23
"But if you want to pwede sa bahay."
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Maski siya ay napatingin lang din sa akin bago napahagalpak ng tawa. Habang ako ay nanatiling nakatitig sa kaniya. Ang cute niya tumawa, may pagka singkit pala talaga siya. Lalo na kapag tumatawa at ngumingiti siya.
"Huy, masyado mong sineryoso, kalma ka lang." ani niya nang bahagya akong alugin.
Napasimangot naman ako, "Tumigil ka na nga. Tara na, uuwi na ako." sagot ko at tumango siya. Lumabas na kami ng store at naglakad papunta ng exit.
"So... kailan ulit tayo magkikita?" tanong niya at napakagat ako sa pang ibaba kong labi.
"Ahm.. hindi ko alam, siguro, college na. Malapit naman na! Mag-aaral ako sa Manila para... medyo mas malapit sa Rizal." ani ko at tumawa siya bago inabot ang buhok ko at bahagyang inayos ang ilang hibla ng buhok ko.
"Okay, I'll try to pass in UP too, para mas madalas tayong magkita." he replied and i slowly nod.
Binawi na niya ang kamay niya at ilang segundo kaming nanahimik, "So... alis na ako, bye bye!" I said and he smiled before nodding. He put his hands inside his pockets as I walk towards the jeep. Sa may bandang huli na ako sumakay at habang umaalis ang jeep ay kumakaway kami sa isa't isa. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kahit mukha akong tanga dito ay hindi na bale, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero sobrang saya ko na nagkita na kami sa personal.
Kahit iilang buwan palang kaming magkakilala ay pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. Magaan ang pakiramdam ko sa kaniya at komportable ako sa mga oras na magkasama kami. Hindi ko alam kung tama pakinggan pero nakakakilig ang mga galawan niya. Buong pagkatao at tindig niya ay nakakakilig.
Nagbayad na ako sa jeep at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa labas ng venue. Medyo madilim na nang makabalik ako sa aming quarters pero hindi naman ako pinagalitan. Dahil busog na rin ako ay hindi na ako kumain pa at natulog nalang.
Kinabukasan ay awarding na. Medyo hindi ako ganoon ka confident ngayon. Lalo na at magaling mismo ang co-anchor ko at sa tingin ko ay mas deserve niya ang umabot ng nationals. May parte sa akin na ayaw ko na rin naman umabot doon. Dahil alam ko na mas pressure ay mas mahirap na kapag nationals na ang lalabanan. Pero maganda pa rin naman kung mananalo ako. Pero 'yon nga lang ay mas nanaisin ko na hindi na. Okay nang naranasan ko mag regionals. Sapat na ito sa akin.
Sa huli ay si Ivy lang ang nag first place sa amin. Masayang-masaya siya at naiyak pa, lahat naman kami ay masaya para sa kaniya. Pagkatapos ng awarding ay agad na rin naman kaming bumyahe pauwi. Ngayon ko nalang din naramdaman ang pagod.
6PM na nang makarating ako ng school, sinabi na rin agad sa akin nila maam na pwede daw na hindi na muna ako pumasok bukas at magpahinga na lang. Nakahiga ako sa kama at nakapag palit na nang dumating sila Ayen, Aila at Arven. Lahat silang tatalo ay napatili nang makita ako. Agad nagtatakbo si Aila papunta sa akin at agad akong dinamba ng yakap.
"Aray! Aila ang bigat ha!" ani ko bago bitawan ang cellphone at alisin ang is niya sa leeg ko.
"Hoy! Kamusta!? Kamusta ang laban!? Kamusta si ano..." tiningnan ako ng nakakaloko ni Ayen. Napatawa ako ng bahagya at napaupo na si Aila sa kama ko.
"Okay lang, olats pero okay na rin. At least nagka-experience ako ng regional, diba?"
sagot ko at tumango sila.
Tinapik ako ni Aila sa hita, "Oo nga, at least na experience mo." ani niya,
"Eh si ano? Yung ano.. si ano!!" turan ni Ayen at napahagalpak kami ng tawa.
"Nagkita kayo diba?" tanong niya at tumango ako. Biglang nagtilian ang tatlo at agad kaming tiningnan ng ibang dormers.
"Hoy! Tumahimik nga kayo! Nakakahiya kayo!" sita ko sa tatlo, si Arven ay hinampas-hampas pa ako. Kinikilig din naman si gaga!
"Mag kwento ka kasi!" singhap ni Ayen at napatawa ako bago tumawa at tumango.
"Oo na, ito na, mag ke-kwento na nga." ani ko bago umayos ng upon.
Huminga ako ng malalim, "So.. nagkita kami. Then... para siyang date, ganon. Okay naman, masaya." ani ko at tumango ang tatlo.
"At.. kayo na? Diba?" tanong ni Aila at napakunot ang noo ko.
"Hindi-
"Bakit?"
"pa, hindi pa." pagtutuloy ko at napasimangot ang tatlo.
"Para kang sira! Bakit? Sayang naman." Pagmamatktol ni Ayen at napakunot ang noo ko.
"Bakit naman? Paanong naging sayang? Nangliligaw pa rin naman siya. Sabi ko lang, bigyan niya pa ako ng oras. Tsaka kung disidido naman talaga siya ay hindi siya magsasawa maghintay diba?" seryoso kong turan at utay-utay tumango ang tatlo. Nagkatinginan pa sila sa isa't isa na medyo ikinapagtaka ko.
"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" Taka kong tanong at umiling ang tatlo.
"Wala naman, nag-aalala lang kami sayo. Mukhang umaasa ka nanaman eh. Paano kung hindi pala seryoso?" tanong ni Ayen at napakunot ang noo ko.
"Grabe ka naman.." narinig kong bulong ni Arven.
Napasimangot naman ako, "Oo nga, grabe ka, paano kung seryoso pala?" Tanong ko at nagkibit balikat si Ayen.
"Edi seryoso, sabi ko ko lang naman ay nag-aalala ako, kami sayo. Nakita namin kung paano ka nasaktan dahil sa kaniya. Kaya naman... Diba, nag-aalala lang ako sayo." Paliwanag ni Ayen at utay-utay akong tumango. Matapos ang pag-uusap na iyon ay natulog na kami at kinabukasan, kahit medyo pagod pa ako at masakit ang ulo ay pinilit kong pumasok. Walang mangyayari kung mag s-stay lang ako sa dorm. Wala rin naman akong ibang kausap dahil walang natitira sa dorm sa oras ng klase, kaya pumasok na rin ako.
Wala kaming klase ng first period at ginamit ko ang oras na yon para habulin kung may activity man ako na hindi nagawa. Sa second period na kami nagkaroon ng klase at hindi na ako kumain ng recess.
Pagdating ng last period namin ay wala na ulit kaming klase kaya naman ginamit ko ang oras na ito para matulog. Nakabawi ako ng tulog at pahinga bago pa man mag-uwian.
Pagkatapos ng araw ay ginawa ako na ang nga dapat kong gawin at hindi na nag-abalang kumain dahil tinatamad na rin ako at pagod pa rin.
"Ay tangina.." mahina kong mura nang may biglang tumawag sa akin. Nakalagay pa man din sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko kaya rambam na ramdam ko ang pag vibrate nito.
Kahit hindi tinitingnan kung sino ang tumawag ay sinagot ko ito.
"Hello? Gabi na ah.." I'm just informing whoever the caller is that it's almost 12 midnight and they're just calling at this time.
[Hello, sorry nagising kita, di ka pa kasi nag message simula kahapon, kaya nag-alala na ako.] My eyes squinted when I hear Bright's voice.
"Bright? Okay lang ako, sorry din kung di ako nakapag message kahapon at kanina. Busy sa school." sagot ko at narinig ko itong mag hum.
[Sige na, matulog ka na, ang lalim ng boses mo kapag bagong gising.] turan nito at napatawa ako.
"Oo nga, goodnight, matulog kana. Bye bye." Ani ko at nagkusot ng mata.
[Sige, goodnight, love you..] natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Mhmm, back to you." ani ko bago patayin ang tawag at muling natulog.
Nagpatuloy ang ganoon naming set-up. Minsan ay ako ang mauunang tumawag o mag message. Pero kapag busy ako lalo na at may research pa kami ay siya ang unang tumatawag. Hindi message, tawag talaga. Kaya minsan ay magugulat nalang ako na may tumatawag. Kapag nakikita nila Aila, Ayen at Arven ang pangalan niya o di naman kaya ay kapag narinig nila itong banggitin ko ay pinagti-tripan agad ako ng tatlo.
Pagsapit ng March ay kumuha na kami ng entrance exam sa UP. Kabado pero disidido akong makapasa kaya naman pinagbutihan ko talaga ang pagsasagot. Ilang buwan namin itong pinaghandaan kaya naman sayang kung hindi ako makakapasa. Pero malakas ang kapit ko na makakapasa ako. Alam ko sa sarili ko na kaya ko.
Akala ko ay magkikita rin kami ni Bright sa mga oras na 'yon. May mahalaga pa naman sana akong sasabihin. Magkaibang araw kasi kami kumuha ng exam kaya hindi kami nagkita.
Sa bus pabalik ng Tayabas ay hindi ako nakatulog sa biyahe. Nanghihinayang kasi ako. Gusto ko na talaga sanang sabihin sa kaniya pero hindi kami nagkita. Mas maganda kasi kung sa personal pero. Pero siguro ay okay na rin kahit sa phone lang. Sa tingin ko kasi ay sapat na ang oras ko at baka siya ay magsawa. Pero kagaya ng sabi ko, kung gusto talaga niya ay hindi siya magsasawa.
Alas doze na halos ng madaling nang makarating kami. Dahil sabado ay wala ng ibang estudyante dito. Hindi muna ako nag-ayos ng gamit at lumabas muna ng kwarto at saka tinawag si Bright.
"Hello? Nagising ba kita?" Tanong ko,
Nag hum ito, [Nope, I was playing. How's the exam?] He ask,
"Okay lang, nauna ka na ngang kumuha ng exam kaya dapat alam mo kung gaano kahirap o kadali." Biro ko napatawa siya.
"Ahm.. may gusto sana akong sabihin." Ani ko at muli itong nag-hum.
[What is it?] Tanong niya,
"Ahm.. anong petsa na?" Tanong ko,
[Ahm.. wait.] pansamantala siyang nanahimik sa kabilang linya.
[March.. 9, why?] Tanong niya,
"Mhmm, okay, paki tandaan, a year from now, anniversary na natin yan." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang hindi siya marinig na sumagot sa kabilang linya.
Nailang ako bigla, ayaw na ba niya? Nagbibiro lang ba siya? Hindi ba siya seryoso?
[I... oh God, really!? Wow! Really!?] Nakahinga ako ng maluwag nang mairinig ang masaya at excited niya boses.
Utay-utay akong tumango, "Oo, ayaw mo ba?"
[Gusto! Gustong-gusto ko! Sino ba naman ang hindi, diba?!] Napatawa ako ng bahagya at tumango.
"Mhmm, okay, edi.. its official!" I excitedly said and he giggle from the other line.
[Yes it is.]
He give more attention to me, something I didn't realize he would actually do. He updates me to his life, to his day. He sometimes send cute pictures of his cousin that I have once talked to via video call. Both of the little girls are cute, one is very energetic while one is shy type.
They also call me ate already which just melts my hearts. Sometimes, when someone is just a year or 2 years younger than me, I feel anxious when they call me ate. Bit Lila and Lali are not even in elementary, they're are still babies. And seeing Bright close to them, I gives a different kind of happiness to me. Bagay siyang maging daddy, well maybe someday.
"Oh my God! Everyone! Results in UPCAT came! It's here!" Sam squealed and my eyes widened. Almost everyone of us gasp as we immediately go through the website of the university and look for the results.
"Oh my God! Pasado ako!" One guy classmates of us who's name starts with A squealed.
One by one, everyone started screaming and squealing. I choked on my saliva as I saw my surname.
"Pasado ako! Oh my God! Pasado ako!" I squealed before looking at Ayen, Aila and Arven. Soon Aila, squealed then lean on her chair, probably crying, I don't know why but I know she passed.
"Oh my- pasado ako!" Ayen squealed and she immediately pull me to a hug.
Arven gasp, "Ohh... my... God! Ako rin!" Ayen and I both squealed before pulling her to the hug as well.
Arven pulled Aila's shirt and pull her to the hug, "Pasado ka rin! Alam namin!" turan ni Arven nang madala si Aila sa yakap.
"Takte, pasado ako!" Iyak ni Aila,
"Alam namin! Ikaw pa!" sabi ni Ayen.
Ilang segundo ay kumalas na kami sa yakap, muli kong dinampot ang cellphone ko at may hinanap na pangalan.
"Oh... shit! Parehas kaming sa Manila! Sa Manila!! Ayen! Pasado si Bright! Magiging magkaklase na kami! Ayen!" Pag-irit ko at napatawa si Ayen.
"Oo na nga, masyado kang excited, kalma sis!" sagot ni Ayen at hindi mawala-wala sa mga labi ko ang ngiti habang tinatawagan siya.
Few seconds and he answers, "Its out! The results! You passed! In Manila! UP Diliman! We will be classmates! We will get to see each other! Bright!" Tili ko at agad kong nakita ang nagtatakang tingin sa akin nlila Ayen at Arven.
He chuckled, [I know, Xavi kalma, nakita ko na rin. Nakita ko rin na nakapasa ka, congrats sa atin.] he said and a shy smiled appeared on my lips.
"I'm excited, after months, after summer, we will see each other daily." I said and he hum.
[Excited ka? Siyempre, makikita mo kagwapuhan ko araw-araw.] Napaganga ako sa kaniyang tinuran.
"Yak-"
[Hoy grabe ka! Patay na patay ka nga sa akin.] Nag-ala ala akong nasusuka at napahagalpak siya ng tawa.
"Yak! Kadiri! Ew!" Lahat na siguro ng kapintasan ay nasabi ko at mas napalakas ang tawa niya sa kabilang linya.
[Sama mo naman.] sabi niya at napatawa ako ng bahagya.
"Ang hangin mo kasi." sagot ko,
[Bad, yari ka sa akin kapag nagkita ulit tayo.] Tawa niya at napasinghap naman ako.
"Pag nagkita tayo, limot mo na 'to. Trust me." I said at napatawa siya.
[We'll see, kapag hindi, yari ka talaga sa akin.] He said at napa-irap lang ako.
"Sige na, I'll end the call." I said and he hum.
[Bye, love you.]
"Mhmm, I love you too." I said and end the call. Just as I put down my phone, the 5hree immediately gave me a itehr disgusted or confused look.
"I love you talaga? Harap-harapan? Pinapadama mo talaga sa amin na single kami, 'no?" turan ni Ayen at napatawa ako.
"Ang bitter sis, single ka lang." sagot ko at umirap ito.
"Oo na nga, single na. Alam ko naman. Di mo na kailangan ipamukha." Ani niya at napatawa ako at napa-iling.
Ilang linggo pa ang nakalipas. Nang sumapit ang graduation namin ay kagaya ng graduation sa Elementary ay marami ang nag-iyakan sa amin.
Ang iba kasi ay sa malalayong UP branch nakapasa. Kagaya nalang ng iba na sa Baguio o di naman kaya ang iba ay sa ibang region. Noong graduation lang naman ang akala mo'y mahal na mahal namin ang isa't isa at akala mo ay hindi nag away-away noon.
Pagkatapos naman ng graduation at umalis na kami sa dorm ay sobrang tahimik na ng group chats namin. Parang hindi nag-iyakan ilang linggo palang ang nakakalipas.
Pagsapit ng May ay nag-enroll na kami. Magkakasabay kami nila Tera, Addi, at Aila na mag-enroll. Bahagya rin kami nag libot-libot sa paligid ng UP at nag tingin-tingin ng apartment na pwede kaming tumira na malapit lang at maganda.
Pagkatapos noon ay kaunting shopping dahil kapag malapit na ang pasukan ay saka ako mamimili ng school supplies. Pagkatapos ay umuwi na rin kami at hindi na nagatagal pa sa Manila.
"Nakapag-enroll kana?" tanong konkay Bright bago humiga sa kama.
[Siyempre naman, ako pa! Dapat pala nagsabay na tayong mag-enroll para nagkita tayo. Sila Luke kasi, may kasalanan ka pa sa akin!] turan niya at nanlaki ang mata ko.
"Alala mo pa 'yon?" tanong ko at humagalpak siya ng tawa.
[Oo naman, sabi ko naman sayo eh! Ako pa! Yari ka sa akin sa pasukan!] ani niya at napahagalpak ako ng tawa.
"Sira ka-
"Xavi, sinong kausap mo?" napa-igtad ako nang sumulpot si mama sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko nga paala naisara iyon. Agad kong naibaba ang phone ko.
"Si Ayen ma, wala, nang-iistorbo lang." sagot ko at tumango ito bago umalis. Sinigurado ko muna na wala na siya bago muli kong inilagay sa may tenga ang cellphone ko.
[Ayen pala ha? Si Ayen na boyfriend mo." nagtatampo niyang turan.
Napasimangot ako, "Sorry na, alam mo naman na-"
[Oo na, oo na, hindi pa rin naman alam nila daddy, hindi nga nila alam na break na kami ni Ianna.] Natigilan ako sa kaniyang sinabi.
Hindi pa rin alam ng magulang niya na wala pa sila? Edi ibig sabihin ay sa mata nila ay silang dalawa pa rin? Ang akala nila ay si Ianna pa rin?
Pero wala naman akong dapat ipag-alala diba? Tapos na sila, iyon ang sabi ni Bright. At may tiwala ako kay Bright at naniniwala ako sa kaniya.
[Sige na, maglalaro muna ako. Bye.] turan niya at nag hum lang ako.
"Sige, bye." Ani ko at pinatay ang tawag. Walang I love You? Siguro ay nalimutan lang niya.
"Ilang linggo nalang, ilang linggo nalang magkikita na tayo, ulit, at araw-araw." Bulong ko bago ipinikit ang mata para matulog.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•3•
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro