, yes, sir!" sabay-sabay nilang sagot.
"Now take a look at the board for your room assignments," ani Sir Maxwell bago tuluyang tumalikod at sumakay sa lift.
Agad siyang napatingin sa electronic board nang may mag-prompt doon na Read Me. Mabilis silang lumapit sa electronic board, naka-flash doon ang mga pangalan nila at kanilang mga room assignments. Si Ivan at Kevin sa South Wing naka-assign habang siya naman ay sa East Wing.
Maya-maya pa, the whole left wall opened exposing a series of elevators they could use. Nag-unahan silang makapasok sa mga elevators. Kaya lang, dinaan ng ibang mga lahi sa tangkad ang labanan. Naunahan tuloy silang tatlo nina Ivan at Kevin na makasakay.
There she discovered that all the east, west and south wings are all undeground therefore the UG sign on it during the presentation.
Muli siyang napangiti. Now, more than ever she's feeling the excitement she had been expecting eversince she and Chief had that first conversation about that place.
Naghintay sila ng ilang minuto pa bago nagkaroon ng available lift para sa kanila.
"Magpakabait ka do'n ha. H'wag ka masyadong masungit. Baka makahanap ka ng room mate na pumapatol sa babae, tiklop 'yang pagiging amazona mo," bilin ni Ivan sa kanya noong nasa lift na sila, panay ang ngisi. Masarap suntukin. Hindi siya sumagot, umirap lang.
"H'wag mong kalilimutang mag-text ha? At saka higit sa lahat 'yong gamot mo, h'wag mo kalilimutang inumin. Kapag tinutuliro ka na sa toyo, lima agad ang tira ng gamot, ha? Tandaan mo, para 'yon sa kapayapaan ng mundo. Naiintindihan mo ba, Andeng?" natatawang sabi Kevin, abot-tenga na ang ngisi.
Kusang rumolyo ang mga mata niya. Kahit talaga sa huling sandali bago sila maghiwa-hiwalay na tatlo, pinepeste pa rin siya ng dalawang bugok. Hindi na siya nakatiis. Mabilis niyang binitiwan ng duffle bag niya at magkasabay na inabot ang mga tainga ng dalawang bugok at binigyan ang mga ito ng masakit na pingot.
Panay-panay ang reklamo ng mga ito. Saka lang niya tinantanan ang tainga ng dalawang bugok nang tumunog na ang lift at bumukas iyon.
Nauna siyang lumabas sa mga ito. "Ano, hihirit pa kayo?" aniya, muling binitiwan ang duffle bag at nawaywang. Magkasabay na umiling ang mga ito habang nakahawak sa nasaktang mga tainga. "Good!"masiglang komento niya bago binigyan ng tig-isang tapik ang balikat ng mga ito. Muli niyang pinulot ang duffle bag niya. "Hasta la vista bugok boys! See you two sa lunch," dagdag pa niya bago tuluyang tumalikod at tinumbok ang daan patungo sa east wing.
E-18.
Napahugot siya ng malalim na hininga nang huminto siya sa tapat niyon. Ayon sa listahan, iyon ang magiging kuwarto niya sa loob ng anim na buwan, kasama ang roommate niya na makikilala pa lang niya.
Atubili siyang kumatok sa pinto bago niya pinihit ang seradura niyon. Dahan-dahan siyang pumasok sa 'di-kalakihang kuwarto. Kulay puti at gray ang kulay ng dingding. May dalawang pang-isahang kama na may kobrekama rin na gray. Sa gilid ng mga iyon, mayroong locker cabinet na kakulay din ng kobrekama. Mayroon din lampshade sa dalawang bedside table na kulay puti. Sa bandang kaliwa ay naroon ang isang pinto na sa tantiya niya ay CR.
Bahagya pa siyang napasinghap nang tumunog ang shower sa loob ng banyo. Agad na lumipad ang tingin niya sa nagkalat na gamit sa kabilang kama. Marahil nauna na ang room mate niya sa kanya.
Mabilis niyang tinungo ang bakanteng kama at ibinaba doon ang duffle bag niya. Nagtanggal na rin siya ng pantaas na uniporme. Iniwan niya ang itim na tank top na panloob bago siya nahiga sa kama.
Kung totoo ang sinabi ni Kevin kanina na siya lang ang mag-isang babae AP sa batch nila, ibig sabihin lalaki ang room mate niya.
Muli siyang napabuga ng hininga at tumitig sa kisame.
Kahit sino h'wag lang si Dax, hiling niya sa loob-loob niya.
Dahil kung si Dax ang room mate niya, hindi niya sigurado kung kaya niyang pagtimpian ang ugali nito nang anim na buwan na hindi man lang niya ito nasusuntok o nabubugbog nang kahit na isang beses.
Nag-init bigla ang pisngi niya nang maalala ang lalaking manyak. Maisip pa lang niya ito, inaaltapresyon na siya. Sana naman mamaya sa lunch, hindi niya ito makita.
Napapikit siya. Simula pa lang nakakapagod na. Pero kakayanin niya ang training. Kailangang kayanin niya. Hindi niya puwedeng biguin si Chief.
"Para kay Chief," napalakas na bulong niya habang nakapikit.
"Sino si Chief?"
Agad siyang nagmulat at napabalikwas ng bangon sa kama dahil sa narinig. Kusang nalaglag ang mga panga niya nang mapagsino ang lalaking nakatayo sa pintuan ng banyo. His hair was dripping with water and his half body was exposed for her eyes to explore.
Kusang pumintig ang sentido niya. Mukhang inaaltapresyon na 'ata siyang talaga.
"I-Ikaw?" nanlalaki ang matang sabi niya, tunog protesta.
Ngumisi ang lalaki, abot hanggang tainga bago, "Yes, mon cheri. It's me, Dax, you're roommate."###
2618words/3:33pm/07292021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro